Inayos ko ang nagkalat kong eyeliner at mascara pati na rin ang lipstick at buhok. Nagmukha akong pulubi sa kanto.
Kulot naman ang dulo kong buhok kaya naman nag pony tail na lang ako at iniwan ang maiksing bangs sa magka bilang gilid.
Nag wipes at hilamos ako para naman ma make-up pan ko ang sarili ko. Dahil mga naka blue kaming abay ay naglagay na lang ako ng sky blue sa eye shadow ko. Eyeliner at mascara.
Matapos ay pinatay ko na ang ilaw bago bumaba.
"Saan ka nagpunta?" Nag-aalalang salubong sa akin ni Leigh habang may flower crown sa ulo nya. Masyadong maganda rin itong kapatid ko.
"Nagpahangin lang." Pagsisinungaling ko. At nakita kong nagpunta na ang iba sa bar upang mag party.
"Eto ang crown mo ate."
"Salamat."
Nang magpunta kami sa bar island ay sama sama na kaming anim ulit. Naka ilang shots na rin ako at binibilang kung ilang beses akong nasaktan.
Alam kong may nakakahalata na rin ilan sa mga kasama ko. Dumating ang kambal at nakisama sa amin. Pati na rin si Mico at Naiser.
Nang wala na kami sa katinuan ay hinigit ko si Xyria na lasing na rin at hinanap ko si Veil. "Hey lil bro." Ngising sambit ko na ikinagulat nya at lumipat ang tingin nito sa kasama ko.
"This is Xyria, Xyria, this is my lil bro. Veil." Joyful kong pagpapakilala sa kanilang dalawa.
Napanganga si Veil at si Xyria naman ay parang inaantok na at parang walang narinig.
"H-hello." Ngising sambit ni Xyria na ikinapula nang pisngi ng kapatid ko.
Napahalakhak ako nang malakas at hinampas ang kapatid ko. "Why are you blushing?!" Pasigaw ko kaya naman napatingin ang ibang bisita sa amin.
"Aishh! Don't laugh at me, Ate." Irap nya sakin bago nakipag kamayan kay Xy.
Agad naman bumitaw ang kapatid ko na ikinanuot nang noo ko. Hindi ko na rin pinansin at gusto na talaga ni Xy na bumalik sa pwesto namin.
Inilalayan sya ni Mike. Nakilala ko dahil sa tawag ng pangalan nya kanina.
Naka ilang shots pa ako. At umiikot na muli ang paningin ko. Patayo ako nang muntikan pa akong matumba kung hindi sinalo ni Naiser ang beywang ko.
Antok na antok na ako. "I'm sleepy." Halos pabulong ko sa kanya.
Ramdam ko ang pag buntong hininga nito kaya binuhat ako nito. Napatili naman ako sa gulat pero isinandal ko na lang ang ulo ko sa dibdib nya.
"I miss you." Huling sambit ko at naka tulog na.