webnovel

The Four Tyrants And The Commander: Part 3 (Facing The Future)

Bago nga umalis si Ysabel nag gala muna yung tropa hanggang sa doon na sila namahinga sa tambayan nila simula bata pa lang silang lima sa may tree house.

Nakahiga sa damuhan yung lima nasa gitna naman si Ysabel bali si Heraldo, Arnulfo, Ysabel, Narcio at Kier yan ang kanilang pag kakaayos.

"Yes I remember that, when you guys surprised me here."

"Um. Nagulat kami biglang may batang babae sa tambayan naming mga batang lalaki." Sagot ni Arnulfo.

"Yeah... When I saw her sabi ko "is she human or fairy?" tapos nung nag salita ka na ng english sabi ko "ay, tao nag eenglish eh."" Ani Heraldo at natawa sa kaniya ang mga ito sa sinabi nya sa una niyang kita kay Ysabel.

"Grabe naman yung fairy." Sambit ni Ysabel.

"But you really is. Ikaw kaya ang pinakamaganda sa klase natin." Ani Narcio.

"Silly! But anyways, mamimiss ko kayong apat. Take care of yourselves aalis na ko wala ng mag papaalala sa inyo na uminom lagi ng maraming tubig, kumain sa tamang oras at higit sa lahat walang mag aaway."

"Dito ka nalang kasi wag ka ng umalis." Ani Kier.

"Kaya nga, sabay- sabay tayo mag tapos ng pag aaral." Opinyon naman ni Narcio.

"Sorry guys, alam kong maintindihan nyo ako dahil sumusunod lang naman tayo sa ipinaguutos satin ng parents natin."

Bumabongon namang bigla si Heraldo "actually, may ipagtatapat ako sa inyo."

At sabay-sabay namang bumangon yung apat.

"Kailangan ko ring pumunta sa America."

"Ano?!" Anila.

"Pre, bakit naman biglaan rin?" Sabi ni Arnulfo.

"Nagalit kasi sakin si Pa'pa kaya ipapadala nya ako sa America."

"What happened?" Ani Ysabel.

"Gusto kasi ng parents ko na pakasalan ko si Cecil."

"What?! No way!" Sagot agad ni Ysabel at hinawakan naman ni Arnulfo ang kamay nito dahil masyadong exaggerated yung reaction nya.

Nakita naman ni Narcio ang pag hawak ni Arnulfo sa kamay ni Ysabel na akala eh kung ano na.

"Did you agree? I mean bata ka pa." Dagdag pa ni Ysabel.

"Um. She's right, bakit naman ipapakasal ka agad nila uncle?"

"Syempre hindi nga ako pumayag kaya nga nagalit sila Pa'pa sa akon kaya dun na nila ako gustong pag aralin ng ako lang!"

"Ha? Ikaw lang? Paano ang gastos mo pre?" Sabi ni Kier.

"My parents will take care of it pero magiging bahay, paaralan, bahay at paaralan lang ang buhay ko don mga pre. Bwiset kasi! Bakit kailangan tayo ang nag sacrifice para sa business ng family natin? Hindi ba nila alam na may sarili din tayong buhay at desisyon?"

"Don't worry I will visit you sa America rin naman ako mag aaral."

"Thanks Ysay."

"Um."

Ysabel smiled at pa simpleng siniko sya ni Arnulfo na para bang he is teasing him pero na mamisinterpret naman ito ni Narcio na kanina pa nag titimpi ng galit nya.

"Kailan ba ang alis mo?" Ani Arnulfo.

"Sa isang linggo."

"Ha? Mauuna lang si Ysabel sayo ng ilang araw?"

"Um. Wala akong choice kung hindi sumunod sa mga magulang ko."

"I will wait for you there."

"Thanks Ysay."

"Ahem! What if doon na rin tayong mag aral lahat? Sasabihin ko kay daddy na sa America na rin ako mag aaral. Tutal ako naman ang heir ng family namin." Ani Narcio.

"Ako din! I will tell my parents." Sabi ni Kier.

"Good! Mas masaya kung andun tayong lahat right Herald?"

"Um. Tama si Ysay di na magiging boring sa America pag andun kayo."

"What about you Arnulfo?" Ani Ysabel.

"Oo nga pre, bakit ayaw mong mag salita diyan?" Sabi ni Kier.

"Wag nating pilitin ang ayaw." Ani Narcio na para bang naiinis.

"Hindi naman sa ayaw ko pero..."

"Sabihin mo na kila Uncle sure naman akong papayag sila." Sabi ni Heraldo.

"Hinde, hindi sila papayag may problema ang negosyo ni Pa'pa at kailangan kong tumulong kaya kung aalis ako di rin nila ako papayagan."

"Why didn't you tell us? Me? We're always talking to each other pero wala kang nabanggit sakin." Sabi ni Ysabel.

"Ayoko namang umalis ka ng nag aalala sakin."

Bigla namang naging seryoso ang tingin ni Heraldo dun sa dalawa na parang pakiramdam nya may part na gusto nyang sapakin si Arnulfo dahil ang sweet nito kay Ysabel.

"Ahem! If your family need help we will tell our parents na tulungan kayo." Ani Heraldo na para bang nag sisimula na ring mainis sa closeness nung dalawa.

"Pero matatalik ba mag kaibigan ang mga daddy natin kaya sigurado akong alam na rin nila ang nangyayare sa negosyo nila Arnulfo." Sabi ni Kier.

"Um. They helping us pero mukhang matatagalan pa bago kami makabangon."

Sa isip-isip ni Narcio "good for you hindi ka makakasama sa America."

"I will tell daddy na bigyan kayo ng capital to start a new business."

"Ysay..."

"You are my friend kayong apat ayokong aalis ako na malungkot tayo. Gusto ko happy ang lahat kaya don't worry sasabihan ko si dad na mag invest sa inyo o mag bigay ng capital para sa bagong business."

Di naman napigilan ni Arnulfo ang sarili at niyakap nya si Ysabel na kinagulat nung tatlo lalo na nila Narcio at Heraldo na kanina pa naiinis sa galawan ni Arnulfo.

At matapos nga ang usapan nag paalam na si Ysabel dahil sinundo na rin sya ng driver nila.

"Time flies really fast." Sabi ni Kier tapos biglang sinuntok ni Narcio si Arnulfo "gu--guys!!!"

"Lubayan mo si Ysay!"

"Huh! I knew it kaya ka nag kakaganyan nitong mga nakakaraang araw dahil nag seselos ka saming dalawa."

"Ikaw!!!" Sasapakin sana ulit nya si Arnulfo pero bigla naman syang sinapak ni Heraldo.

"Wala kang karapatang angkinin si Ysay."

"Huh! So, kampi ka sa Arnulfo yan?"

"Asa ka! Dahil simula ngayon pag dating kay Ysay ako, ako lang ang karapat dapat sa kaniya."

"Huh! Anong sabi mo?!" Ano Arnulfo na sinapak si Heraldo at nag sapaka na nga yung tatlo na pinag aagawan si Ysay.

"Tama na yan!!!" Sigaw ni Kier na nag labas ng kutsilyo.

"Ki-- Kier, bitawan mo yan!" Anila.

"Maupo kayo!"

"O-- Oo eto na." Anila at dali-daling na upo.

Dahil tinuturing nilang bunsong kapatid si Kier takot sila na may gawin itong kung ano sa kutsilyo. At simula pa man noong mga bata sila bago dumating si Ysabel sa buhay nila si Kier na talaga ang referee ng tatlo.

"Hindi na kayo nahiyang tatlo! Paano nalang kung bumalik si Ysay? Ano nalang sasabihin nya satin? Na di natin sya tinuturing na kaibigan dahil nag nanasa pala tayo sa kaniya?! Ganoon ba ang gusto nyong isipin nya?"

Hindi maman sumagot yung tatlo sa sinabing iyon ni Kier.

"Alam ko at alam natin sa sarili natin na simula ng makita natin si Ysay ay nabighani nya na tayo pero mga pre naman! Paalis na yung tao magka sundo-sundo naman kayo oo gusto natin syang sundan sa America pero for our friendship sake tigilan nyo na ang pag papantasya sa kaniya. Kaibigan lang ang tingin nya satin at hanggang doon lang yon!"

Napatingin si Arnulfo kay Heraldo dahil alam nitong oo kaibigan nga ang tingin sa kanila ni Ysabel pero ibang usapan na pag dating kay Heraldo dahil gusto sya nito.

***

Nang makaalis si Ysabel nag kani-kaniya na yung apat ni hindi na nga sila nag kakasama sama kahit si Kier pa ang nag aya sa kanila.

At dumating na nga ang araw na papaalis na si Heraldo at bago ito umalis nag pakita sa kaniya si Arnulfo.

"Pre!"

"Arnulfo?"

"Paalis ka na?"

"Oo, sorry di na ko nakikipag kita sa inyo."

"Ayos lang naging busy rin naman ako kaya di na ko nakakapunta ng tambayan isa pa simula rin naman ng umalis si Ysabel nawalan na tayo ng amor sa isa't isa."

"Yeah. Then, why are you here talking to me?"

"Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan sayo ni Ysay samantalang ang barumbado mo."

"Wait what? Gusto ako ni Ysabel?"

"Oo."

"No way!"

"Gago! Matagal ka ng gusto ni Ysay napaka manhid mo lang!"

"Really? How do you say so?"

"Sinabi nya sakin."

"Pre talaga?"

"Oo nga! Hindi ko agad sinabi sayo dahil kay Narcio. Pero dahil alam kong papunta din ng America si Narcio gusto kong ipangako mong hindi mo hahayaan ang isang yon na makita si Ysabel."

"Oo naman! Ngayon pa't alam kong ako ang gusto ni Ysay. Pero bakit? Bakit mo sinasabi sakin ang mga bagay na ito? Hindi ba at may gusto kay rin kay Ysay? Isa pa sabi mo nga barumbado ako pero bakit gusto mo ngayong ako ang makatuluyan ni Ysay?"

"Dahil alam kong mag babago ka pa. Iba ang nagagawa ng pag ibig pre. Tsaka, mas okay ng ikaw ang makatuluyan ni Ysay kesa naman sa possessive na si Narcio. Hindi mo nanaising nakatuluyan niya si Ysabel kung makikita mo ang kwarto nya."

"What do you mean?"

"One time, nag punta ako sa bahay nila para sa papeles na pinabibigay ni daddy kay uncle. Naliligo si Narcio nun that time sabi ni Auntie tumaas na daw ako at pumunta sa kwarto ng lintek na yon."

"Tapos? Anong nakita mo?"

"May problema sya sa pag iisip pre. Isa syang psychomaniac ang daming larawan ni Ysabel sa room nya at kung ano-ano rin ang nasa loob ng karimarimarim nyang silid."

"What the heck? Bakit di mo sinabi samin?"

"Actually, sabi sakin ng nanay nya may multiple personality disorder ang lintek na yon. Iba ang pakikitungo nya sa labas pero pag nasa loob na sya ng kwarto nag iiba na ang ugali nya at alam yon ng iba pa nilang kaanak."

"What the?!"

"Kaya pre, sayo ko na ipinagkakatiwala si Ysay dahil alam kong maalagaan mo sya siguraduhin mong hindi sila magkikita ni Narcio sa America gumawa ka ng paraan. Dahil baka mamaya kung anong magawa ng isang yon kay Ysabel mahirap na."

"Oo pre. Ako ng bahala. Salamat sa impormasyon."

"Sya sige na. Baka maiwan ka pa ng eroplano."

"Pre..."

"Ano yon?"

"Gusto kong kung sakaling kami nga ni Ysabel ang mag katuluyan gusto kong maging asawa ng anak namin ang anak mo."

"Baliw! Malayo pa ang future! Mag aral ka muna bugok!"

"Pero seryoso ako, gusto kong magkaroon ng connection ang pamilya ko at ang pamilya mo in near future."

"Connection ka pa diyang nalalaman eh matagal na tayong mag kaibigan kaya natural lang yon! Pero, sikapin nating mag payaman para sa future ng pamilya natin."

"Oo sisiguraduhin kong ako ang magiging pinakamayaman sating apat at ikaw ang parating pangalawa!"

"Tsss! Gawin mo nalang wag ka ng marami pang sat-sat! Pero ingat pre sumulat kayo ni Ysay."

"Oo pre, ingat ka rin."

"Sige na kailangan mo ng umalis."

"Oo. Paalam pre hanggang sa muli."

"Um. Hanggang sa muli kaibigan."

***

Sa Kasalukuyan sa bagong mansion ng mga Alcantara...

"What? What did you say? Who's going back?" Ani Don Arnulfo na naka upo sa wheelchair na tulak-tulak ni Marcus papunta sa sala.

"Pa'pa! Kanina pa po ba kayo diyan?" Pagulat na sambit ni Don Fernan na kausap si Dante ang kanang kamay nito at si Ysmael.

"Sino yung babalik si Ysay?"

"Ysay? Si Mrs. De Villar po ba ang tinutukoy nyo?"

"Kilala nyo si Doña Ysabel, grandpa?"

"Yes, we used to be friends."

"Kaibigan nyo ang ang number one richest woman in the capital?!"

"Not only in the capital she is also number one richest woman in the country." Ani Marcus.

"Pa'pa kung kaibigan nyo sya bakit hindi nyo sya pakiusapan na makipag business partners satin baka maunahan pa tayo ng Alta Gracia!"

"No need, she will come to me willingly."

Chapitre suivant