webnovel

Chapter 36

Happy 3.71K Reader's! 🥳🤩🌟🎉

A/N: Thanks for Reading My Stories! 🥳🥳

"I'm sorry" Gusto ko syang sapakin dahil sa dalawang word na sinabi nya. Ngunit mas pinili kong pumikit kaysa bigyan siya nang 'Are you joking' look. " I thought you're her, because I am sick that time. But i don't think it's too late. I am so wrong, Pwede ko siyang puntahan kahit anong oras ngunit dahil masyado syang busy ay hindi ako naka punta. Naaksidente rin ako pauwi dahil sa kalaban at sadyang nawalan nang break ang sasakyan ko. Nang dahil doon ay bumalik na naman ang sakit ko noon. Pasensya na kung ginamit kita at pinagkumpra kita sa kanya."

Gusto kong umiyak dahil nasasaktan na naman ako. Ayoko nang unahin ang pagiging emosyonal dahil hindi nakabubuti ito sa pakiramdam ko ngayon. Pilit ko pa rin iniintindi. Tawagin na akong tanga pero sa lumipas nang ilang buwan ay tumitibok pa rin ang puso ko sa kanya.

Naramdaman kong umupo sya sa tabi ko at muntik pang mangunot ang noo ko nang para bang umiiyak sya.

"I have no choice dahil pamilya ko ang mapapahamak kaya sumama ako kay Klaire. Aaminin kong naging mahina ako noon at alam kong may nararamdaman kana rin sakin noon. Ayoko rin kitang iwan ngunit dahil sa sakit at sa dami nang problema ko ay hindi ko pinag isipan iyon at mali ang naging desisyon ko. P-patawarin mo ako, nakaramdam ako nang pag iisa at randam ko ang pagmamahal nya ngunit nang sundin ko ang puso ko ay ikaw pa rin ang hinahanap nito. Pinilit ko pa ang sarili ko na baka sya ay ikaw. Pero iba ka." Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko kaya napamulat ako ng wala sa oras.

Tulala lamang akong pinapasok sa isip ang mga sinasabi nya. Nagtatanong sa sarili kung tatanggapin ko pa ba sya sa buhay ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na niloko nya ako dahil wala kaming label noon at pagpapanggap lang naman ang lahat ng iyon.

Matapos ang mga salitang binitawan nya ay muntik pa syang lumuhod na agad ko ring pinigilan. Pinauwi rin agad sya nang walang salitang lumabas sa bibig ko. Nang makapasok sila ay niyakap ako ni Kuya at Veil. Natutuwa ako sa sarili ko na hindi na ako umiiyak dahil siguro pagod nako.

Pagod nako mag mukhang kawawa. Hindi ko mapigilang ma miss sya sa tagal nang hindi sya nagpakita. Bumisita si Xy nang wala sa oras. Nagkatinginan muna sila nang kapatid ko bago ako niyakap nang dahan dahan.

"Kakarating mo lang dito, na hospital kana agad." Ayan ang bungad nya sa akin at hindi na ako tinatawag na ate. Sa dami ng prutas ay dumagdag pa sya.

"Umiyak kana naman ba?" Tanong ko dahil nakasalamin sya.

"I'm not, ano kaba." Pabirong hampas nito. "Ok lang ako." Pilit na ngiti nya.

Saglitan lamang sya ay namaalam na rin. Lumipas pa ang ilang araw bago ako makauwi ulit at nagpahinga lamang ako mag damag.

Bumibisita rin dito minsan si Desiree at sabay pa sila ni Kuya. Nagtataka na ako kung bakit paalis alis na rin sya dito. Ngunit napangiti na lang ako ay minsang nag aaway sila at nagsusungitan.

Chapitre suivant