MAINE'S POV
"Ate! Ate!"
Nagising na naman ako sa maingay na boses na yun ni Kyline.
Alam kong nandito na naman siya sa kwarto ko. Ngunit hindi ko pinahalata sa kaniyang gising na ako kanina pa. Medyo masakit ang katawan ko kaya gusto ko parin ang humiga lang ng humiga dito sa kama.
Isang linggo na nga pala ang lumipas mula nung Recognition day ni Kyline. At dahil kaming dalawa nalang ang narito sa bahay ay hindi na rin niya ako sinisigawan at binabato ng balloon na may tubig para lang magising tulad ng mga ginawa niya sakin noon tuwing umaga.
Pero ngayon! Ngayon, ewan ko ba kung ano na naman ang dahilan niya kung bakit niya ginagawa to ngayon.
Tsh! Kapagod na talaga eh!
"Ateeee!"
Nanatili ako sa posisyon kong pagkakatalukbong ng kumot sa buong katawan ko habang nakadapa at bagsak nabagsak ang buhok ko sa mukha ko na usual kong posisyon kapag natutulog.
Nararamdaman ko na ang paglundag niya sa sa gilid ng kama ko.
"Hmmmm... Wag kang malikot Kaykay.. Please lang..."
Kunwari pang ungol ko para isipin niyang natutulog at inaantok pa talaga ako.
"Ate bumangon ka na diyan, andito si Attorney Zilvestre!"
Sabi niya habang hinila bigla ang kumot ko sa may part ng paa.
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang pangalang yun.
"A-ano naman daw ang ginagawa niya dito?"
Gulat namang tanong ko kay Kyline na nakaupo na pala sa gilid ko habang nakakibit ang balikat.
"I don't know ate eh. Hindi naman niya sinabi sakin kung bakit. Gusto ka lang daw niyang makausap. Ngayon na daw dapat."
Nanlaki ng sobra ang mga mata.
Si Atty. Zilvestre Abella ang abogadong nakita kong kausap nina Papa at Mama nung minsang napunta siya dito sa bahay. Hindi ko nga alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Hindi ko rin alam kung legal o iligal ang topic nila kasi dinedma ko lang sila nun habang masinsinan silang nag-uusap-usap sa sala.
Kinabahan ako bigla. Baka may kaso sila Mama't Papa na hindi nila sinasabi samin at ngayong wala na sila ay kami ang pagbabayarin. O hindi kaya ay... ay... Basta! Hindi talaga ako mapakali nung malaman kong nandito na naman siya. Iba ang pikaramdam ko ngayon bigla. As in ngayon lang talaga!
"Ate Menggay. Huy!"
Napakurap ako nang iniharap ni Kaykay ang mukha niya sa tapat ko at winawagayway niya ang kamay sa ere sa mismong mukha ko na halos maduling pa ako sa sobrang lapit.
"Ahh... Na..nasaan ba siya Kay?"
Napatayo ako agad kaya napalingon nalang siya sakin na parang litong-lito sa kinikilos ko.
"Nasa sala lang siya ate Menggay. Tsaka binigyan ko na rin muna siya ng snacks habang ginigising muna kita."
Napatakbo ako papunta sa bathroom/comfort room habang bitbit ang t-shirt at shorts ko na hinablot ko lang sa closet ko.
Mabilis akong naligo, nagsipilyo at kung anu-ano pang mga ginawa ko sa sarili saka nagmamadaling lumabas.
"You're in a great hurry ata ngayon ate ah? Hindi ka masyadong halate eh, no?"
"Dito ka lang ah. Wag ka munang lumabas dito sa kwarto ko Kaykay."
Pumunta ako pabalik sa gilid ng kama ko at isinuot ang pambahay kong tsinelas.
"Bakit naman ate? Ano ba ang ganap today ha? May hindi ba ako nalalaman tungkol sa Atty. Zilvestre na yun?"
Sunod-sunod na tanong niya sakin ngunit sinenyasan ko nalang siya na tumahimik at tumikom naman ang bibig niya saka napaayos nalang ng upo.
"Just...follow...what I say Kay."
Diretso ko siyang tinitigan sa mata at tuluyan nang lumabas.
Dahan-dahan akong naglakad papuntang sala nang matanaw ko na si Atty. Zilvestre na nakaupo sa sofa namin at humihigop sa isang basong juice.
""Good morning Atty. Sorry for making you wait that long.
Nilapitan ko siya at napatayo naman siya saka ko inabot ang aking kamay na agad naman niyang tinanggap.
"Good morning din Ms. Mendoza."
Sinenyasan ko siyang maupo at ganun din naman ang ginawa niya.
Naupo narin ako sa may kabilang dulo ng sofa habang nasa ibang dulo naman siya at napatingin ulit ako sa kaniya.
"Ano po ba ang ipinunta niyo dito attorney? Tungkol ba ito kina Mama't Papa o sa aming dalawa ni Kyline?"
"Well, siguro alam mo na na ako ang attorney ng mga magulang mo. Nakapunta narin ako dito at alam kong hindi yun lingid sa iyong kaalaman. Hindi na rin ako magpapaligoy-ligoy pa Ms. Mendoza. Pumunta ako ngayon dito dahil pinapunta ako ng Papa mo dito ngayon."
Biglang nanuyo ang lalamunan ko at tumindig lahat ng mga balahibo ko sa katawan na para bang may kung anong napakalamig na hangin ang dumampi sa balat ko nang sabihin niya ang linyang yun.
"A-ano po ba ang ibig niyong sabihin attorney?"
Kinakabahang tanong ko sa kaniya.
"Ang totoo niyan ay bago paman mamatay ang iyong ama ay may pinirmahan na siya para sa inyung magkapatid."
Lalong napakunot ang noo ko sa mga sinasabi niya ngayon sa harap ko.
Pinanood ko lang siya habang may kinukuha siyang folder mula sa briefcase niya at binuklat ito.
"Ang Mr. Heneroso Alcantara ay pumirma na upang ipamana sa inyong magkapatid lalo na sayo bilang panganay ang mga laman ng kaniyang bank account. Napagpasiyahan niya ito kasama ng iyong Mama."
"Pe..pero bakit sakin po attorney? Hindi naman ako tunay na anak ni Papa at sa tingin ko ay kay Kyline niya dapat ipangalan yun?"
"Maliit pa at masyado pang bata si Kyline sa mga panahong pumirma siya at ang Mama mo. Masyadong malaki ang halaga ng perang ibinilin niya sa inyong dalawa. Alam niyang mas magiging maayos ang paggamit niyo ng perang ito kapag sayo ipangalan ang tanging taong maaaring magbukas at magwithdraw ng anumang halaga sa bank account niya."
"Ha!"
Napabuntong-hininga na muna ako bago paman siya nagpatuloy sa sasabihin niya.
"Sa loob ng halos dalawampung taon ng iyong Papa sa ibang bansa bilang OFW ay may naipon siyang malaki-laking halaga sa time deposit niya sa isang bangko. At yung halagayang yun ang pinirmahan niya ditong ibibilin niya sa inyung magkapatid sa panahong wala na siya at ang Mama niyo."
"Pero malaki na ang nagastos namin sa pera ni Papa nung ipagamot namin si Mama sa cancer niya attorney. How come na ngayon ay kung sabihin niyong hindi ipinangalan ni Papa kay Kyline ang idiniposito niya ay dahil malaki ang halaga nito ngunit hindi niya ito ipinaalam samin para man lang may maidagdag pa kami sa gagastusin para kay Mama?"
Muli siyang nagflip sa susunod na pahina ng folder.
"Naging sapat din naman ang pinansiya niyo para dun hindi ba? Sinasabi kasi dito sa huling testamento niya na yung ginamit niyong pera ay ang laman lamang ng isa sa dalawa niyang bank deposit. At yung isa pa niyang account ay siyang nakapangalan sayo at sa kapatid mo."
Napabuntong-hininga na rin siya. Litong-lito na naman ako at mas nadadagdagan pa ang kaba sa puso ko sa tuwing may salitang lumalabas mula sa bibig niya.
"Hindi ko po alam na meron pa palang ibang account si Papa sa bangko. Masyadong malaki na ang nagastos namin after niyang mawala at ang alam ko ay sapat na iyon sa tagal niyang pagiging OFW."
"'Yun na nga Ms. Mendoza. At napakalaking halaga ang naipon niya sa account na iyon."
Doon ako mas napatitig sa mga mata niya habang hinihintay ang muling pagpapatuloy niya.
"2.5 million pesos. Yun ang nasa time deposit niya as of this year."
"Po?"
Sobrang nanlaki ang mga mata ko at napatakip pa ako ng bibig sa gulat.
"Totoong ganun kalaki ang halagang ipinamana niya sa inyu. At ang naging kasunduan namin ng mga magulang niyo ay pupunta lang ako dito upang ipaalam ito sa iyo ay matapos lamang ang isang linggo ng isa sa mga mahahalagang araw ng buhay niyo at yun ay ang pagtatapos ni Kyline sa ika-siyam na baitang."
Nanatili akong tahimik at hindi parin makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. Pilit kong dina-digest sa utak ko ang lahat ng mga nalalaman ko sa oras na ito pero hindi parin talaga nagsi-sink in sa utak ko ang lahat.
"Ngayong alam mo na ang lahat Ms. Mendoza, narito ang envelope na ito."
Inabutan niya ako ng isang kulay blue na envelope kaya napatingin nalang din ako dito at naitaas ko lang muli ang paningin ko nang magpatuloy siya sa pagsasalita.
"Nandiyan na sa loob ng envelope na yan ang lahat ng impormasyon tungkol sa bank account ng iyong ama. Nandiyan na ang pangalan ng bangko, ang impormasyon kung paano ka makaka-withdraw kung kailan kailangan niyo na ng pinansiyal. Oh siya! Hindi na ako magtatagal at may iba pa ang mga kliyenteng pupuntahan. Maraming salamat sa iyong panahon Ms. Mendoza. Pakisabi nalang din kay Kyline na maraming salamat nga pala sa meryendang hinanda niya."
Tumayo na siya at binitbit ang briefcase niya kaya napatayo na rin ako.
"Maraming salamat din po Atty. Zilvestre. At sa susunod, pwedeng Maine nalang po hehe."
Kinamayan ko siya at nginitian.
Maraming salamat po ulit attorney. Mag-iingat po kayo sa biyahe.
Inihatid ko nalang din siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng gate.
Nanlumong napaupo nalang ako sa sofa at napahilamos nalang ng mukha. Hindi ko aakalaing may ganitong pasabog pa pala ang maririnig ko.
2.5 million pesos? Huh!!
Napabuntong-hininga nalang na sabi ko sa sarili. Dinampot ko ang envelope at naglakad na pabalik ng kwarto.
"Oh ate, nandiyan pa po ba si attorney?"
Hinarap ko siya nang bagsak ang mga balikat.
"Nakaalis na siya. May pupuntahan pa raw siyang ibang kliyente."
"Ano daw po ba ang ipinunta niya dito ate?"
"May ibinigay lang siya sakin. Abogado pala siya nina Mama't Papa. At masyadong confidential ang ipinunta niya kaya hindi ka nalang niya isinali sa usapan namin kanina."
"Ahh.. Ganun ba ate? Okey."
Tumango-tango lang siya bilang pagsang-ayon. Mabuti nalang talaga at hindi niya pa ako kinulit kung tungkol saan ang pinag-usapan namin dahil ayaw kong mabigla siya.
Naglakad naman ako papalapit sa closet ko at binuksan yun. Ilang sandali pa akong napatitig dun sa mga damit kong nakafile sa loob at napabuntong-hininga. Nakatalikod ako sa kaniya kaya alam kong hindi niya naman makikita ang expression na nasa mukha ko ngayon.
"Magluluto nalang po muna ako ng breakfast natin ate. Baka kasi napagod ka sa pag-uusap niyo ni Atty. Zilvestre kanina. Tatawagin ko nalang din kayo kapag kakain na."
Yun lang ang narinig kong sabi niya at ang huli ko nang narinig ay ang pagsara ng pinto.
Liningon ko ang pintu at muling napabuntong-hininga. Napaupo nalang din ako sa gilid ng kama habang hawak-hawak ko sa mga kamay ko ang envelope na ibinigay ni attorney sakin kanina. Tinignan ko pa iyo.
Bakit hindi mo ito sinabi samin Papa nung nandito ka pa? Bakit kailangang ganito kalaking halaga ang ipamana samin? Baka wala nang natira para sayo, sa sarili mo? At sa akin pa talaga na hindi mo man lang tunay na anak at anak lang ng iyong asawa sa pagkadalaga? Kung hindi niyo nga ito binanggit samin kahit pa nagkasakit si Mama na sana ay nagamit din namin, sa amin ni Kyline nga ba talaga ito? Inilaan niyo nga ba talaga ito para sa amin?
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Sa halip na maging masaya ako dahil sa halagang ibinilin ni Papa samin ay mas ikinalungkot at ikinabahala ko pa ang pagtanggap nito. Alam kong sobra-sobra na ito para samin kahit pa hanggang pagtanda namin pero sadyang hindi nawala sa isip at puso ko ang kabahan ang malito.
Pagkatapos ng walang humpay na katanungan sa isip ko ay tumayo nalang ako at pumunta ulit sa harap ng closet ko.
Hinawi ko paitaas ang ibabang part ng mga nakafile kong damit at doon isinuksok ang envelope. Sapat na ang dami at taas ng mga nakapatong na damit upang hindi ito makita. Muli kong isinara ang closet at kusa nang lumabas ng kwarto.
Pagkasara ko ay bmuntong-hininga pa ako sa huling pagkakataon at humarap ng may pilit na ngiti.
Hindi ko dapat ipahalata kay Kaykay na may bumabagabag sa isipan ko ngayon.
Dahan-dahan na akong naglakad papuntang kusina at naabutan siyang nagluluto ng bacon.
Isang linggo na naman ang lumipas simula nung nagpunta dito sa bahay si attorney. Napansin kong naging malungkutin bigla si Kyline at hanggang ngayon ay parang matamlay siya at hindi halos lumalabas ng kwarto.
April 18, 2018
Nakaupo ako ngayon sa kama ko. 5:30 pa ng umaga ngunit maaga akong nagising ngayon.
Dahil nga sa pagiging tahimik ni Kaykay nitong mga nakaraang araw ay hindi na siya napapagawi pa sa kwarto ko upang gisingin.
Masyadong naging tahimik ang bahay at parang nabobored na ako dito sa loob.
Paano nga ba kami sumigla ulit? Hmm...
Ting!
Mabilis akong napatayo mula sa kama at binuksan ang closet ko. Ilang minuto rin akong naghahanap ng maisusuot. Dinadala ko ang medyo loose na yellow shirt ko at isang stripe ng white at blue na shorts papuntang banyo.
Pagkatapos kong maligo, magpalit ng damit at magsipilyo ay naupo ako sa kama habang inaayos ang sintas ng puting sapatos ko na skecher. Kinuha ko ang maliit na shoulder bag ko at isinabit ko yun sa balikat ko saka lumabas na ng kwarto.
Tok! Tok! Tok!
Nang wala akong marinig na anumang sagot ay pinihit ko na ang door knob ng pinto ng kwarto ni Kaykay. Dahan-dahan akong naglakad papasok ng kwarto niya at agad na iginala ang paningin sa buong kwarto niya.
"Kaykay?"
Pagtawag ko sa kaniya habang nilalapitan siya sa kama. Alam kong siya yun dahil nakatalukbong ang kumot sa buo niyang katawan at parehong-pareho kami kung matulog.
Niyugyog ko ng marahan ang nasa balikat niya upang gisingin siya.
"Hmmm... Bakit ba ate?"
Halata sa boses niyang inaantok pa talaga siya.
"Bangon na little sister."
Napaupo siya habang gulo-gulo pa ang buhok, may muta at laway pa sa mukha niya at kitang-kita sa mukha niya ang pinaghalong pagod at antok.
"Bakit ba ate? Inaantok pa yung tao eh. Kung wala ka namang magandang sasabihin, baka pwedeng matutulog na muna ako. Ang ganda-ganda na sana ng panaginip ko eh. Umeepal ka na naman."
Padabog siyang nahiga ulit at nagtalukbong ng kumot sa mukha niya.
"Uy Kaykay! Bangon na. Kaykay, ano ba?! Kailangan mo na ngang maghilamos, maligo, magsipilyo at magbihis. Bilisin mo na diyan at bumangon ka na!!"
Hinila ko bigla ang kumot niya kaya naalis ito sa katawan niya. Hinawakan ko ang braso niya at hinila ito. Napatingin naman siya kamay ko na nasa braso niya.
"Bangon na... Sige na Kaykay please naman. Huwag mo na kasi pairalin yang antok mo.."
Hinawi naman niya ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya at pipikit-pikit pang humarap sakin.
"Ate Menggay naman eh... Kahit kelan talaga panira ka ng panaginip! Hahalikan na sana dapat ako ni Alden eeeeeh!!"
Pagmamaktol pa niya at napahampas ng bahagya sa braso ko habang nakanguso sa akin.
"Ayan! Yan ka na naman sa mga pantasya mo diyan sa Alden Richards na yun! Gumising ka na nga kasi sa katotohanan at bumangon ka na dahil may pupuntahan pa tayo ngayon. Wala kang mapapalang maganda kakapikit mo diyan. Sige ka baka magtuloy-tuloy yan at magustuhan mo!"
"Saan na naman ba kasi yan?"
Hinila niya ang braso niya kaya nabitawan ko narin yun. Padabog siyang tumayo at agad lumakad saka naghanap ng masusuot sa closet niya.
"Gagala muna tayo ngayon. Kaya dalian mo na diyan baka matraffic pa tayo at magwala pa yang mga alaga mo diyan sa tiyan mo."
Itinulak ko pa siya papasok ng banyo at bumalik na sa pagkakaupo sa kama niya.
""Siguraduhin mo lang na mag-eenjoy ako. Baka naman hindi worth-it ang pagsa-sacrifice ko ng kiss ni Aldeeen!"
Habol pa niya pagkapasok ng banyo.
"Ang ingay mo sisteret! Damihan mo nalang ang pagsabon at pagshampoo mo diyan para maging sobrang bango ka. Ayaw na ayaw pa naman ng mga sikat ng mababantot."
Sigaw ko sa kaniya habang hinihintay siyang lumabas.
Halos mga limang minuto rin ang lumipas bago siya lumabas ng banyo. Naka crop top siya ng kulay puti na may red rose na nakaburda sa kaliwang side ng dibdib niya. Pinarisan naman niya yun ng high waist na black leggings.
"Oh! Ako na ang magsusuklay sayo habang mag-aayos ka ng itsura mo para naman maging mas mabilis na tayo. Dun nalang din tayo magbreakfast."
Nakatayo siya sa body mirror na nasa gilid at nagsimula nang maglagay ng powder sa mukha niya.
"Long legged ka pala sister. Bagay sayo ang leggings kasi mas kita ang body shape mo. Di tulad nung unang gumala tayo, natatandaan mo yun Kaykay? Haha. Yung pinasuot kita ng shorts tapos hihila-hila ka pa nun paibaba dahil feel mo super iksi nun at kita ang kaluluwa mo kahit di naman. Hahaha! Tapos akala mo pa pinagtitinginan ka na ng lahat ng nandun dahil dun sa suot mong yun. Grabe! Hahaha!"
Biro ko pa sa kaniya habang nakatingin kaming pareho sa salamin.
"Sige ate. Tumawa ka lang. Ganyan ka naman magpakita ng sympathy at support sa kapatid mo diba?"
Sarkastikong sagot naman niya.
"Haha! Tara na nga! Baka kung anong drama na naman ang masabi mo diyan."
Hinila ko na siya palabas nang matapos na kami.
"Dzuhhh.. Whatevs!"
Ilang minuto pa kaming naghintay ng taxi ngunit hindi naman nagtagal ay may dumaan na at sumakay na kami agad.