webnovel

19

"Ano, maayos naba ang pakiramdam mo? Kung ano ano kasing ginagawa mong bata ka. Nainom mo naba ang gamot na nilagay ko rito sa table mo kanina? Teka at kukuha ulit ako ng planggana na may tubig." hindi mapakali ang Ina ni Sid, tarantang taranta ito dahil kay Sid na ngayon ay nanghihina at namumutlang nakahiga sa higaan.

Hindi niya alam kung anong nangyari ngunit basta na lamang bumagsak ang katawan niya. Nawalan siya ng ganang kumain, halos hindi siya makatayo at makabangon sa sobrang sakit ng bawat sulok ng katawan niya. Palagi siyang nilalamig ngunit ang bandang noo niya ay mainit. Ilang beses narin siyang nagpa check up sa doctor ngunit walang mahanap na dahilan kung bakit siya nagkaka ganon.

Ilang gamot narin ang inireseta sakaniya na kailangan niyang inumin ngunit ni isa walang nakatulong para gumaan at bumuti ang pakiramdam niya. Sa bawat pag daan ng oras, mas lalo lamang bumabagsak ang kaniyang katawan sa hindi alam na kadahilanan. Ilang linggo narin siyang nakahiga lang, hindi narin siya nakakapasok sa kanilang eskuwelahan.

"M-Ma, ayos lang ako. T-Tama na. Mag pahinga na po kayo. Alas d-dos na ng umaga." saad niya habang talukbong na talukbong ang kaniyang katawan ng mga kumot. Nangangatal ang kaniyang mga labi habang nanginginig.

"Paano ako matutulog kung nagkaka ganiyan ka? Jusko, ano bang nangyayari sa'yong bata ka. Ano bang ginawa mo at nagka ganiyan ka." saad ng kaniyang Ina, bakas na bakas rito ang pag aalala.

She smiled weakly, "Ma, ayos lang ako. Sige na, matulog na kayo." saad niya rito. Bumuntong hininga ang kaniyang Ina atsaka tumango tango. Lumapit ito sakaniya at itinapat ang kaniyang kamay sa kaniyang noo.

"Sobrang init parin ng noo mo. Sobrang lala naman ng lagnat na'to. Ilang gamot narin ang na take mo pero wala parin. Ano na bang gagawin ko." saad nito, napangiti siya at pinikit ang kaniyang mga mata.

"Sige na, Ma. Mag pahinga na kayo. Ayos lang ako rito." saad niya. Tumango ito at nagpa alam na sakaniya. Pagka alis na pagka alis nito ay napa buntong hininga siya.

"T-Triton... I m-miss you." bulong niya sa kaniyang sarili. Nag unahan ang pag tulo ng luha mula sa kaniyang mga mata. Walong buwan na ang nakalipas simula ng umalis ito para bumalik sakanilang mundo. Kahit minsan wala itong paramdam kaya nag aalala talaga siya. Hindi niya alam kung ayos lang ba 'to o meron ng nangyaring iba.

-

"Kung ganoon, iyon na pala ang pagkaka taon ko upang tuluyang makapasok ng palasyo." saad niya habang mas lalong pinapatalim ang kaniyang katana na hawak.

Tumango naman ang Ministro, "Tama. Kailangan mong mag pakitang gilas upang makuha ka. Ngunit wag kang masyadong magpapa halata upang hindi mabisto ang totoong pakay mo. Wag mong ipakita na isa kang makapang yarihan, Mahal na Prinsipe." saad nito na agad niyang tinanguan.

"Wag kang mag alala, gagamitin ko lamang itong kapatid ko." saad niya habang nakangiting nakatingin sa katanang hawak niya na tinuturing niyang kapatid.

"Ngunit ang mga kawal sa palasyo. Hindi ba't karamihan sakanila ang gamit ay espada?" tanong niya rito na agad namang tinanguan ng Ministro.

"Oo, iyon ang kanilang kagamitan. Ngunit kung kaya mo silang labanan gamit lamang ang iyong katana ay mas lalo kang mapapansin ng Mahal na Hari." saad niya rito, tumango naman ito.

"Anong pinag uusapan ninyo riyan?" tanong ng kadarating na Ina niya.

Ngumiti siya, "Ikaw pala Ina. Nag uusap kami sa paparating na pag hahanap ng mga bagong kawal ng palasyo. Pinaplano kong sumali at kapag natanggap ako, mas mapapadali ang ating trabaho dahil may mata na kayo sa loob." saad niya rito.

Tumango ang kaniyang Ina na parang wala lang ito sakaniya at hindi pa nag aalala, "Sige. Mas maganda kung makukuha mo ang loob ng mga Ministro. Ngunit mag iingat ka, lahat sila ay tuso, aking Anak." saad nito atsaka sumubo ng pagkain.

"Opo Ina, tatandaan ko 'yan."

-

"Paparating na ang Mahal na Hari!" sigaw ng pinuno ng mga kawal. "Mag sipugay!" sigaw nito at agad na itinaas ng mga kawal ang kanilang mga kagamitan habang dumadaan ang Mahal na Hari sa gitna. Pagka upo nito sakaniyang trono ay bumalik na ang lahat sakanilang puwesto. Nag silinya narin ang mga gustong mapasama sa hihiranging bagong kawal ng palasyo.

"Ang lahat ba ay nandito na?" tanong ng Mahal na Hari sa Ministrong nasa tabi niya.

"May isa pang wala, Mahal na Hari. Apoy ang pangalang nakalagay sa kaniyang ipinasang papel. Hihintayin pa ho ba natin o magpapa tuloy na tayo?" tanong nito.

Tumango ang Mahal na Hari, "Wala akong masyadong oras. Simulan na." saad nito kaya agad tumango ang Ministro upang mag salita.

"Simulan na ang paligsa..." hindi natuloy ang sasabihan niya ng biglang pumasok ang humahangos na lalaki.

"Teka, wag muna kayong magsimula! Nandito pa ako!" sigaw nito dahilan para mag tinginan ang lahat sakaniya. Nag bulungan rin ang mga Ministro dahil sa lakas ng loob nito. Napataas ang kilay ng Mahal na Hari at natawa.

"Sino ka?" tanong ng Ministro.

Ngumiti ang lalaking may mahabang pulang buhok, "Ako si Apoy. Pasensya na sa huli kong pag dating." saad nito habang nakangiti ng maluwag.

Tumango ang Ministro, "Sige, pumunta kana sa iyong linya." saad nito.

"Bubunot ako at ang dalawang unang pangalan na mabubunot ay mag lalaban. Mananalo ka lamang kung ang iyong kalaban ay namatay na, o di kaya'y kusang sumuko. Maaari kayong lumaban sa paraang gusto niyo." saad ng Ministro. Tumango ang bawat nakalinyang mga makikipag tagisan.

"Sinasabi ko na nga ba at pahamak ang isang 'yon." bulong ni Grant sakaniyang sarili. Agad siyang napa iling at napa buntong hininga. Mukhang tatagal ang labanan. Halos nasa isang daan sin siguro silang nandirito sa loob.

"Ang Anak ng Magnanakaw ng Duyo laban sa Anak ng nasa pinaka mababang rango na si Wee Jang. Lu Yin at Gu Bang, pumuwesto na kayo sa gitna." anunsyo ng Ministro. Agad na nagsitabi ang lahat upang makapag tuos ng labanan ang dalawa.

Nag simula na silang lumaban habang si Grant ay ineeksamin ang bawat kalahok. Pagka tingin niya sa kinalalagayan ng Mahal na Hari. Agad niyang nakita ang Mahal na Prinsipeng nasa tabi nito. Hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwalang si Triton ang Mahal na Prinsipe sa palasyong ito.

Kung ganoon, isa siyang kalaban. Nanliit ang mata niya at tinakpan ang kaniyang mukha ng telang pula upang hindi siya mahalata. Patuloy lamang ang pag titig niya sa Mahal na Prinsipe, nahalata ata nitong may tumitingin sakaniya at napatingin ito sakaniya, ilang segundo siyang nakipag titigan rito bago umiwas ng tingin.

"Saang bayan ka napapa bilang?" napa tingin siya sa isang lalaking ngayon ay nakangiti habang nakikipag usap sakaniya.

Umiwas siya ng tingin, "Sa bayan ng Dojeon." saad niya.

"Dojeon? Ah, iyong pinaka maliit na bayan? Ako naman ay taga bayan ng Gujeong. Daehwan nga pala." saad nito at iniabot ang kamay sakaniya upang makipag kilala. Tumango siya at nakipag kamay rito.

Mas mabuti nga sigurong meron rin siyang kakilala rito na kahit isa man lang.

"Kung kailangan mo ng impormasyon tungkol rito sa palasyo. Wag kang mag aatubiling lumapit sa akin dahil marami akong alam rito. Ngunit bawal mong sabihin sa iba sa oras na sinabi ko na sayo, sigurado akong mag dadala iyon ng malaking kaguluhan sa buong palasyo." saad nito kaya agad siyang tumango.

"Kagaya ng ano?" tanong niya rito.

Lumapit ito at bumulong sakaniya, "Ang mga kapatid ng dating Mahal na Prinsipe ay nandirito sa..." hindi nito natuloy ang sasabihin ng tawagin ng Ministro ang pangalan niya.

"Kim Daehwan ng bayan ng Gujeong laban sa Lee DongMin ng bayang Tiriyu." tumingin ito sakaniya at ngumiti.

"Sige, mauna na'ko sayo. Laban ko na." saad nito kaya agad siyang napatango.

"Ang mga kapatid ng dating Mahal na Prinsipe ay nandirito sa..."

Anong ibig nitong sabihin roon? May alam ba ito tungkol sakaniya at sakaniyang mga kapatid? Ngunit papa ano? Ang sabi nito ay nandirito ang mga kapatid niya. Napa iling siya, tatanungin niya nalang ito mamaya.

Nanood siya ng laban nito at halatang marami itong alam sa pakikipag laban. Napaka bilis nitong kumilos at halatang ensayong ensayo ito sa pag hawak ng espada. Wala pang ilang minuto ay natapos na ang laban nito dahilan para mag palakpakan ang lahat. Tumingin ito sakaniya at ngumiti, tumango naman siya bilang sagot.

"Susunod, Buno ng Hegwang laban kay Apoy ng Dojeon." nanlaki ang mata niya ng marinig ang pangalan niya. Lumapit sakaniya si Daehwan at tinapik siya sa kaniyang balikat.

"Galingan mo."

-

Nanliliit ang matang nakatingin si Triton sa dalawang ngayon ay nag lalaban. Isang mapa ngahas ang nagawang makipag titigan sakaniya na Apoy ang ngalan ngunit wala naman talaga siyang pake. Ngunit meron siyang napapansin, pakiramdam niya kilala niya ang taong ito. Para bang nagkita na sila dati dahil pamilyar talaga ito.

Napangiwi siya ng makitang nasugatan ito sakaniyang kanang braso. Mukhang hindi pa ito ganoon kagaling sa pakikipag laban. Nang inanunsyong panalo ito ay tumayo siya para sana umalis na ngunit naka bantay nanaman ang kawal na itinalaga sakaniya, ito ang kauna unahang hindi siya makatakas mula sa bantay ng mga ito.

Napaka tagal narin ng umalis siya mula sa mundo ng mga tao. Wala na siyang balita tungkol kay Yveon. Ilang beses niyang tinangkang bumalik roon ngunit wala talaga siyang magawa. Kahit anong gawin niya, hindi mabuksan ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao.

Gustong gusto na niya itong makita at makausap. "Kamusta kana kaya, Mahal ko?" tanong niya habang ang tingin ay nasa kalangitan.

Maya maya lang ay natapos narin ang labanan. Nasa anim lang ang natira at nakapasa sa pag susulit.

"Ang pangalawang pag susulit ay tumutukoy sa kung sino sainyo ang nasa pinaka mataas na posisyon. Ang bawat isa sainyo ay pinapayagang pumili ng kahit na sino na nasa palasyo upang iyong maging katapat sa labanan." saad ng Ministro.

"Ang unang pangalan ay si Apoy ng Dojeon." saad nito. Nag punta ito sa gitna.

"Maaari ka ng pumili ng iyong kakalabanin." saad ng Ministro.

Napatingin sakaniya ang lalaking ito dahilan para manliit ang mata niya. Ano ba sa tingin nito ang ginagawa niya?

"Gusto kong hamunin ang Mahal na Prinsipe sa isang labanan." napangisi siya ng dahil sa sinabi nito. Tama ba siya ng pagka rinig? Hinahamon siya nito?

Narinig niya ang pag tawa ng kaniyang Amang Hari sa kaniyang gilid. Napatingin siya rito at nakitang mukhang nasisiyahan ito sa nangyayari, "Nasa pinaka mababang bayan lamang siya nakatira at halata sa paunang laban niya na hindi pa siya ganoon kagalingan ngunit matapang siya hahaha." saad nito na mukhang tawang tawa talaga.

Napa iling nalang siya at walang nagawa kundi ang mapatayo, "Kung ganoon sige, lalabanan kita. Upang maging patas ang laban hindi ako gagamit ng aking kapangyarihan at kahit na anong uri ng kagamitang pan laban. At sa iyo naman, pinapayagan kitang gamitin ang kahit anong gamit na nasa harapan mo ngayon." saad niya, agad itong napatingin sa lamesang nakahilera ang mga kagamitang panlaban.

"Sapat na sa akin ang aking mga katana, Mahal na Prinsipe." saad nito. Ngumisi siya at agad na bumaba upang mag pantay sila. Mas lalong nanliit ang mata niya habang tinitignan ito, pamilyar talaga ito sakaniya.

"Simulan na ang laban!"

-

"Hahahaha, alam mo iniidolo na kita simula ngayon. Napaka lakas ng loob mong hamunin sa harap ng Mahal na Hari at ng mga Ministro ang Mahal na Prinsipe ngunit sa huli wala parin, olats ka parin hahaha." saad ni Daehwan na ngayon ay tinatawanan siya. Napa iling siya at natawa nalang. Inayos niya ang kaniyang mga kagamitan sa kaniyang silid na titirhan sa loob ng palasyo. Mabuti na lamang at si Daehwan ang nai atas na kasama niya sa iisang kuwarto.

"Ewan ko ba, tinignan ko lang naman kung hanggang saan ang aking makakaya." saad ko ngunit hindi parin maikubli ang gusto kong pag sabog ng tawa. Habang nasa kalagitnaan kasi sila ng labanan ng Mahal na Prinsipe, hindi niya pinahalata ngunit ginamitan niya ito ng kapangyarihan upang saktan ang loob looban nito na hindi mapapansin ng lahat.

Ngunit ang alam ng lahat ay siya ang talo sa dami niyang nakuhang sugat sa pisikal na kaanyuan.

"Hahaha alam mo ayos lang 'yon. Lalakas ka rin."

"Tungkol nga pala sa ibinulong mo sa akin kanina. Anong alam mo tungkol sa mga kapatid ng dating Mahal na Prinsipe?" tanong niya rito at agad na naupo sa kaniyang higaan.

Natawa ito at umiling, "Wala, gawa gawa ko lamang 'yon. Ang mabuti pa mag pahinga kana dahil maaga pa tayong mag sisimula sa pag sasanay bukas."

Napatango siya, "Sige." saad niya. Nahiga siya at napa pikit.

Nahahalata niyang nag sisinungaling lamang ito sakaniya. Ayaw lang talaga nitong sabihin. Umiling siya at natulog nalang, marami pa siyang oras upang malaman ang katotohanan.

-

"Nasaan si Sid? Bakit wala siya sa kaniyang kuwarto? Nakita niyo ba kung saan siya nag punta?" tanong ng Ina ni Sid sa anak niya at sa kaibigan ni Sid na si Sarah.

"Tita, anong nawawala? Hindi naman po siya dumaan rito kahit ni isa. Baka nasa cr lang po siya?" tanong nito sakaniya.

Umiling ito, "Wala siya roon. Tinignan ko na ngunit wala. Jusko ang batang iyon kung saan saan talaga pumupunta." napa hawak siya sa kaniyang ulo at napa upo at napa pikit. Pakiramdam niya hilong hilo siya.

Tumayo ang kapatid ni Sid upang puntahan ang pintuan ng biglang may mag door bell doon. Agad bumungad sakaniya ang isang envelope. Napa tingin tingin siya sa paligid ngunit walang kahit ni isang tao.

Pumasok siya sa loob, "Ma, may dumating na sulat. Hindi ko nga lang alam kung kanino galing, wala kasing tao sa labas. Ang creepy."

"Akin na, iabot mo sa akin. Baka galing yan sa iyong ate, jusko ang batang yon malilintikan talaga sa akin yon." saad nito sa kaniyang sarili.

Agad niyang binuksan ang envelope at tama nga siya. Sulat nga iyon galing sa kaniyang anak.

Ma, wag na kayong mag alala sa akin. Alam kong alam niyo ang tungkol kay Grant at Triton, na hindi sila tao at nakatira sila sa ibang mundo. Gusto ko lamang sabihin na susunod ako sa mundong kinatitirhan nila sa tulong ng isang kaibigan. Mahal ko po si Triton, gusto ko siyang sundan dahil gusto kong alamin ang kalagayan niya, ganoon narin si Grant. Wag po kayong mag alala sa akin, kakayanin ko 'to. Babalik ako ng ligtas sa mundo natin pagkatapos kong matukoy kung ano talaga ang nangyayari. Wag rin kayong mag alala sa sakit ko, kaya ko naman. Kakayanin ko po. Mag iingat kayo ni Daya. Mamimiss ko kayo. I love you.

from Yveon Sid Valtazar.

Napapikit siya at bigla na lamang nahilo sa kaniyang nabasa dahilan para bumagsak ang kaniyang katawan. Napasigaw naman sina Sarah at Daya at agad na tinulungan ito at isinugod sa hospital.

-

"Sa nakikita ko, hindi matukoy ng mga doctor sa mundo ninyo ang kalagayan mo, hindi ba?" tanong ng babaeng nakasuot ng itim. Agad na nanlaki ang mata niya at agad siyang tumango.

"Tama po kayo, paano niyo po nalaman?"

"Ang sakit na dinadanas mo ngayon ay kagagawan ng isang itim na salamangka. Ginamitan ka ng isang makapang yarihang salamangka na kung saan unti unti kang hihina at dahan dahang mamamatay ang katawan mo. Ngunit dahil sa pinakain ko sayo, maaari ka pang mabuhay ngunit hindi natin sigurado iyon." saad nito sakaniya.

Tumango siya, "Wala na po akong pake sa kalagayan ko, sa ngayon ang gusto ko lamang ay ang makita sina Triton at Grant. Sobrang tagal na kasi ng huli naming pag kikita."

Tumango ito sakaniya, "Alam ko. Sinundo kita hindi dahil gusto kong magkita kita kayo, kundi dahil ikaw ang sulosyon sa isang gusot."

"Po? Gusot? Anong ibig niyong sabihin?"

Ngumiti ito at tumalikod sakaniya, "Ikaw lamang ang makakapag tama ng mali. Ikaw ang magiging daan ng katahimikan. Ikaw ang magiging daan ng katarungan. Ikaw ang may pinaka mahalagang misyon na kailangang tapusin sa mundo namin. Ikaw ang itinakda, at ikaw ang mag sisimula."

Chapitre suivant