webnovel

Chapter 21

Faris' POV

"Dad, let's go to Greece" ani ko sa aking ama na nangyo'y nangunot ang noo sa biglaang pagsambit ko sa bansang Greece.

Kunot-noo lang ito habang higop-higop 'yong mainit niyang kape.

"Why? Why all of a sudden? Ano nanaman ba ang naisip mo, hija?" Tanong nito.

Pumunta kami noon sa Greece pagkatapos ng libing ni Mommy. Gusto ko lang bumalik sa Greece, tutal matagal-tagal na rin simula nong pumunta kami roon.

"Wala, naisip ko lang. Miss ko na rin pumunta doon, gusto ko lang puntahan ang estatwa ni Mommy"

"What?"

"Bibisitahin po natin 'yong bahay natin sa Santorini. 'Yong may statue"

Ewan ko lang kung bakit pa ginawan ng estatwa ang aking ina. Pero naalala ko noon na gusto ng aking ina ang mga pigurang estatwa. Gusto ng aking ina ang estatwang sinlaki sa mga Olympian Statues.

Noong pumunta kami sa Greece nagpaggawa kaagad ang aking ama ng estatwa ng aking ina.

My mom's statue is as big as the Olympian Statues, it's good, nandoon lang sa Santorini 'yong estatwa.

Bihira lang kaming bumibisita sa Santorini, dahil na rin sa wala kaming oras upang puntahan ang mansion namin doon, lalo pa't maraming gawain si Daddy. Busy sa pagaasikaso ng bago niyang negosyo sa Batangas.

Sabi ni Daddy sa akin, nagpatayo nanaman ito ng bagong negosyo. Hindi ko alam kung ano ang mga produkto doon, pero ang alam ko malaki raw ito.

Tumikhim ako at umiling-iling.

Oo, we have a mansion in Santorini, Greece. Hindi nga lang ito kasing laki ng mansion namin rito sa Pilipinas.

My mom's favorite country is actually Greece at doon rin naisipan ng aking ama na ilagay 'yong mala Athena nitong estatwa.

Minsan, I was thinking what if my mom was one of the Olympian Goddesses? Maganda rin naman ang ina ko, doon ko nakuha 'yong mata, ilong at labi sa kanya. Then sa brows naman ay kay Daddy pati na 'yong tenga.

Some people said that I'am the younger version of my Mom. Totoo rin naman, ngunit ang problema nga lang ay 'yong height ko.

Hindi ko alam kung kanino ko namana 'yong height ko, nalilito ako kung bakit ang tatangkad ng mga magulang ko tapos ako napaka pandak.

I'am really short like, I'm only 5'6, well... Hindi naman ako kagaya kay Sky na parang 6'4 or something.

Sa katangkaran nga nito, sasakit na lamang 'yong leeg ko kakatingin sa taas kung kakausapin ko siya.

Speaking of Sky, hindi ko alam kung bakit mapahanggang ngayon ay wala pa rin ito.

Bahala na si Kopido...

Narinig kong tumikhim si Daddy kaya umayos ako ng upo.

Masyadong maaga pa naman kaya hindi ko muna poproblemahin 'yong mga gawain ko.

"Right, hija. Let's go there, today"

Today?...

"Today? As in now-now?!" Gulat kong tanong habang nanlalaki ang mga mata, dinaig pa 'yong tarsier sa Bohol.

"Hmm, let's go" ani ni Daddy at kaagad na tumayo.

"Dad, we haven't boo--"

"Let's use our private plane"

"But I haven't eaten my breakfast yet" ani ko rito habang nananakbo na nakasunod sa kanya.

"You can eat on the plane" kalamang saad nito habang nakatungong naglalakad.

"I haven't change my clothes yet"

"You can change on the plane"

"We haven't pack our things yet"

"No need for packing"

"Why?" Takang tanong ko.

Oh gosh, I trust my father but not changing my clothes? Tss, no.. that's a big NO.

"Clothes are ready in Greece" aniya at pumunta sa labas ng bahay.

Nakasalubong namin si Sky na seryosong naglalakad habang ang mga kamay ay nasa loob ng magkabilaang bulsa at papalapit sa amin.

Tumingin ako rito, pero hindi ko pa rin mapigilang hindi tumakbo sa bilis ng paglalakad ng aking ama. Kakaunti na lang ang mga hakbang ay makakalabas na ito ng Main Gate.

"Let's go, hijo" saad ni Daddy rito.

Magsasalita na sana ito nang sumenyas ako rito na sumunod pang dito rito at hindi na magtatanong.

"Dad, where are we heading?" Tanong ko ng makasakay kami ng sasakyan.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming sumakay ng sasakyay, kung pwede namang dumiretso lang kami sa pagsakay sa eroplano kung saan man ito ngayon.

"Airport"

"FaZeer La Pérez?"

"Sí" tumango-tango na lamang ako.

"May I ask, why are we heading to your airpor" Sabat ni Sky na may bahid na pagtataka ang mukha.

"We'll go to Greece, hijo"

"Why?"

"Vacation"

"All of a sudden?"

"Hmm, I bet you will love it there" saad ni Daddy at tinapik 'yong balikat ni Sky.

"Wag ka nang magtanong, malapit na tayo sa airport" dagdag pa nito kaya nagsitahimkan naman kami habang sumusunod rito.

Pagkarating namin sa airport kaagad kaming pumasok sa loob nito.

May kinausap ang aking ama na isang lalaki kaya lumapit kami rito.

Hindi nila napansin ang papalapit na prisensya namin dahil sa sobrang busy nila sa kanilang paguusap.

"Oh, by the way Jake. This is my daughter, Faris and mi hijo Sky" saad nga aking ama nang mapansin niya kami.

Pinapakilala niya kami sa lalaking tinatawag nitong Jake na nakasuot uniporme ng piloto.

"Lovers?"

"NO!/No, Mr. Jake" sabay naming tanggi kaya tumawa naman sina Daddy at tinapik ang balikat ni Jake.

"Okay, Jake is our family Pilot" saad ni Daddy kaya sumunod naman kami rito ng maglakad ito papunta sa field where our plane is parked.

Kaagad kaming sumakay rito

Pumunta ako sa kwarto at nagbihis ng damit.

May malaking silid dito sa loob ng eroplano namin and this is where we rest. Sinlaki ito ng CR sa mansion.

Walang CR nga lang 'yong kwarto dito.

Nang makalabas ako ng silid, dumeretso na ako sa mesa kung saan nakalapag ang aking pinaggan na naglalaman ng pagkain.

"Aalis na ba tayo?" Tanong ni Jake sa amin kaya tumango naman ang akong ama.

Kanina pa lumilipad 'yong eroplano kaya napa-isipan ko munang magpapahinga muna.

Napansin ko na nakatingin sa akin si Sky kaya tinaasan ko ito ng kilay. Ngumiti naman ito sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya.

Parang mas lalong gumagaan 'yong pakiramdam ko kapag kasama ko ang lalaking ito.

Nakita kong lumapit ito sa aking gawi kaya umusog naman ako ng kaunti upang paupuin ito ng maayos.

"Sorry" mahinang saad nito habang nilalaro ang mga daliri niya.

Napakunot ang noo ko habang nakatingin rito. Hindi ko alam kung bakit ito nagsosorry kung wala naman itong ginawang masama.

Baka tungkol iyon sa nangyari noong nakaraang araw, pero pinatawad ko na ito at wala na kaming problema.

Sinabi ko na sa kanya na okay na kami. Nakakalito rin talaga ang lalaking ito minsan, kung kailan hindi dapat ito nagsosorry, siya naman ang araw kung kailan ito nagsosorry.

"For?"

"Dahil... Wala, I just want to say sorry" nakangiting saad nito.

May kung anong humila sa akin para yakapin siya. Yinakap ko ito at tinapik sabay hagod ng hinagod ang likod niya.

"Kung ano man 'yan, okay... You are forgiven basta hindi 'yan below the belt. Ano ba kasi ang problema mo at parang nababakla ka ata?" ani ko rito at bumitaw mula sa aming pagkakayakap. Tumawa ako ng mahina at hinarap siya.

"May tanong ako" hinihintay ko naman itong magsalita. "Nakakita ka na ba ng mga taong pumapatay?" Napakunot ang noo ko habang nakatingin lang rito.

Bakit naman niya iyon natanong?...

"Oo, sa mga palabas. Ang dami kayang pumapatay doon" natatawang saad ko rito.

"No, not in the movie. Sa totoong buhay 'yong tanong ko, hindi sa mga palabas" medyo naiirita ito habang kamot-kamot ang batok niya.

Bakit ba hindi niya inayos 'yong tanong, baliw nga naman talaga...

"Sympre wala, hindi ko gustong makakita ng mga patayan sa totoong buhay. Para kasing pumapasok sa aking imahenasiyon ang imahe ng mga dugo, patay na mga tao, baling buto, walang mata, maraming pasa. Nandidiri ako!" Saad ko rito habang nandidiri sa aking mga sinasabi.

Madalang akong nanunuod ng mga pilikula lalo na 'yong may mga bakbakan, patayan, o ano pa man iyan basta aksiyon. Pero hindi ko gusto makakita ng ganoon sa totoong buhay. Takot ako sa patay, takot rin ako sa dugo.

Ika nga nila, huwag kang matakot sa patay, dapat matakot ka sa buhay.

Pero 'yong utak ko ay palaging sinasabi sa akin na nakakatakot ang buhay.

I almost think that I can't conquer each and every thing that I feared the most, that I can't conquer the big waves of the ocean, that I can't conquer the big barriers around me.

My mind was full of negative thoughts kaya kadalasan ay marami akong kinakatakutan.

Bumuntong-hininga ako. "What if malalaman mo na pumapatay ako?" Seryosong tanong nito.

Napahalakhak naman ako ng malakas kaya napatingin sa amin ang aking ama pati na rin 'yong flight stewardess.

"Ikaw? Pumapatay? Nek-nek mo" tawang-tawa pa rin ako rito, pero hindi man lang iyo kumibo at seryoso lang ang tingin.

"I'm not joking, seryoso 'yong sinasabi ko. Killing is part of my job, so ano? Hindi ka maniniwala?" Walang bahid na emosyon ang mukha nito kaya napatigil ako sa aking pagtawa at umayos habang nakatingin rito.

Parang gusto ko na lang ring maniwala sa sinabi nito, pero hindi naman ata siya pumapatay diba?

Ang sabi niya sa akin, injured lang. Ang ibig sabihin no'n ay hindi rin siya pumapatay kung injured lang ang ituturo nito.

"Tss, ewan ko sa 'yo" napabuntong-hininga naman ito at agad na nag-iwas ng tingin.

"Do you have a bathroom here? I need to change my clothes, since wala na akong extra. Biglaan na lang naman rin 'yong pagpunta natin sa Greece. Isang pares lang 'yong nadala ko at iyon sana ang gagamitin ko pagkatapos nating mag sparring"

"Don't worry, may nakahandang damit na raw sa Greece. Pumunta ka na lang roon sa silid kung gusto mong magbihis" tinuro ko naman ang daan kung saan papunta sa silid

"Can I? I really feel uncomfortable using this clothes, it's unbranded and it's also itchy"

"High standard na pala 'yong balat mo ngayon?" Hindi ko mapigilang hindi matawa sa mukha nito habang nangangati sa suot nitong unbranded clothes.

"No, I usually wear branded clothes or use branded products. Nagkataon lang na ito 'yong nasuot ko dahil na rin sa aking pagmamadali"

"Parehas pala tayo? I can't wear unbranded clothes either. Magkakaroon ako ng maraming rashes once I wear unbranded clothes. Kaya 'yon, branded lahat ng mga gamit ko" nakangiting sagot ko. Maganda naman siya kausap.

"So, wanna change? Pumunta ka na doon" saad ko rito.

Tumingin naman siya sa pintuan ng kwarto at bumaling rin sa akin. Parang nagdadalawang-isip pa ito kung pupunta ba siya sa silid o hindi.

"Come with me"

"Ha? Natatakot ka baka may multo? Ano ka ba, wapang ghost diyan, okay?" Natatawang saad ko pero seryoso lang itong umiling.

"Basta samahan mo na lang ako"

Ano raw? Akala ko ba matapang ang lalaking 'to? Takot rin pala sa multo...

"Okay, tara" nagsimula na akong tumayo at naunang maglakad sa kanya.

Tahimik itong sumunod sa akin. Pinihit ko 'yong doorknob ng pintuan at binuksan ito, nauna na akong pumasok sa kanya at umupo sa higaan.

"Where's the bathroom?" Ani nito habang dala-dala 'yong isang puting t-shirt tsaka denim jeans.

"Near the sink. There's a door over there" ani ko at tinuro 'yong sink na nakaharap sa dingding. Naglakad naman ito papunta sa CR pero bago pa niya pihitin 'yong doorknob lumingon muna ito sa akin.

"I'll take a shower, please give me some towel" anito bago pumasok sa loob ng CR.

Maliligo siya ngayon? Okay. Iba rin pala siya ha...

Lumabas ako ng kwarto at lumapit doon sa private stewardess dito sa eroplano. Humingi ako ng dalawang towel at bumalik doon sa kwarto.

Kumatok muna ako sa pintuan ng CR ng tatlong beses at bumukas naman ito. Nakita ko si Sky na walang saplot kaya nakatingin ako sa gilid habang tinaas 'yong towel.

"Here's your towel" ani ko habang nakatingin pa rin sa gilid para hindi ko makikita 'yong hubo't hubad nitong katawan at tanging boxer lang ang soot.

Sabi kasi nila, bawal raw tumingin sa katawan ng lalaki kapag nakahubad ito, pwede ka lang daw tumingin kapag ikakasal ka na sa kanya. Hindi ko rin naman alam kung totoo ba 'yon o hindi.

Narinig ko naman na may tumikhim kaya sumulyap ako rito. Nakita ko si Sky na seryoso ang mukha.

"Paano ko 'yan maaabot if you're too far from me"

Ha? Malayo?...

Tumingin naman ako sa kinatatayuan ko. Pfft, malayo nga.

Dahan-dahan akong lumapit at linahad sa kanya 'yong dalawang towel, pero hindi niya pa rin ito natanggap.

Bwesit, why do this bathroom have to be so wide?!...

Lumapit pa ako ng kaunti para ibigay sa kanya 'yong towel.

"Huwag ka nang mahihiya, you'll see all of this, soon" bulong nito nang matanggap niya 'yong towel. Namumula ang aking tenga at tumatayo lahat ng balahibo ko sa katawan.

Anak ng! Ano ba 'to...

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makabalik ako sa higaan. Napasulyap ako sa aking mga nagtatayuang balahibo.

Parang pakiramdam ko kinikilabutan ako sa sinabi niya.

Humiga muna ako sa higaan at dahan-dahang pumikit. Dito ko na lang muna siya hihintayin.

Mga ilang minuto rin ay narinig kong bumukas 'yong pintuan kaya minulat ko na rin 'yong aking mga mata at tumayo, nakita ko si Sky na nagpupunas ng basa sa nitong katawan.

Napalunok pa ako ng ilang beses habang nakatingin sa mala macho dancer nitong katawan.

Yeii, I need coffee...

"I thought lumabas ka na?" saad nito at patuloy lang sa pagpupunas ng katawan at bahagyang napasulyap sa akin.

"Ah... Okay, lalabas na lang ako" saad ko at hindi tumingin sa kanya nang mapansin kong napatitig pala ako ng matagal sa katawan nito.

May nakatabon na isang tuwalya sa pangibaba nito kaya walang problema.

Tumayo ako at kaagad na naglakad patungo sa pintuan.

Pinihit ko na 'yong doorknob at akmang lalabas na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko kaya lumingon ako rito.

Ay gwapo!...

"Don't leave" seryosong ani nito habang nakatingin lang sa mga mata ko.

I'am really speechless right now. Nahihirapan akong magsalita lalo pa't malapit kami sa isa't-isa.

Mabuti na lang at may namamagitan pang kakaunting espasiyo sa gitna namin.

"Why? Lalabas muna ako, you need to change"

"Please, stay with me" may bahid na lungkot ang boses nito kaya nangunot ang noo ko at sinarado ulit 'yong pintuan.

Why is he sad? May problema ba siya? Bakit malungkot 'yong boses niya?

Hinila ko siya papaupo sa higaan kaya naupo ito sa tabi ko.

"May problema ka?" Seryoso pero diretsong tanong ko.

"W-wala naman. I don't"

"Kung may problema ka, feel free to tell me. We're friends, right? Or I'm the one who's assuming that we're friends" saad ko rito.

Hindi ko naman talaga alam kung magkaibigan ba kami or enemies. Kung magkaibigan kami, okay lang. Kung hindi naman, okay lang rin, tutal hindi rin naman ako nangangailangan ng kaibigan.

Bumuntong-hininga ito kaya tinapik ko 'yong balikat niya.

I feel like I'm a mother and an adviser of a nine years old boy. Pfft, this is absolutely insane.

"Huwag na, wala ka namang maitutulong, hindi ka nga naniniwala sa akin. Why would you understand, when you can't even understand your own situation" nanlaki ang mga mata ko dulot ng mga sinasabi nito. Walang preno ang bibig nito nang sabihin niya ang mga salitang iyon nanagpapainis sa akin.

Grabe naman...

"Personal?" Tanong ko rito at napahawak na lamang sa aking dibdib.

"I'm sorry, sige, lumabas ka muna" Tumango ako rito at lumapit sa pintuan, bago ako lumabas tumingin muna ako sa kanya at tumango.

Malumanay itong ngumiti sa akin kaya nagpatuloy na akong lumabas.

Confirm, nababakla na talaga si Sky...

Umupo muna ako sa upuan. Napansin ko rin na may umupo sa gilid ko kaya tumingin ako rito, nakita ko ang aking ama na nakatingin lang sa taas.

"Dad, saan po kayo galing?"

"Kausap 'yong piloto" tumango-tango lang ako at lutang na nakatingin sa bintana ng eroplano. Medyo umambon rin sa labas kaya medyo kinakabahan ako. "Where's Sky?"

"Nasa kwarto. May ginagawa" sagot ko.

Dumaan 'yong flight stewardess na may dalang food cart kaya tinawag ko iyon.

Mabilis itong napalingon sa amin at lumapit habang tulak-tulak pa rin 'yong food cart.

"Yes ma'am?" Tanong nito ng makalapit siya sa akin.

"I want Ono Champagne Cocktail. Can I have one?" ani ko habang nakatingin lang sa aking cellphone.

I've never tried Ono Champagne Cocktail, but they said it is worth to buy. Well, it cost not too far. It's only around ten thousand dollars. Pretty expensive.

Mabuti na lang at hindi ko na iyon kailangang bilihin pa, we have mini bar in our plane and you can choose any kinds of beverage and drinks.

May iba't-ibang klase ng maiinom ang loob ng bar. Bongga rin, diba?

Merong Champagne, Manhattan Cocktail, Martini, Blue Ocean, and may maraming mga Red wine, kaya pwedeng ikaw 'yong pumili ng maiinom mo.

Malamang, hindi ka sinuswerte. Alangan naman 'yong iba pa ang papipiliin mo ng iyong maiinom.

Tss...

"Ma'am, ubos na po. Nau usan po ng stocks" anito. Bahagya namang napatawasi Daddy na nasa tabi ko kaya tumingin ako rito.

"Yeah, hija. We drunk it all yesterday with my colleagues. Alam mo na, we were heading to Palawan for a business and we also have some shots" saad nito at hinagod ang likod ko.

Tumingin ako doon sa stewardess habang binaling-baling sa kung saan-saan ang tingin ng aking mga mata.

"Paano ba 'yan? Gusto ko 'yon masubuka eh" saad ko at binalik ang tingin sa cellphone.

"Ubos na po, ma'am"

"I don't care. Just fly to Las Vegas after we arrive at Santorini, Greece and get that drink. Understand?" Mariing utos ko habang nakatungo lang at pinatay 'yong cellphone.

"But it takes an hour"

"Find a way. I want it tomorrow morning" saad ko and I turned off my phone.

Nakita ko na bumukas 'yong pintuan ng kwarto at linuwa mula roon si Sky habang ginugulo ang buhok nito saka umupo sa kanan ko.

"Okay po" anito. Patuloy naman itong naglalakad at pinuntahan 'yong piloto.

Tumingin ako kay Skyler na ngayo'y nakayuko lang habang nakatingin sa kamay nito

"Hija, maiwan ko muna kayo. I need to talk with my secretary, kailangan kong ipa-process 'yong kontrata namin ng business partner ko" sabad ni Daddy at kaagad na tumayo para iiwan kami.

Kami na lang dalawa ni Sky ang natira rito kaya mahina akong tumikhim para makuha 'yong atensyon ng lalaking ito na kanina pa naiinis.

Lumingon naman ito sa akin kaya ngumiti ako rito.

"Okay?" Tanong ko rito.

"Hmm, okay" aniya.

"Passengers, please buckle your seatbelt we are ready for takeoff" kaagad ko namang linock 'yong seatbelt ko at gayun din si Sky.

Naramdaman ko na bumaba 'yong eroplano at kaagad na lumanding.

I unbuckled my seatbelt at naglakad papalabas ng eroplano habang nakasunod sa akin amg aking ama tsaka si Sky.

Seryoso lang na nakikipagusap ang aking ama sa sekretarya niya sa telepono habang naglalakad pababa ng eroplan, samantalang si Sky nama'y kanina pa kamot ng kamot sa kanyang batok.

Tumingin naman ako sa paligid ng makalabas kami.

I don't know where we are right now. I mean, I don't know which part of Greece we are.

"Hija, dito" ani ni Daddy at tinuro 'yong kulay itim na sasakyan na nasa harapan niya.

Oh we have a car. Noon kasi we are just going to ride a taxi which I really hated the most.

Kaya nga noong nag-away kami ni Sky I'm just walking. Hindi ko talaga gustong sumakay ng taxi.

"Hijo, Sky. We are going to Santorini, we have a mansion there and of course, we have the giant statue of my gorgeous wife" ani ni Daddy habang nakangiting sumakay ng sasakyan.

Sumunod ako rito saka rin sumunod sa akin si Sky. Patang buntot ko si Sky nagyon.

"Sige po, tito" ani ni Sky kaya tumingin ako rito at tinapik 'yong balikat niya. Ngumiti ito sa akin at kaagad ring tumingin sa harap.

"You look the same as your mother" Dumapo ang tingin ko kay Sky nang magsalita ito.

"Huh?" Tanong ko rito at tumingin sa mga mata nito na nakatitig rin pala sa akin.

"You're beautiful" anito saka ngumiti.

O_o

Chapitre suivant