webnovel

Chapter 31

"Tsk!" Reaksyon ni Naiser nang matamaan ang sentido nya na para bang nag crack iyon.

"Bakit kasi ayaw niyong mag ingat!" Pag-aalala ni Xy kaya naman lumapit siya sa aming dalawa at kumuha ng yello gamit ang comp press at binigay sa aming dalawa ni Nai.

"Hindi ko sinasadya! I'm sorry." Paghingi naman nang tawad niya.

Siniringan lang siya ni Xy at ako'y napapikit nalang sa sobrang sakit nang pagka untog sa akin. Kasing tigas yata nang bato ang bungo nang lalaking ito.

Hindi ko maiwasang mag dalawang isip nang pumasok na naman sa utak ko ang mga sinabi niya kanina. Na dapat ba ay hindi na ako mag tago sa lugar na kung saan ay hindi ako makikita? Na marami ang nag-aalala sa akin at puro sarili ko lamang ang iniisip ko.

I made a right choice. Dahil sa biglaan ay nagkahiwalay kaming dalawa ni Xy. Humingi ako nang tawad at sinubukan siyang kausapin ngunit hindi pa daw niya kayang bumalik doon. Kaya naman nag impake na ako muli nang gamit at tinulungan naman ako ni Nai kaya napa bilis na rin kami.

Kahit hindi pa maayos ang noo ko sa pag untog ay pumayag na rin ako agad. Marami silang tanong sa akin kung kaya ko pa daw ba o baka naman daw umiyak ako ulit kapag nakita ko siya. Ngunit sumang ayon na lang ako na kaya ko kahit walang kasiguraduhan. Dahil tama rin naman sila na hindi habang buhay ay tataguan ko ang taong nanakit sa akin. Kahit pa na hindi ako umamin sa kanya.

"I will miss you." Niyakap ako ni Xy at niyakap ko rin sya pabalik.

"I will miss you too, Xy. See you soon."

"I'll try." Pilit na ngiting sagot niya. Kahit nag tataka ay hindi ko na lamang siya tinanong ulit.

Bago umalis ay pinagsabihan pa ni Xy si Nai. Na huwag daw akong hahayaan. Na para namang bata siyang sumunod kay Xy.

Matapos ay nagpaalam na kami sa isa't isa at pagka labas ay natanaw ko na sa parking ang kotse niya.

Pinagbuksan niya ako nang pinto at agad naman akong pumasok doon at inilagay naman niya ang maleta ko sa likod nang kitse niya bago sya pumasok sa driver seat.

"Ngiting panalo ka ah?" Patanong ko

"Dahil nakinig ka sa mga payo ko." And he winked kaya naman napairap na lang ako.

Naka tulog ako matapos noon at nagising na lang ako nang maramdaman kong tumigil na ang sasakyan.

"Welcome home." Napatingin ako kay Nai na nakangiti kaya naman sinilip ko ang bintana sa labas at muntik na naman akong mapa iyak nang nandito na pala kami sa bahay namin.

Niyakap ko nang mahigpit si Nai na para bang ikinagulat pa niya. "Thank you." Bulong ko sa tenga niya na namula naman agad kaya naman hindi ko napigilang mapatawa.

"N-no problem." Mas gusto kong lalong matawa nang hindi siya maka tingin sa akin at pulang pula na ang kanyang mukha.

Hinalikan ko na siya sa cheeks bago ako lumabas at kinuha na rin ang maleta ko na kinuha ni Kuya. Kaya naman dali dali akong yumakap sa tatlo kong kapatid na halos maiyak rin sila dahil sa pagka miss sa akin.

"Welcome home Ate."

"I miss you ate." Tuluyan nang napaiyak si Leigh kaya naman napabitaw ako kay Kuya at agad na niyakap si Leigh.

"Shh, don't cry na. Ate's here na." Pagpapatahan ko sa kanya. She's such a cry baby sa ganung edad niya ay hindi pa rin nag ma mature ang isip niya.

"Promise me you didn't leave anymore."

"I promise." Kinurot ko ang cheeks nya at hinalikan ko sa noo. Bumusina si Naiser at tumango naman si Kuya bilang paalam na aalis na siya. Iniwan ko muna saglit ni leigh at pumunta ako sa bintana nang driver seat at binuksan naman niya iyon.

"We can do the cover song tomorrow. Just text me anytime." Tinaas baba ko ang kilay ko na nagpatawa naman sa kanya. Kung hindi ko kaibigan si Naiser ay madali akong mahuhulog sa gwapo niyang itsura. He's a mistiso after all. Matangos ang ilong at singkit ang mata, Maputi rin at ka akit akit na labi.

Kaya naman swerte ang babae na iyon kung magugustuhan siya ni Naiser at sana lang yun ang makakapag pabago sa kaibigan ko dahil he's a play boy too.

"Sure." Nilapit ko ang mukha ko ang hinalikan ako sa noo matapos ay lumayo na ako nang kaunti upang maka alis na siya.

Nagyakapan kaming apat na magkakapatid habang hawak ni Kuya ang maleta ko at pumasok kami nang mansyon na may ngiti sa labi.

Chapitre suivant