webnovel

CHAPTER TWO

Nakapamewang na napahinto si Airen sa harap ng gate ng bahay niya. She was irately looking down at the dog's poop in front of her gate. Hindi na niya kailangang magtanong ni mag-aksaya ng panahong mag-isip kung saan galing ang duming iyon. Nanggagalaiting naglakad siya patungo sa kalapit na gate at sunud-sunod na pinindot ang doorbell niyon.

And as usual, lakad pagong na naman ang balahura niyang kapitbahay bago makarating sa gate nito at pagbuksan siya. Mas lalo lang tuloy kumulo ang dugo niya. Lagi na lang bang ganon ang pangbungad nito sa umaga niya? Sa tuwing lalabas ba siya para mag-jogging ay lagi siyang babatiin ng dumi ng aso nito? Mukhang reincarnation yata ng hari ng mga asungot ang bago niyang kapitbahay. Iyong kapitbahay niyang kamukha ni Bentong!

"Hoy! Lumabas ka riyan! Harapin mo ako!" halos mapatid ang litid niya sa leeg dahil sa ginawa niyang pagsigaw. Mas binilisan niya ang sunud-sunod na pagpipindot sa doorbell nitong mukhang malapit ng sumabog dahil sa pangha-harass niya.

Pagkatapos ng limampung taong pag-aantay ay nakarinig din siya ng mga yabag papalapit sa nakapinid na gate. It's been her routine, ang kalampagin ang gate ng bago niyang kapitbahay tuwing umaga dahil sa aso nitong laging nagkakalat sa harap ng bahay niya. For Pete's sake, isang linggo na siya nitong pineperwisyo! And he never felt sorry about it.

"What?" yamot at padabog na bungad ng lalaking namumungay pa't halatang pinilit lang ang sariling bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. He was wearing his boxers, ONLY his boxers. Gulung-gulo rin ang medyo may kahabaan at wavy nitong buhok.

Tila nalunok niya ang sariling dila sa nabungaran. Hindi si Dodong na kahawig ni Bentong ang nagbukas ng gate kundi ang lalaking isang linggo na ring gumugulo sa isip niya—Luigi Lee! Napakurap siya. Baka nananaginip lang siya. Paanong mapupunta si Luigi sa katabi niyang bahay, hindi ba? Si Dodong ang bago niyang kapitbahay at hindi ito!

She inhaled and exhaled repeatedly. Umaasa siyang sa pamamagitan niyon ay magising siya mula sa pagha-halucinate. Ngunit madamot ang pagkakataon. Ayaw talagang bumalik ng mukha ni Dodong. Ayaw maalis ng nakakatakam na ABS ng lalaking kaharap niya, ayaw bumalik ng malaking tiyan ni Dodong and now the guy standing in front of her was grinning from ear to ear! She silently pinched herself. Ouch! Oh damn, it was real! He was real!

"Good morning, Airen. Did you miss me?" nakakalokong tanong nito.

Hindi agad siya nakapag-react sa sinabi nito. Nang maglakabay ang nakakalokong tingin nito sa kabuuan niya ay noon lamang siya nakahuma. Kasabay ng pamumula ng mukha niya ay ang pagbangon ng inis niya para sa kaharap. "What are you doing here?"

Nagkibit ito ng balikat. "I happened to live here. So why shouldn't I be here?"

Natigalgal siya sa isinagot nito. Then she frantically shook her head. "Si Dodong ang nakatira sa bahay na iyan." giit niya. "At hindi ikaw si Dodong."

"Dodong is my personal assistant and my personal driver. Siya lang ang pinagbantay ko rito habang wala pa ako. And since I am already here, ako na ang titira rito."

Napahawak siya sa kanyang batok at napatingala sa langit. Aatakehin yata siya ng alta presyon. What the heck was this man doing to her? Gusto ba talaga nitong sirain ang ulo niya? Ibinalik niya ang nanlilisik na tingin rito. "Why are you doing this?"

"What am I doing?" painosenteng tanong nito. Napipilan siya. "Anyway, bakit mo nga pala hinaharass ang doorbell ko? Did you really miss me that much?"

"D-dumumi na naman iyong aso mo sa harap ng gate ko."

"Hintayin mo na lang na dumating si Dodong, siya na ang maglilinis sa dumi ni Voltaire." kampanteng sagot nito. Pumito ito. Agad namang lumapit ang aso nito at naupo sa tabi nito. Tuwang ikiniskis pa ng aso ang mukha nito sa binti ni Luigi.

"I can't stand your dog's poop. Ayoko sa mabaho at lalong ayoko sa dumi. Sa tuwing kinakalampag ko si Dodong ay lumalabas siya agad para linisan ang dumi ng aso mo."

"Well, I have news for you. I am not Dodong."

Sinong normal na tao ang hindi maiinis sa klase ng taong gaya nito? She clenched her fists and inhaled inwardly, trying to hold her anger. "Ipapabaranggay ko kayo ng aso mo!"

"Voltaire didn't do anything wrong. He's just a baby boy who doesn't know how to poop properly. Hindi ka ba naaawa sa aso ko?" pango-ngonsiyensya nito. Muli itong pumito. Voltaire stood up. Humalinghing ang aso. "Say sorry to our lovely Airen." utos nito sa aso.

Nanlaki ang mga mata niya nang walang anu-ano'y naglakad ang aso palapit sa kanya. Umiling siya. "L-luigi, what the heck is he doing? Bakit niya ako nilalapitan?"

"He's just going to say sorry. Iyon ang gusto mo, hindi ba?"

Napalunok siya. Kung may isang bagay siyang kinasusuklaman, iyon ay ang mga aso. "S-stop him. Right now. I said stop your damned dog right no—" napasigaw siya nang bigla siyang dambahin ng aso nito. Napaupo siya sa semento. At hindi na siya nakatayo nang sunud-sunod siyang dinilaan ni Voltaire sa mukha. Sigaw siya ng sigaw habang si Luigi naman ay tawa ng tawa habang pinapanood siyang pinapapak ng aso nito.

"I'm gonna kill you, Luigi! I swear I'm gonna kill you and your dog!" tumitiling angil niya. She was trying to stop the dog, pero ayaw pa rin nitong tumigil sa kakadila.

"Voltaire, stop!" mayamaya'y sigaw nito. Pumito ito. His dog stopped in an instant. Minsan pa uli itong pumito, naglakad ang aso pabalik sa tabi ni Luigi at naupo roon.

"I hate you." naiinis na sigaw niya kay Luigi at sa alaga nitong aso.

"You should be happy, nagsorry na sa'yo itong alaga ko."

"Oh God, I can't believe I am stuck with a moron like you." bulalas niya.

"Mukhang mag-eenjoy akong tumira sa village na ito." nakangising anito. "At mukhang matagal-tagal din tayong magiging magkapitbahay."

"Why am I wasting my time talking to a retard like you?" inis na tinalikuran niya ito at iniwang tawa-tawa habang mataman siyang sinusundan ng tingin papasok sa bahay niya.

Pabagsak niyang ibinato ang face towel na nakasabit sa kanyang leeg sa mahabang sofa matapos niyang dumaan sa gitna ng kanyang maluwang na sala. Hinihingal pa rin siya, hindi dahil sa napagod siya sa pag-eexercise kanina kundi dahil sa inis niya kay Luigi. "That brute! Ano ba'ng problema ng lalaking iyon?" nanggagalaiting sigaw niya.

Dumiretso siya sa kanyang kusina upang kumuha ng malamig na tubig sa kanyang two-door refrigerator. Kahit paano'y makaramdam naman siya ng ginhawa matapos uminom. Bumalik siya sa kanyang sala at kinuha ang towel na ibinato niya kanina. Pagkatapos ay agad na siyang umakyat sa kanyang kwarto na nasa ikalawang palapag upang magshower.

Hindi na naman niya napigilang magmura nang makita ang damuhong si Luigi mula sa bintana sa kanyang kwarto. Nagkataon pa palang magkatapat ang mga bintana ng mga kawarto nila kaya nang eksaktong napatingin siya roon agad niya itong nakita. Nakakalokong kumaway pa ito sa gawi niya. Ni hindi na ito nahiya sa kanya, nagawa pa talaga nitong maghubad sa harap niya? Inis na lumapit siya sa kanyang bintana at isinara ang blinds niyon.

Hindi na siya nagtaka na marinig ang malutong at nang-aasar na halakhak nito. Hindi niya tuloy naiwasang mapasigaw sa sobrang frustration. Mabilis siyang naghubad ng damit at pumasok sa loob ng kanyang banyo. Habang nasa ilalim ng dutsa ay iisa lang ang tumatakbo sa isip niya—ano kaya ang motibo nito sa muli nilang pagkikita? What was he up to?

Chapitre suivant