webnovel

Chapter 21

"Hey!" Hindi ko naintindihan ang sinabi nya kaya naman hinabol ko sya palabas nang Library

"What?!" Asik nya sa akin na ikinabigla ko nang palabas kami.

"Can you please calm down? I have something to say for you." Panlalambing ko at matagal pa ako nitong tinitigan.

Marami nang nag daang araw at buwan ngunit ang isip ko ay lumalala at siya ang imaheng nakikita. Na mi miss ko na rin siya hindi tulad noon. Palagi ko na rin siyang gustong isabay ngunit tumatanggi siya at pilit nya ako nilalayo.

Hindi ako nagpa awat nang dahil doon ay mas nangulit pa ako. Minsan para konti na lang ay sasabog na siya. Mas mahal pa nya ang libro kaysa sa akin. Ayaw nya akong pag tuunan nang pansin.

Hindi ko rin maamin amin sa kanya na I like him. Na hindi na biro ang ipinapakita ko.

I guess, nahulog din ako sa sarili kong patibong.

"Please." Pagmama kaawa ko.

"You don't have to." Sambit nito na ipinagtaka ko.

"Why?"

"Because I know you. At kung ako sayo, itigil mo na yang kahibangan mo." Nagulat ako sa sinabi nya at hindi ko naiwasang sampalin siya nang dahil doon.

Bumigat ang loob ko sa kanya kasabay nang pag awat nang mga kaibigan ko sa akin. "Hindi ako nahihibang at lalong hindi kita pinag t tripan! Sige nga! Sabihin mo kung paanong trip na gumigising ako at pumapasok nang maaga masilayan ka lang! Hindi ko sasayangin ang oras ko sayo kung ganoon lang din ang gagawin ko." Matapos kong sabihin sa kanya iyon ay umalis na kami nang kaibigan ko.

I can't believe I say those things to him. Ako ang babae pero ako pa ang nagkaka ganito.

The next day ay hindi kami nagkibuan. Ngunit laging may epal kundi ang ex ko na mahilig manira.

"Kamusta naman kayo?" Pang aasar nito

"Makaka alis kana."

"Kinakausap pa kita." Seryosong sambit nya nang akma akong aalis.

"Kung walang kwenta lang naman ang sa sabihin mo ay hindi ko na kailangan pakinggan."

Inayos ko na ang mga gamit ko sa library at dali daling umalis sa harapan nya. Matanggal na akong naba badtrip sa kanyan at ayaw parin niya akong tigilan.

Naka salubong ko ngayon si Kriha at si Chloe naman ang wala.

"Let's go, may swimming class pa tayo." Sambit nito kaya naman nag punta na kami ng locker upang kunin ang swimsuit namin.

"Dapat hindi mo na pinatulan." Sambit nito matapos kong i kwento ang pagkikita namin nang ex ko sa library.

"Well, kung ako sa kanya ay hindi na ako mag aaksaya nang oras para doon."

"Parang hindi mo naman ginagawa." Pairap na sambit nito at inubos na ang candy.

I sighed heavily. At hinanap ang dalawang lalaking gusto ko makita. Kahit naman pagsalitaan ako nang masakit ayos lang sakin. Basta sa kanya, at least totoo siya at kung yun naman talaga ang nakikita nya sa akin.

Hindi na rin ako nangulit matapos non, pero pinatunayan nya ang sinabi nya na babantayan kami. Isang salitang 'Tiwala' lamang ang panghahawakan ko sa ngayon.

Nag start kami nang swimming lesson ngunit lutang pa rin ang utak ko. Bigla na lang nagtambol sa bilis nang puso ko nang makita ko siya.

Gusto kong mang hingi nang tawad ngunit mas masakit siya mag salita kaya naman magpapatampo na muna ako. Mabilis natapos ang swimming lesson namin nang mai angat ko ang sarili ko sa pag ahon ay ramdam ko ang paglalim nang hininga ni Israel.

Hindi ko napigilang ngumisi sa kanya at matalim ang tingin nito sa akin. Kinindatan ko siya pag sabay nang pag tanggal ko nang goggles at ang naka takip sa buhok ko bago ko siya tinalikuran.

"Babaeng abnormal! ano na namang ngini ngisi ngisi mo dyan?"

"Tss." Epal naman ito.

"Aba huwag mo akong ginaganyan. Siguro inaakit mo na naman yang Nerd na yan." Pagtataray ni Krisha.

"Well"

"Well." Pang gagaya nya kaya inirapan ko na lang siya. "Matapos nyong mag away parang walang nangyari a." She smirked

"No, we are still enemy."

"Mag sorry kana lang, papahabain nyo paba yan."

"Excuse me?! Ang sakit kaya nyang magsalita."

"Walang susuyo sa inyong dalawa kaya naman sabay na kayong mag sorry, dahil sinampal mo siya at sinaktan kanya. para kwits." Sabay kindat nito sa akin na ikinainis ko at dumretso na sa banyo.

Chapitre suivant