"BUNTIS ka?!" Tanong sa'kin ni Mama na hindi ko masagot sagot
"Tyfanie Rey!!" Bulyaw naman ni Dad na ikinapikit ko ng mariin
"Umamin ka nga sa'min Tyfanie, buntis ka ba ha?" Pumipiyok ang boses na tinanong ako ni Mommy
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanila
"Mom, Dad. Sorry, p-patawarin niyo po ako" Naluluha kong usal, oo buntis ako at hindi ko inaasahan ang mga pangyayaring 'yon
"You're such a disgrace! Ano na lang ang masasabi ng mga co-clients ko ha! Na ang anak ni Mr Conde ay isang disgrasiyada. Gusto mo bang malugi at bumagsak ang kompanya natin? Hindi ka talaga nag-iisip!" Sumbat naman ni Daddy
Oo na, ako na ang may mali. Kasalanan ko na-hindi ko naman inaasahan na mangyayari ang bagay na 'yon eh.
"Abort the baby-" Simpleng utos ni Dad na ikinatingin ko ng diretso sa kanya
"No! Ayokong ipa abort ang batang 'to. Wala siyang kinalaman dito Dad! Ako lang at si Andre lang ang may kasalanan dito, walang kinalaman ang anak namin dito!!" Tutol ko
Kahit ano mang gawin nila hindi ko ipapa abort ang batang nasa sinapupunan ko. Ayokong maging makasalanan sa mata ng diyos at sa mga mata ng taong nakapaligid sa'kin
"So ang Andre na 'yon ang nakabuntis sa'yo? Sa tingin mo ba maitataguyod niya ng maayos ang responsibilidad niya sa'yo? Hindi Tyfanie Rey! Mga bata pa kayo, hindi niyo kayang buhayin ang batang iyan and I tell you mahirap magpalaki ng sanggol" Bulalas naman ni Mama
Hindi ako nakasagot
Somehow, may point naman si Mama. Nakita ko kasi sa iba kung paano buhayin ang anak na walang tumutulong na iba. So I decided to go to Andre and sort some uncleared things to end this effin' situation.
"Hey babe, what are you doing here?" Tanong sa'kin ni Andre pagkabukas na pagkabukas niya sa pintuan ng kanilang bahay
"Can I stay and sleep here just for tonight?" Tugon ko na kinapalan na talaga ang aking mukha
Kahit boyfriend ko si Andre, may hiya pa din ako sa aking sarili
"Sure, you can stay here as long as you want..." Pagsang-ayon nito at pinapasok ako
Balak ko sanang sabihin sa kanya na buntis ako pero natatakot ako na baka hindi niya tanggapin ang anak ko
"Babe, may problema ba?" Tanong ni Andre sa'kin ng makahiga siya sa kama katabi ko
"Wala naman. Pagod lang siguro ito" Pagdadahilan ko
"You can sleep now. Baka sa muscle pain mo 'yan" Palatak ni Andre at kinumutan ako
Speaking of muscle pain-isa din 'to sa mga signs na wala akong gana kasi masakit ang aking braso, balakang, at hita.
Kung alam ko lang na makakasakit sa mga kalamnan ko ang ginawa namin sa P.E edi sana hindi na ako sumali pa
It's been one month from now on since I found out that I was two weeks pregnant. Doon ko nalaman na hindi na ako nagkaroon ng monthly period, and that I became more suspicious na baka nga buntis ako. At hindi nga ako nagkamali I figured it out when I frequently saw the pregnancy test that I used.
Two red lines-means positive
I thought having no one month menstruation is normal but it's not. I discovered na lately pa ako nagkaroon ng early signs sa pagbubuntis; kada umaga nagsusuka ako may hinahanap ako na gusto kong kainin at marami pang iba.
"Babe, gising nandito ang parents mo" Yugyog sa'kin ni Andre na ikinapitlag ko
"Ha?" Naaalimpungutan kong sabi
"Your parents are here they were looking for you-" Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Andre
I'm one hundred percent sure na galit na galit sila ngayon sa aking pag-alis
"What time is it?"
"It's already 1:30, early in the morning" Sagot nito
Bumangon ako sa pagkakahiga sa kama at kinusot kusot ang aking mga mata
• • •
Nang makababa kaming dalawa ni Andre galing sa taas ay nakita kong naghihintay sina Mommy at Daddy na nakaupo sa sofa gayon din ang parents ni Andre
"M-ma?" Pagkasabi na pagkasabi ko pa lang sa salitang 'Ma' ay agad na tumayo si Daddy at hinawakan ang aking kaliwang braso
"Umuwi na tayo-"
"No! Dito lang po ako Mom, Dad" Pagpupumiglas ko na ikinahinto sa paglalakad ng aking mga magulang
"Tyfanie Rey! Pag sinabi kong umuwi na tayo, uuwi tayo?!" Pagtataas ng boses ni Dad
"Ahm, excuse me Mr and Mrs Conde we were sorry for interrupting your argument. But with all of my due respect would both of you enlighten us here?" Singit ng Mama ni Andre
Napapikit ng mariin si Dad at seryosong tiningnan ang parents ni Andre
'Dad, please no! Don't tell them-'
"My daughter is pregnant. And the father of her unborn child is your son," Diretsong sabi ni Daddy na ikinalipat ng tingin nila sa'kin
Nanliliit ako sa mga tingin nila, pakiramdam ko parang hinuhusgahan nila ako
"Is that true?" Tanong ng Daddy ni Andre sa'kin
I didn't answer- I just nod
I even heard him cursed. Sinasabi ko na nga ba, hindi nila kayang tanggapin ang anak ko
"T-that's not mine-" Si Andre naman ang sumagot
"What. This child is yours Andre! Ikaw ang naka-una sa'kin!" Nanlalabo ang mga paninging sinumbatan ko siya
How could he?! Did he just refuse his own blood and flesh?
"Hindi naman pala kay Andre iyang pinagbubuntis mo iha, much better kung ipalaglag mo na iyan-" Ani Mommy ni Andre
Ipalaglag? Nagpapatawa ba siya? Ang iba nga napapagod na kakadasal at sumubok magka-anak lang tapos sa kanya ang daling sabihing ipalaglag ko ang bata. Wala siyang kwentang tao
"Teyka lang po ah? Bakit ang daling sabihin sa inyo na ipalaglag ko ang bata, buhay ang pinag-uusapan dito! At hindi ko gagawin kung ano mang iuutos niyo, bubuhayin ko ang anak ko. Ipapakita ko sa kanya kung gaano kamapanghusga ang mundo..." Matapang kong sabi at iniwan silang lahat
Pare-pareho lang sila. Iniisip ko pa lang na mawawala ang munting buhay sa sinapupunan ko parang pasan ko na ang problema ng buong mundo.
"Baby, h'wag kang mag-alala. Aalagaan ka ni Mommy, palalakihin kita ng puno ng pagmamahal. At sisiguraduhin kong hindi ka matutulad sa'kin-mahal na mahal kita" Pagka-usap ko sa tiyan kong wala pang umbok
-
Seven months had been passed since I left my home and grew independent. Hindi ko masasabing madali, sobrang hirap pa lang magtrabaho para may makain ka sa pang araw-araw mong ginagawa.
May time na naiiyak ako ng walang dahilan, hindi ko alam kung kakayanin ko ba pag dumating ang araw na 'yon. Mabibigyan ko ba ng maayos na buhay ang anak ko.
"Ako na diyan, magpahinga ka na baka mapagod si baby" Singit ni Jessie sa ginagawa kong trabaho
"Hindi na, kaya ko na 'to" At kinuha ang sponge na inagaw sa'kin ni Jessie
"Sure ka? Mukhang pagod ka na kasi" Palatak ulit ni Jessie at itinukod ang kaliwang braso sa worktop ng lababo
"Ako pagod? Hindi kaya-" At tinawanan ito
Jessie Marquez is lesbian. At waitress siya sa tinatrabahohan kung restaurant, actually pareho sana kaming waitress pero naki-usap ako sa manager namin na magshift ako bilang tagahugas ng mga pinggan.
"Kailan ka pala manganganak?" Tanong nito at kumuha ng isang stick ng sigarilyo
"Two months from now-" Sabi ko at nginitian siya
"Ay English. H'wag kang ganyan Ate my bleeding is nose" Paggamit nito sa maling lengguwahe
Napapailing na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa
What if, manganganak na ako then hindi ko kakayanin? Ang dami kong katanungan na hindi ko masagot sagot
Sana pag dumating na ang araw na iyon ay mapapanatag na ang loob ko
As the time passes by hindi ko akalain nakabuwanan ko na pala. Sa makalawa ay manganganak na ako and I didn't took a glance of my baby's sonogram. Nagpa ultrasound ako pero sinabihan ko ang Obgyne na 'wag ng sabihin sa akin ang gender
Iniisip ko pa lang na karga karga ang anak ko sa aking mga bisig ay natutuwa na ako
"A-aray?" Daing ko ng biglang sumakit ang ang aking tiyan- hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan
Nanginginig ang mga kamay at tuhod na sinubukan kong ibalanse ang aking katawan pero parang nawawalan na ako ng lakas
"J-Jessie!" Tawag ko sa kasamahan ko sa kusina
"Oh, bakit? Anong-manganganak ka na?!" Tila natataranta nitong sabi at hinawakan ang aking braso at balakang
"O-oo, manganganak na ako" Tanging naiusal ko at napaluha sa sobrang sakit
-
Nang makarating sa hospital ay si Jessie lang ang tumulong sa'kin at nagbantay hanggang sa mailabas ko ang anak ko
"Ito na ba ang anak mo? Ang swerte mo naman ghorl, ang gwapo ng anak mo parang anak ng isang foreigner?" Nacucutang tugon ni Jessie
Tiningnan ko naman ang anak ko. Tama nga si Jessie, maswerte akong dumating ang batang ito sa buhay ko; he has these small eyes, thick eyebrows and eyelashes, long aristocrat nose, and kissable ruddy lips-parang si Andre lang. Speaking of him, kumusta na kaya siya
"Ano pa lang ipapangalan mo sa kanya?"
"I would love to name him George" Nakangiti kong sabi at hinaplos haplos ang maliit at matangos nitong ilong
20 Years Later
"Mom, look did I just got one billion streams on Spotify?" Hindi makapaniwalang tinanong ako ni George
Hinubad ko naman ang suot kong eyeglasses at tiningnan ang kanyang laptop
"Congrats! You've already reach your goal-" Puno ng pagmamalaki kong usal at niyakap ang aking anak
"Thank you Mom for staying here by my side. I just can't believe that I have a Mom like you" Puri ng aking anak sa'kin
"Napapansin kong nagdadrama ka na, sabihin mo nga sa'kin George. May girlfriend ka na ba huh?" Naniningkit ang mga matang tiningnan ko ang aking anak
"Mom! Wala pa po akong girlfriend," Tugon nito at nagkamot sa batok
Napatawa na lang ako sa reaksiyon ng aking anak
Binata na nga talaga ang George ko, marunong ng mahiya
"Okay lang sa'kin na magka girlfriend ka. Basta ipangako mo sa'kin na aral muna at ang career ang unahin mo. Are we good?" Bilin ko
"Opo, say no to girlfriend first. Ikaw muna ang girlfriend ko Mama kasi importante ka sa'kin ikaw ang pinakamamahal kong Mommy. I love you Mom-always" Litanya nito na ikinatulo ng aking mga luha sa mga mata
Ang swerte swerte ko, na nagkaroon ako ng George na mabait, mapag-alaga, may respeto, at higit sa lahat may takot sa diyos. Kung hindi sa isang pagkakamali hindi ako magkakaanak ng ganito kabait..
"Mahal na Mahal din kita anak ko-"