webnovel

Chapter 15

Nang magsimula na kaming kumain ay kinuwento ko rin sa kanya ang nangyayari sa sitwasyon ko ngayon. Masyado akong komportable sa kanya. Kaya habang kumakain kami ay seryoso nya akong tinitingnan at mahahalata mong nakikinig talaga sya.

"What if mahulog ka sa kanya?" Seryosong tanong nito na ikinatahimik ko. Nahalata niya iyon kaya napa buntong hininga sya.

"Nicole, hindi pwede yang nararamdaman mo." Dugtong nya.

"I know." Sagot ko naman agad ng mabilisan.

"Alam mo dapat ang reputasyon mo. At tandaan mong nagpapanggap lang kayo." Padabog nyang ibinaba ang kutsara at tinidor.

Na tahimik naman ako. Kahit naninibago sa kanyang ina akto ay hindi na lamang ako nag salita. Ayaw nyang may nasasaktang taong malalapit sa kanya. Kilala ko na sya, pero ang buong pagkatao nya ay hindi pa.

"I'm sorry." Halos pabulong ko ng sabi.

"You don't have to Nicole." Fustrate nyang sambit. "Hindi mo kailanman matatalo ang puso mo kapag minahal mo ang taong iyon."

Iniligpit nya ang pinagkainan namin at ngumiti sa akin ng pilit matapos lumabas.

Gusto kong mainis sa sarili ko. Hindi ko naman mapigilan ang tang inang nararamdaman ko. Panalo ang puso ko pag dating sa kanya ay pinangungunahan nito ang bilis ng tibok. Magtalo man sila ng utak ko ay mananatiling panalo ang puso ko sa kanya.

Nang makarating ng bahay kasama si kuya ay tulala lamang ako sa living room habang nanonood ng netflix sa tv.

Pinaglalaruan ko na lamang ang popcorn ko at hindi ko ito kinakain.

"Hey." Bigla akong nagulat ng umupo si Veil sa tabi ko.

"Hi." Simpleng bati ko sa kanya.

"Are you okay, ate?" Nag-aalalang wika nya.

"I'm fine." Huminga ako ng malalim at niyakap sya. Hindi naman sya nagulat doon at napangiti na lang ako ng makita kong naka ngiti si Leigh samin pababa ng hagdan.

"Are you going to leave here?" May halong pagtatampo nya kaya naman ginulo ko ang buhok nya na ikina inis naman nito kaya natawa ako.

"Yeah.. But I will be back soon." Hinalikan ko na sya sa noo at umalis na doon.

Niyakap ko na rin sina Leigh at Daven sumunod naman si Veil na sumulpot sa gilid ko.

"We will missed you." Wika ni Leigh kaya naman napatawa ako ng konti.

"Mag-iingat ka roon." Banta naman ni Daven na ikinairap ko.

Nang makita kong binaba na ang gamit ko ay saktong pag busina ni Scott sa labas. Kinuha ko na muna ang salamin ko bago mamaalam sa kanila.

Pagka pasok nya ng bagahe ko ay pinagbuksan nya ako ng pinto kaya pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Umikot ito at sandaling nakipag usap sa kapatid ko bago sya pumasok sa driver seat.

"You okay?" Nabigla naman ako sa tanong niyang iyon.

"Y-yes.. I'm fine.." Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya kaya naman hinalikan nito ang likod ng kamay ko bago ito bumusina ulit sa mga kapatid ko at pinaharurot na ang sasakyan.

Nang makarating kami ng bahay ay tahimik ito at mukhang kaming dalawa lang dahil wala ni isang katulong ang sumalubong sa amin.

Wala akong masabi sa bahay nito pagkapasok. Mararamdaman mo ang ganda ng kulay ng bahay. Ngunit kapag nag iisa ka ay malulungkot ka lamang.

"Let's go babe." Hinalikan nito ang taenga ko na ikinaliti ko kaya naman nahampas ko sya.

"Okay." Hinalikan ko siya ng smack sa labi nya na ikinagulat nya kaya naman nauna na akong umakyat.

Chapitre suivant