Pinaupo niya ako sa may dining area at sabay nagkatinginan ang dalawang magkapatid na hindi ko close, pero magkakilala naman kami.
"Kamusta?" Lakas loob ko at nagpasalamat na lang kay Tita bago ito umalis.
"Nicole?" Medyo lasing nang sambit ni Mico at kinilatis pa ako kaya hindi ko na nagawang pag taasan siya ng kilay. "Ikaw nga." Agad itong tumayo at niyakap ako kaya niyakap ko rin sya, kahit alanganin.
"Welcome back sa'yo."
"Salamat." Ngisi nito at kumalas na sa pagkakayakap bago muli makipag usap sa iba.
Hindi ko naman naiwasan mapairap at hindi rin sinasadyang mag tama ang paningin namin ni Naiser. Agad tumaas ang dalawang kilay nito.
Tamad ko naman siyang tiningnan at napa irap nalang. "Welcome back din."
"Walang yakap?" Ngusong sambit nito kaya padabog ako tumayo kahit naka ngiti ako sa kanya at niyakap ko agad sya nang pahatak kaya nag tawanan ang mga bwisita nila dito.
"Aww, thank you beautiful." Ngising sambit nito na ikinairap ko na lang.
Masyadong ma flirt, well same kami ang kaso ay para bang naging loyal ako ng ganun kadali.
Namalaam na ako at pumunta ulit ng bar island. Umorder pa ako ng wine at makalipas ang isang oras ay ramdam ko na ang pag iinit ng mukha ko at pag ikot nang paningin ko.
Nang magsawa ay hindi ko na naman maiwasang isipin ang gwapong mukha ni s5cott. Ilang araw pa lang naman ay ganito na agad ang inaakto ko sa kanya.
Kung sumuko na lang kaya ako? Pero bakit ba kasi pumayag pa ako sa walang kwentang deal na yan. Wala sa sariling padabog kong inilagay ang wine at tumayo.
Kaya lang pagka tayo ko ay bigla akong napa upo sa tang inang semento kaya agad alalay sakin yung gwapo bartender.
"Miss, kaya nyo pa po ba?"
Tiningala ko naman ito at nginitian. "Sa tingin mo.. matutumba ako kung kaya ko pa?!!" Nagulat naman sya sa sigaw ko at itinulak sya para maka tayo ako ng maayos.
"Anong nangyayari dyan?" Narinig ko ang pamilyar na boses at hindi na ako nagulat nang may babae na itong naihigit.
"Sir, kasi po si ma'am ay natumba kanina." Pagsumbong naman ng lintek na bartender. Kaya naman naupo na lang ako sa gilid nang sofa at isinandal ang sarili doon bago pumikit.
"Tss, hoy." Napamulat naman ako sa inakto nya
"Ano?!" Badtrip kong tanong ngunit bago mag salita ito ay hinalikan na sya ng babaeng nakuha lang sya sa kalye o kung saan saan.
Biglang nag init ang ulo ko at dumaan sa gitna nila kaya naman naitulak ko sila pareho na ikinagulat naman nila sa akin.
"Get a room guy's at konting respeto naman sa single na tulad ko." Inirapan ko silang dalawa at nag flip nang buhok bago ko sila talikuran.
Wlnyang mico na iyon. Nagulat na lang ako nang may nakatingin na pala sa akin at ngi ngisi ito at para bang natuwa sa inakto ko.
"Ginagawa mo dito aber?" Tanong ko kay Xian
"Ang sarap mo panuorin mag dabog." Bungisngis nito at akmang tatalikuran ko sya ng hawakan nya ang pulsuhan ko.
"Bakit?" Tamad na napatingin ako sa kanya. Umiling lamang ito bago bitawan ako at umalis.
Nagtaka man ay hindi ko na lang pinansin. Masyadong weird ang mga tao ngayon dahil nalalasing. Napatawa na lang ako at kusang pumasok ulit sya sa isip ko.
Pagkauwi namin ay para bang nagising ang diwa namin ni kuya except sa dalawa namin kapatid na nakatutok lang sa cellphone. Nandito ang pamilya ni Irish.
"May ibabalita lang kami sa inyo." Nakangiti na ngayon ang nanay nila at seryoso namang nakatingin sa akin si Scott na naka kunot ang noo tilay nagtataka sa itsura ko.
"Good evening po, masyado nang late pero ano po bang ipinunta nyo dito." Tanong naman ni kuya sa kanila.
"May bahay na ipinagawa noon pa man si Scott para sa kanilang dalawa ni klaire." Ngumiti si Ate Yvonne. "Pero habang hindi pa bumabalik ang ala ala nya ay hahayaan naming silang dalawa na tumira doon."
Napalunok na lamang ako at nagkatinginan sa akin ang lahat at hinihintay ang magiging desisyon ko.