webnovel

Prologue

'Di na muling luluha di na pipilitin pang ikaw ay aking iibigin hanggang sa walang hanggan'

Nangibabaw ang mga liriko ng kantang nangagaling sa telepono ko kasabay ng malakas na pag-ihip ng hanging sumabay sa pag-eemo ko. Hays malas ka!

Ngunit naagaw ng atensyon ko ang nasa gawing kanan ko na napahihilamos sa kanyang mukha gamit ang dalawang kamay na nagsisilbing panyo sa luhaan nyang sistema, sya ang magiting na kapatid ko, hays!

Masyadong nakakaloko ang buhay, kaya naman magiging kaloko-loko rin ang kaganapang mangyayari sa iyong pamumuhay. Pinaglalaruan tayo ng mundo't pinagpapakatanga sa mga taong nagsisilbing kahinaan ng bawat isa sa atin. Ang mga taong walang ginawa kundi ang paglaruan ang bawat mada-dramang mga damdamin natin.

Tao tayo, nasasaktan, nagpapakatanga, at higit sa lahat ay nagmamahal.

Dun nila tayo tinitira, sa kadahilanang alam nilang mahal natin sila't wala tayong magagawa kundi ang sumunod sa kanila't lumuha.

Mga natuturingang may mga utak, ngunit bobo. Sa madaling salita kami ang tinatawag na matalinong bobo.

Para kaming ginawang buy-1-take-one ng kapatid ko, akalain mo nga naman tinuhog kaming pareho! Sa kadahilanang ako ang naunang maloko't lokohin at sumunod naman ang mokong na wala ng ginawa kundi ang humagulgol.

Wala rin naman ako sa tamang huwisyo para man lang mag-advice at pagaanin ang loob nya sa kadahilanang maski ako ay hindi alam kung paano ito sisimulan eh tapos na nga, psh! hugot yun wag kang maano dyan.

Ang hirap-hirap, ang sakit-sakit.

Mas mahirap pang pag-aralan ang mga nararamdaman kaysa sa mga academics na pinangungunahan ng algebra't calculus na kahit isang pangresulba sa problemang pang-mate-matika ay hindi ko makuha, mahina ako dyan e, bakit ba putsaa ka. Haha!

Nakabibingi ang katahimikan na namamagitan samin ng loko at walang nag-atubiling sirain ang moment namin. Ang moment ng katangahan.

Nakakaloko lang na halos parehas kami ng pinagdadaanan, hindi man magkaparehong-magkapareho ay nandoon ang puntong pareho ang kinahinatnan.

"Ang hirap pala no, brad." Mahina ang pagkakasabi nya na hindi pa rin tumitigil sa kangangawa na bagaman nabawasan ang pamumulaklak ng mga luha ay nandoon pa rin ang bakas at patuloy na pinagpapatuloy ang kahinaang sa ganoong paraan nya lamang makakayanang mailabas. Ang pag-iyak lamang ang nagsisilbing pampagaan o pampalubag-loob namin ng mokong na to sa panahon ngayon.

"Hays, to nanaman tayo nyan eh! Iniidilo mo nanaman tong mukhang to oh! Oh!" Dinuro-duro ko pa ang pagmumukha ko kasabay ng pag-asik ko sa kanya.

Hindi ko magawang magalit dahil pareho ang aming nararamdaman. Hindi ko rin sya masabihang tanga dahil ganun rin naman ako at isa pa ay mas matalino ang isang to sakin.

Sa madaling salita'y nakakayanan nya ang pag-so-solve ng mga problemang pang-akademiko na pinangungunahan ng algebra't calculus, at isa pa ay may-mala einstein din ang isang to dahil ang galing mag-eksperimento ng loko.

Ang kaso nga lang ay nasobrahan naman ata ito sa galing ano? Kaya pati ang mga nararamdaman ng mga tao'y pinag-aksayahang pagpursigiduhang pasukin ng mala-outer space na utak nito, nahiya si jimmy neutron dito e, masyadong pala-desisyon at sige lang ng sige at ang naging ending ay ayun, sa ka-eeksperiment nahulog ang loko, nagmahal, nasaktan, nasaktan, nagmahal, humagulgol, nasaktan at nagmahal.

Paulit-ulit-ulit-ulit lang ang nangyayari sa mga taong nagmamahal at nasasaktan, sapagkat binibigyan ng mga taong to ng kani-kanilang tsansya na mabuo ulit ang nasirang kanilang pinag-pundasyunan. Mga tanga kami e, that's just u know, haha!

Ganito kami e, magmamahal at tatanggaping kami lang ang masaktan, ganun namin kamahal ang bawat kapares na napupunta samin. Sumaya sila sa iba, ayos na yun sa amin, ang mahalaga'y makikita naming masaya ang taong iniwan kaming walang laman.

Masaya sila't tumatawa ngunit sa pagkakataong makikita namin ito ay sa iba na. Hindi kasing sincere o totoo ng mga mata't ngiti na makikita naming ngayo'y tumitingkad at buhay na buhay sa piling ng iba. Basta masaya sila't, di bale nang kami ang masira. Ganito kami katanga, di bale nang masabihang tanga kaysa naman ikaw mismo ang bumitaw sa relasyong inyong pinanghawakan ng iilang taon.

Ilang taon din kami, ilang taon din.

Nangilid ang mga luha ko sa isiping iyon. Napagtanto ko nalang na muli na namang bumabalik ng sariwang-sariwa ang bawat pangyayari't nakaraan na ilang buwan ko nang pinipilit na ibaon at kalimutan.

Pinipilit, oo pinipilit ko nalang. Dahil nga pilit nalang naman ang sayang naidudulot ko sa sarili ko't sa mga nakakasalamuha ko simula ng mawala ang taong nagsilbing buhay ko.

Libo-libong mga magaganda't nagkikinangang pangyayari't memoryang detalyadong detalyado ang pilit na sumasagi't sumisiksik sa utak ko na hindi naman nagkamaling magwagi at magpalawak ng mga nakaraan kong nais ko nang limutin at pinipilit na huwag ng bumalik pa.

Masyadong masalimuot ang nakaraan na mas nakadaragdag sa naging emosyonal ko nang pangangatawan, lagi nang may kulang e, at hindi ko na babanggitin maging sino pa man sya.

Para saan pa ang mga katagang 'pilit ko syang kinakalimutan' kung bawat segundo namang magdaan ay sya ang umookyupa sa aking isipan?

Ngunit hindi ako magsisinungaling pa at aking sasabihing sya parin talaga, siyang-siya wala nang iba, nag-iisa.

Mahal na mahal ko sya, ngunit hindi nya nga lang kayang pantayan ang pagmamahal ko sa sarili ko. Kaya mas pinili kong kalimutan na lang sya, tutal wala rin namang magandang maidudulot ang pagbabalik ng nakaraan, masasaktan at masasaktan ka lang.

Muling sumilay ang ngiti sa aking labi't parang napagaan ng kaunti ng loob ko ang tumakbo sa mala-thomas edison kong pag papagamit ng utak.

Sabi nga nila ang utak--- ginagamit yan, at baka pag-iyan ay matambakan at maimbakan ay baka mangalawang. Mahirap nang magkaroon ng stainfull na takbo ng utak, ang oras lang ang ginto at ang bakal lang ang kinakalawang, wag mong antaying kalawangin yan, dahil malamang sa malamang e--- pagsisisihan mo yan kaigs, hehe!

Nang sa hindi inaasahan ay naputol ang nag-uunahang ideya sa aking isipan sa kadahilanang paglingon ko sa kanan eh nakita o ang kapatid kong luhaan at balak na namang tumungga ng isang bote ng red horse maibsan lang ang sakit at kalungkutang kanyang nararamdaman, oha ano kayo mga kaigs, what now? Pang-freestyle-an ang datingan ko, no? Hehe!

Ngunit bahagyang nahinto nanaman ang mala-rene-descartes kong uri ng pag-iisip sapagkat muli na naman akong nakakita ng problemang kailangan kong resulbahin, pucha naman oh! Sabi nang mahina ako sa problem solving e, hehe biro lang.

Ang totoo talaga nyan ay may nasangga ako sa paanan ko habang inuunti-unti ang san mig ko at bahagyang kumalansing ang bagay na yun at napahinto naman ako sa biglaang pagtunog nun.

Taka naman akong lumingon sa paanan ko't sinulyapan kung anong meron dun. Ngunit laking gulat ko ng umabot na sa pagkakahilera ang mga boteng tumba-tumba sa sahig ng aming veranda, at mas ikinagulat ko ng mabilang ang mga boteng nagkalat sa sahig na umabot na sa paanan ko samantalang isa't kalahating dipa ang layo ko sa loko, dose na ang nainom ng loko, nasa ibang mundo nato panigurado! Samantalang pangalawa ko palang tong hawak kong inuunti-unti ko, magiting talagang tunay ang loko, napakagiting, psh!

Napalingon ako sa kapatid kong halos mapunit na ang labi sa pagkalawak-lawak ng ngiting kanyang iginagawad sa kung saan saang bahay at gusaling matatamaan ng kanyang paningin. Hala sya, e wala na to! Malakas na amats ng loko, haha!

"Anngggg lakas lakas ng a-aamats kooo sa kanya, k-kapatiddd!" Sinisinok na ani nito habang pagewang-gewang na naglalakad sa kung saan-saan.

Malamang eh di ko malaman kung saan ang punta nito pagewang-gewang ang loko't di mo alam kung saang direksyon ang nais puntahan. Hindi nako magtataka kapag na-untog ang lokong to sa transparent ng babasaging pintuan ng aming veranda. Mukhang eto na talaga ang makahulugang depinasyon ng salitang 'wala na ang loko sa huwisyo!'

Dahil nga isa din akong magiting at kapaki-pakinabang at mapagmahal at mabait na panganay eh agad akong umalalay sa lokong ngingisi-ngising gumagalaw ang mga balikat sa hindi matigil-tigil na kasisinok. O ha? Inom pa, kulang pa eh diba? loko ka talaga, psh!

Agad akong umalalay sa kanya at marahan syang hinila papasok sa loob ng aming bahay at idineretso ko ang loko sa kusina kung saan malapit din ang banyo't hindi nako nagdalawang-isip pa't agad syang dinala dun, mukhang naduduwal ang loko.

Hindi nga ako nagkamali sapagkat agad din syang dumeretso sa bowl ng banyo at doon sumuka ng sumuka.

Ilang beses kong hinagod ng pababa't taas ang likuran nya habang sya nama'y pulang-pula na at patuloy parin ang pagsuka.

Mabuti nalang at wala nang tao sa kusina ng ganitong mga oras sapagkat nasa kani-kanilang kwarto na ang mga pinsan namin ngayon.

Nang mahinto ay agad syang nagtungo sa lababo't naghilamos at nagmumog gamit ang kanyang mga kamay.

Matapos mahimasmasan ay bahagya nya akong nilingunan at kasabay noon ang bahagyang pag-iling nya't pangingilid nanaman ng kanyang mga luha.

Ganyan nga, ganyan na ganyan nga ako.

"Ayos na ko te, magpahinga kana may pasok na tayo bukas at baka ma-late ka,

salamat sa pagsakay sa trip ko ha?" Pilit ang ngiti't iiling-iling na sabi nya habang nanatili ang kanyang paningin sa akin.

"Di na ayos lang, kailangan mo ng makakasama sa ganyang kalagayan mo, francis." Seryosong sabi ko sa kanya.

Nakita ko naman ang lalim ng pagbuntong-hininga nya't animo'y nawawalan ng pasensya sa hindi ko malaman kung anong mali ba ang nasabi ko.

"De, ayos lang talaga ako salamat." Seryoso nang sabi nya't hirap nang lokohin ang sarili nya't maski ang tipid na ngiting kanina nyang naigawad ay ngayo'y hindi na rin nakayanan pa.

Ramdam kita francis, ramdam kita.

"Dito lang ako cis, sinabi nang hindi nga kita pwedeng iwanan ng ganiyan ang lagay mo, baka kung mapaano ka't dadalawa nalang tayo wala nang aalalay pa sa iyo, kundi namumukod-tangi lamang na ako, wag ka ng makulet okay?" Malumanay na pagpapaliwanag ko sa kanya ngunit ikinabigla ko ang pagtiim ng bagang nya at ang bahagyang pagkakakunot ng

noo nya.

"Ikaw ang wag makulet te! Sabi na ngang kaya ko ng mag-isa e, kaya ko na! Kaya ko na! Kaya ko na! Siya nga nakayanan e ako pa kaya? Mas matatag ako sa kanya, hello? Putsaaa ka!" Inis na singhal nya sakin nanatili syang nakatayo sa harap ng lababo't ako nama'y ang kinaroroona'y malapit sa pintuan ng banyo.

Pucha na a-ate pa ako ah, kundi lang literal na malakas ang amats mo ngayon, kinaltukan na kita, loko ka ah!

"Hindi lahat ng tao, katulad nya francis at sa pinapakita mo ngayon ay paulit-ulit mo lang na niloloko ang sarili mo, hindi ka matatag, at nasasaktan ka yun ang katotohanan cisca, nasasaktan ka." Nanatiling malumanay ang tono ng pananalita ko ngunit may emosyon ito at hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya lang ay natulala ang kapatid ko at nag-unahan na namang ang mga luhang kanina'y nagbabadya pa lamang na tumulo.

Tinalikuran ko na sya, kasabay ng pagtalikod ko ang bahagyang pag-iling

ko't mahinang pagtawa ko ng lisanin ko ang banyong kinaroroonan ng kapatid ko. Nakabawi ako sa mokong, akalain nyo nga naman kapag mga ganitong dramahan pala'y maaari syang tawagin sa pangalan nya, putsaa ka! Exciting hehe.

Ngunit ng makarating na ako sa kwarto ko'y doon ko na nailabas ang totoong emosyong kanina pang nararamdaman ko.

Ang bawat pagtulo ng luha ng kapatid ko'y napagkukumpara ko sa kapal at laki ng mabibigat na luhang animo'y gripong ngayo'y nag-uunahan na sa pagtulo't pagpatak sa mga pisngi ko. Eh sa ganito ang tunay na nararamdaman ko eh, lalabas at lalabas to itago man o itago ko dahil hanggang ngayo'y sya parin ang kulang sa buo kong pagkatao, ang laman ng isip ko't patuloy na nagpapahirap sa pang-araw-araw na pamumuhay ko.....

Chapitre suivant