E l y s t i n e 's
"Teh, alam mo ba si Anne pala, babae pala jowa no'n!" Napantingin ako kay Alona habang naglalakad kami pauwi. Napagdesisyonan naming maglakad na lamang dahil trip lang namin bakit ba.
"Ay weh? Sinong Anne?" Sabat naman ni Christian.
"Kaklase namin noong grade 10." Alona said.
"Ay weh? Okay hindi ko kilala e." Christian.
"Hindi narin ako nagtaka na boyish siya kumilos e, mukhang tomboy." Wala sa sariling sabi ko.
Binatukan ako ni Alona, "Ano ka ba! Hindi siya tomboy! Bisexual siya! Magkaiba 'yon! Ano ba naman 'yan napagaralan natin 'yon last year tapos hindi mo alam!" Tuloy tuloy na sabi niya.
Napahawak ako sa batok ko. Oo nga ano? Nawala sa isip ko amp.
"Oo nga pala. Sorry, Nay ha!" Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako.
"May Bisexual din sa room natin e." Sabay kaming napatingin ni Alona nang sambitin ito ni Christian.
"Sino?" Sabay na tanong namin ni Alona.
"Si Nica tapos si Glen. 'yung dalawang babae na nasa likuran natin, magjowa 'yun sila e! Sinabi lang sa'kin ni Mae. Ay alam n'yo ba na si Mae, niligawan ko 'yun nung junior high kami kaso hindi niya ako sinagot. Lagi ko siyang hinahatid sundo kahit na pang umaga ako at pang hapon siya." Paliwanag ni Christian.
Ahhh, si Nica at Glen pala! Akala ko ay magbestfriend lang sila. Grabe kasi sila magdikit e, hindi pumasok sa isip ko 'yung posibilidad na pwedeng magjowa sila.
"Tapos si Jade, tinanong sa'kin kung bisexual daw ba 'to si Ely." Nabigla ako nang sabihin 'to ni Christian.
"What the f? Paano niya raw nasabi?" Tanong ko habang nakahawak pa sa dibdib.
"Hindi niya sinabi. Sabi niya lang Gay Radar daw." Natatawang dagdag pa niya.
"Hindi ah! Straight kaya yan si Ely! 'di ba?" Paniniguardo ni Alona kaya tinanguan ko siya.
Oo nga, straight naman ako ah! 'wag lang ihaharap kay Jeal. Luh! Joke lang! Ano ba naman 'tong mga nasa isip ko hindi nakakatuwa. Tsk.
Kumapit sa'kin si Alona. Hindi ko tinanggal ito sapagkat isa sa mga hinahayaan kong kapitan ako ay si Alona lang, wala nang iba. I was so clingy when I was grade 9 and it wasn't a good thing... A lot of things happened that's why I became like this. Parang ilap at takot sa tao.
Tsk. Lahat ng masasakit na alaala dapat na talagang kalimutan dahil kung hindi ay ako ang talo. May maganda ring mangyayari sa buhay ko, ano! Tsk.
--------------
Hindi ako makagalaw, parang may pumipigil sa'kin, sinusubukan kong kurutin ang aking sarili upang magising pero kahit na ang mga kamay ko ay hindi ko maigalaw, bumabalik nanaman 'tong letseng sleeping paralysis na 'to. Wala akong ibang nakikita kundi ang paligid. Wala namang nakakatakot na imahe pero hindi talaga ako makagalaw.
Walang akong katabi kaya inaasahan ko na medyo matatagalan ako rito...
-----------------
Tatlong minuto ang lumipas. Agad akong nakabangon kaya nakahinga ako ng maluwag matapos nito. Sa tuwing stress ako o kaya pagod na pagod ang katawan ko ay palagi sa'king nangyayari 'to. Hindi siya tulad ng ibang sleeping paralysis na may nakikita akong kung ano, bihira lang mangyari sa'kin 'yon pero kung normal na sleeping paralysis lang ay palagi kong nararanasan kaya nasanay na lamang ako. Napadalas 'to noong nagsimula ang praktis para sa speech choir tapos sunod sunod pang ibinigay ang mga school works.
Noong sinabi ko 'to sa mga magulang ko ay sabi nila kulang lang ako sa dasal kaya simula noon ay hindi ko na sinabi ulit. Sa hindi malamang dahilan ay nasaktan ako nang marinig ko ang mga katagang iyon na nanggaling sa magulang ko.
Tatlong oras na akong nakaharap sa hiniram kong laptop ngunit hindi ko parin tapos ang infographics na ginagawa ko. Ang dami kasing requirements na kailangang ilagay. Ayoko namang maka zero kaya pinagiigihan ko talaga. Sa Math lang naman talaga ako nahihirapan kaya parang inaayawan ko na. Kahit anong pilit ko ay hindi talaga siya maabsorve ng utak ko.
Alas otso na ng gabi kaya tinanong ko ang Mama ko kung gagamitin ni Bheng (Ate ni Stella) ang laptop pero sabi niya hindi pa raw kasi wala pang masyadong ginagawa sa school nila dahil kakastart palang ng pasok nila. Sa DLSU siya nagaaral, oh hindi ba, sana all! Pero alam n'yo 'yun kontento na ako sa buhay na meron ako ngayon kaso may mga oras talaga na hindi ko mapigilang magtanong minsan. Wala alng ang gulo gulo lang.
Naramdaman ko bigla ang bigat sa dibdib ko. Ito nanamn hindi ko nanaman maintindihan...
Maya maya ay may nagpop up sa screen ng cellphone ko.
Si Jeal nagchat.
Jeal Robres: Sunshine, follow mo na ako sa twitter @jealrobres22
Elystine Perez: Hahahaha sige, saglit!
Agad naman akong pumunta sa twitter app at hinanap siya. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang twitter account niya. Bago ko siya ifollow ay inistalk ko muna siya saglit. Mukha siyang malungkot sa buhay dahil sa mga tweets niya. Well, ganoon din naman ako. Medyo nakaramdam ako ng kaunting awa. Naalala ko 'yung mga araw na wala akong kasama sa mga malulungkot kong araw...
Elystine Perez: Hey, you okay? Saw your tweets.
Jeal Robres: Ay, wait followback kita.
Elystine Perez: Sure bb.
Jeal Robres: I'm okay! Thank you!
Elystine Perez: Hoy, basta nandito lang ako for you! Always remember that :)) hug kita bukas para mawala na 'yang bigat na nararamdaman mo!
Jeal Robres: Sa bahay niyo? Hahahaha thank you :<<
Elystine Perez: Just always remember that there will always a rainbow after the rain and the dawn after the night, okay?
Jeal Robres: Aww, so sweet my sunshine :)
Elystine Perez: You rest na! Goodnight :))
Kaso mas nauna kong pinatay ang wifi settings ng cellphone ko.
Napapaisip nanaman tuloy ako ngayon kung 'what's makes me unique ba?' here comes the thoughts again. I'm so sick and tired of it. Am I able to find it or I'll be stuck with this forever?
Ang tagal tagal ko na nitong pinag-iisipan. Ang tagal tagal ko na gustong tapusin ang ganitong sistema ng utak ko subalit ayaw niya talagang matapos. Bigla nalang siyang nakakaramdam ng lungkot at pighati...
Sabi nila, lahat daw ng bagay may pinagmulan pero itong kalungkutan na bigla ko nalang naramdaman ay hindi ko alam kung saan ba nagmula.
Hindi na napigilan ng mga taksil na mga thoughts. Nilamon ako nito hanggang sa makatulog ako.
Maaga akong gumising para maaga ring makapasok. Chinat ko si Christian na mauuna na ako at si Alona na sabay na lamang silang dalawa. Wala lang gusto ko lang mapag-isa.
May mga ganito talagang pagkakataon na gusto ko na lang kausapin ang sarili ko kaysa kumausap ng iba kasi feeling ko, burden ako sa kanila.
And I hate it...
Nakarating ako ng school, gaya ng dati ay wala paring tao. Kaya nag nap muna ako habang nakasuot ang earphone.
And my destination (destination)
Makes it worth the while (worth the while)
Pushing through the darkness (through the darkness)
Still another mile (another mile)
Hindi naman ako makatulog kaya sinasabayan ko nalang ang kanta ng westlife na I have a dream.
I really have a lot of dreams and I don't know if I can reach them because I'm not doing anything para maabot sila. Gusto kong maging published author, gusto kong maging filmmaker, gusto kong maging prosecutor o kaya lawyer, gusto kong maging successful.
Napaangat ako ng ulo 'saka, "Ano ba naman, Elystine Jae! Ang daming gusto sa buhay!" Inis na bulyaw ko sa sarili.
Talagang isinigaw ko ito dahil wala namang tao–
"Ayos ka lang? HAHAHAHA" Napatingin ako kay Jeal na malakas ang tawa ngayon dahil sa nakita niya.
Shit, may tao na pala. Lumapit siya sa'kin at umupo sa tabi ko.
"Ikaw ata kailangan ng yakap e." Nakangiti siya. She opened her arms... I don't know what to do.
"Alam ko rin namang gusto mo 'ko." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya 'saka ko siya hinampas.
"Anong gusto!? Pauso ka" Inirapan ko siya.
"Luh, ang taray naman. Ganda ng kilay ang taas" Hindi ko alam kung nangaasar ba 'to o ano e.
"Pero infairness sa'yo, pa-iba iba ugalit mo ha! Kagabi ang sweet mo sa chat ngayon naman ang sungit mo!" Pagdaldal niya.
"Hahahahaha syempre sa chat lang naman ako magaling e. Hindi ako madaldal in real life, depende sa mood." Paliwanag ko.
"Ahh, kaya pala nakakatakot ka!" Saad niya.
"Grabe ka naman! Medyo lang HAHAHAHA."
"Kahit itanong mo pa sa mga classmates natin, nakakatakot ka, ang sungit sungit mo tignan. Galit ka ba sa mundo?" She asked but I didn't answer her.
What if I do? What will she do?
Dumating na ang mga classmate namin. Agad naman nag-start ang klase.
UCSP ang unang subject namin. Muntikan ko nang makalimutan na magre-report pala ako sa harap nila sa susunod na araw bago magexam tungkol sa ethnocentrism.
May mga nagdi-discuss ngayon about sa Anthropology, Sociology, at Political Sciences. Kanina 'yung mga nagdidiscuss ay about sa mga kahulugan ng norms, culture and traditions, kung ano ano ang pagkakaiba nila at ano ang mga halimbawa nito.
"Elystine, pwede bang sabihin mo sa'min kung para sa'yo ano ang Political Science?" Nanlaki ang mata ko nang tawagin ako ng isa sa mga kaklase naming si Arcee.
What the fuck? Bigla akong kinabahan kaya dahan dahan akong tumayo. Napatingin ako kay Ma'am na nakaupo sa table sa harap habang nakangiti sa'kin. Shit. Hindi ako ready...
"a-ahm, political science ahm, i-is a systematic s-study of a s-state and its government?" Hindi ko siguradong sagot. Pakiramdam ko ay lahat ng mga mata nakatingin sa'kin kaya naman nanghihina ako, nanlalamig din ang mga kamay ko't nanginginig ito.
Tumango tango naman si Arcee na parang tama ang pinagsasabi ko.
"So, tama po si Elystine. Political Science is a systematic study of a state and its governance–" Patuloy lang siya sa pagsasalita pero hindi ko na siya maintindihan dahil sa kaba na nararamdaman ko. Tapos na pero kinkabahan parin ako.
Ano ba naman 'to, kailan ko ba 'to maoovercome. Maya maya ay tumayo si Jeal 'saka nagsalita sa harap. Wow, she's great ha! I didn't expect her to talk infront like that.
"So, halimbawa, katulad kanina 'yung sinabi niya about sa cultures and traditions. Makakaapekto ang pakikisama natin sa ibang tao na may ibang tradition, halimbawa, si Elystine taga ibang bansa siya which is she had a lot of cultures and traditions that are not allowed here or not accepted here. Elystine might be discriminated because of her cultures and traditions." Hindi ko alam kung tungkol saan na ang pinapaliwanag niya pero ang weird lang na ginamit niya pa pangalan ko for her example?
My heartbeat race...
Patuloy siya sa pagsasalita pero wala na akong maintindihan, I just found myself smiling at her like a proud Mom after she finished her reporting infront.
What the shit is this?
---------------------------------------------------------------------------------
this story is also available in wattpad <3