"YOU better watch out, you better not cry, you better not pout I'm telling you why. Santa Claus is coming to town" Napatakip na lang sa dalawang tenga si Jessa ng marinig na naman niya ang mga batang namamasko sa labas ng kanilang bahay
"Ma! Paalisin mo nga ang mga batang 'yan. Ang ingay ingay!" Sigaw ni Jessa sa kanyang kwarto at dumapa sa kama sabay tinabunan ang ulo ng dalawang unan para hindi marinig ang mga batang patuloy pa din sa pagkanta ng pangkaraniwang inaawit kapag sumapit na ang Septyembre hanggang Desyembre
"Urrgh!" Ungot ni Jessa sa ilalim ng unan at umupo sa pagkakadapa
Alam niyang nandoon na naman sa labas ang Mama niya at nakikinig na naman sa mga pampaskong kanta
Lahat ng kanilang pamilya ay naa appreciate ang hiwaga ng pasko tanging siya lang ang hindi. Ewan ba niya, basta kapag pasko na ang pag-uusapan ay naiinis siya
"He sees you when you're sleeping
He knows when you're awake
He knows if you've been bad or good
So be good for goodness sake" Rinig na naman niya sa mga batang patuloy pa din sa pagkanta
Padabog na tumayo sa pagkakaupo sa kama si Jessa at itinaas ang venetian blinds sa kanyang kwarto saka binuksan ang bintana
"Hoy! Umuwi na kayo. Paulit-ulit na lang kayong bumabalik dito para mamasko—umalis na kayo, alis!" Taboy ni Jessa sa mga bata
"Jessa! H'wag kang bastos?! Hayaan mo ang mga batang kumanta ng mga kantang pamasko!" Sigaw ng Mama niya sa baba at tiningnan siya mula sa taas
Umirap lang siya sa hangin at isinarang muli ang salamin na bintana pagkatapos ay pasalampak na inupo ang sarili sa malambot na kama
"Nakakainis!!" Sigaw niya sa loob ng kanyang kwarto
"Ba't ba kasi may pasko pa?!" Pagmamaktol niya at ihinampas ang dalawang kamay sa kama
"Jessa!" Napalingon si Jessa sa kanyang likuran ng pumasok ang Mama niya sa loob ng kanyang kwarto habang masama ang tingin sa kanya
Kunot ang nuong sinundan ng tingin ni Jessa ang kanyang Mama na papalapit sa kanya
"Ba't mo ginawa 'yun ha?" Nakapamewang na tinanong siya nito na nakatayo sa kanyang harapan
Ipinatong naman ni Jessa ang dalawang braso sa kanyang dibdib
"Like duh! Ma, hindi ba kayo nagsasawa na paulit-ulit na lang bumabalik ang mga bata dito para mamasko? Ang boring pakinggan ng mga kanta nila alam mo ba 'yun?" Parang hindi ang kanyang ina ang kanyang kausap
"Ano na bang nangyayari sa'yo Jessa? Hindi ka naman ganyan dati ah?" Napapantistikuhang tanong na naman ng Mama ni Jessa sa kanya
Inirapan niyang muli ang kanyang sariling ina at humiga sa kama habang ang dalawang paa ay nakaapak pa din sa sahig ng kanyang kwarto
"It's really obvious Mom, I hate Christmas." Walang kaemo-emosyon niyang sagot dito
Nang sumapit ang Septyembre ay naging miserable na ang buhay niya
Wala na siyang ganang pumasok sa kanilang paaralan dahil puro na lang pasko, pasko, pasko, pasko! Ano bang meron sa pasko na 'yan eh kakain ka lang naman tapos magcecelebrate kasama ang mga pamilya mo
"Hindi talaga kita maintindihan Jessa, sumasakit ang ulo ko dahil sa'yo." Napapailing na tugon ng kanyang ina at lumabas ng kanyang silid habang hinilot hilot ang sentido
"Hindi talaga kita maintindihan Jessa, sumasakit ang ulo ko dahil sa'yo." Panggagaya ni Jessa sa boses ng kanyang ina at nagtalukbong ng kumot
—
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Jessa ng malaman niyang puro pampasko na naman ang pinag-uusapan ng kanyang mga kaklase. Pumasok siya para may mapag-aralan hindi mamasko o 'di kaya ay magtanim ng bulaklak at maghakot ng mga lupang sako sako ang dami
"Jessa, ano sama ka ba sa'min?" Nakangiting tanong ng kanilang president sa kanilang silid aralan
"Sasama? Saan?" Nakakunot ang nuong tanong din niya pabalik
"Hindi mo ba naririnig ang mga pinag-uusapan namin? We're planning to have a carolling later. Ano sama ka?" Excited na tugon nito
"Thanks but no thanks na lang, pero ayoko." At maarteng ipinatong ang kanyang hita sa isang hita niyang nakababa
"Jessa, sige na para din naman 'to sa'tin eh. You know, magagamit natin ang perang makukuha natin sa pamamagitan ng pag-awit sa mga bahay na madadaanan natin" Pangungumbinsi nito sa kanya
Naiintindihan naman niya ang side ng kanilang president. Ayaw niya lang talagang sumama dahil nga hindi niya gusto—tamad siya pagdating sa mga ganitong activities, at hindi siya nakikisama sa mga cooperation
"Kung hindi ka talaga namin mapipilit, wala na kaming magagawa diyan." Sagot nito at ipinagpatuloy ang pagpaplano sa mga nais nitong gawin para mamaya
Napabalikwas sa pagkakahiga si Jessa ng marinig niya ang mga pamilyar na boses na kumakanta sa labas ng kanilang bahay
Sumilip siya sa kanilang venetian blinds at inaninag ng mabuti kung sino ang mga itong nangangarolling sa labas
"Joy to the world, the Lord is come
Let earth re—ceive her King!
Let ev—'ry heart pre—pare his room.
And Saints and an—gels sing, And Saints and an—gels sing.
And Saints, and Saints and an—gels sing." Kanta ng kanyang mga kaklase sa labas ng kanilang bahay
"Ma! May tao sa labas!" Sigaw niya na nakaharap sa kusina
"Pumunta ka sa labas, bigyan mo ng pera!" Sigaw din nito pabalik
Imbes na sundin niya ang sinabi ng kanyang ina ay umakyat siya patungo sa kanyang kwarto at kinalikot ang kanyang mamahaling cellphone. Bahala sila sa labas kakahintay
"Namamasko po!!" They joyfully yelled in chorus
Alam niyang lumabas ang kanyang ina mula sa kusina at binigyan ng pera ang kanyang mga kaklase sa labas
Kahit sentonado pa ang mga taong kakantahan sila ay bibigyan talaga sila ng kanyang ina ng malaking pera
"Jessa! Hindi ba't sinabi ko sa'yo na bigyan mo sila ng pera?! Ano ba, bakit hindi mo sinusunod ang utos ko ha?!" Pangaral na naman nito
"Nakakainis naman oh?! Bakit ba palagi ka na lang mag-uutos sa'kin na kailangan bigyan ko siya, bigyan sila eh ikaw naman ang gustong awitan ang bahay na ito! Dapat ikaw ang nagbibigay hindi ako!" Sigaw niya sa kanyang ina na ikinagulat ng husto nito
"Aba't sumasagot ka na sa'kin ha?" Tugon ng kanyang ina at dali-daling nilapitan siya sabay sinampal ang kanyang labi
"Saan ka ba natuto ng ganyan ha Jessa?! Hindi kita pinalaki ng ganyan. Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay natin lalo na ang mga nakakatanda kapag nakita ka nilang ganyan ka umasta, syempre kami ng Papa mo ang mapapahiya hindi ikaw!" Sigaw din nito sa kanya pabalik
"Nagtatanong pa talaga kayo kung bakit ako nagkakaganito? Saan ko ba nga 'to palaging naririnig?" At ipinatong ang dalawang daliri sa kanyang baba na tila nag-iisip
"Alam ko na! Narinig ko pala 'yun sa mga magulang ko no'ng grade six pa ako. Oo tama, grade six ako grade six!" Napatango tango na sagot niya
Salubong ang dalawang kilay na tiningnan siya ng kanyang ina na parang inaaral siya. Hindi niya talaga iyon makakalimutan, kitang kita ng dalawang mata niya na nagpapalitan ng mga salita ang kanyang Mama at Papa at doon siya natutong magmura sa murang edad pa lamang
"Nag-iiba ka na talaga Jessa,"
—
Mahimbing ang tulog ni Jessa sa kanyang kwarto habang naka off ang ilaw at tanging ang lampshade lamang ang nagsisilbing liwanag sa kanyang maluwag na kwarto. Tumagilid siya ng higa at dumantay sa unan na palagi niyang inilalagay sa magkabilang gilid niya para hindi siya tabihan ng kung ano
"You better watch out, you better not cry, better not pout. I'm telling you why—Santa Claus is coming to town" Nagusot ang mukha ni Jessa ng marinig niya ang kantang kinakanta ng mga batang namamasko sa kanila no'ng nakaraang araw
Kahit tulog siya ay alam niyang hindi iyon ang mga batang nangangarolling sa labas, isa iyung tape na parang inilagay sa DVD Player para marinig ang awit
"He's making a list, and checking it twice. Gonna find out who's naughty and nice—Santa Claus is coming to town" Masakit ang ulong bumangon sa pagkakahiga si Jessa sa kama at binuksan ang pintuan at tiningnan ang hagdanan pababa kung meron bang tao sa kanilang sala
Mukha namang wala dahil ang tanging nakabukas lang na ilaw ay ang Christmas Lights na nakasabit sa kanilang Christmas Tree
"Ma, Pa?" Tawag niya sa kanyang magulang at sumilip sa baba, pero wala talagang tao
Dahil nakukyoryus siya ay bumaba siya galing sa taas dahan dahan at ingat na ingat na hindi siya makakagawa ng anumang ingay
"He sees you when you're sleeping, he knows when you're awake. He knows if you've been bad and good—so be good for goodness sake." Napatigil sa paglalakad si Jessa patungong kusina ng makakita siya ng isang matangkad na lalaki, mataba ito at nakasuot ng pula na makapal na damit
Nakaharap ito sa chimney at parang may inilalagay sa mga medyas na nakasabit doon
"Sino ka?" Napapitlag sa gulat ang lalaki at hindi gumalaw sa kinatatayuan
"Ang sabi ko sino ka? Ba't ka nakapasok sa bahay namin?" Tanong niya ulit dito
Dahan-dahan namang humarap ang matandang lalaki na may puting balbas sa mukha may salamin ito sa mata at isa lang ang kilala niya. Ito ay si Santa Claus
"Maligayang pasko Jessa."
Napabalikwas si Jessa sa pagkakahiga sa kama at pinahid ang mga pawis na namumuo sa kanyang nuo, anong klaseng panaginip iyon at bakit nakita niya si Santa Claus—hindi naman siya totoo
Tiningnan niya ang orasan na nasa bedside table, alas sais na pala ng umaga at kunting takbo na lang ng oras ay malalate na siya.
"Ate? Gising ka na ba, kakain na daw sabi ni Mama." Katok ng kanyang kapatid sa pintuan ng kanyang kwarto
Dati naman ay ang kanyang ina ang gumigising sa kanya—anong nangyari? Ah. Nakalimutan niyang nagkasagutan pala sila kagabi
"Oo na, bababa na ako—" Sagot naman ni Jessa at dumeritso sa banyo para maligo
—
"Ilan nga ulit ang perang nakuha natin kagabi?" Rinig niya sa mga kaklase niyang nakaupo sa kanyang likuran
"More than five hundred, bakit?" Sagot naman ng kanyang kaklase
"Kulang pa 'yan, punta din kaya tayo sa kabilang barangay baka makakakuha pa tayo ng higit sa five hundred. Ano sasama ka pa ba?"
"Oo naman! Masaya kaya ang mamasko!" Magiliw na sagot nito
Halos tumirik na ang mga mata ni Jessa kakairap ng pasikreto dahil sa narinig
Para sa kanya hindi masaya ang pasko, ang pasko ay boring! At walang pinagkaiba sa mga event na alam niya
"Hoy, tahimik ka diyan?" Siko sa kanya ni Penrose na ikinatingin niya dito
"Bawal bang manahimik muna sa ngayon ha?" Pagsusungit niya dito na ikinaarko ng isang kilay ni Penrose
Isa din 'tong babaeng 'to eh. Ang sarap hambalusin ng bilao sa mukha—
"Alam mo Jessa may napanaginipan ako kagabi," Panimula nito
"Oh tapos? Hindi naman ako nagtanong ah?" Sarkastiko niyang sagot at umusog ng kunti papalayo kay Penrose
"Pwede bang makinig ka muna? Kilala mo ba si Santa Claus? Siya 'yung napanaginipan ko kagabi." Bulalas nito
Napatigil si Jessa sa narinig
So, totoo nga talaga si Santa Claus? Akala niya siya lang ang nagkaroon ng panaginip na ganoon
"And then anong nangyari ha?" Nakukyoryus niyang tanong at hindi ito tiningnan
"Napanaginipan ko siya. Pumasok daw si Santa Claus sa bahay namin at naglagay ng maraming maraming regalo sa ibaba ng Christmas Tree ang sabi niya pa sa'kin Maligayang pasko Penrose " Pagkukwento nito sa kanya
Doon na niya binalingan si Penrose, gusto niyang malaman kung ano ang ibig sabihin ng panaginip nito at ng panaginip niya
"Anong ibig sabihin ng panaginip mo Penrose, gusto ko ding malaman." Simple niyang tanong dito
Nagkibit balikat lang si Penrose at tumingin ng diretso sa harapan
"Ewan, pero ang naalala ko na kapag nagpakita daw si Santa Claus sa panaginip ng isang tao ibig sabihin ay maswerte ka dahil nagpakita siya sa'yo at binigyan ka ng regalo. Kahit haka-haka lang si Santa Claus ay nagbibigay pa rin daw ito ng swerte" Pagsasalaysay ni Penrose
Napa-isip si Jessa. Kung swerte nga talaga ang ibig sabihin ng mapanaginipan nito si Santa Claus, ano namang kabaliktaran ang napanaginipan niya
"Kung swerte ang mapanaginipan si Santa, ano namang ibig sabihin kung may maririnig kang kanta na tungkol kay Santa?" Tanong niya dito
"Ang alin? Iyong Santa Claus Is Coming To Town?" Tanong din nito sa kanya
Hindi siya sumagot sa halip ay tumango lang siya
Napasinghap si Penrose sa kanyang tango
"Malas 'yan! Narinig mo naman siguro kung anong ibig sabihin ng kanta hindi ba?" Sa sunod na tanong ni Penrose sa kanya ay umiling na siya
Paano nito nasabi na malas ang kanyang napanaginipan kanina
"Diyos ko Jessa! Wala ka bang alam kahit kunti man lang sa kantang 'yun?" Nagtatakang bulalas ni Penrose
Umiling ulit siya
Napatampal na lang sa sariling nuo si Penrose at tiningnan ulit siya
"You better watch out, dapat na nakamasid ka. You better not cry, dapat hindi ka iiyak, better not pout I'm telling you why—Santa Claus is coming to town
He's making a list, and checking it twice. Gonna find out who's naughty and nice—Santa Claus is coming to town. Ang ibig sabihin ng kantang 'yun ay nangunguha si Santa ng mga bata o hindi kaya ay kagaya natin. Ang mga pinopunterya niya ay ang mga batang hindi naniniwala sa espirito ng pasko—" Pagpapaintindi ni Penrose sa kanya
May parte sa kanya na ayaw maniwala sa sinabi ni Penrose, para kasing may mali? Para sa kanya mabait si Santa Claus at hindi iyon nangunguha ng mga bata kapag hindi naniniwala sa pasko
"Hindi ako naniniwala, sinong may sabi?" Tanong niya pa kay Penrose
"Si Lola, naranasan na niya kasi 'yan. Muntik na nga siyang kunin ni Santa dahil hindi siya naniniwala sa pasko no'ng bata pa siya." Sagot naman nito
So, kapag hindi pa din siya maniniwala at hindi bibigyan ng importansiya ang pasko kukunin din siya ni Santa? Kwentong pambata lang 'yan para matakot at maniwala sa paskong dati pa nakagisnan
"Napanaginipan mo ba?"
"Ha? Hindi 'no?!" Mariing tanggi niya dito
Napangisi naman ng nakakaloko si Penrose at hinagod siya ng tingin
"Ingat ingat ka kay Santa Jessa, baka ikaw na ang susunod na dadalawin niya—" Huling sabi nito sa kanya at umalis na sa tabi niya
Sinundan niya ng tingin si Penrose hanggang sa makabalik na ito sa sariling upuan. Hindi niya mapigilang mapatawa sa sinabi nito sa kanya
Imposibleng mangyari 'yun. Santa Claus is not harmful, he can't kill and he can't yatch—
—
"Ate pwede patulong gumawa ng Christmas cards?" Bungad sa kanya ng kanyang kapatid pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay
"Pagod ako, kaya h'wag mo akong disturbuhin. Naiintindihan mo ba ako?" Sagot ni Jessa sa kanyang bunsong kapatid na nakahawak ng isang bondpaper at crayons
"Sige na Ate, busy kasi si Mama at Papa eh." Giit nito
"Mamaya na lang pwede o baka bukas na lang. Madali lang naman 'yan eh—" Palatak ni Jessa at nilampasan ang kapatid na babae
Palusot lang ang ginawa niya para hindi na siya kulitin ng isang 'yun. Nakakainis din kasi ang kapatid niya, pakiramdam niya kasi ay nagpapalambing ito sa kanya na parang siya ang Mama
"Hay! Salamat makakatulog na din ako." Bulalas niya at inihagis ang bag sa gilid ng kanyang kama at lumundag sa kanyang kama na sobrang lambot
Ito ang gusto ni Jessa, ang umuwi na walang problemang iniisip at walang utos na bubungad sa kanya pagkapasok na pagkapasok niya sa loob
Kahit hindi pa siya nakakapagbihis ay okay lang sa kanya ang importante ay makakabawi siya sa pamamagitan ng ilang oras na pamamahinga
Alas dose ng gabi, hindi pa din nagigising si Jessa. Nakasuot pa din siya ng kanyang uniform at hindi pa siya nakakapaghapunan, masarap ang tulog niya at parang ayaw na niyang magising dahil nasa loob siya ng kanyang napagandang panaginip
Nakapikit na nagsalubong ang dalawang kilay ni Jessa habang nakatihaya siya at nakapuwesto ang dalawang kamay sa bandang tiyan. Hindi siya makagalaw at parang may nakadagan sa kanya na anumang mabigat na bagay
Sa kanyang panaginip ay natutulog siya ng sobrang himbing. Kitang kita ni Jessa ang sariling nakahiga sa sariling kama habang nakasuot ng kanyang paboritong pantulog, pinagmasdan niya lang ng mabuti ang sarili habang hindi gumagalaw sa kinahihigaan
Napatingin si Jessa sa nakasaradong pintuan ng may mapansin siyang parang may nakatayong tao sa labas ng kanyang kwarto. Tanging anino lang ang nakikita niya sa maliit na siwang ng kanyang pintuan malapit sa sahig
Tiningnan niya ang sarili na nakahiga pa din sa kama at mahimbing na natutulog. Gusto niyang gisingin ang sarili pero hindi siya makalapit dito
Napatingin ulit si Jessa sa pintuan ng humaginit ang may kalumaan na nilang sahig. Napatayo siya ng tuwid ng umayos din ng tayo ang anino at umatras pagkatapos ay naglakad pababa sa hagdanan
Sa ikatlong pagkakataon ay nakita na niyang tumagilid ang sarili sa kama, dumantay ito sa unan na nasa gilid. At inalis ang kumot na nakapatong sa katawan nito
Napatingin ulit si Jessa sa pintuan ng marinig niya ang kanilang lumang stereo na pagmamay-ari pa ng kanyang lola, tumunog ito ng isang awitin na ayaw niyang marinig—napatakip siya sa dalawang tenga ng magsimula na itong tumunog na parang nirecord lang sa radyo dahil sa kalidad ng tunog
You better watch out, you better not cry, better not pout I'm telling you why. Santa Claus is coming to town
Bumangon sa pagkakahiga ang kanyang sarili at sinundan ito kung saan ito pupunta. Basta may marinig lang siyang kaluskos o anumang bagay na magpapagising sa kanya ay magigising talaga siya
Binuksan nito ang pintuan at lumabas. Nakapaa lang si Jessa at dahan-dahang bumaba sa hagdanan
He's making a list, and checking it twice. Gonna find out who's naughty and nice—Santa Claus is coming to town
Sinundan niya ang sarili hanggang sa makababa na ito papuntang sala. Madilim ang kapaligiran at tanging ang Christmas Lights ang nagbibigay ilaw sa loob ng kanilang bahay
Nagtaka siya kung bakit umaapoy ang kanilang tsiminea. Malakas ang liwanag ng apoy dahil maraming kahoy ang nakagatong doon
At dahil sa medyo may kalayuan siya sa kanilang tsiminea, hindi niya maaninag kung sino ang nakaupo sa malaking pang-isahang sofa na nakaharap sa kanilang fireplace
Sumasabay ito sa kantang nakaplay sa stereo habang nakamasid sa apoy na sumasayaw dahil sa hangin na galing sa taas ng kanilang tsiminea
"Sino ka? At bakit ka nakapasok sa bahay namin?" Tanong niya sa isang taong nakaharap pa din sa tsiminea
Pinagmasdan lang ni Jessa ang sariling kinakausap ang taong nakaupo sa sofa. Hindi siya gumalaw sa halip ay tiningnan niya lang ang kanyang sarili na nakatayo pa din sa may bandang hagdanan malapit sa Christmas Tree
"He sees you when you're sleeping, he knows when you're awake. He knows if you've been bad and good—" Sabay ng lalaki sa kanta
Napatingin si Jessa sa sariling nakatayo pa din sa hagdanan. Alam na niya ang susunod nitong gagawin—hahabulin siya ng lalaking nakapasok sa kanilang bahay at papatayin
"Takbo!!" Sigaw niya dito na hindi man lang narinig ng kanyang sarili
"So be good for goodness SAKE!!" Tapos ay tumayo ito sa pagkakaupo at hinarap siya
Napaatras sa pagkakatayo ang kanyang sarili at nangangapa ng kung ano man ang makakapitan
"Takbo! Tumakbo ka na!" Sigaw niya ulit dito
"Maligayang pasko sa'yo Jessa—" Bati ng nasabing Santa Claus na karaniwang nabubuhay kapag malapit na ang pasko
"Takbo Jessa! Tumakbo ka na, papatayin ka niya!" Sigaw niya sa kanyang sarili at pinaalis ito sa pamamagitan ng pagwawagayway niya sa kanyang dalawang kamay
"Kumusta ang pasko mo Jessa? Masaya ba?" Tanong ni Santa Claus sa kanya
Hindi sumagot si Jessa sa halip ay tumakbo ito pabalik sa taas at inilock ang pinto ng makapasok ito sa kwarto
Nagsitayuan lahat ng balahibo ni Jessa sa katawan ng lumingon ito sa kanya at nginisihan siya ng nakakaloko. Nakikita siya nito na mas ikinatakot niya pa
Totoo nga talaga ang sinabi ni Penrose tungkol kay Santa, swerte nga kung madaming regalo ang bubungad sa'yo sa panaginip. Pero kung ganito? H'wag ka ng umasa pang makakaligtas ka
"Hanggang sa huling panaginip, Jessa." Huling sabi nito at umakyat sa hagdanan papunta sa kanyang kwarto
—
Hinanap ni Jessa ang sarili kung saan ito nagtatago at nakita niyang nakadapa ito sa ilalim ng kama habang tinatakpan ang bibig para hindi makagawa ng anumang ingay
"Nandito na ako..." Napapikit ng mariin si Jessa ng marinig niya ang boses ni Santa na nakapasok na ng tuluyan sa kanyang kwarto
Hindi kasali ang mga magulang at kapatid niya, tanging siya lang at si Santa ang nasa panaginip
"Nasaan ka na? Lumabas ka na diyan. May regalo ako para sa'yo" Tawag ni Santa sa kanya at pabalik balik ang lakad sa harap ng kanyang kama
Alam niyang kapag gagalaw siya ay mapapansin kaagad ni Santa na nasa ilalim siya ng kanyang kama. Nagkamali siya sa ginawang pagtago
Hindi niya kaagad malalaman kung nasaan si Santa dahil hindi niya ito nakikita dahil nakaharap siya sa dingding ng kanyang kwarto ang kanyang dalawang paa naman ay nakaharap sa pinto
Natahimik ng ilang segundo ang kanyang kwarto at parang wala ng tao sa loob maliban sa kanya
"Ahhh!" Sigaw ni Jessa ng hilahin nito ang kanyang dalawang paa palabas sa ilalim ng kama
"Huli ka!" Bungad sa kanya ni Santa at pinatihaya siya sabay labas ng matulis na kutsilyo at itinusok sa mukha niya
"Jessa! Jessa, gising!" Napabalikwas ng bangon si Jessa ng maramdaman niyang may yumuyogyug sa kanya
Napatingin siya sa kung sino ang gumising sa kanya. Si Lenie ang kanyang pinsan
"Ate L-lenie," Umiiyak na saad niya at napayakap na lang dito
"Ba't ka ba umiiyak ha? Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong sa kanya ng pinsan
Hindi siya sumagot sa halip ay iyak lang siya ng iyak sa balikat nito. Oo na, maniniwala na siya bibigyan na niya ng importansiya ang pasko
Takot na takot siya ng mahuli siya ni Santa, muntik na siya nitong patayin. Salamat na lang sa kanyang pinsan ng ginising siya nito
"Ano bang nangyayari sa'yo. Narinig kasi kitang sumisigaw ng nasa sala ako at nanonood ng telebisyon, pagkapasok ko dito sa kwarto mo nakita kitang nagsisigaw habang nakapikit ang iyong dalawang mata. Abala ka din sa pagkampay ng iyong mga kamay na tila may itinataboy ka, sabihin mo nga sa'kin Jessa—binangungot ka ba?" Tanong na naman nito
Napatango na lamang siya at pinunasan ang mga pawis na namumuo sa kanyang nuo.
"N-nagtago daw ako sa ilalim ng kama. T-tapos nahuli ako ni S-santa, papatayin niya daw ako Ate Lenie." Humihikbing sagot naman ni Jessa
Napapailing na ginulo naman ni Lenie ang kanyang buhok at pinisil ang kanyang pisnge
"Iyan kasi, hindi naniniwala sa pasko. 'Yan tuloy—dinalaw ka ni Santa sa panaginip." Sabi nito
Simula ngayon, maniniwala na talaga siya. Hindi niya makakalimutan ang panaginip na iyon; mananatili iyong nakatatak sa utak niya at magdadasal na din siya para hindi na siya bangungotin pa.....