WELL I don't wanna live my life, too many sleepless nights—
Sa bawat pikit ng aking mga mata sa gabi ay hindi ko maiwasang makita ang mga senaryong ibinaon ko na sa limot. Palagi kong naiisip na bakit ko ba nagawa ang mga bagay na hindi ko dapat ginawa
"Francis, is that you?" Awtomatikong napabalikwas ako sa pagkakahiga ng marinig ko na naman ang boses niya
Ang boses na 'yun—ang boses na kinatatakutan ko
"Francis bakit?" Puno ng hinanakit na usal nito na ikinatakip ko sa aking dalawang tenga
"T-tama na." Nauutal kong bulalas at mariing pinikit ang aking mga mata
"Bakit!" Sigaw nito na ikinapitlag ko sa gulat na may dalang takot
"Anak, Francis. Bakit ka ba sumisigaw?" Nagmamadaling pumasok si Mama ng marinig niya akong nagsisigaw
" 'Y-yung babae, na-nandito siya—" Natataranta kong tugon na nakatitig sa kawalan
"Sinong babae ba ang tinutukoy mo Francis. Hindi kita maintindihan." Salubong ang dalawang kilay na sabi naman ni Mama
Hindi ko siya sinagot, sa halip ay tinitigan ko lang si Mama na nakatayo sa aking harapan. Ano na ba ang nangyayari sa'kin? Nababaliw na ba ako?
"M-ma, tulungan mo a-ako. N-nandito siya—papatayin niya ako." Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko si Mama
"Matulog ka na. Pagod lang yan, bakit ba palagi mong inaabala sa trabaho ang sarili mo? 'Yan tuloy kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip mo?" Palatak ni Mama at pinatay ang ilaw sa aking kwarto.
Bumalik ako sa pagkakahiga
Natatakot ako, na baka sa pagtulog ko ay makita ko na naman siya
* * *
"Anak kumain ka na, lumalamig na iyang pagkain mo?" Sabi ni Mama na ikinatingin ko sa kanya
Nagbaba ako ng tingin sa pagkain at walang ganang tiningnan ito
"Sige na kumain ka na—"
Nag-angat ulit ako ng tingin kay Mama at naturang nanlaki ang aking mga mata sa nakita
Iyong babae... Iyong babae na sinasabi ko
"Kain ka na Francis—" Malambing na pagkakasabi nito
Hindi ako makagalaw, ni kahit pag galaw ng bibig ay di ko magawa
"Sabi ng kumain ka!" Sigaw nito
Napatayo ako sa biglaan niyang pagsigaw. Napansin kong naging alerto ako, bigla ko na lang pinulot ang bread knife at itinutok ito sa kanya
"H'wag kang lumapit sa'kin?!" Pagbabanta ko at umatras
Sa bawat pag-atras ko ay siya namang unti-unting lumalapit sa'kin
"Ano Francis? Natatakot ka ba?" Sabi ng babae sa malamig na boses
"Tumigil ka na,"
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo Francis—"
"Tumahimik ka!"
"Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa pamilya ko!!"
"Sinabi ng manahimik ka!" Sinugod ko ang babae at akmang sasaksakin siya ng may biglang umawat sa'kin at itinulak ako
"Kuya Francis! Ano bang ginagawa mo, balak mo bang patayin si Mama?!" Bulyaw ng aking kapatid at inalalayan si Mama na nanginginig sa takot
Doon ko lang namalayan na pati si Mama ay muntikan ko ng mapatay
"M-ma, sorry—so-sorry po. Hindi ko po sinasadya" Nilapitan ko si Mama at lumuhod sa harapan niya gusto kong humingi ng tawad
"Ano ba Kuya! Baka mas lalong matakot si Mama sa'yo." Pagtataboy sa akin ni Vence
Makalipas ang ilang araw na walang nanggagambala sa'kin ay nakahinga ako ng maluwag hanggang sa dumating na naman ang kinatatakutan ko. Malakas siya—mas nagiging agresibo siya
"Hindi kita mapapatawad Francis, tandaan mo 'yan." Pagpapahiwatig nito na ikinanginig ko naman sa takot
Bakit ayaw niya pa din akong pigilan, nananahimik na ako
"Anak—"
"Ma! Nandito na naman siya—ginugulo niya ako" Parang baliw kong sabi at hinawakan si Mama ng sobrang higpit sa dalawang balikat
"Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa'yo, magpunta tayo sa psychiatrist na kakilala ko magpatingin ka—baka sakaling matulungan ka niya" Hindi ko napigilan si Mama sa gusto niya napapayag niya ako sa gusto niya nagpunta nga kami sa psychiatrist na kakilala ni Mama
***
"Ano bang napapansin mo sa kanya?" Tanong ni Mrs Sanchez kay Mama
"Hindi ko alam. Basta bigla na lang siyang sumisigaw, palagi niyang sinasabi sa akin na nandito na daw 'yung babaeng nagpapakita sa kanya at ginugulo siya—" Sagot ni Mama sa tanong ni Mrs Sanchez
Nakatungo lang ako at nilalaro ang aking mga daliri habang nakikinig sa usapan nilang dalawa
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin—naguguluhan ako
"Anak, may titingnan lang si Mrs Sanchez—" Hinging permiso sa akin ni Mama at pilit ipinaharap kay Mrs Sanchez
Pagkaharap na pagkaharap ko sa psychiatrist na sinasabi ni Mama ay nakita kong may hawak itong maliit na flashlight
Agad niyang inilawan ang mga mata ko at tiningnan ang mga ito
"Kulang sa tulog ang anak mo Ms Latawan, siguro ay labis itong naapektuhan no'ng mga nakalipas na araw na palagi siyang nagsisigaw" Agarang pagpapaalam ni Mrs Sanchez
"Ano po ang dapat naming gawin Doc?"
"Isa lang ang tanging solusyon diyan—" Sagot naman ni Mrs Sanchez at tumayo sa pagkakaupo
"Sumunod kayo sa'kin..." At naunang pumasok sa pribadong silid
***
"Anong gagawin niyo sa'kin?" Natatarantang tanong ni Francis ng pilit siyang ipinahiga ng dalawang nurse sa kama
"Kalma lang Francis, hindi ka namin sasaktan—" Pagka-usap ni Mrs Sanchez sa kanya at nilagyan ng maliliit na wire ang ulo at noo niya
"Doc, sure ka bang gagana itong ginagawa natin?" Nag-aalalang tanong ng ina ni Francis at tiningnan ang anak na nakahiga sa kama habang mahimbing na natutulog
"H'wag kang mag-alala Mrs Sanchez, magiging maayos din ang lahat"
' "𝐴𝑛𝑜 𝑝𝑎𝑟𝑒? 𝑃𝑎𝑠𝑢𝑘𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑖𝑦𝑎𝑛---" 𝑃𝑎𝑛𝑔𝑢𝑛𝑔𝑢𝑙𝑖𝑡 𝑛𝑖 𝐽𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑡𝑟𝑜𝑝𝑎 𝑘𝑜 𝑎𝑡 ℎ𝑢𝑚𝑖𝑡ℎ𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑔𝑎𝑟𝑖𝑙𝑦𝑜
"𝑆𝑖𝑔𝑒, 𝑚𝑢𝑘ℎ𝑎𝑛𝑔 𝑦𝑎𝑦𝑎𝑚𝑎𝑛𝑖𝑛. 𝑆𝑖𝑔𝑢𝑟𝑎𝑑𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑏𝑎-𝑡𝑖𝑏𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑘𝑢𝑘𝑢ℎ𝑎 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑎𝑙𝑎ℎ𝑎𝑠 𝑑𝑖𝑦𝑎𝑛" 𝑆𝑒𝑔𝑢𝑛𝑑𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑛𝑖 𝑅𝑎𝑚𝑜𝑛
"𝐴𝑛𝑜 𝐹𝑟𝑎𝑛𝑐𝑖𝑠, 𝑠𝑎𝑚𝑎 𝑘𝑎?" 𝑁𝑎𝑡𝑢𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑝𝑎𝑙𝑢𝑛𝑜𝑘 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑤𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑡𝑢𝑚𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑠𝑖𝑙𝑎 𝑠𝑎'𝑘𝑖𝑛 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡
"𝐴ℎ, ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑔𝑢𝑟𝑜---" 𝐾𝑖𝑚𝑖 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑏𝑖 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑝𝑎ℎ𝑎𝑤𝑎𝑘 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑡𝑜𝑘
𝑁𝑔𝑢𝑚𝑖𝑠𝑖 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑠𝑖 𝐽𝑎𝑦 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑏𝑖𝑟𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑛𝑢𝑛𝑡𝑜𝑘 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑏𝑟𝑎𝑠𝑜
"𝐻'𝑤𝑎𝑔 𝑘𝑎 𝑛𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑢𝑤𝑎𝑔! 𝑁𝑎𝑔𝑚𝑢𝑚𝑢𝑘ℎ𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑘𝑙𝑎, 𝑏𝑎'𝑡 𝑘𝑎 𝑝𝑎 𝑠𝑢𝑚𝑎𝑚𝑎 𝑠𝑎'𝑚𝑖𝑛 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑎𝑦𝑎𝑤 𝑚𝑜!" 𝑃𝑎𝑔𝑎𝑙𝑖𝑡 𝑛𝑎 𝑢𝑠𝑎𝑙 𝑛𝑖 𝐽𝑎𝑦
𝑁𝑎𝑝𝑎𝑦𝑢𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑜
𝑊𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛, 𝑘𝑎𝑠𝑜 𝑝𝑖𝑛𝑖𝑙𝑖𝑡 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑖 𝑅𝑎𝑚𝑜𝑛. 𝑆𝑎𝑏𝑖 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑏𝑖𝑏𝑖𝑙𝑖 𝑑𝑎𝑤 𝑘𝑎𝑚𝑖 𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡𝑖𝑛 𝑠𝑎 𝑝𝑟𝑜𝑗𝑒𝑐𝑡 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑝𝑒𝑟𝑜 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑝𝑎𝑙𝑎
"𝑂ℎ, 𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑢𝑜𝑡𝑖𝑛 𝑚𝑜" 𝑆𝑎𝑏𝑎𝑦 𝑡𝑎𝑝𝑜𝑛 𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑖𝑡𝑖𝑚 𝑛𝑎 𝑏𝑜𝑛𝑒𝑡 𝑠𝑎'𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑢𝑘ℎ𝑎
***
"𝐵𝑖𝑙𝑖𝑠𝑎𝑛 𝑚𝑜, 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔𝑎𝑙!" 𝑇𝑢𝑙𝑎𝑘 𝑠𝑎'𝑘𝑖𝑛 𝑛𝑖 𝑅𝑎𝑚𝑜𝑛 𝑝𝑎𝑝𝑎𝑠𝑜𝑘 𝑠𝑎 𝑙𝑜𝑜𝑏 𝑛𝑔 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦
𝐾𝑖𝑛𝑎𝑘𝑎𝑏𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑚𝑎𝑠𝑜𝑘 𝑠𝑎 𝑙𝑜𝑜𝑏 𝑎𝑡 𝑖𝑛𝑖𝑜𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦 𝑘𝑎ℎ𝑖𝑛𝑎𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑓𝑙𝑎𝑠ℎ𝑙𝑖𝑔ℎ𝑡
"𝑃𝑟𝑒, 𝑖𝑡𝑜 𝑘𝑢𝑛𝑖𝑛 𝑚𝑜!" 𝑅𝑖𝑛𝑖𝑔 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑏𝑢𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑖 𝑅𝑎𝑚𝑜𝑛 𝑎𝑡 𝑖𝑠𝑖𝑛𝑖𝑙𝑖𝑑 𝑎𝑛𝑔 𝑣𝑎𝑠𝑒 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔
"𝐻𝑜𝑦, 𝑔𝑎𝑔𝑜! 𝐼𝑏𝑎𝑙𝑖𝑘 𝑚𝑜 '𝑦𝑎𝑛---𝑝𝑒𝑟𝑎 𝑎𝑡 𝑎𝑙𝑎ℎ𝑎𝑠 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑡𝑖𝑛. 𝐵𝑤𝑒𝑠𝑖𝑡!!" 𝑆𝑎𝑔𝑜𝑡 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑛𝑖 𝐽𝑎𝑦
𝑁𝑎𝑝𝑎ℎ𝑖𝑛𝑡𝑜 𝑘𝑎𝑚𝑖 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑢ℎ𝑎 𝑛𝑔 𝑖𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑏𝑎𝑏𝑎 𝑛𝑎 𝑡𝑎𝑜 𝑔𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑡𝑎𝑎𝑠
"𝑀𝑎𝑔𝑡𝑎𝑔𝑜 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑏𝑖𝑙𝑖𝑠!" 𝑀𝑎𝑏𝑖𝑙𝑖𝑠 𝑝𝑎 𝑠𝑎 𝑎𝑙𝑎𝑠 𝑘𝑤𝑎𝑡𝑟𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑝𝑎𝑠𝑜𝑘 𝑠𝑖 𝐽𝑎𝑦 𝑠𝑎 𝑘𝑢𝑠𝑖𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑠𝑢𝑛𝑜𝑑 𝑠𝑖 𝐽𝑎𝑦
𝐵𝑖𝑔𝑙𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑖𝑛𝑎𝑏𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜 𝑚𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔𝑜 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑙𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎 𝑑𝑖𝑛𝑎𝑙𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑟𝑖𝑙𝑖 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑎𝑎 𝑠𝑎 𝑡𝑎𝑔𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑟𝑡𝑒 𝑛𝑔 𝑏𝑎ℎ𝑎𝑦
𝑁𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑚𝑎𝑠𝑜𝑘 𝑠𝑎 𝑘𝑢𝑠𝑖𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦 𝑒𝑑𝑎𝑑 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑟𝑖𝑛𝑖𝑔 𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦 𝑛𝑎ℎ𝑢𝑙𝑜𝑔 𝑛𝑎 𝑏𝑎𝑔𝑎𝑦 𝑠𝑎 𝑠𝑒𝑚𝑒𝑛𝑡𝑜
𝐼𝑦𝑜𝑛 𝑝𝑎𝑙𝑎 𝑎𝑦 𝑝𝑖𝑛𝑢𝑘𝑝𝑜𝑘 𝑛𝑖 𝐽𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑡𝑖𝑔𝑎𝑠 𝑛𝑎 𝑏𝑎𝑔𝑎𝑦 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖
"𝐴𝑛𝑜𝑛𝑔 𝑡𝑖𝑛𝑖𝑡𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑡𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑑𝑖𝑦𝑎𝑛? 𝐾𝑢𝑚𝑖𝑙𝑜𝑠 𝑘𝑎 𝑛𝑎!" 𝑆𝑖𝑔𝑎𝑤 𝑛𝑖 𝐽𝑎𝑦 𝑎𝑡 𝑑𝑖𝑛𝑎𝑚𝑝𝑜𝑡 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑏𝑎𝑔𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑡𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑝𝑎𝑝𝑎𝑘𝑖𝑛𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛
𝑁𝑎𝑛𝑎𝑡𝑖𝑙𝑖 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑔𝑖𝑙𝑖𝑑, 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑝𝑎𝑛𝑜𝑜𝑑 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑙𝑎𝑤 𝑛𝑖𝑙𝑎
"𝑀𝑎𝑔𝑛𝑎𝑛𝑎𝑘𝑎𝑤! 𝑇𝑢𝑙𝑜𝑛𝑔, 𝑚𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑔𝑛𝑎𝑛𝑎𝑘𝑎𝑤!" 𝑃𝑎𝑔𝑡𝑖𝑡𝑖𝑙𝑖 𝑛𝑔 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦 𝑒𝑑𝑎𝑑 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒
"𝑇𝑢𝑚𝑎ℎ𝑖𝑚𝑖𝑘 𝑘𝑎!" 𝑆𝑖𝑔𝑎𝑤 𝑛𝑖 𝑅𝑎𝑚𝑜𝑛 𝑎𝑡 𝑏𝑖𝑛𝑎𝑟𝑖𝑙 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒
𝑁𝑎𝑝𝑎𝑘𝑢𝑟𝑎𝑝 𝑘𝑢𝑟𝑎𝑝 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑛𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎
'𝐷𝑖𝑦𝑜𝑠 𝑘𝑜, 𝑡𝑜𝑡𝑜𝑜 𝑏𝑎 𝑖𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑛𝑎𝑘𝑖𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑘𝑜?'
"𝑀𝑜𝑚𝑚𝑦!" 𝑃𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡𝑎𝑝𝑜𝑠 𝑏𝑎𝑟𝑖𝑙𝑖𝑛 𝑛𝑖 𝑅𝑎𝑚𝑜𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 𝑎𝑦 𝑏𝑖𝑔𝑙𝑎 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑖𝑛 𝑏𝑢𝑚𝑎𝑏𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑛𝑖𝑡𝑜
"𝑀𝑜𝑚𝑚𝑦---" 𝑃𝑎𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔-𝑖𝑦𝑎𝑘 𝑎𝑡 𝑛𝑖𝑦𝑎𝑘𝑎𝑝 𝑎𝑛𝑔 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒
"𝐻𝑜𝑦, 𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑙𝑏𝑖! 𝑆𝑎𝑙𝑢ℎ𝑖𝑛 𝑚𝑜---" 𝑇𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑠𝑎'𝑘𝑖𝑛 𝑛𝑖 𝐽𝑎𝑦 𝑎𝑡 𝑖𝑛𝑖ℎ𝑎𝑔𝑖𝑠 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑟𝑖𝑙 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛
𝑆𝑖𝑛𝑎𝑙𝑜 𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑡 𝑡𝑖𝑛𝑖𝑛𝑔𝑛𝑎𝑛 𝑠𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑙𝑎𝑤𝑎
'"𝐵𝑎𝑟𝑖𝑙𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑠𝑖𝑦𝑎---" 𝑈𝑡𝑜𝑠 𝑛𝑖 𝐽𝑎𝑦 𝑠𝑎'𝑘𝑖𝑛
"𝐴-𝑎𝑛𝑜?"
"𝐾𝑖𝑙𝑙 ℎ𝑒𝑟,"
𝑇𝑖𝑛𝑖𝑛𝑔𝑛𝑎𝑛 𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛𝑖𝑔 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑡𝑎𝑘𝑜𝑡, 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑙𝑢ℎ𝑜𝑑 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑝𝑎ℎ𝑎𝑟𝑎𝑝 𝑠𝑎'𝑘𝑖𝑛 ℎ𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑎ℎ𝑎𝑤𝑎𝑘𝑎𝑛 𝑛𝑖 𝑅𝑎𝑚𝑜𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑢𝑙𝑜 𝑛𝑖𝑦𝑎
𝑁𝑖𝑙𝑎𝑝𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑘𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 𝑎𝑡 𝑖𝑘𝑖𝑛𝑠𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑟𝑖𝑙 𝑠𝑎𝑏𝑎𝑦 𝑡𝑢𝑡𝑜𝑘 𝑠𝑎 𝑛𝑜𝑜 𝑛𝑖𝑡𝑜
"𝑀𝑎𝑎𝑤𝑎 𝑘𝑎 𝑠𝑎'𝑘𝑖𝑛 𝑝𝑙𝑒𝑎𝑠𝑒" 𝑃𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎𝑘𝑎𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑒 𝑎𝑡 𝑡𝑖𝑛𝑖𝑛𝑔𝑛𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑔𝑜𝑠 𝑠𝑎 𝑏𝑢𝑡𝑜
"𝑆-𝑠𝑜𝑟𝑟𝑦---" 𝑇𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑠𝑎𝑏𝑖 𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑚𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑡 𝑖𝑝𝑖𝑛𝑢𝑡𝑜𝑘 𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑟𝑖𝑙'
"Doc! Anong nangyayari?!" Sigaw ng Mama ni Francis ng makita ang anak na nangingisay
"Kalma lang po tayo Mrs Latawan—" Pagpapakalma ni Mrs Sanchez at tiningnan ang kulay asul na parang plastic na dinadaanan ng mga maiitim na tinta
"Nurse!" Sigaw ni Mrs Sanchez at kumuha ng anaesthesia
"Hawakan niyo ng mabuti si Francis" Utos ni Mrs Sanchez at handa ng ituturok ang anaesthesia kay Francis na tumitirik na ang mga mata
Matapos maiturok ang gamot na pampakalma ay bumalik na sa normal so Francis. Nakatingin lang ito sa kisame ng pribadong silid na parang walang nangyayari
"Anak, okay ka lang?" Maluha luhang tanong ng ina ni Francis sa kanya
"M-ma?" Utal utal na sabi ni Francis at bumangon sa pagkakahiga
"Umuwi na po tayo—" Mahinang pagkasasabi ni Francis sa kanyang ina at naunang lumabas
* * *
Bagsak ang aking mga balikat na tiningnan ko ang mga pagkain na nakahain sa aking harapan—gulay, gulay na naman?
"Ayoko niyan" Walang ganang sabi ko at itinulak paharap ang plato
"Anak, masarap ang gulay. Bawal tanggihan ang grasya—kumain ka na" Pagpupumilit ni Mama
Napabuntong hininga na lang ako
Simula noong maalala ko ulit ang nagyari sampung taon na ang nakakalipas ay parang tinakasan ako ng bait. Hindi na ako makakain ng maayos, hindi na normal ang pagtulog ko, at iba pa
"Naalala mo na ba? Francis" Bulong na naman sa akin ng isang boses
Naturang napaluha ako sa sinabi ng babae
P-patawarin mo ako—" Humihikbing tugon ko sa babae na ikinatawa nito
"Anong pakiramdam ng humihingi ng tawad at pagmamakaawa sa isang tao Francis?" Sumbat nito sa'kin
"Patawarin mo ako..." Paulit-ulit na sabi ko at lumuhod sa harapan ng babae
"Hinding hindi kita mapapatawad. Tandaan mo 'yan—"
Matapos sabihin ng babae sa akin ang katagang iyon ay bigla na lang siyang naglaho
Napaiyak na lang ako... Alam kong sa pagkakataong ito ay hindi na ako makakabalik pa sa reyalidad
Abot hanggang langit ang dasal ko na sana may gumising sa'kin sa nakakatakot na panaginip na ito pero wala. Wala ni isang gumising sa'kin
Ako si Francis Latawan na nakulong sa panaginip na hinding hindi ko makakalimutan.