webnovel

Chapter 2

Lyn's_PoV

"Una na ako sainyo, punta pa akong library." Sambit ko sa kanilang dalawa.

"Tatambay kana naman don?" Tanong ni chloe habang umiinom ng coke.

"Uh.. maybe?" Hindi siguradong sagot ko na ikina iling naman ni Krisha.

"Hayaan na natin si Lyn, ganyan naman sya palagi since Kinder." At nagtawanan na lang kaming tatlo bago ako maka labas nang cafeteria.

[Library]

Nang makapasok ako nang library ay binati ako nang malditang librarian at mukhang good mood itong si Ms. Syn. Tinanguan ko na lang siya at dumeretso na.

Kumuha ako nang kahit anong libro at pumunta na sa pinaka fav spot ko. Sa dulo para naman hindi ako nakikita nang librarian na matutulog. And yes tama kayo dahil ginagawa ko lamang tulugan ito dahil dito lamang ang tahimik.

Minsan ay sa garden na mataas na puno ako tumatambay. Dahil nga may lahing unggoy ang Daddy ko noon kaya dun ko namana ang pag akyat sa itaas.

Nang maka idlip ay nararamdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Kaya naman nung una ay akala ko lamok lang yun pala kamay nang tao.

Inis kong minulat ang mata ko nang maaninag ang kaibigan ko.

"Ano ba yan Sis, why so puyat ba lagi? At dito mo you naiisipan mag sleep!" Arteng bulong nito na ikinairap ko.

"Bakit kaba kasi nandito?" Irap ko pa ulit. "Para istorbihin ba ang beauty rest ko?" Pasigaw na bulong ko.

"Duh! I am here because si Chloe ay nasa court." Nguya nito sa candy nya at buti ay hindi nasisira ang ngipin nya. " Let's gora na."

Hindi na ako naka sagot dahil hinila na ako nito palabas at hindi ko pa nasasauli ang librong kinuha ko kanina pang taklob sa mukha ko.

Bahala na si batman.

Habang nagmamadali ang impaktang Krisha ay kumuha ulit ako nang pulang lollipop at binalatan ito bago isubo sa bibig ko.

(A: Huwag green minded -.-)

Matapos ay tumakbo na rin ako para mahabol si Krisha. Nang makapasok kami ay may naririnig akong ingay na para bang naghahamon nang away o hindi kaya laro.

Kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad dahil medyo matangkad naman ako. Nang makapasok ay nakita kong sinisigawan ni Jed ang nerd na lalaki.

Tahimik lang ito at parang walang pakielam sa nangyayari at patuloy pa rin sa pagbabasa at naka upo lang ito sa bench.

Sina, Jed, Andrew, Andrei, Clark at Vince ang mag t tropa dito. Siga silang lahat pero hindi halata dahil sa mga mala anghel nitong mukha.

Nang babatuhin nila nang bola ay sumigaw na ako. "Hoy!!" Sigaw ko na ikinalingon naman nilang apat.

"L-lyn." Utal na sabi ni Andrew at tinaasan ko lamang sya nang kilay habang papalapit sa kanila at pinaglalaruan ang lollipop sa bibig ko.

"Huh!? At sinong may sabi sayo na manakit ka nang kapwa estudyante?!" sigaw ko sa mukha ni Jed na agad naman nitong ikina tungo at rinig ko na naman ang mga bulungan sa gilid.

"I -I'm sorry L-lyn." Kinakabahang sambit nya at ibinaba na muna ang cute kong bag sa gilid bago i flip ang buhok ko at pinag krus ang dalawang braso ko.

"O my! Galit na si lyn." Rinig ko ng mga bulungan sa gilid.

"Yeah right, but something is wrong girls"

"Yea and why is she protecting the nerd guy!"

"Eeewww!"

"Sabihin mo kung sino. ang. nag-utos. sa. iyo." Pagdidiin ko

Itinuro naman nito ang hindi inaasahan ko.

Ang Ex ko na si Andrei

Chapitre suivant