webnovel

01

E l y s t i n e 's

Isang linggo na nang magsimula ang klase. Halos karamihan ng nasa classroom ay magkakakilala na dahil karamihan ay dito na nagaral simula pa lamang noong una. I mean, simula elementary ba.

Halos lahat ay busy sa pakikinig sa teacher namin sa General Mathematics, dahil isang palya mo lang ng hindi pakikinig ay paniguradong wala ka nang masasagot sa nagaabang na quiz mamaya.

Habang sila ay naiistress over genmath heto ako, nagsusulat ng 'hatdog' sa notes ko. Sa totoo lang ay wala akong maintindihan kaya hindi narin ako nakikinig, matagal ko nang tanggap na wala akong future sa mathematics. Pareho kami ni Alona na ngayon ay humihikab hikab na. Halata sa mukha niya ang antok na nararamdaman.

Napangiti nalang ako kay Alona. Oo nga, mag-bestfriend nga talaga kami nitong babae na 'to.

Kaya nga kami nagka-sundo kasi halos magkaparehas kami ng hilig. Lalo na pagdating sa pagkain, pareho naming gusto ang maanghang pero ngayon hindi ko alam sa'kin nagbago ata tastebuds ko. Kainis nga e.

Napatingin ako kay Christian na busy sa pakikinig. Wow, sana all. Dati rin naman ay sinubukan kong makinig sa teacher ko sa Math lalo na noong grade 10 at may natutunan naman ako subalit bigla nalang silang naglalaho sa tuwing ako na ang magsosolve. Hindi ko alam baka may sumpa ako.

"Goodbye, class. See you tom." Nakangiting umalis si Sir sa klase. Marahil ay natutuwa siya sa mga kaklase ko na sobrang active.

"Bye, Sir!" Paalam ng mga klaklase ko. Tumango tango nalang ako na kunyare ay may naintindihan ako.

"May naintindihan ka?" Tanong ni Alona habang inaayos ang kaniyang mahaba ngunit kulot na buhok. Marami rin kaming pagkakapareho ni Alona kahit na sa pysikal na anyo pero kung tutuusin ay mas maganda siya. Sobrang ganda ka niya.

Iniabot ko ang notebook na hawak ko kanina at ngumisi, "Oh"

Nakita kong natawa siya at muntik niya nang ihampas sa'kin, "Hatdog, amp!"

Humagikgik lang ako ng palihim habang inaayos ang mga gamit ko. Last subject na kasi namin ang genmath. Buti na lamang ay walang iniwan si Sir na assignment. Pero panigurado na bukas ay meron dahil friday bukas.

Bukas din pala ang dating ni Lola mula sa probinsya, pansamantala siyang titira sa'min kasi gusto ni Mama na tumaba si Lola o maging healthy siya. 'yung Tita ko na nasa probinsya nagsend siya ng picture ni Lola way back na sobrang payat niya and she's not looking so healthy. Kaya nagdecide si Mama at Tito na nakatira sa'min pero hindi ko siya nabanggit dahil may trabaho siya noong nakaraang gabi kaya hindi siya nakauwi.

Maliit man bahay namin pero kasya namin kami. Bale kasya naman kaming siyam sa loob nito. Hindi naman siksikan pero dati oo lalo na noong hindi pa naayos ang taas dahil halos 1/4 lang ata ang nagagamit doon. Kailangan pa naming magtabi ni Trisha para lang hindi kami makisiksik sa baba.

"Ano iniisip mo?" Tanong ni Alona habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Nasa likod namin si Christian na nagcecellphone-- kausap niya ata jowa niya.

"Hmm? Wala. Si Lola pupunta siya bukas ng maynila. Sobrang close kaya namin dati as in. Favorite niya ako kasi ako raw panganay niyang apo na babae kaso ang tagal ko nang hindi nakakauwi ng probinsya tapos hindi ko alam kung gano'n parin ba kami. Sa dami ng apo niya sa probinsya, sino ba naman ako para maalala niya?" Malaya ngunit mahina na sabi ko. Ayoko naman na may ibang makarinig ng ka-dramahan ko sa buhay.

Nakalabas kami ng building. Naghihintay na lamang kami ng jeep.

Tumawa ng bahagya si Alona kaya napatingin ako sa kaniya, "Syempre, ikaw parin favorite ng Lola mo! Masyado naman 'to."

Hindi ko alam kung nangaasar ba 'to si Alona o ano e. Maya maya pa ay may dumating na ang jeep na walang katao tao kaya agad kaming sumakay rito.

"Sasakay ba tayo ng trycicle?" Tanong ko sa kanila ngunit tumango lamang si Christian. Hindi ata ako narinig ni Alona dahil nakaearphone siya.

Nagkibit balikat na lamang ako at tumingin sa labas ng jeep. Bumungad sa'kin ang babae na maaliwalas ang ngiti hababg naglalakad. Agad kong kinalabit si Christian dahil crush niya raw ito.

"Hoy! Tignan mo si Jeal, oh!" Mahinang sabi ko sa kaniya. Agad naman siyang tumingin sa labas at tinawag ang babae na may magandang ngiti at porma ng mukha.

Habang humahangin ay sumasabay naman ang mga bangs niyang nakaladlad, sumasabay ito sa pagsayaw ng hangin. Naka-messy bun siya kaya naman ang gandang tignan.

"Ang ganda talaga niya!" Masayang nakangiti si Christian habang tinitignan ang kagandahan ni Jeal.

Sino ba namang hindi magkakagusto rito? Ang ganda, ang maputi ng balat, matangos ang ilong, kulay pink ang labi. Sana all!! She's beyond average. Balita ko rin ay matalino siya at magaling magsalita sa harap ng maraming tao.

Parang kahit straight people ay kaya niyang mapabaluktot. Galing siya sa isang private school kaya marami rin ang gustong makipag kaibigan sa kaniya.

Nakarating ako ng bahay na pawis na pawis dahil sa init ng panahon. Walang katao dahil nasa eskwelahan silang lahat ngunit si Trisha ay pauwi na 'yon panigurado. Samantalang si Mama siguro ay naglilinis sa bahay nila Stella.

Hindi lang basta babysitter si Mama, siya rin naglalaba at nagaayos ng mga gamit sa bahay nila Stella na malapit lang din naman dito sa'min.

Umupo ako sa plastic ngunit mahabang upuan upang magpahinga pero hindi ko parin hinuhubad ang aking uniporme dahil sa sobrang katamaran.

Ang ganda ganda pa ng pwesto ko dahil nakaangat ang aking paa.

"Hoy!" Sigaw sa'kin ng bata na nakatingin sa'kin.

Nagsalubong ang aking kilay, "ano?" Tanong ko rito ngunit inilingan niya lang ako 'saka siya tumakbo.

Hinabol ko lang siya ng tingin dahil ang bilis niyang tumakbo at ang bilis ng pangyayari, nahagip siya ng trycicle tapos tumilapon siya kaya naman tumakbo ako patungo sa kaniya.

Napahawak ako sa aking bibig nang makita na green ang lumalabas na dugo sa kaniyang katawan.

Napaatras ako't napabuntong hininga. Ito nanamang panaginip na 'to!

Napabalikwas ako nang inimulat ko ang aking mga mata. Bata pa lamang ay lagi ko nang napapanaginipan ang batang iyon, palagi siyang nasasagasaan ngunit green ang kaniyang dugo. Sa paulit ulit na pananaginip ko nang ganoon sa tuwing pagod ako ay napapabuntong hininga na lamang ako't alam ko na agad na panaginip lang ito lahat.

Tumayo ako sa kinahihigaan ko, ala sais na pala ng gabi ngunit wala paring ka-tao tao sa bahay. Pero infairness ang tagal ng tulog ko ngayon. Pag tingin ko sa kaldero ay may sinaing na kaya ang hula ko ay nasa labas lang sila.

Ngunit ayos na 'yon kaysa naman magkagulo sila rito. Ang gulo kaya ng bahay kapag nandito sila.

Hindi nagtagal ay mas lumalim ang gabi. Natapos narin kaming kumain ako naman ay naghuhugas ng plato habang nanonood ng Korean drama. Nakalagay lang ang cellphone ko sa space na nasa lababo kung saan hindi ito mababasa.

Sa ganitong paraan ko na lamang napaasaya ang sarili ko. Mahilig akong magbasa tulad ng iba, mahilig din akong manood ng korean drama na kinaadikan ng iba.

Minsan, iniisip ko kung what makes me unique pero parang wala ata? Hindi ko alam. Parang ako lang 'to. An ordinary girl who lives in an ordinary house where I have my ordinary family. Sa madaling kasabihan ay I AM JUST LIVING AN AVERAGE LIFE, MINSAN PA NGA BELOW AVERAGE.

Matapos maghugas ay dumiretso ako sa sala slash tulugan nila mama slash kainan namin sa umaga. Oh, hindi ba ang convenient ng bahay namin.

Napangiti ako sa nakakaloko dahil sa inisip ko. Pftt, pero totoo naman 'di ba! Hay, kapag yumaman ako at naging isang sikat na published author una ko talagang ipapagawa bahay namin.

Syempre bago iyon, kailangan kong mag-give back sa parents ko. Hindi ko alam pero lumaki akong naririnig na dapat akong mag-give back sa kanila dahil kung hindi magiging masama akong anak. I will do my best to give back to them.

----------------------

Thank you for spending time with me hehehehatdog. Vote or comment if u want but if not then don't. I'm already contented that you've read this chapter. <3

Chapitre suivant