webnovel

Chapter 15

Chapter 15

Halos dalawang linggo na ang lumipas simula nung umpisahan naming gumawa ng thesis. Bawat content kasi nun ay kailangan namin ipacheck sa adviser namin at kapag may mali, kailangan namin ulitin.

Bukod sa thesis, marami pa kaming requirements na kailangan asikasuhin at ayusin dahil mga graduating students na kami. Bihira na lang tuloy kami nagkakasama-sama ng mga kaibigan ko dahil pare-parehas kaming maraming gawain.

Nakakausap ko naman si Francis pero hindi na ganun kadalas. Minsan na lang niya ako maihatid kapag uwian dahil kadalasan, gagawa pa kami ng thesis sa bahay ng mga kagrupo namin. Minsan sa bahay namin kami gumagawa kaya madalas, yung mga kagrupo namin ang kasama namin.

Kapag sa gabi naman, minsan ko na lang din siya makatext at makatawagan dahil pagkauwi ko o pagkauwi niya, magpapahinga lang ng konti at kakain tapos matutulog na.

Halos dalawang linggo na lang din, Christmas Party na namin. Sobrang bilis lumipas ng panahon, hindi ko rin maisip na isang buwan na pala kami ni Francis bilang magboyfriend and girlfriend.

Kaya ngayon, naghahanda na ako dahil pupuntahan ko siya. Sunday naman, walang pasok kaya may time kami ngayon. Hehe Baka nga tulog pa yun ngayon eh dahil tumawag pa siya kaninang exact 12am para batiin ako.

December 5 pa dapat ang monthsary namin which is sa wednesday kasi first day ng second sem naging kami at november 5 yun pero sinabi ko kay Francis na ngayon na namin icelebrate kahit december 2 pa lang para walang pasok kasi linggo naman ngayon. Pero ang totoo, pupuntahan ko nga siya sa kanila kaya ko sinabi na ngayon na kami magcelebrate.

Pagkatapos ko mag-intindi, lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam kay Mama. Silang dalawa lang ni Kuya ang maiiwan dito ngayon sa bahay dahil maagang umalis si Papa kahit linggo naman ngayon.

"Anong oras ka uuwi?"

"Baka po before lunch or after lunch."

"Sige. Mag-iingat ka ha." tumango lang ako at nagpaalam na saka lumabas ng bahay.

Sa mall muna ako dumiretso. Maghahanap pa ako ng pwede iregalo sa kaniya. Dapat yung magagamit niya at kailangan talaga.

Habang nag-iikot ako sa palibot ng mall, nag-iisip din ako kung anong bibilihin ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid hanggang sa nahagip ng mata ko yung mga nakasabit na sumbrero sa isang tindahan. Lumapit ako doon saka tiningnan isa-isa yung mga cap. Naisip kong lagi naman siyang nakamotor at mainit ang panahon kaya bibilhan ko siya ng isa.

"Ano sa'yo miss?" nakangiting tanong nung tindera. Itinuro ko naman yung itim na sumbrero.

"Ayun po ate." kinuha ni Ateng tindera yung itinuro ko at inabot sa'kin. Maganda naman siya, simple lang. Alam kong mas gusto ni Francis yung plain lang kaya pinili ko itong hindi masyadong madesign. Sakto lang...

Nagbayad na ako at kinuha naman ni Ate yung sumbrero saka inilagay sa plastic at binigay sa'kin. "Salamat." ngumiti lang ako at umalis na.

Pumunta naman ako sa tindahan ng mga pabango. Hindi ko alam kung anong pabango nun pero alam kong nagpapabango siya. Naaamoy ko lagi eh. Haha

Pagdating ko sa tindahan ng mga pabango, agad akong namili ng panlalaki. Tumabi naman sa'kin yung saleslady na binabantayan yung ginagawa ko. Kala mo naman nanakawin ko yung tinda nila, joke.

Kumuha ako ng isa. "Ate mabango ba 'to?" tanong ko kay Ateng saleslady at tumango naman siya. May kinuha siyang maliit na bote sa may gilid ng lamesa kung saan nakapatong yung mga cologne saka inabot sa'kin... "Eto po miss ang sample." Kinuha ko yun at tinanggal ang takip saka inamoy.

Mabango nga.

"Sige ate eto na." inilagay niya sa box yung pabangong napili ko at nilagay sa plastic saka binigay sa'kin. Nagbayad na rin ako bago umalis. Bumili muna ako ng paper bag na gawa sa gift wrapper at dun ko nilagay yung mga binili ko.

Tuwing magkasama kami, laging siya ang gumagastos kaya naisipan kong regaluhan siya ngayong 1 month na kami. Mamaya tatanungin ko siya kung ano pang gusto niya kapag nandun na ako sa kanila.

***

"Pasok ka. Naku! Mukhang tulog pa si Kiko. Gisingin mo na lang. Hehe." pumasok na ulit ng bahay yung mama ni Francis matapos niyang buksan ang pinto at makita ako. Sumunod naman ako sa kaniya. Lumabas kasi siya nung kumatok ako sa pinto nila.

"Buksan mo na lang yung pangalawang kwarto sa kaliwa. Hindi naman naglolock ng pinto yun eh kaya madali kang makakapasok kahit hindi kana kumatok."

"Sige po Tita. Thank you po."

"Sige." ngumiti siya bago pumunta sa kusina nila. Baka nagluluto siya nung kumatok ako. May naaamoy kasi akong nilulutong pagkain. Hindi ko lang matukoy kung ano.

Pinuntahan ko yung kwartong sinasabi ni Tita saka dahan-dahang kong binuksan yung pinto at maingat na pumasok. Nakita kong nakadapa si Francis sa kama niya. Mukhang ansarap ng tulog. Sa kabilang side siya nakaharap kaya hindi ko kita yung mukha niya.

Nilapag ko sa study table niya yung regalong dala ko saka lumapit sa kama at umupo sa gilid nun. Pinagmasdan ko lang siyang matulog.

Tanghali na, bakit tulog na tulog pa rin 'to? Siguro hindi agad siya natulog pagkatapos namin magtawagan. Baka naglaro pa siya ng mobile games or nagyoutube.

Nakita ko sa may ulunan niya ang kaniyang cellphone. Dahan-dahan kong kinuha yun para hindi siya magising. Inopen ko 'to at, may password. Ngayon ko lang nahawakan itong cellphone niya dahil hindi naman niya 'to nilalabas kapag magkasama kami.

Sinubukan kong hulaan kung anong password niya pero nagulat ako nang biglang may humablot nito sa kamay ko.

"Gising kana pala."

"Bakit hindi mo'ko ginising? Kanina kapa diyan? Hindi ka rin nagsabi na pupunta ka." bumangon siya at inilagay sa drawer yung phone niya na nasa tabi lang din ng kama.

"Sarap ng tulog mo kaya. Anong oras kaba natulog kagabi?"

"2am ata. Naglaro pa ako ng ML eh."

"Naglalaro ka nun? Kelan pa?" takang tanong ko. Hindi ko pa siya nakitang maglaro ng kahit anong mobile games kaya medyo nagulat ako.

"Kagabi lang ako nagdownload. Tinry ko lang. Ikaw? Anong oras ka natulog?"

"Before 1am, pagkatapos mamatay nung tawag natulog na rin ako." bigla ko naalala yung usapan namin kagabi.

FLASHBACK

Kasalukuyan akong nagtatype ng message para kay Francis. Hindi pa ako nakakatulog dahil hinintay ko talaga ang oras kaya medyo inaantok na ako. Baka kasi kapag natulog ako, bukas na ako magising at hindi ko siya mabati. At ngayon malapit nang mag-12am, ready na ang greetings ko para sa kaniya nang bigla magring yung phone ko. Tumatawag siya.

Love calling...

Sinagot ko iyon at itinapat sa tenga ko. Hindi muna ako nagsalita, gusto ko muna marinig kung anong sasabihin niya.

[Love???]

Wala na siyang ibang sinabi at parang pinakikiramdaman pa ako kaya nagsalita na ako.

"Hi Love. Hehe."

[Happy monthsary.] halata sa boses niya na kagigising niya lang.

"Happy Monthsary din. Ang haba ng message ko sa'yo, isesend ko na sana eh. Bigla kang tumawag."

[Sabihin mo na lang ngayon.]

"Eh? Baka hindi ko masabi lahat."

[Sige, send mo na lang mamaya.]

"Kagigising mo lang noh?"

[Oo eh. Nag-alarm ako, mabati ka lang.]

"Sweet naman. Hehe"

[Ako rin may message sa'yo. Pero ngayon ko na sasabihin.] kung kanina medyo inaantok pa ako, ngayon biglang nagising yung diwa ko.

"Talaga?"

[Oo. Makinig ka.]

"Ahm sige..."

[Syempre una masaya ako dahil umabot tayo one month nang walang masyadong away. Kahit minsan nawawalan na tayo ng time sa isa't-isa dahil sa mga gawain. Lumilipas ang oras at araw nang hindi natin namamalayan. Uhm ano pa nga bang sasabihin ko? Haha. Basta wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita.]

Hindi agad ako nakasagot dahil inisip ko pa kung anong sasabihin ko. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong mapangiti dahil sa mga sinabi niya na alam kong galing talaga sa puso.

[Love?]

"A-ah hello. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko eh. Hehe"

[Kahit isang I love you na lang tapos pakilala mo'ko Kay Mama este sa Mama mo.]

Oo nga pala, nawala na sa isip ko na yayain siya sa bahay gaya ng sinabi ni Mama nung naging kami. Hindi ko na talaga naalala yun dahil sa school ko lang siya nakakasama nitong mga nakaraang linggo.

Naisip kong puntahan na lang siya bukas at kung papayag siya, isasama ko siya dito sa bahay. Hindi ko muna siya pauuwiin kapag hinatid niya ako. Wala namang pasok bukas dahil sabado. Saktong nandito si Mama.

"Sige. Gusto ka rin mameet nun."

[Nakita na niya ako nung time na sinundo ka namin diyan nung may gala tayo. Yun din yung time na nalaman nila na nililigawan kita. Haha]

"Oo nga. Haha naalala ko na pero nung pumunta tayo sa rest house niyo kung may pasurprise ka at sinagot kita, pag-uwi ko alam na agad ni Mama dahil nakita niya yung mga pictures natin na inupload ng mga kaibigan natin. Sinabi niya sa'kin nun na yayain daw kita minsan dito sa bahay tapos dito ka maglunch or magdinner."

[Talaga sinabi niya yun?]

"Oo. Haha nakalimutan ko lang sabihin sa'yo."

[Sige kapag may free time ako. Pupunta ako diyan.]

"Okay. Pero may isesend muna ako sa'yo. Yung message ko."

Sinend ko sa kaniya yung message na tinatype ko kaniya pero hindi ko pinatay yung tawag.

Compose Message

'Hello Love! Syempre una sa lahat, babatiin muna kita ng HAPPY MONTHSARY! Hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya at napapakilig tuwing magkasama tayo. Pinipilit kong hindi ipahalata sa'yo kahit alam kong nahahalata mo naman. Haha! Maraming salamat sa lahat ng effort, time, care, and love na binibigay mo sa akin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang lahat nang iyon. Pero nagpapasalamat talaga ako na dumating ka sa buhay. Mukhang kakornihan 'tong mga pinagsasabi ko pero totoo lahat 'yan. Hehe. Sana marami pang monthsary ang dumaan. Kahit hindi ko man madalas sabihin sa'yo na mahal kita, pero alam kong ramdam mo yun. Huwag mong kakalimutan na mahal kita ha! ILoveYouuu. Happy 1 month of love <3"

sent

[Love?!]

"Nasend ko na. Nabasa mo ba?"

Walang sumagot. Baka binabasa niya pa yung message ko kaya naman hindi na muna ako umimik at hinintay na lang yung sasabihin niya.

[Sweet naman ng bebe ko.]

"Pero hindi ko pa rin mapapantayan yung kasweetan mo."

[Hindi na importante kung sino ang mas sweet sa atin. Ang mahalaga mahal natin ang isa't-isa.]

"Oo nga naman. Hehe"

[Kelan ka free? Gala tayo.]

Free naman ako bukas at may balak akong puntahan siya pero hindi ko sasabihin sa kaniya dahil gusto ko siyang isurprise.

"Hindi ko alam eh." pagsisinungaling ko.

[Sige, sabihan mo'ko kung may free time ka.]

"Panu kung free ako tapos ikaw ang hindi?"

[Edi gagawan ko ng paraan.]

"Talagaaa?"

[Oo syempre... Wait! Hindi kapa ba inaantok?]

"Ikaw ba?"

[Bakit ako? Ikaw tinatanong ko.]

"Hindi pa naman."

[Matulog kana. Wag na magpuyat.]

"Hindi pa nga inaantok."

[Pumikit kana para antukin ka.]

"Eh panu ka?"

[Matutulog na rin ako.]

"Hmm sige."

[Goodnight. Matulog kana ha! Tatawag ulit ako bukas.]

"Goodnight din. Sweetdream."

[I love you. So much]

"I love you too love"

[Sleep na. Mapupuyat kapa eh. End ko na 'to.]

"Wait."

[Oh bakit?]

"Happy monthsary ulit."

[Happy monthsary po.]

"Matulog kana rin ha."

[Oo. Bye na.]

"Bye."

Namatay na yung tawag at wala akong nagawa kundi matulog na dahil maaga akong pupunta sa kanila bukas.

END OF FLASHBACK

"Free time mo pala ngayon. Bakit mo sinabi?"

"Gusto ko kasi ako ang pupunta. Tsaka surprise na rin."

"Haha! Nasurprise nga ako." hinampas niya pa ako ng unan sa mukha kaya kumuha rin ako ng unan at hinampas din siya.

"Oh anong gagawin natin dito? Gala na tayo."

"Wag na! Parang masarap tumambay dito sa inyo."

"Sige kung 'yan ang gusto mo. Wait nga lang, maghihilamos muna ako." bumaba siya sa kama at akmang lalabas na ng pintuan nang bigla siyang bumalik at hinila yung kamay ko kaya naman napatayo na lang ako at sumunod sa kaniya.

"Tara sa labas. Ayoko iwan ka dito."

"Maghihilamos ka lang isasama mo pa ako?" reklamo ko.

"Hindi naman sa ganun. Haha upo ka muna diyan sa couch. Hintayin mo'ko" binitawan na niya yung kamay ko saka nagtungo sa c.r nila. Umupo naman ako sa couch gaya ng sinabi niya at nagcellphone muna.

Napatigil ako nang may maalala ako. Bakit kaya bigla niya na lang kinuha kanina sa'kin yung phone niya. May makikita ba ako dun na hindi ko dapat makita?

Pero sabagay, privacy na niya yun. Hindi niya rin naman hinihiram yung phone pero nakakapagtaka lang. Bakit yung ibang couple na nakikita ko, nagpapalitan pa ng cellphone minsan.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang sumulpot ang mama ni Francis galing sa kusina. "Oh gising na ba si Francis? Tara sa kusina. Nagluto ako ng macaroni spaghetti."

"Ay nas---" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Francis at nagsalita.

"Anong meron ma?" takang tanong niya sa mama niya saka lumapit sa pwesto ko at umupo rin sa couch.

"Darating ang Kuya at kapatid mo. Magpapasko na kasi kaya uuwi na sila."

"Nasan na raw sila?"

"Nasa byahe na. Parating na rin yun maya-maya."

"Eh si Papa? Hindi kasama?"

"Eh ang sabi susunod na lang daw eh."

"Ah"

"Kumain na tayo habang naghihintay. Tara!" nauna nang naglakad si Tita papuntang kusina. Sumunod naman kami ni Francis.

"Nasan ba ang mga kapatid mo?" pabulong na tanong ko habang naglalakad kami papuntang kusina.

"Nasa Manila. Dun sila nag-aaral."

"Eh ang Papa mo?"

"Nasa Manila rin. Dun nag-tatrabaho tsaka bantay na rin ng mga kapatid ko."

"Eh bakit ikaw nandito?"

"Kung sasama pa ako dun, walang kasama si Mama dito. Tsaka mas gusto ko dito." hindi na ako nagtanong dahil nasa kusina na kami at naglalagay na ng pagkain sa lamesa si Tita.

"Upo na kayo. Oh plato." inabutan niya ako ng plato at kinuha ko naman yun.

"Salamat po." umupo na kami ni Francis at siya na ang naglagay ng macaroni spaghetti sa plato ko bago niya nilagyan yung plato niya.

"Kumain ka ng marami ha."

"Tama na. Sobrang dami na." pinatigil ko siya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko dahil andami na nung nailagay niya.

Tumayo ulit si Tita at may kinuha sa ref nila. Pagbalik niya, may dala na siyang coke. Si Francis na yung kumuha ng baso at sinalinan na rin yung baso ko.

"Thanks" ngumiti lang siya at tahimik na kaming kumain.

Maya-maya pa, biglang nagsalita Tita dahilan upang mabasag ang katahimikang namamayani sa aming tatlo. Tita na lang ang itawag ko sa kaniya kahit sa isip ko lang. Ang haba kasi nung 'Mama ni Francis'. Haha

"Kamusta naman ang pag-aaral niyong dalawa?" hindi imimik si Francis kaya ako na ang sumagot.

"Okay naman po. Gumagawa na ng thesis."

"Pagbutihin niyo ang pag-aaral niyo ha para makakuha kayo ng magandang trabaho kapag nakatapos kayo."

"Oo nga po eh. 'Yan din yung laging sinasabi sa'kin ni Mama."

"Mabuti naman kung ganun. Ikaw Kiko kamusta ang pag-aaral mo?" sabay baling ng tingin kay Francis.

"Okay lang naman Ma. Basic."

"Nako ha! Baka nagloloko ka lang. Jestine? Tama ba?" baling ulit ni Tita sa'kin at tumango naman ako.

"Nagsasabi ba 'to ng totoo?" magsasalita na sana ako nang biglang sumingit si Francis.

"Ma naman!"

"Nagtatanong lang. Maigi na yung sigurado." napakamot na lang sa ulo si Francis saka ipinagpatuloy ang pagkain niya. Tumingin ulit sa'kin si Tita kaya nagsalita na ako.

"Okay naman po Tita. Nakikinig naman po sa teacher."

"Sigurado ka ha. Ikaw ang magiging mata ko simula ngayon. Dapat lang mag-aral kayong dalawa ng mabuti. College na kayo next school year. Ano bang kurso ang kukunin niyo?" tanong pa ni Tita sabay subo ng macaroni spaghetti.

"Baka po mag-educ na lang ako." nakangiting sagot ko.

"Magteteacher ka?" tumango lang ako sabay ngiti.

"Ikaw Kiko? Ano nang balak mo?"

"Information technology na lang Ma." sagot ni Francis nang hindi man lang tumingin sa mama niya.

"Final na ba 'yan? Pag-isipan mo pa ring mabuti kasi baka mamaya kapag nandiyan na, ibang kurso pala ang gusto mo---" napatigil sa pagsasalita si Tita dahil parang may biglang tumigil na sasakyan sa labas.

"Baka nandiyan na sila. Sandali lang." tumayo siya at dali-daling lumabas ng kusina.

"Pagpasensyahan mo na si Mama ha. Maingay talaga yun." tiningnan ko si Francis na nakatingin na rin sa'kin ngayon.

"Okay lang yun. Ganun naman talaga ang mga nanay. Kahit si Mama ganun din kung mangaral eh." ngumiti lang siya saka bumalik ulit sa pagkain.

"Oo nga pala, kamusta yung training niyo sa basketball? Anong nangyari? Diba nagtraining kayo nun bago mag sem break?" sunod-sunod na tanong ko kaya napatigil ulit siya sa pagkain at tumingin sa'kin.

"Hindi ko ba nasabi sa'yo? Hindi na kami isinama ni coach dahil graduating students. Baka raw makaapekto sa grades namin ang panay training. Maraming lesson ang namimissed."

"Ah. Oo nga naman. Para makapagfocus kayo sa lesson lalo na ngayon dahil may thesis tayo. Eh para saan ba yun?"

"Para sana sa sport fest dito sa'tin na gaganapin sa february. Kung Kuya mo ata kasama pa." napaisip naman ako at wala akong maalala na nagpaalam si Kuya para magtraining ulit.

"Ewan ko. Wala siyang nababanggit eh tsaka parang hindi naman na siya masyadong lumalabas ng bahay kapag walang pasok. Umuuwi rin siya sa tamang oras kapag may pasok. Minsan nga kasabay ko pa yun pauwi."

"Baka nagquit na yun. Bakit hindi mo tinatanong?"

"Eh, kaaway ko yun ngayon. Lagi akong inaasar."

"Haha. Bully talaga 'yang Kuya mo noh. Buti hindi ka nagmana dun."

"Hindi talaga."

"Hahahaha." hindi na lang ako sumagot at kumain na lang ulit habang siya ay tumatawa lang.

"Kumain na kayo oh. Ipinagluto ko kayo ng meryenda." tumigil na sa pagtawa si Francis dahil nandiyan na ulit yung mama kasama ang isang matangkad na lalaki at medyo batang babae. Siguro mas matangkad ng konti kay Francis yung lalaki at yung babae naman ay mukhang medyo maliit sa'kin. Malamang sila yung mga kapatid ni Francis na galing pa sa Manila.

"Thanks mamang." malambing na sabi nung batang babae saka yumakap kay Tita.

"Umupo kana at kumain." inalalayan siya ni Tita na umupo saka pinagsandok ng macaroni spaghetti at inabutan ng isang baso na sinalinan niya ng coke. Masaya namang kumain yung kapatid ni Francis.

"May kasama pala kayo." biglang singit nung Kuya nila na ngayon ay nakatingin na sa'kin.

"Ah girlfriend ni Francis. Si Jestine." pakilala ni Tita sa'kin.

"Hello po." nahihiyang bati ko.

"Nice to meet you." inabot niya sa'kin yung kamay niya kaya nakipagshake hands na rin ako. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko.

"Nice to meet you rin ate." yung batang babae naman ang nag-offer ng shake hands kaya nakipagshake hands din ako sa kaniya.

Mukhang nasa graduating na ng college yung Kuya nila at highschool naman yung bata. Nginitian ko lang sila saka tahimik na inubos yung pagkain ko.

Mukhang hindi ko mayayaya ngayon si Francis sa bahay dahil nandito yung mga kapatid niya. Pero okay lang. Marami pa namang next time.

Nang maubos ko ang pagkain ko, uminom na ako at pasimpleng sinulyapan si Francis na tahimik lang na kumakain. Hindi man lang kinikibo ang mga kapatid niya.

"Kuya Kiko? How are you?" biglang tanong nung bata kay Francis at napansin kong biglang siyang ngumiti sabay tingin sa kapatid niya.

"Okay lang. Ikaw bunso?"

Bunso? Kyut! Hehe Bigla tuloy akong nacurious kung anong klaseng Kuya ba 'tong boyfriend ko.

"Okay lang din. Hay baku! Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Hindi mo talaga kami papansinin kapag hindi kami ang unang kumausap sa'yo." biglang sumimangot yung kapatid niya kaya napangiti na lang ako dahil ang cute niyang bata. Parang girl version ni Francis.

"Syempre. Antagal niyo kayang wala tapos ako pa unang kakausap sa inyo?" natatawang sagot naman ni Francis.

"Nandito na kami ni Franco kaya wag kana magtampo."

"Sige pero yun ay kung may pasalubong kayo."

"Ask Kuya Franco na lang. Siya ang may dala eh."

"Kuya?" baling ni Francis sa Kuya niya.

"Mamaya na. Pagkatapos natin kumain."

"Talaga lang ha."

"Oo nga. Haha"

Napangiti na lang ako sa usapan nila. Ang sweet din naman pala nilang magkakapatid eh. Kahit pakiramdam ko na na-out of place ako, natutuwa akong pagmasdan sila.

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Francis saka bumulong.

"Sa tingin ko kailangan ko na umuwi. Para makapagbonding kayo ng pamilya mo."

"Sigurado ka?" mahinang tanong niya at tumango naman ako.

"Oo. Tapos naman na akong kumain eh."

"Sige. Wait lang." uminom muna siya saka tumayo kaya tumayo na rin ako. Lumapit kami sa mama niya para magpaalam.

"Tita uwi na po ako." gulat namang napatingin sa'kin si Tita.

"Agad?"

"Kailangan ko na pong umuwi eh dahil ang alam po ni mama ay uuwi ako before lunch."

"Oh siya sige. Mag-iingat ka. Kiko ihatid mo na 'yan."

"Salamat po Tita. Pasensya na po." nakangiting tumango lang sa'kin si Tita at inihatid niya pa kami ni Francis hanggang sa labas ng bahay nila.

"Sige iha, salamat din sa pagbisita sa amin. Babalik na ako sa kusina dahil naiwan yung dalawa dun. Baka magtampo. Haha! Ingat."

"Salamat po ulit." ngumiti lang si Tita saka masayang bumalik sa kusina. Humarap naman ako kay Francis.

"May iniwan ako sa kwarto mo. Tingnan mo na lang mamaya." biglang kumunot ang noon niya.

"Baka nagtanim ka ng bomba dun ha!" natawa ako sa sinabi niya kaya hinampas ko siya sa balikat.

"Hindi ah. Hahaha Grabe ka!"

"Hehe. Sorry ha!" napatigil ako sa pagtawa.

"Sorry saan?"

"Dapat idedate kita ngayon kasi free time natin pareho. Pero sabi mo kanina 'wag na tayong umalis. Tapos hindi ko pa alam na darating sila."

"Okay lang 'yan. Marami pang next time."

"Alam ko pero sayang kasi eh."

"Mas sayang kung hindi mo man lang makabonding yung pamilya mo."

"Kaya love kita eh. Haha" nagulat ako nang bigla niya akong niyakap pero agad din naman akong nakarecover kaya niyakap ko na rin siya pabalik.

"Happy Monthsary ulit." bulong pa niya.

"Happy Monthsary din. Ulit." bulong ko rin.

Kumalas na siya sa pagkakayakap sa'kin saka hinila yung kamay ko papunta sa motor niya.

"Hatid na nga kita."

Sumakay na siya sa motor niya at nung okay na ay saka ako umangkas.

***

Pagdating ko sa bahay, naabutan kong nagwawalis si Kuya sa salas.

"Aba sipag." sabi ko sabay daan sa harap niya kung saan siya nagwawalis.

"Syempre ako pa. Ikaw kasi puro ka ano."

"Anooo??? Porket magaling na 'yang sugat mo sa braso. Haha! Tingin nga." akmang pipisilin ko yung braso niya pero agad din niya itong iniwas para hindi ko mahawakan.

"Tss! Alis nga diyan. Nagwawalis ako eh." inis na sabi niya at tinabig pa ako papunta sa gilid.

"Nilalagnat ata si Kuya Maaaa!" sigaw ko sabay punta sa kwarto.

"Oo nga eh. Hayaan mo na, ngayon lang 'yan." sigaw din naman ni Mama na mukhang galing sa kwarto nila ni Papa ang boses.

Magkatabi lang ang kwarto nila at kwarto ko kaya rinig na rinig ko ang boses ni Mama.

Nagpalit na ako ng damit saka lumabas ulit sa kwarto ko at pumunta naman sa kwarto nila Mama.

"Nasaan po pala si Papa?" umupo ako sa tabi ni Mama na nagtutupi ng mga damit.

"Hindi ko alam kung saan pumunta eh. Walang sinabi. Basta nagpaalam lang na may pupuntahan daw siya." hindi na ako sumagot at pinagmasdan na lang siya sa ginagawa niya.

"Alam mo simula nang mabalita na nakulong na ang Vice Mayor natin, lagi nang umaalis 'yang Papa mo. Hindi ko alam kung saan nagpupupunta. Minsan bigla na lang aalis nang walang pasabi." hindi naman mukhang galit si Mama pero halatang nag-aalala siya para kay Papa.

"Baka naman po marami lang talagang ginagawa sa Barangay."

"Minsan hindi naman siya sa Barangay pumupunta eh. Baka..." tumigil siya sa ginagawa niya.

"Baka ano po?"

"Baka nambababae na 'yang Papa mo." malungkot na sabi ni Mama kaya bahagya akong natawa.

"Haha! Ma naman. Hindi gagawin ni Papa yun noh."

"Alam ko. Nagbibiro lang ako. Alam ko naman kung gaano niya tayo kamahal. Nag-aalala lang ako. Baka kung ano nang ginagawa nun."

"Hindi naman po siguro. Tapat sa trabaho at tungkulin si Papa."

"Oo nga pero alam mo ba kung anong nangyayari sa isang tao kapag marami na siyang nalalaman?"

"Ano po?" tanong ko pa.

"Pinapatumba. Nako! 'Wag naman sanang mangyari yun."

"Kakapanood mo 'yan Ma ng teleserye."

Tumawa na lang si Mama at ipinagpatuloy ang ginagawa niya pero alam kong hindi pa rin nawala ang pag-aalala niya para kay Papa.

Napansin ko nga na laging wala si Papa at minsan late pa umuwi. Sinabi niya naman na marami siyang inaasikaso. Alam kong nag-iimbestiga pa rin siya hanggang ngayon at siguro yun ang pinag-aalala ni Mama. Delikado nga yung ginagawa ni Papa kung tutuusin. Sana naman walang masamang mangyari sa kaniya o sa buong pamilya namin.

***

Excited akong pumasok ngayon dahil makikita ko na naman siya. Saglit ko lang kasi siyang nakasama kahapon tapos hindi ko na siya nakausap sa cellphone mula nung inihatid niya ako pauwi sa bahay kaya atat talaga ako pumasok ngayon. Haha

Pero nadismaya ako sa nakita ko nang makapasok ako sa classroom. Halos busy ang lahat at may kaniya-kaniyang ginagawa. At si Francis, katabi si Julie na nakaupo dun sa upuang inuupuan ko. Katabi nila yung mga kagrupo nila sa thesis at meron silang sinusulat. Wala akong choice kundi ang bumalik sa dati kong upuan na nasa bandang unahan at pabagsak na umupo.

Hindi man lang niya namalayan na dumating na ako. Akala ko ba naman makakausap ko na siya. Nakakaasar. Hindi ko na nga siya nakausap kahapon sa phone dahil hindi siya nagrereply sa mga text ko. Pero hinayaan ko na yun dahil baka kabonding niya yung mga kapatid niya. Kaya excited akong pumasok ngayon kasi akala ko makakausap ko na siya pero iba ang madadatnan ko. Hays!

"Jest, kailangan natin ayusin yung thesis natin. Next week na pala pasahan nun?"

"Lahat?" gulat na tanong ko kay Hanna na hindi ko namalayang nasa harap ko na pala.

"Yung chapter 1. Kung kakayanin daw hanggang chapter 2 edi gawin na rin. Saka next week na rin ang exam kaya kailangan na natin mag-intindi."

"Anong gagawin natin?"

"Mamayang hapon sa uwian gawa ulit tayo sa boarding house. Oh ikaw magdala nito." ipinatong niya sa table ko ang mga papel kung saan nakalagay yung mga ginawa namin.

"Sige." walang ganang sagot ko at umalis na siya. Inilagay ko naman na sa bag ko yung mga binigay niyang papel.

Dumating na yung teacher namin at nagsimula nang magklase. Hindi ko pa nakakausap yung mga kaibigan ko kasi marami rin silang ginagawa.

Sinasagutan nila yung mga homeworks na hindi nila nasagutan sa bahay nila. Nagawa ko naman na kasi yung akin kagabi bago ako matulog.

Mabilis na lumipas ang oras at uwian na. Next week na rin pala gaganapin ang Christimas Party namin. Kanina pinabunot na kami nung adviser ng pangalan at kung sino yung nabunot namin, yun ang reregaluhan namin. Kaya naman pala halos mataranta na ang mga kaklase ko dahil kukulangin na kami sa oras.

Gagawa kami ng thesis, tapos yung ibang grupo kailangan pang umulit. Magrereview pa para sa exam next week kaya pati ako natataranta na. Bukod kasi dun, marami pa kaming kailangang ipasang requirements sa ibang subject. At hindi ko pa rin nakakausap si Francis kahit kaninang lunch dahil hinila na agad ako nung mga kagrupo ko para gumawa ng thesis kaya hindi na rin ako nakapag-paalam sa kaniya.

Tahimik kong inaayos ang mga gamit ko nang biglang lumapit sa'kin si Kinley at Alvin.

"Woy kumusta?!" bati ni Kinley na kinalbit pa ako sa balikat.

"Okay naman. Buhay pa." sagot ko.

"Grabe ang dami nating gagawin." reklamo ni Alvin sabay kamot sa ulo.

Hindi ako sumagot. Wala akong gana makipagkwentuhan ngayon dahil hindi ko na rin alam kung anong uunahin ko.

"Okay ka lang dai?" tanong pa ni Alvin. Tumango ako at pilit na ngumiti.

"Oo. Iniisip ko lang kung anong uunahin kong gawin."

"Ganyan din kami. Kala mo ikaw lang." sagot naman ni Kinley.

"Sige na. Una na ako sa inyo. Baka hinihintay na ako nung leader namin." iniwan ko na sila pero pagtalikod ko, meron akong nabunggo. May tao pala sa likod ko. Pagtingin ko, si Francis pala.

"Sorry nga pala kung hindi ako nakareply kagabi. Late ko na kasi nabasa yung mga text mo at baka tulog kana nun kaya hindi na ako nagreply." paliwanag niya kahit wala pa naman akong sinasabi.

"Okay lang. Alam ko namang busy ka sa mga kapatid mo."

"Thank you nga pala sa regalo mo. Sorry wala akong gift. Hindi na nga tayo nakapagbonding ng maayos kahapon tapos andami pa nating gawain ngayon... Pero hayaan mo, babawi ako." napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Dapat lang. Haha"

"Hindi rin pala kita maiihatid ngayon kasi mamaya pa kami uuwi. Dito kami gagawa eh. Tapos kayo, gagawa rin ata kila Hanna."

"Kaya nga eh. Daming gawain." napasimangot na lang ako nang maalala ko yung mg requirements na kailangan namin i-submit.

"Sige na. Hinihintay kana nila sa labas."

Nagpaalam na ako sa kaniya saka ako lumabas ng classroom. Nasa labas na nga silang lahat.

"Tara na. Bilisan natin para maaga rin tayo makauwi." nagmadali na kaming naglakad palabas sa gate ng School at nakiangkas na lang kami sa mga motor ng kagrupo naming lalaki papunta sa boarding house ni Hanna.

***

Halos 8pm na kami natapos at nakauwi. Pabagsak akong humiga sa kama kahit hindi pa ako nakakabihis. Feeling ko ang haba ng araw.

Nagpahinga muna ako ng ilang minuto bago ako tumayo ulit at nagbihis. Inayos ko na rin ang mga gamit ko saka lumabas na para kumain.

Tapos na ata sila kumain kaya kumuha na lang ako ng kanin at ulam sa kusina saka pumunta sa salas kung nasaan sila mama at doon kumain.

"Pa? Bakit nga pala lagi kang wala?" napatingin ako kay Kuya nang tanungin niya yun.

"Oo nga. Ano nang balita?" tanong naman ni Mama.

Napahinga muna ng malalim si Papa at sumandal sa couch bago nagsalita. Tahimik naman akong nakikinig sa kanila.

"Nagdududa ako sa mga nangyayari eh. Parang may mali." sagot ni Papa.

"Ano namang mali?" tanong ulit ni Mama.

"Naalala mo ba si Ella Bonifacio? Yung bangkay na nung matagpuan." baling ni Papa kay Mama

"Baka yung Vice Mayor ang may gawa nun kasi diba nakadrugs yun?" sabat ni Kuya.

"Panganay na anak ni Vice Mayor si Ella. Nagtataka lang ako. Parang iniisa-isa yung mga Bonifacio. Nung una pinatay si Ella Bonifacio tapos ngayon nakulong si Vice Mayor Graciano Bonifacio."

Teka, Bonifacio?

Bigla kong naalala si Gio. Gio Bonifacio. Malamang kamag-anak niya yung Vice Mayor namin at yung Ella. Tapos makikipagkita siya sa'kin? Nooooooo. Baka mamaya bigla akong isakay nun sa kotse at dalhin sa kung saan. Baka adik buong pamilya. Nakakatakot.

Parang ayoko na makipagkita sa kaniya. Ichachat ko na lang ulit at sasabihin kong sa chat na lang niya sabihin kung ano mang sasabihin niya.

"Oh eh kasi adik nga. Pinatay niya yung anak niya." kontra ni Mama.

"Hindi eh. Parang wala namang kasalanan ang Vice Mayor."

"Kung ano man 'yang nalalaman mo, mas mabuting 'wag mo na ilabas. 'Wag na tayo makialam. Baka mapahamak pa tayo." nag-aalalang sagot ni Mama at hindi naman na nagsalita si Papa.

Hindi ko masisisi si Papa pero hindi ko rin masisisi si Mama kasi tama naman siya. Kung may nalalaman si Papa, sana manahimik na lang siya dahil ayoko ring malagay siya sa alanganin.

Pero sa nakikita ko kay Papa, mukhang wala siyang balak tumigil na alamin ang totoo. Sana lang walang mangyaring hindi maganda.

*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*

Chapitre suivant