Sinubukan kong hanapin ang pangalan ng lalaking pinaka mamahal ko at ng makita ko ay pinindot ko ito. May pagdadalawang isip sakin kung tatawagan ko ba siya o hindi.
Napabuntong hininga ako ng malalim bago pindutin ito. Mas lalong ikinaba ko ang pag ring nito ngunit ilang segundong nakalipas ay pinapatay nya lamang ito.
Sabay na tumakas ang aking mga luha na agad ko namang pinunasan. Wala akong choice kundi i text na lang siya.
To: My Love
'I missed you so much, stay healthy and don't forget to eat. I love you ♡'
Sent.
Ibinaba ko na ang cell phone ko at agad na akong nag ayos. Nag polbo na lamang ako dahil gabi na rin naman. Sana ng alang ay nakakain na si Desiree at pinakain na ni Nicole para naman hindi nagmumukhang kawawa iyon.
Nang marinig ko ang door bell ay mabilis akong lumabas ng kwarto at dahan dahan nang bumaba nang havdan para hindi ako gumulong paibaba.
Narinig ko na ang pagmamadali ni Yaya kung kaya naman naunahan na ako nito na sya ikinairap ko.
"Pasok kayo"
"Salamat po." Dinig kong sambit ni Desiree at nang matanaw ko ay tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya nang napaka higpit hahaaha!
"Easy girl." Sambit ni Nicole na ikinatawa sa reaksyon ko.
"Welcome to the Philippines, Desiree." Umakto pa ako na para bang may tarpaulin na ikina iling naman nito.
"Let's go inside na."
Nang matapos ayusin ni Desiree ang mga gamit nya sa guest room ay nagpuntahan naman ang dalawa kong kaibigan sa kwarto ko.
"How's life?" Tanong ko kay Desiree
"Not easy." Agad naman kumunot ang noo namin ni Nicole sa sinagot nya.
"Yeah well, may love life kana?" Tanong ko pa ulit.
Umiling lamang sya bilang sagot at tiningnan namin ni Aiseline Nicole ang isa't isa at sabay nang nagkibit balikat.
Kinabukasan ay imbis na sa coffee shop ay sa bahay nag deretsuhan ang dalawa pang kaibigan naming tatlo. Kaysa mag saya ay nagbago ang plano namin.
Pumunta kami ng training room upang doon makipaglaban sa ilusyon lamang na kaaway. Si Krisha ang may hawak na espada, si Chloe ang may hawak na baril, Ako, na may hawak na katana at pati ang dalawa kong kasama.
May iba't ibang klase ang aming mga katana, sa akin ay may halong lason ito, kay Nicole ay may isang apoy, at ang kay Desiree naman ay may bumabalot na apoy na nakakapag sunog sa isang tao dahil ito ay gagapang sa katawan mo at masusunog ka dito.