webnovel

Chapter 14: *Special Chapter* De-stress (Part 1: Palawan)

FRANCHESSCA'S POV❤:

'Tok tok tok tok'

"Mmmm!" nakapikit ang matang naalimpungatan ako sa kung sino man ang kumakatok.

'Tok tok tok tok'

"Pasok!" naiirita kong sambit atsaka unti-unting iminulat ang mga mata.

Tumambad sa akin ang mayroong malapad na ngiti na si te jes.

Napatingin ako sa bintana kung saan nakasarado ito ngunit kita sa labas na hindi pa ito nasisinagan ng liwanag, so madaling araw pa lang, pucha.

Tinaasan ko lang ng kilay si te jes samantalang humahalakhak naman ang isang ito at umupo sa gilid ng kama ko.

"Ay! Marunong ka ng magtaray, chessy ha?" tatawa-tawa pa ring panimula nito.

Napa-ismid naman ako sa sinabi niya.

"Ang aga-aga pa te bat mo naman ako ginising." nakahiga pa ring tugon ko rito. Napahikab pa ako at muling napapikit.

"Wake up! Wake up!" malakas ang boses kasabay ng pag-aalog nito sa katawan ko.

Napamulat muli ako ng mga mata atsaka naiiritang binalingan si te jes.

"Can't remember?!" nakataas ang kilay na muling paninimula ni te jes.

"Hmm?" walang-gana kong tugon dito.

"I'm disappointed." umiiling-iling na sabi nito.

Pilit kong inalala ang sinasabi niya sa akin at sa wakas naalala ko na, kung sinuswerte ka nga naman.

"Trip to Palawan ba kamo?" nakataas ang kilay na tanong ko rito.

Agad sumilay ang mga ngisi sa labi niya atsaka napatili ng parang bata.

"Excited akooo!" nalolokang sambit ni te jes.

"Di naman obvious te nuh?" sarkastikong tugon ko rito.

"Che! Kung ako sayo nag-wa-wash up ka na!" nagtataray na ani nito ngunit hindi mawala sa labi ang ngiti.

"Required pa bang mag-wash up?" sarkastikong tanong ko rito na nagpa-ismid naman sa kanya.

"May point ka dyan actually doon na talaga tayo maliligo chessy ang kaso nga lang pupunta ata si Nathalia ba yun? Pero okay lang naman din kung di ka ma--"

pinutol ko na ang sasabihin niya at agarang nagmadali papunta sa banyo ng kwarto ko.

"Madali ka naman palang kausap chessy ih, hihihi!" ngiting tagumpay ang nasilayan ko kay te jes bago ko tuluyang maisara ang pintuan ng banyo.

Napairap ako sa salamin ng makita ang magulo kong kabuuan.

Syeteee, kasama siya? Huhuhu, kailangan ko mag-ayos.

Muli akong napairap ng maisip na nagsisimula na naman akong ma-concious sa sarili ko kasabay ng pag-iisip sa kabilang banda ng taong unang nagparanas sa akin ng ganito.

Pupunta rin ba siya?

Napataas ang kilay ko ng wala sa sarili. Kung ako ang tatanungin, ayos na naman ako. Ang impokrita ko naman kung sasabihin ko sa ngayon na nakapag-move on na talaga ako ng as in, wala na. Nope, and i'm still not sure.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga isipin atsaka sinimulan ang araw ko ng isang totoong ngiti kasabay ng mga isipin at pakiramdam na maggiging masaya ang aming bakasyon sa ngayon.

Matapos ang ilang minutong paliligo ay inilock ko muna ang pintuan bago mag-isip kung ano ba ang dapat kong suotin sa ngayon.

Naalala ko ang sinabi niya sa akin noong friday. Kailangan ko pa bang mag-make up? Ang tanong meron ba akong make-up. Napaismid ako lalo sa mga isipin. Kaunti na lamang at mababatukan ko na ang aking sarili sa aligaga kong ikinikilos ngayon.

Nang mahimasmasan ang maputol ng panandalian ang iniisip ay agad akong naghalungkat sa drawer ko ng mga pupwedeng suotin. Bakit ko ba niloloko ang sarili kong meron akong pagpipilian sa mga ito? Eh samantalang puro long sleeves ang mga binibili ko at pantalon naman pang-ibaba. Oo na ako na ang taong walang sense of fashion, pucha stressing!

Panandalian akong nagsuot ng pang-basket ball na sando at pang-bahay na shorts at di na nag-atubiling humingi ng tulong.

Paniguradong gagawin akong barbie girl ni te jes at aasarin pa ako pagkatapos kaya kay utol na lang ako lumapit.

Agad-agaran kong binuksan ang pintuan niya ng mapadpad ako sa labas ng kwarto niya.

"H-huy!" nagkukumahog na nagtakip ito ng kaniyang katawan gamit ang bathrobe at agad ko namang sinara ang pintuan nito at nag-peace sign.

Napatango at napailing lang ang isang ito habang ngingisi-ngisi.

"Oh bat napadalaw ka ata?" tumatawa-tawa pa ring sambit nito.

Napailing naman ako sa mapang-asar na mukha nito.

"Di ba obvious?" taas kilay kong tugon atsaka iminuwestra sa kaniya ang kabuuan ko.

Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa atsaka iiling-iling na napahalakhak.

"A-ayan susuotin mo? S-sigurado ka ba? Pfft hahahaha!" humahalakhak pa ring pang-aalaska nito.

Agad ko naman siyang binatukan atsaka napatingin sa ginagawa niya.

"Tang-inang yan, ano to?" nakataas ang kilay na tugon ko kasabay ng paghablot sa kanya ng isang transparent na bagay na hindi ako pamilyar.

"A-ano ba! A-a-akin na nga yan!" namumula ang mukhang inagaw niya kaagad sa akin ang isang yon.

Ako naman ang napahalakhak ngayon habang siya ay pulang-pula at napasimangot ng todo.

"Silicon ang tawag diyan, ano bang gusto mong suotin?" pag-iiba nito ng usapan at saka isinuot ang bagay na iyon.

Pinigilan ko ang mapahalakhak muli ngunit agad niya namang nakita ang reksyon ko kaya't agaran siyang napa-ismid.

"Kahit ano, make-up-an mo rin ako." ako naman ang nahiya ngayon sa sinabi ko.

Ngumisi ang loko atsaka itiningnan muli ang kabuuan ko. Napairap ako sa ginawa niya.

"Wala ata akong dress na ka-size mo, anlaki mo eh." sambit nito atsaka iiling-iling.

"H-ha? E-eh papano yan?" nakakunot ang noo at napakamot ang ulong tugon ko rito.

Biglaan naman ang pagbukas ng pintuan ni utol at kamalas-malas naman oh, iniluwal muli nito ang mapang-asar na mukha ni te jes.

"Andiyan ka lang pala chessy, hihihi! Eto oh meron akong ipapasuot sayo!" nakangising sambit sa akin nito.

Dahan-dahan namang napalingon si utol sa gawi nito atsaka mas lalong namula at tinakpan ang sarili.

"Anuyun?" nakataas ang kilay na tugon ni te jes at napabaling sa weirdong inakto ng kapatid niya.

Unti-unti itong lumapit at napatingin na lang sa akin si utol animo'y nanghihingi ng tulong napangisi lang ako sa itsura niya.

"A-ah, e-eh wala! D-dun k-kana!" napapalunok na sambit ni utol habang mas lalo pang lumalapit sa kinaroroonan niya si te jes.

Marahas nitong hinablot ang bathrobe ni utol at saka napahalakhak ng walang humpay.

Agad naman akong nagtungo sa pintuan ni utol para i-lock ito.

"A-akin na y-yan a-ate!" namumulang singhal ni utol.

"Kaya pala parang lumalaki yan ha, hahahahaha!" nang-aalaskang sigaw ni te jes dito.

"A-akin na nga yan sabiii!" naiirita ng sambit ni utol atsaka inagaw sa ate niya ang bathrobe.

"Hahahaha!" muling halakhak ni te jes na dumating sa puntong namumula na ng sobra ang kaniyang mukha.

Napailing naman ako sa magkapatid. Ngayon pa nga lang eh ansaya-saya na nila, oh see?

Binalingan naman ako ni te jes atsaka pilit na pinigilan ang sarili niyang muling humalakhak.

"Taray, ano bang nangyayari sa inyo ha? Yung isa self-concious at yung isa naman marunong ng gumamit ng silicon, hahaha!" babatuhin sana siya ni utol ng unan ngunit agarang naiwasan ito ni te jes atsaka muling humalakhak.

"Lika na nga chessy, ako bahala sayo,gagawin kitang princess, hihihi!" bumubungisngis na baling sakin nito kasabay ng marahas na panghihila atsaka pagbukas ng pintuan ni utol.

Nang makalabas sa kwarto ni utol ay agad naman akong hinila ni te jes papunta sa kwarto niya.

"Ikaw talaga chessy, kanina pa kita hinihintay sa kwarto mo!" naka-pout na pamamaktol ni te jes.

Mataman ko lang siyang tiningnan atsaka sumimangot.

"T-te, wag naman masyadong maikli oh." nagmamakaawa ang boses na baling ko rito.

"Hahahaha! Echosera ka! Kailan kita pinagsuot na kita ang kaluluwa mo, aber?" nakataas ang kilay at tatawa-tawang tugon nito.

"All the time." sarkastikong tugon ko.rito atsaka naupo sa kama niya.

Napahalakhak naman siya at agad nagtungo sa aparador niya.

Saglit niya akong tinapunan ng tingin atsaka mayroong kinuhang damit at shorts sa kaniyang aparador.

Ngumiti ito ng pagkangisi-ngisi ng makalapit sa akin.

"This one! Perfect to chessy oh, look!" malapad ang ngising sambit nito.

Napa-ismid naman ako ng tuluyang makita ang iminuwestra niya sa aking pares ng damit.

Ang pantaas ay isang simpleng crop top na sleeveless, kulay puti mayroon itong disenyo'ng bulaklak ngunit maski ang bulaklak ay kulay puti rin, hugis lamang iyon ng isang malaking bulaklak na hinabi na nasa gitna nito. Samantalang ang pang-ibaba naman ay ang fitted na high-waist shorts na kulay brown.

Okay naman at mukhang no choice na rin ako kaya sige na.

Mas lalo namang lumaki ang ngisi nito ng kuhanin ko sa kanya ang mga ipinili niyang pares para sa akin.

Syeteee, kaya ko bang dalhin ito?

Napapailing akong pumunta sa banyo ng kwarto niya atsaka sinukat ang mga iyon. Malamang kasya iyon sa akin si te jes pa eh maski kahit sino ang manghingi sa kanya ng tulong sa isusuot eh mayroon siyang maitutulong.

Saglit kong tiningnan ang kabuuan ko sa salamin atsaka itinanggal ang tuwalya sa bandang ulo ko.

Imbes na mapangiti eh napasimangot ako.

Nang makalabas sa banyo nito ay agad na ngumiti sa akin si te jes.

"Oh diba? And chessy upo ka muna here, bilis!" nagmamadali muling panimula ni te jes atsaka ako inalalayan paupo malapit sa malaki niyang make-up kit na mayroon kasamang salamin.

Ang ganitong klase ng make up ay unang beses ko lamang nakita sa beauty pageant. Ano naman kayang balak sa aking gawin te jes.

"Ay t-te wag na!" nahihiyang sambit ko rito.

Akma naman itong mambabatok ngunit ng makita ang buhok ko ay napa-iling.

"Ay chessy! Di uso sa iyo ang magsuklay?" nakangiwing sambit ni te jes kasabay ng pagsusuklay niya sa buhok ko gamit ang kaniyang mga daliri. Edi nagkanda-buhol-buhol sa daliri niya yung buhok ko, haist.

Hindi talaga magandang ideya na lumapit kay te jes sa mga ganitong panahon.

Inayusan muna ako nito sa mukha at sumunod naman ang buhok ko na ini-straight niya.

"Omg chessy! You're so pretty! Agghhhhh!" malakas na tili ni te jes kasabay ng pagtapik nito sa balikat ko at pagkindat.

Pilit naman akong napangiti sa sinabi niya at matamang tiningnan ang sarili ko sa salamin. Parang wala namang pinagbago, pero syempre dahil si te jes ang gumawa ng lahat ng ito sa akin ay wag na kayo magtaka sa maggiging resulta nito, maganda talaga.

Kulay brown na may pagka-red ang iginamit niyang make-up sa mga mata ko at ang sa pisngi naman ay brown din ngunit light lang at ang sa labi ko naman ay kulay pulang lipstick.

Oh diba? Ginawa nga akong barbie girl. Muli akong napa-ismid.

"Oh siya, halika na chessy!" nanatili ang malapad na ngisi na sambit nito atsaka isinara ang kaniyang pagkalaki-laking lalagyanan ng make up.

"Ay saglit lang!" nagkukumahog pa rin ang akto nito atsaka mayroong kinuhang sandals sa ilalim ng aparador niya.

"Ayan! Flat sandals yan ah, suotin mo na." at ganoon nga ang ginawa ko.

Muli akong ginawaran ng ngiti ni te jes habang isinusuot niya ang kaniyang heels.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang suot niya. Naka-long sleeves siya na stripes pa-vertical. Kulay blue at white ang magkasunod na kulay non at mayroon ding printed na white flower ang kaniyang damit. Naka-skirt naman siya, high-waist na dark navy blue na nakahapit sa kalahati lamang ng kaniyang hita. At ang suot niyang takong ay kulay white rin na glossy.

Agad niya akong marahan na hinila papalabas ng kaniyang kwarto. Nang makarating kami sa hagdanan ay binitiwan niya na ang kamay ko.

"Ready ka na ba?" nakangising sambit nito atsaka kinuha ang sunglasses niya sa kaniyang mapusturang bag.

"Ay ate saglit!" tatakbo na sana ako papunta sa kwarto ko para kuhanin ang maliit na bag ko ngunit agad niya naman akong pinigilan.

"Nasa likod na ng van yung mga gamit." nakangiting sambit nito atsaka na ako tuluyang hinila pababa.

Napakamot na lamang ako ng ulo at wala ng nagawa.

Nang makarating sa baba ay agad na namataan ko si utol na nakasuot ng spaghetti strap na kulay white at naka-skirt din gaya ng ate niya, iba lang kulay at ito ay beige. Napangisi naman ako ng maalala ko ang senaryo kanina.

Agad na lumapit sa akin si utol at ngumisi.

"Nasa labas na bebe mo." bulong nito nanatili ang ngisi.

Tinanguhan ko lang siya at napangisi rin. Ano kaya ang suot niya?

Nang makalabas kami ng mansion ay naroon nga si Iya. Naka-loose shirt na black na naka-tuck-in sa kanyang high waist skirt na katulad ng kulay ng kay te jes ngunit ang pinagkaiba ng kanila ay medyo faded ang kulay ng skirt nito.

Agad itong napangisi ng makita ako. Itinaas niya ang kaniyang sunglasses papunta sa tuktok ng ulo niya.

Nang tuluyang makalapit sa kanya ay lumapit din ito sa akin.

"You look perfect." nakangising sambit nito na nagpayuko sa akin kasabay ng pamumula ng mga pisngi ko.

"Uhm, thanks! Tara na." saglit ko muli siyang binalingan at napangiti sa kaniyang itsura, naglagay din siyang light make-up. She's pretty.

Hinila ko siya ng marahan papunta sa van habang siya naman ay nagpatinaod lamang sa hila ko.

Agad kong binuksan ang pang-unang van na nakaparada rito sa garahe.

Sa totoo lang muntikan na nga akong malito, eh papaano ba naman tatlong van kasi ang nakaparada rito. Buti na lamang at itinuro sa akin ni te jes ang pang-unang van. Dun daw kami sumakay.

Nagtataka ko muling pinasadahan ang dalawa pang nasa likuran namin na van bago ko buksan ang pintuan ng ikaunang van sa bandang likod nito.

"Uy, sakay." mahinang sambit ko sa katabi kong nakatingin din sa tinitingnan ko. Agad ko namang nakuha ang atensyon niya. Ngumiti siya sa akin bago tuluyang sumakay.

Sumakay na rin ako atsaka isinara ang pintuan ng van.

Ang nasa loob nito ay kami-kami lang din. Si utol, ang kapatid kong nakasimangot, si te jes at kaming dalawa ni iya.

Maluwag pa nga rito dahil tatlo lang kaming nakaupo rito sa likod. Nasa kaliwang bahagi, malapit sa bintana ang kapatid ko, naka-head phones at kasalukuyang nagdudutdot sa telepono niya.

Dahil hindi ko ito katabi ay maswerte siya dapat pala ako ang naunang sumakay para maasar ko tong panget na to hahaha!

"Okay na ba guys? Wala ng naiwan?" masiglang paninimula ni te jes ng usapan. Nilingon pa kami nito at i-chineck ang kalagayan namin sa likod. Nasa harap silang dalawa ni utol. Si utol naman ay naka airpods sa passenger's seat at wala ring kibo sa unahan, malamang ay inaantok pa rin ang isang yon.

"Okay na te." nakangiti ring sambit ko rito, hindi nga lang masigla.

"Okaay! So let's gooo! Yoohooo!" maingay na tili ni te jes sabay paandar ng kaniyang sasakyan.

"U ain't sleepy?" marahang tanong ko sa katabi ko ngayon.

Umiling lang siya atsaka binalingan din ako. Magkalapit kami sa ngayon at agad akong napatingin papaharap ng makita ko muli ang mga ngisi niya.

"U seemed more sleepy, here." sabay tapik niya sa kaniyang kanang balikat.

Hindi ako sumagot at tinitigan lamang siya dahilan ng kusa niyang paglalagay ng ulo ko sa kaniyang balikat. Napangiti ako sa ginawa niya.

"Matagal-tagal pa ang byahe, sleep ka muna." marahan niyang sambit atsaka marahang pinaandaran ng kaniyang mga daliri ang buhok ko.

"Uhm, thanks." namamalat kong tugon atsaka ipinikit ang aking mga mata.

"Psst." napamulat ako ng aking mga mata atsaka nasilaw sa araw na sumilay sa mga ito.

"Andito na tayo." she said. Nasa baba na siya ng van habang ako naman ay nakaupo pa rin sa van.

Dahan-dahan kong ikinusot ang mga mata ako atsaka itinaggap ang kamay niya na inaalok ako para bumaba ng sasakyan.

Muli ay na-self concious ako sa itsura ko dahilan para buksan ko ang aking phone at pindutin ang camera.

"Ano yan?" bahagya akong nagulat sa boses ng katabi ko.

"A-ah, w-wala." sambit ko at ipapatay na sana ang phone ngunit napatigil ng mas lumapit sa akin ang katabi ko at ngumiti sa camera. Agad niya iyong pinindot dahilan para itulak ko siya ng bahagya dahil bukod sa masyado siyang malapit sa akin ay hindi pa ako handa para kuhaan niya ng litrato.

Pinalibutan ako ng hiya habang siya naman ay humahalakhak habang kinukuha ang mga bagahe namin sa likod ng kotse kung saan ang ikinaroonan namin ngayon.

Agad kong ibinalik sa bulsa ng shorts ko ang phone ko at kukuhain sana ang maleta ko dahilan ng mas lalo niyang paghigpit sa hawak nito.

"Ako na." she insist atsaka naunang maglakad ng may ngisi pa rin sa mga labi.

Wala ako sa sariling sumunod sa kanya at itatanong ko na sana kung saan kami pupunta ng bigla siyang huminto sa may bandang pila kung saan naroon din si te jes.

Napansin naman ni te jes ang presensya namin dahilan para balingan kami nito.

"Oh bat pa kayo nakapila?" nakataas ang kilay na tanong ni te jes atsaka naglahad ng kamay na hindi namin alam kung para saan.

"Hand me ur passports." sambit nito

na agad naman naming sinunod.

Itinuro niya ang malapit na bench sa amin kung saan naroon din ang woah.

Buong angkan?

Dascio's, Grey's and Gordon's Fam. Andito silang lahat?

Agad kong pinangunahan ang pagpunta sa bench at hinigit si Iya. Hindi naman siya kumibo at nagpatinaod lamang habang nanatili pa rin ang ngisi sa mga labi, loko to ah.

Hindi pa kami nakakaupo sa mismong ay humarang na sa amin ang isang ulupong na mabunganga.

"Magandang umaga ikaunang prinsesa! Oh, eto ba yung ipapakilala mo sa amin?" nakangisi rin ang tulok na matt atsaka tinapunan ng tingin si Iya.

"Yup." nakangisi ring tugon ko.

"Btw, i'm matt, ms.?" tanong nito sa kasama ko.

"Nathalia but call me Iya for short." nakipag-shake hands pa ang kumag na matt atsaka nginitian ako ng may kahulugan.

"Nice meeting you, Iya." sambit nito.

"So as you." tugon naman ni Iya.

"B---"

"Oh hi chessy!" si markie naman ang tumambad sa harap namin dahilan para mapatingin ako sa likod nito.

At andito na nga ang mga tungaw. Maghahasik na sila ng lagim.

"And woah who is she?" tanong nito sa akin atsaka nakangisi ring sinulyapan ang katabi ko.

"I'm nathalia, call me Iya instead." siya na ang sumagot dahilan para muling ngumiti si kie.

So far maganda naman ang first impression nila sa kasama ko. Hmm.

"Nice meeting you then." sambit nito atsaka muling bumalik sa likod kung saan naroroon ang utol ko na nakangisi ring saming dalawa ni Iya.

Malamang eh kilala na nito ni Iya, friendly yung kupal na yon eh.

Nang magtama ang paningin nina utol at Iya ay nginitian lang ni Iya si utol habang ang isa namang ito ay ikinaway ang mga kamay niya, gesturing hi.

Magpapakilala na sana sila Iver at ang kapatid niya ngunit agad ko na silang pinigilan.

"Hep! Ako na, mukhang paparating na rin si te jes eh, oh." sarkastikong sambit ko na nagpatawa sa lahat. Wow, ano namang nakakatawa sa sinabi ko, happy silang lahat ah.

"Eto si Iver at Ivan, Alex at Lejan." pagpapakilala ko kay Iya.

"I'm Iya, nice meeting y'all." nakangisi pa ring sambit nito ngunit mas lalo pang lumawak ang ngisi ng magtama ang paningin nila ni lejan.

Baka magkakilala ang mga ito. Nginisian lang din siya ni lejan at iginulo ang buhok.

"Magkakilala kayo?" hindi ko na napigilan pang magtanong.

"Ah, slight hahaha!" kusang natawa si Iya sa sagot niya.

"She is one of my closest girl friend." pagpapaliwanag ni lejan na nagpangiti sa akin. Atleast kahit pala papaano may kilala si Iya rito diba. And besides hindi si Iya yung taong mahirap pakisamahan she can fit in in any kind of squad kasi magaling siya makisama.

"Ah, oh---"

"Hey kiddos!" agad nabaling ang atensyon namin sa sumigaw na si te jes.

Di namin napansin ang presensya niya kung hindi pa siya sisigaw.

"So within an hour ang flight natin, kailangan andito na tayo 15-20 minutes earlier para may time pa tayo magpahinga ukie? We're heading in Mang Inasal at doon na rin magta-tanghalian, let's go!" masigla nitong sambit atsaka ipinangunahan na ang daan patungo sa van.

"Te jes!" tawag ko rito habang kasalakuyan kaming papabalik na muli sa van.

"Oh?" agad ding tugon nito.

"Mga ilang mins. ang byahe papunta ron?" tanong ko rito.

"5-6 mns. lang chessy. Unli rice tayo dahil hindi rin pala tayo nag-umagahan, huhu. Sowi aken di ako nakapagluto." she pouted na nagpahalakhak sakin.

"Nukaba ate, it's ok." i chuckled as she frown na parang nagsisisi pa rin.

Binalingan ko ang katabi ko na kasalukuyang nagte-text ngayon. Buti na lang at nakaisip siya niyan, kaysa ako yung kinukulit niya.

"Why staring?" sambit nito habang nagtatype pa rin sa kaniyang phone.

"U-uhm, w-wala gusto ko lang sana itanong kung ilang oras ang byahe natin kanina at anong oras na. Pinatay ko kasi yung phone ko eh." sambit ko na nagpahinto sa kanya sa pagta-type atsaka ako nilingon.

"Almost 2 hrs ang byahe kanina, layo kasi ng subdivision ninyo dito sa airport at ang oras naman ngayon ay 7:02 makakarating tayo rito for sure 10-12 mns. earlier before the flight." mahabang pagpapaliwanag niya atsaka itinago sa bulsa niya ang kaniyang phone.

"Ah, nag-almusal ka ba?" casual na tanong ko.

"Hindi hahaha, usually naman hindi ako nag-aalmusal. Baka tumaba ako eh." sambit nito na nagpaalala sa akin ng katauhan ni te jes. This girl beside me is as self concious as te jes, habang ako ay isang living potato na hondi tumataba kahit anong kain. Mas lalo lang lumala ang lebel ng paggiging self-concious ko sa nalaman kong pag-di-diet niya, huhu.

Nang makarating sa likod na van ay siya na rin ang nagbalik ng mga bagahe namin sa loob nito. Muli niya akong pinasadahan ng tingin atsaka ako hinigit papunta sa van.

Nauna akong makapasok dito kaya agad ko ring napansin ang kapatid kong nakahiga sa hindi kalakihang unan niya at tulog mantikang naka-head phones. Sayang naman oo, eh wala ba naman akong maaasar, malas.

Agad ko ring naramdaman ang presensya ni Iya sa tabi ko maging si te jes at utol na kakapasok lang din sa van.

"Ok guys we're hea---"

"Narinig na namin yan ate. Could u please stay quiet for a while?" pambabasag sa kanya ng nasa passenger's seat na kapatid niya.

Inismiran niya lamang ito atsaka ibinuksan ang makina at ipinaandar ang kotse.

Wala pang iilang minuto ay nakarating na kami sa Mang Inasal.

Agad naunang bumaba ng kotse si Iya bababa na rin sana ako ng biglang magsalita sa unahan si te jes.

"Chessy si cisca dear gisingin mo na, kanina pa yan." sambit nito atsaka bumaba na rin sa unahan maging si utol ay sumunod din sa kanya.

"Huy!!!" agad ko itong inalog ng walang humpay hanggang sa maalimpungatan ito.

Hindi naman ako nabigo at nagising ko agad siya. Nasilaw din siya sa ilaw na pinagmumulan ng araw ng imulat niya ang mga mata niya.

"Nasan na tayo?" iritadong tonong sambit nito.

"Nasa afterlife, baba na panget." huling sambit ko rito at sak nauna nang bumaba. Di nagtagal ay bumaba rin ito at sumunod sa amin.

Inilibot ko ang tingin ko at doon ko nasilayan ang iba pang van na nakaparada sa likod ng van namin.

Ang mga kumag naman ay nagsilabasan na sa mga ito at agad tinahak ang daan papunta sa amin.

"Attention kiddos!" muling sigaw ni te jes.

Nabaling ang lahat ng atensyon sa kanya atsaka siya muling nagsalita.

"Ano order niyo? Spicy chicken ba lahat? Sino gusto di spicy?" sunod sunod na tanong nito.

Tumango lang kaming lahat sa tanong niya.

Umere naman ang mga kilay niya atsaka sinabing...

"Kung walang sasagot spicy na kukunin ko, di kayo magandang maging friend lahat." parang batang sambit nito na nagpahalakhak sa lahat ng naroroon. Pati ang mga magulang ng mga kumag.

Napairap si te jes sa reaksyon nila atsaka itinahak ang daan patungo sa loob ng Mang Inasal. Sumunod naman kaming lahat sa kanya.

Nang makarating sa loob ay umakyat kami 2nd floor nito dahil puno na ang baba. Agad kaming inasikaso ng ibang waiter doon at ipinagtabi-tabi ang maliliit na table para magkasya ang angkan namin. Ako tuloy nahihirap kayla kuya, sa dami ba naman namin.

Hindi nagtagal ay dumating na ang order maging si te jes na nakabusangot ay tumambad na rin sa harapan namin.

Masama ang tingin niya sa paligid at ang napagbuntungan nito ay si matt na gagalawin na sana ang pagkain niya ngunit agad nasita.

"Hep! Maghugas muna kayo ng mga kamay ninyo, nasa public place tayo, kailangan maging malinis!" sigaw nito sa amin ngunit ang matatalim na tingin ay deretso kay matt.

Agad namin siyang sinunod at ang iba namang kumag ay pinagtripan si matt at agad itong pinalibutan ng pang-aalaska. Napabaling naman ako sa katabi kong nagpipigil din ng tawa.

Matapos naming makapaghugas ng mga kamay ay agad kaming nagtungo sa mga table namin at agad na lumamon.

Makalipas ang 30 mins. ang lahat ay tapos na kumain. Ang mga kumag ay nagdidighayan pa at kami naman ni Iya ay napapangisi sa mga ito.

Nagpahinga din kami ng 6 mns. atsaka nagdesisyon ang lahat na muling bumalik sa van at magtungo pabalik sa airport.

Kasalukuyan kaming nakaupo na sa van ngayon. Mabuti nalang at gising na ang diwa ng kapatid ko ngunit di nito binago ang awra na naka-head phones pa rin at nagdudutdot sa phone nito. Napaismid lang ako sa kanya atsaka muling umupo ng mas kumportable.

"Andito na ba uli lahat?" masigla muling sambit ni te jes atsaka bahagyang kinuha ang phone niya at tiningnan ang orasan nito.

"So it's already 7:39 in the morning, after 5-6 mns. naroon na rin tayo sa airport." sambit nito atsaka muling pinaandar ang kotse.

*Airport

Kasalakuyan kaming nakaupo sa airport habang may natitira pang 5 mns. bago ang flight namin.

"Jessy iha, did u call Mang Ruben na ba?" tita el asks. Cristina Ellie Dascio, Matt's and Kie's mom.

"Yes tita, he said malapit lang siya sa pagbababaan ng eroplano natin naroon na raw agad sila at hinihintay na lang tayo." tugon ni te jes.

"So Jessy did u decide which destination we're going first?" tanong naman ni tita ria. Rhianna Mae Gray, Iver's and Ivan's mom.

"El Nido Palawan po." maligalig na sambit ni te jes. Napangisi naman si tita sa reaksyon niya.

"Separate ba ang kids sa elders, Jessy dear?" tanong naman ni tita lin. Dellina Gordon, Lejan's and Alex's mom.

"Ofc tita! Ako na po ang bahala sa mga baby damulag para ma-enjoy nyo rin po ang bakasyon." muling nakangising tugon ni te jes.

"Anong oras tayong makakarating doon, iha?" tanong naman ni tito robbie. Robert Gordon, Lejan's and Alex's dad.

"Mga 8:35:8:40 po for sure naroon na tayo. 30-35 mns. lang po ang flight papunta roon sabi po ni Mang Ruben." muling sagot ni te jes.

"Eh iha, saan ba ang hotel na pagi-stay-an natin?" tanong naman ni tito je. Jeremy Gray, Iver's and Ivan's dad.

"Near the El Nido Palawan daw po tito sabi rin ni Mang Ruben. Hindi naman po niya nabanggit ang mismong pangalan ng hotel." sagot ni te jes.

"Jes iha, kailangan ba pagkarating na pagkarating doon ay wala ng pahi-pahinga at langoy agad?" mapagbirong banat ni tito ed. Edward Dascio, Matt's and Kie's dad.

Napahalakhak kaming lahat sa banat ni tito at ang iba namang kumag ang nakipag-apir pa sa kanya at fist bump na para bang iplinano na talaga nilang itanong yon kay te jes kanina pa lang.

"Hahaha! Kayo talaga tito oh, syempre po kayo na po ang bahala diyan kung ganyan po ang keri ninyo edi go!" mapagbiro ring tugon ni te jes na nagpangisi sa iilan.

Naputol ang usapan ng marinig namin ang numero ng eroplano na sasakyan na namin sa ngayon.

Agad na pinangunahan ni te jes ang daan patungo dito atsaka lumingon sa amin ng pagkalapad-lapad ang ngisi.

"Omg! We're otw to Palawan na, kyahhhhhh!" malakas ang boses at parang batang tili ni te jes na nagpahalakhak sa amin at nagpa-excite.

(Wazzup guys! Bigla pong nawala yung almost complete draft ko ng chapter nato huhu inuulit ko uli tuloy ngayon haist, anyways, thanks for continously reading! ily'all!)

Nang makarating sa eroplano ay nilampasan namin ang ibang seats at itinahak ang daan patungo sa vip room na malamang ay ipinareserve na nila tita noong mga nakaraang araw pa lamang. Hinawi ni te jes ang kurtina rito atsaka umupo sa unahang seat.

Hinigit ko naman si Iya papunta sa likuran dahil mas kumportable ako lagi kapag sa eroplano, sa bandang likod sasakay.

Kanina ko pa napansin ang katabi kong walang imik tinapik ko ito ng matahak na namin ang daan patungo sa seats namin. Agad ko siyang inunahan sa pag-upo malapit sa bintana. I love the view here. Napangisi naman siya sa inakto ko.

"Ma'am, may---"

"I can handle this." mataman niyang sagot sa flight attendant na nag-aalangan na sinunod na lamang din siya at inasikaso na lamang ang nasa likuran namin.

Nang maupo siya sa tabi ko ay mas lalo lamang napakunot ang noo ko ng makitang namumutla ang isang ito.

Agad kong i-chineck kung may sinat ba siya o ano, ang kaso wala naman.

"Why? What's wrong?" hindi ko na napigilan pa ang kuryosidad ko.

"N-nothing." she said.

Napansin ko rin ang pawis sa noo niya atsaka na-realize ang isang bagay.

"U afraid?" seryosong tanong ko.

Di siya sumagot at tanging pagtango lamang ang itinugon niya sa akin. Kasabay nito ay itimago niya ang kanyang mukha gamit ang backpack na dala-dala niya. She's embarassed and i think she thought i'd make fun of her weakness, nah.

Agad kong ipinatong ang aking mga kamay sa taas ng kanya atsaka tinitigan siya ng seryoso.

"Hey Iya, i'm here beside you, don't be afraid." malumanay na sambit ko rito.

Unti-unti siyang sumandal sa upuan atsaka ihiniga ang kaniyang ulo sa kaliwang balikat ko. I smiled.

"Thanks." she said as she close her eyes.

Ihiniga ko rin ang aking ulo sa kanya at ganoon din ang ginawa. I closed my eyes to take a nap for a while.

"Omgggg!"

Chapitre suivant