"Ate Sid!" naiinis na ibinaba ko ang librong binabasa ko, inilapag ito sa katabi kong upuan, pinindot ang flush button at inayos na ang sarili.
°°°°°
"What is it again, Daya?" sigaw ko sa kanya mula sa loob ng cr. Nang makitang hindi pa ito lumubog ay pinindot ko ulit ang flush button pagkatapos non ay hinugasan ko ang kamay ko, naglagay ako ng alcohol at agad na lumabas.
"Bilisan mo ate, magsisimula na ang palabas ni kuya Grant!" sigaw niya mula sa labas ng kuwarto ko, nanlaki ang mata ko at agad na binuksan ang pintuan at bumaba mula sa itaas. Bakit ko ba nakalimutan na Sunday nga pala ngayon?
Agad agad akong umupo sa tabi ni Daya sa may couch, "Mama, pakikuha nga yung dalawang coke yung malamig, pakikuha narin yung leche flan sa may ref." saad ko habang hindi naaalis ang mata ko sa tv.
"Aba, napakagaling mo namang bata ka. Naghuhugas ako ng pinggan rito, halika't ikaw ang mag hugas ng pinggan at kukunin ko yang coke at leche flan para ibigay diyaan." napairap ako sa sinabi ni Mama, kahit kelan talaga si Mama hindi na ako sinunod. Kung palayasin ko kaya siya rito sa bahay?
Siniko ko ang kapatid ko at siya ang kinulit ko para kumuha, "Dali na Daya kumuha kana, kakainin din naman nating dalawa e. Kapag ako ang kumuha doon wag na wag kang hihingi, bahala ka." tinignan ako nito at nginiwian.
"Oo na ate, parang hindi naman ako sanay sa palagi mong sinasabi. Ang sabihin mo tamad ka, ang tanda tanda mo na pero ang tamad mo parin." pangaral nito sa akin kaya pinandilatan ko ito ng mata.
"Anong tamad? Hindi ako tamad, inuutusan kita kasi mas matanda ako sayo. Mas matanda ang may alam ng tama kaya sundin mo nalang ang inutos ko, pingutin kita diyan e." saad ko rito, pinantaasan pa ako nito ng kilay bago umalis at kumuha kaya natawa ako.
Napatili ako ng mag umpisa na nga ang palabas. Si Grant ang main cast sa story and guess what? He's my best friend. Yes, you heard it right ang kaso minsan lang kami magkita at magkasama. Student siya like me, magkaklase kami pero halos hindi naman kami magkausap doon dahil sa mga fans niya.
Hindi lang 'yon ang kinalulungkot ko, bukod sa hanggang chat nalang kami, pakiramdam ko ayaw niyang ipaalam sa lahat na may kaibigan siya at ako 'yon. Sabagay, famous na siya ngayon, malayo na ang narating niya at sigurado na ang future niya samantalang ako? puro pasang awa na nga ang grado, lagi pang nasasangkot sa away.
Isang bagay nalang ata ang kung saan passionate talaga ako, ang pagsasayaw. Halos umabsent na nga ako maka training, at practice lang. Iyon rin ang pinag aawayan namin ni Mama, masyado na raw ako sa pagsasayaw ko at iwanan ko na iyon pero siyempre papayag ba naman ako?
Simula bata pa ako sumasayaw na talaga ako, at the age of fourteen ay naisali ako sa isang dance crew kung saan puro matatanda ang kasama ko. Ang pinaka bata bukod sa akin ay si Ate Wyna, Grade ten student siya noon while Grade nine student naman ako.
Right now, i'm staying strong with the group naman for years na. Marami na kaming nasalihang competition, kung minsan umuuwing luhaan pero kung minsan umuuwing may dalang premyo.
Ang totoo wala talaga kaming pake sa makukuha naming premyo, ah hindi meron pala, bonus na ang premyo sa amin. Basta naideliver namin ng maayos yung sayaw ayos na sa amin iyon, basta naging masaya kami sapat na yon.
Sa buhay ko naman ngayon, wala na akong ama. As in, yes hiwalay na sila ni Mama. Hindi ko siya kilala at hindi ko pa nakikita, nasa sinapupunan pa raw ni Mama si Daya noon nong naghiwalay sila pero hindi ko narin maalala kung may memories ba kami ng tatay ko o wala pero ayos lang, masaya na ako kahit sina Daya at Mama lang sa tabi ko.
"Ang dami namang kissing scenes diyaan sa palabas ni kuya Grant, hindi kaya maubos na ang labi nila." komento ng kapatid kong si Daya, inirapan ko ito at nakanguso at maluha luhang pinagpatuloy ang panonood. Totoo ang sinabi niya, napakaraming kissing scenes sa palabas nila Grant kaya todo selos ako.
The truth is, childhood bestfriend ko si Grant. Ang kaso, na fall ang ate niyo, yes marupok po ako pero kay Grant lang. Kung tatanungin niyo naman kung alam niya ba na gusto ko siya? ang sagot ay, no. Never akong magtatapat sa kanya, sigurado akong magagalit iyon sa akin, hihiwalayan na ako as a bestfriend at hindi na ako kikitain pa.
Iyon ang mga nakikita ko sa mga dramas kaya ayokong magtapat. Atsaka isa pa, sapat na sa akin yung naguusap kami at hindi niya ako binabalewala, kahit pa kung minsan pakiramdam ko ayaw niya akong kausapin, atleast nagrereply parin hindi ba?
Kapag umamin ako sa kanya, baka maikalat lang iyon alam niyo na, power of fangirls. At kapag naikalat iyon, siguradong madedehado ang image niya as a model, actor and singer. Ang bongga niya noh?
Bukod sa talented e matalino pa yan, pa cold type nga lang na ang sarap niyang hampasin. Pag dating sa fangirls aba'y grabe maka ngiti akala mo mapupunit ang labi pero pag dating sa akin akala mo mahuhulog yung labi sa sobrang simangot.
Ayos lang naman sa akin iyon, mas gwapo pa nga siyang tignan kapag seryoso mukha niya e.
Medyo makapal ang kilay, matangos na ilong, malambot at makinis na kutis, ang maganda at mukhang napakalambot na labi niya ang siyang nagpapagwapo sa kanya, idagdag pa na maputi siyang tao. Koreanong koreano talaga ang datingan, magaling pa sa fashion.
Nasa kanya na ang lahat.
Nagkamali ako ng sabihin kong nasa kanya na ang lahat, hindi nga pala siya marunong sumayaw at hindi siya gaanong matangkad. Hate na hate niya kapag tinatawag ko siyang short legged, iirapan ako noon at tatalikod na at hindi na mamamansin. Hindi naman siya sobrang liit, nasa mga 5'4 or 5'5 siguro siya.
Alam niyo ba, pinag awayan pa namin once yung video kung saan pinilit siya nila Mama na sumayaw para sa akin, birthday ko kasi noon at nag aaway pa kami. Nang ipakita sa akin iyon ni Mama noon sobrang happy ako pero si Grant busangot ang mukha. Hindi kasi siya marunong sumayaw, hindi naman parang kawayan pero hindi mo rin masasabing marunong siya.
"Ang sarap tirisin ng babaeng 'to, kung saan saan sumusulpot e ayaw nga sayo ni Grant!" sigaw ko kay Wendy na biglang sumulpot nanaman sa harapan ni Grant sa palabas, si Wendy ang nagkakagusto kay Grant sa palabas pero hindi siya gusto ni Grant doon, buti nga sa kanya para siyang kabute e.
"Kahit pa kung saan saan sumusulpot yan ate, wala ka paring panama sa babaeng 'yan. Grades pa lang lagapak kana." saad ng kapatid ko sa tabi ko kaya naiinis na pinaghahampas ko siya at napa aray naman itong tumayo at lumipat sa isang upuan.
Ang galing talagang mang asar kahit kelan, walang dulot na bata! Hindi ka mahal ng mama mo.
Joke, mama pala namin.
Nagreready akong sipain ang kapatid ko na lumalapit sa akin pero ipinakita nito ang cellphone ko na hawak niya, "May nag text sa cellphone mo ate, sige ka sipain moko tapos ito ihuhulog ko." saad niya, umayos ako ng upo at kinuha sa kanya ang cellphone ko.
Nagmamadali ko iyong inopen nagbabaka sakaling si Grant ang nag text pero hindi. Group chat naming mga parte ng dance crew.
FG Dance Crew
@greatleader : magkita kita tayo mamayang six, hindi filipino time. ang mahuhuli tatakbuhin ang buong plaza ng sampong beses. same spot tayo.
Nakangusong nagreply ako ng yes kuya at agad na pinatay ang cellphone ko. Dismayado ako na hindi si Grant ang nag text, sabagay, dapat nasanay na ako. Hinding hindi naman yon mag tetext kung hindi ako ang naunang mag text. Ako ang palaging nag fifirst move, hindi naman halatang ayaw niya akong kausap noh?
"Sino yung nag text ate? Hindi si kuya Grant noh?" tanong sa akin ng kapatid ko, pinandilatan ko siya ng mata at iminuwestrang tumahimik siya at baka marinig siya ni Mama. Ang kapatid ko lang ang nakaka alam na may gusto ako kay Grant.
Paano niya nalaman? Noong nasa sixtheen years old siguro ako at siya ay twelve, nakita niya at nabasa yung mga lukot lukot na papel kung saan nakasulat ang mga diary ko para sa feelings ko kay Grant.
Nag start akong gumawa ng diary noon at puro punit nalang ang nagawa ko lalo na kapag nagkamali ako ng isang letter o lumagpas sa linya, ganoon ako kaarte hanggang sa wala ng natira na pahina kaya hindi ko na tinuloy.
"Wag mo na nga akong kausapin Daya, malilintikan kana sakin bigtime. Kanina mo pa ako inaasar." naiinis na saad ko at nagfocus nalang sa panood sa tv.
"Hindi kita inaasar, sadyang sapul ka lang." saad nito, kinuha ko ang remote at ibabato sana rito kaso natatawang nagtago ito sa likod ni Mama na kararating lang.
"Ano ba Daya, kay tanda tanda na para pang bata. Ano nanaman bang pinag aawayan ninyong dalawa? Bumalik ka nga sa upuan mo!" saad ni Mama sa kanya ngunit nanatili ito sa likod ni Mama upang diko mabato.
"Mama si Ate kasi oh, babatuhin ako ng remote. Paano nalang kapag natamaan ako? nagkabukol ako tapos nasira pa yung remote? double kill." pag susumbong nito, inirapan ko nalang ito atsaka ibinaba ang remote.
"Tumigil ka nga rin Sid, ibaba mo ang remote isa ka rin para kang bata. Ibabato mo yan sa kapatid mo? paano kung nasira yan? may pambili kaba ng bago?" nailing nalang ako at napasimangot, sobrang sarap tirisin ng kapatid ko lalo pa't binelatan ako nito, jusko nangigigil talaga ako sa mga bunso. Napaka tigas na nga ng ulo, mga tamad pa.
Umupo si Mama sa tabi ko at bumalik na si Daya sa kanyang upuan, nakinood narin si Mama at kumain ng leche flan na ginawa ko kahapon. "Ano ba itong leche flan mo, masyado namang matamis."
"Wag niyo nalang kainin Ma, reklamo pa kayo e hindi ko kayo pinipilit na kumain diyaan. Kung ayaw niyo ako ang kakain." saad ko ngunit isang kurot sa singit ko lang ang natanggap ko kaya napangiwi ako.
"Ma, oo nga pala kelangan kong umalis mamayang alas sais. May practice kami." paalam ko sa kanya. Nanatili ang mata nito sa tv habang kumakain, ganoon rin naman ako.
"Oo na, basta ipapangako mong this week wala kang absent kahit isa dahil kung hindi, ako mismo ang kakausap sa pinaka leader niyo para tanggalin ka sa grupong yan. Nagiging balakid na yan sa pag aaral mo." saad ni Mama kaya napatango nalang ako, kelangan ko nalang sigurong mag ditch ng klase ng hindi niya nalalaman at mag eexcuse nalang ako sa mga teachers na may sakit ako kapag hapon na kaya umaga lang ako makakapasok.
"Sus maniwala ka riyan kay Ate, Mama. Pasok sa isang tenga labas sa isang tenga yan, hindi na kayo nasanay diyan." saad ng kapatid ko, nailing nalang ako, kahit kelan talaga kontrabida ang kapatid kong ito.
"Pupuwede ba Daya wag kang sasabat sa usapan ng matatanda?" naiinis na tanong ko rito ngunit isang belat lang ang tugon nito.
"Tumigil na nga kayong dalawa riyan." saway sa amin ni Mama.
Five oclock pa lang ay nagsimula na akong magprepare ng sarili ko. Nagsuot ako ng black short shorts at oversized black shirt, nagsuot rin ako ng sneakers ko at itinali ang buhok ko paitaas, hindi ako mahilig sa make up na tao kahit pa iyon ang hilig ng mga kabataan ngayon, hindi ko lang feel, dahil siguro sa pagiging half filipino ko o ayoko lang talaga? ewan.
Kumain muna ako ng gabihan bago nag paalam kina Mama at Daya atsaka nag tricycle papunta sa plaza. Pagkarating ko roon ay nagpunta ako sa space shuttle kung saan palagi kaming nagkikita at nag papractice, nang makarating ako sa space shuttle ay sina Saeron at Jeff palang ang nandoon.
"Hello Sid!" sabay na kumaway sa akin ang dalawa na tinanguan ko naman, umupo ako sa tabi ng mga ito.
"Anong ginagawa niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa, iwinagayway ng mga ito ang cellphone nila sa mukha ko.
"Sige ilapit niyo pa, hindi ko kita grabe." inirapan ko ang dalawa at natatawang ibinaba nila ang cellphone. Pinapanood nila yung kuha ng last na laban namin sa Balungao kung saan nanalo kami.
"Hey, wassup!" napatingin kaming tatlo sa kadarating na si John hanggang sa magsunod sunod na ang pagdating nilang lahat.
"Sino ang huling dumating?" tanong ni Kuya Zhed, ang pinaka leader namin sa crew. Natigil sa pag tuturo turo ang mga kasama ko ng dumating si Qin, bored na bored itong umupo at nagtaas ng kamay.
"Qin, late ka nanaman. Ano nanamang ginawa mo?" tanong ni Kuya Zhed sa kanya, kinamot nito ang kanyang pisngi bago nagsalita.
"Work, Kuya Zhed."
Tumango nalang si Kuya at hindi na pinarusahan pa ang huling dumating kung hindi ay nag meeting meeting na kami.
"Sino ang may time sa inyo ngayon na mag practice? same time parin, eto na ang huling laban natin dahil pagkatapos nito kanya kanya muna, mag chachat nalang ako sa group chat kung kailan ulit ang next na laban." panimula nito.
"Jasmine, pakilista mo nga yung mga sasali. Yung siguradong makakarating lang sa practice, ayoko ng lulubog lilitaw. Mamaya ayos na ang lahat pagkatapos may mga aalis at may mga dadagdag, kung ganoon din lang nanaman kagaya noong lumaban tayo sa Cebu wag nalang tayong sumayaw." saad nito, "Mag taas ng kamay yung siguradong makakasali."
Agad akong nag taas ng kamay ko, nakaya ko ngang lumusot dati, ngayon pa kaya? Sigurado namang hindi ako mahuhuli ni Mama.
"Sino ang hindi makakasali Jasmine?" tanong ni Kuya kay Ate Jas.
"Tatlo po Kuya, si Walter, David, at Arenson."
Mabilis na natapos ang meeting namin at pagkatapos non ay agad kaming tumayo, nag linya kami sa dalawang linya at by partner na nagsimulang tumakbo papa alis upang ikutin ang buong plaza ng sampong beses.
Matagal na namin itong ginagawa kaya medyo sanay narin ang katawan ko. Noong una ay napaka bilis kong mapagod pero ngayon hindi na masyado, mas lalo rin akong naging flexible dahil sa training namin.
Pagkatapos ng pagtakbo namin ay diretso jogging kami papasok sa basketball court, tinakbo ulit namin yung mga upuang hagdanan ng sampong beses, pagkatapos ay diretso baba kami sa basketball court at tumakbo ulit sa space shuttle. Hindi na pinagawa samin ni kuya iyong ilan sa training namin na halos magkasugat sugat kami kaya diretso na kami sa stretching.
Nang matapos ang training ay hinihingal kaming lahat na lumagapak sa sahig, "Iyan lang muna sa ngayon, magkita kita nalang ulit tayo sa susunod. Ichachat ko kayo sa group chat, walang mag aabsent sa practice ah. Sige, mauna na ako." paalam ni Kuya Zhed.
"Ingat kuya."
"Sige, kuya."
"Kuya pasabay ako sa motor mo!"
Tumayo na ako at nagpaalam sa kanilang lahat, naglakad na ako paalis roon at dahil sa sobrang pagod bumili muna ako ng isang palamig bago nagsimulang maglakad pauwi. Wala na akong extrang pera kaya hindi na ako sasakay.
Madilim na ng papauwi ako, alas diyes na kasi natapos ang training at always naman akong naglalakad kaya ayos lang, sanay na ako. Inilabas ko ang cellphone ko at pumunta ng contacts, pinindot ko ang number ni Grant, nag aalangan pa ako kung tatawagan ko ba o itetext ko.
Napa buntong hininga nalang ako at agad na pinatay ang cellphone ko at ibinalik sa bulsa ko.
Habang naglalakad nagulat ako ng biglang may narinig akong boses ng isang lalaki malapit sa basurahan, nangunot ang noo ko at dahan dahang lumapit roon. Nagulat ako at medyo napa atras ng may tumayong lalaki roon, tila ba nalilito kung nasaan siya, o may sira siya sa ulo?
Nang madako ang tingin nito sa akin ay ngumiti ito at agad na umalis doon.
Nagtaka ako at inexamin ang kabuuan nito, sinaunang damit, mahabang buhok, at napaka gwapong mukha. "Sayang naman kung may sira ka sa utak, napaka gwapo mo pa naman." bulong ko sa sarili ko.
"A-Ano? Ako? May sira sa utak? baliw kana ba?" sigaw nito sa akin, nakaturo pa sa akin ang isang daliri. Sabihin na nating hindi siya baliw, baka wala lang alam sa fashion.
Unti unti nitong binaba ang kamay at kinamot ang batok, "Pupuwede ba akong sumama sayo?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nito, sabi ko na, rapist ito.
"Hindi, hindi ka puwedeng sumama sakin!" sigaw ko at agad agad na tumakbo, nanlaki ang mata nito at agad ring tumakbo para sundan ako.
"Teka, binibini! Hintayin mo ako! Kelangan ko ng tulong, pakiusap!"
"Baliw kana ba?" singhal ko rito at mas binilisan pa ang pagtakbo, "Aah, wag mokong susundan!" sigaw ko rito, agad akong lumiko liko at dumaan sa pinaka shortcut papunta sa bahay.
Napatingin ako sa likuran ko, agad akong natigil at pinakiramdaman ang paligid. Wala na siya, naiiling na pumasok ako sa loob ng bahay at isang kurot ang sumalubong sa akin.
"Late ka nanamang umuwi! Tignan mo nga ang sarili mo, Sid. Hala sige, pasok at maligo ka, may natira pang ulam sa kitchen at kumain ka bago matulog."
"Opo, Mama." agad akong pumasok sa kwarto at ginawa na ang dapat kong gawin. Kumain rin ako at nagtooth brush bago humiga sa higaan ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at naglakas loob na tinext si Grant, hindi man lang ba ako naaalala ng isang yon?
Ako.
Hi Grant, tulog kana ba?
Tanong ko, makalipas ang ilang minuto ay nagreply naman ito kaya abot abot ang ngiti ko hanggang sa tenga ko.
Grant.
Oo, tulog nako.
Napahagikgik ako atsaka napanguso. Kahit pa pilosopo siya kung minsan, mahal ko parin siya.
Ako.
Papasok kaba bukas?
Grant.
Oo, goodnight.
Ako.
Goodnight, Grant. Sweetdreams.
Naiiling na napangiti ako at pinatay na ang cellphone ko. Pinatay ko narin ang ilaw atsaka nagkumot bago pinikit ang aking mga mata.
Napamulagat ulit ako ng maalala ang lalaki kanina. Sasabihin ko ba kay mama o hindi? siyempre paano nalang kung ginawan ako ng masama ng gagong 'yon tapos namatay ako, walang nakakita ng nangyari, para may clue na si mama kung sino ang tutugisin at ipapakulong kung sakali.
Nailing ako sa sarili ko at tinampal ang noo ko, masyado na akong nag ooverthink. Hindi naman siguro kayang gumawa ng ganoon yung lalaking 'yon.
Napabuntong hininga ako at sinimulan ng ipikit ang mata. Doon unti unti akong nakatulog.