webnovel

Kabanata 54: Oplan - Sagip Kamag-aral

-----

Bzzt Krrrzt

Dinisenyo ang mga gusali na magkakalayo sa isa't isa para mabigyan ng puwang ang mga pansariling events ng bawat year level, kilala ang Ag-biyag Kuma High School sa taglay nitong kasikatan dahil bukod sa ito ang pinakamalaking skwelahan sa buong lalawigan ay dito lamang sa skwelahang ito matatagpuan ang samo't saring patimpalak sa iba't ibang larangan na tangi at sa loob lamang ng paaralan nagaganap.

Maraming mga dayo sa iba't ibang lalawigan ang pinipiling mag-aral dito dahil hindi lamang sa mataas ang kalidad ng edukasyon kundi dahil na rin sa mga aktibidades na hindi mararanasan ng isang studyante sa ibang skwelahan. (*Hiraya: Come on now, that's bullshit! Para mas convinient lang sa mga plots kaya magkakalayo ang mga building.. hey god damn it stop pushing me.. fuck you... FUCK YOU!)

Ehem.

Ang tinaguriang 'Carnidal School' ng lalawigan ay ang siyang dahilan kung bakit nasama sa mga newly created dungeon ang skwelahang ito. May mataas na populasyon ang lugar nang mag-umpisa ang RPG World, maraming mga aboriginals ang nakapalibot sa paaralan mula sa iba't ibang mga baryo at nayon, marami ring commencial districts ang makikita sa iba't ibang karatig lugar ng paaralan. Kapag pinagsama-sama ang mga kadahilanang ito ay magkakaroon ng isang Dungeon sa sentro ng isang lugar.

---

*Day 10 mula sa simula ng RPG World.

Matapos ang masaganang almusal na pinangungunahan na ng tikbalang meat na siyang niluto ni Ma-ay, umalis ang grupo nila Hiraya sa Senior's Building at nagpunta sa direksyon ng isa pang gusali.

Maririnig ang mga yabag mula sa tatlong tao ngunit lima ang bilang nila, isang babae ang kahit na anong pagtapak sa lapag ay hindi lumilikha ng tunog at ang isa namang lalaki ay patuloy paring sinasanay ang mga paa niya na huwag lumikha ng tunog. Kung hindi pagtutuunan ng pansin ay hindi nga ito maririnig pero para sa isang 'master' ay mapapansin pa rin ang nililikha nitong tunog.

Napa-tsk si Hiraya nang makita ang patagong pag-angat ng dulo ng labi ni Ma-ay, hanggang ngayon ay hindi pa niya namamaster ang ginagawang pag-apak ni Ma-ay sa lapag, pero sa tingin niya ay malapit na niya itong magaya. Inaabangan pa rin niya ang maligayang pagbati ng system announcement sa kanyang tainga ngunit alam niya sa sarili niya na hindi pa niya mapapantayan ang lebel ni Ma-ay dahil wala pa ang RPG world ay kaya na ni Ma-ay ang skill.

Papunta sila ngayon sa Grade 8 Building para kalabanin ang mga halimaw doon at baka sakali ring may mga surviving players pa sa loob ng gusali. Hindi nila sinama ang mga halimaw dahil may ibang naka-atas na gawain para sakanila. Kasalukuyan nilang inilulunsad ang Oplan - Sagip Kamag-aral, ito ang ipinangalan nila para sa operasyon na hanapin at ipunin ang mga natitirang players sa loob ng skwelahan, dahil ayaw ng ibang mga players sa ipinangalan ni Hiraya na The More The Merrier ay napagpasyahan nila maliban kay Hiraya na iyon ang ipapangalan.

Nang marating nila ang gusali ay tinitigan nila ito at sinuri, hindi gaya ng karamihan sa mga gusali ay mayroon itong limang palapag at tig-siyam na silid aralan sa harap at likod. Ang Senior's building ng mga Grade 12 kung saan galing si Hiraya at ang Senior's building ng mga Grade 11 kung nasaan ang amphitheater, parehas na apat ang palapag pero walo lamang ang silid aralan at sa harap lamang ang mayroon.

Ang mga panibagong buildings na naitayo sa skwelahan, kabilang na ang panibagong grade 7, ay may labing walong silid aralan - harap at likod, may divider na pader at ito ang siyang naghihiwalay sa harap at likod na silid.

Napadura si Magdalya sa lapag dahil isa siya sa mga studyanteng hindi naabutan ang ganitong style ng gusali, noong Grade 8 siya ay hindi pa siya nag-aaral sa skwelahang ito. Grade 9 siya nagtransfer at iba rin ang struktura ng gusali roon. Nailang siya nang makita niyang tinititigan ni Makaryo ang idinura niyang laway sa lapag at nang mapansin naman ni Makaryo na nakatingin si Magdalya sakanya at malakas itong lumunok.

"Okay, now, now.. Makaryo at Magdalya sa pinaka-unang palapag kayo. Sa pangalawang palapag si Ganit at sa pangatlo si Ma-ay. Ako na ang aakyat sa ika-apat at ika-lima. Sweep the place clean but don't kill the boss yet, we've got plans for those. Malinaw ba?" Muling ipina-alala ni Hiraya ang mga gagawin at tinangoan naman ito ng mga kasamahan niya.

Nagtaas ng kamay si Makaryo at nagtanong, "Tagapagligtas, asaan si Angeli at Esing? Noong magising kami kanina ay wala na sila."

Si Ma-ay ang sumagot sa tanong ni Makaryo, "Kasama nila ang Tikbalang King at ang Duwende King, inutusan sila ni babyboy na magpunta sa cafeteria at tignan kung may mga players pa don."

"Ahh, sige pupunta na kami ni Magdalya." Nanlaki ang mga mata ni Magdalya nang hawakan ni Makaryo ang kamay niya pero hindi na siya nakapagreklamo nang hatakin siya nito papunta sa gusali.

Binuksan ni Hiraya ang telepathy at kinausap si Ma-ay, 'Kill him if you have to.'

'Yes babyboy, wag kang mag-alala. Wala pa naman silang ginagawang makakasira sa mga plano natin.' Sagot ni Ma-ay sa telepathy.

"Pupunta na rin ako ate.. Manoy." Nagliwanag ang paa ni Ganit at naipon ang mga hangin doon, umangat ang paa niya pero agad din siya nahulog. Namula ang mukha niya dahil hindi niya inaasahang mabibigo siyang gawin ang kanyang nais.

Napapogi pose si Hiraya sa kanyang nasaksihan, magandang aplikasyon ng Wind Spell ang ginawa ni Ganit. Naisip na niya iyon pero hindi pa niya nagagawang subukan dahil puno pa ang skedyul niya ng ibang mga bagay. Nilapitan niya si Ganit at tinanong ang pangalan ng skill, "You're pretty awesome thinking to do that, anong pangalan ng skill na ginawa mo? Wala pa akong itinuturo sayong Wind Spells diba?"

Tumango si Ganit at sumagot, "Wala pang pangalan ang spell at hindi ko pa nakukuha ang balak kong skill, ginamit ko lang ang basic active skill na Wind Control at inasinta ang mga paa ko."

Napatango si Hiraya at hinagod ang buhok ni Ganit, "Good, you're learning faster than I thought you could. Sige, mag-lalagay ako ng oras para sa mga Wind Based Skills at gagawan natin ng paraan para makalipad ka." Napangiti si Ganit sa kanyang narinig at nag-cast siya ng Earth Spell, lumitaw ang isang platform at tumapak doon si Ganit, inasinta niya ang gusali at nagsimulang gumalaw ang platform na gawa sa lupa papaunta sa gusali.

"Babyboy, tara na." Matapos nilang panoorin si Ganit ay nagsalita si Ma-ay. Nagliwanag ang kamay ni Hiraya matapos niyang gamitin ang Earth Spike at nakagawa siya ng ilang metrong patusok sa lupa, sinakyan nila ang puwersang dala nito at tumalon papunta sa ikatlo at ika-apat na palapag.

-

Nilakad ni Hiraya ang pasilyo papunta sa ikatlong silid, may narinig siyang mga nagsasalita sa banda roon kaya'y nagmadali siyang pumasok sa loob. Nasaksihan niya sa loob ang ilang mga players na kasalukuyang nagpupulong. Napatingin ang mga players sa direksyon niya, nagsitayuan sila at inihanda ang mga sarili para labanan ang bagong dating.

"Sino ka at bakit ka andito, senior? May mga buhay pa sa ibang gusali?" Anang isang lalaki, nakasalamin siya at mahahalatang siya ang lider ng grupong ito.

Tinitigan ni Hiraya ang mga status screen nila matapos niya silang gamitan ng Identify. Anim ang bilang ng mga players, dalawa sakanila ay level 14, isa ang level 9 at ang natira ay mga level 13. Ang nag-iisang level 9 ang lalaking nagsalita at tumatayong lider ng grupo. Napangiti si Hiraya dahil hindi niya inaasahan na ang pinakamababang level ang kumokontrol sa mga tao dito sa silid.

"Jesus, nakakatakot ang ngiti niya. Humanda kayo, baka isa siya sa mga tauhan nila Konde." Anang isang babae, mahaba ang buhok niya at nakalaylay ito hanggang sa tuhod niya.

'The fuck is this? Konde, sinong konde? Wala akong kilalang Konde.', umiling-iling si Hiraya at sinagot niya ang mga tanong nila, "Ang pangalan ko ay Manoy, andito ako dahil gusto naming iligtas ang mga studyante ng skwelahang ito, oo may mga buhay pang players sa ibang buildings and I came from the Senior's Grade 12. Hindi ako si Hesus at normal lang ang ngiti ko at walang nakakatakot don. I don't even know that Konde you're talking about. So yeah, Hello?"

Nagkatinginan ang mga magkakasama sa loob ng silid pero hindi sila agad naniwala sa mga sinasabi ni Hiraya. Inayos ng player na nakasalamin ang suot niya at lumapit kay Hiraya, pinigilan siya ng mga kasamahan niya pero nang ikaway niya ang kamay niya ay huminto sila. Ngumiti rin ang lalaki at sinabi, "Ilan na kayo sa grupo niyo?"

"Oh my, uhm.. Me, Ma-ay, Ganit.. kasama yung mga alaga ko ay 51 na kami lahat lahat." Sagot naman ni Hiraya, pito silang mga aboriginals, apat ang mga duwende at apatnapu ang bilang ng complete set ng mga tikbalang.

Nanlaki ang mga pares ng mata nilang anim, hindi nila inaasahan na ganoon na karami ang bilang ng players na naipon ng lalaking ito. Nagkatinginan ang magkakasama at isa isa silang nagsi-tangoan, pinulot nila ang mga sandata nila sa lapag at naghanda para sumama sa lalaking nagsasabing sasagipin sila.

"Paano ako nakakarisuradong totoo ang mga sinasabi mo? Ihanda niyo ang mga sandata niyo, sa oras na umatake ang lalaking ito ay huwag kayong magdalawang isip na patayin siya." Hindi pa rin kumbinsido ang lider ng silid nato kaya't inutusan niya ang mga kasamahan niya na maghanda. Kung totoo man ang sinasabi ng lalaki ay paniguradong may kapalit ang pagsagip nito sakanila, kung isasangla nila ang mga kaluluwa nila para sa kakarampot na ilaw ng pag-asa ay naisip ng lider na mas mabuting makipagsapalaran nalang silang anim gamit ang sarili nilang mga kamay.

"You don't have to. Ilang sandali lang ay maririnig niyo na ang paghiyaw ng mga halimaw sa building nato. My friends will clean this building, ang trabaho ko lamang ay kausapin kayo. Oh my, nagstart na sila." Narinig nilang pito ang pag-atungal ng mga halimaw sa gusaling ito at nadagdagan ang paniniwala ng lider sa mga sinasabi ni Hiraya.

Kung ang trabaho lamang ng lalaking ito ang kumausap sa mga survivors ay ibig sabihin non ay hindi kalakasan ang lalaki, naisip ng lider ng silid na magtiwala dahil kung ang pinakamalakas na player sa grupo nila ang kumausap sa kanila ay paniguradong hindi makatarungan ang magaganap, nagsalita ang lider, "Anong kapalit ng pag-sama namin sainyo?"

"Oh my, straight down to business.. I like your skills Bubot, oh my sorry. Wala naman kaming maraming gustong makuha sainyo, actually you can't give us anything worthy of my attention, ang kailangan niyo lang ay magpalevel at magpalakas. Papakainin namin kayo three times a day, bibigyan din namin kayo ng mga armas and sasanayin din namin ang fighting skills niyo, that's it." Nakangiting salaysalay ni Hiraya.

"Kakain tatlong beses isang araw?"

"Magpalevel at magpalakas lang ang gagawin?"

"Bubot, pumayag kana. Marami na sila sa grupo at wala silang hindi makatarungang hinihinging kapalit, hindi gaya kila Konde na dapat naming ibigay ang puri namin." Masiglang sigaw ng isang babae, kasama ng isa pa niyang babaeng kaibigan ay pareho sila ng iniisip. Tila nabunutan sila ng tinik sa lalamunan at hindi nila napigilang dalawa na mapaluha.

Gaya ng karamihan sa mga surviving players ng skwelahan ay pinaghirapan din nila ang mga buhay nila para makaligtas sa mga halimaw, idagdag pa ang mga players sa building nila na gustong pagsamantalagan ang mga kaibigan nilang mga babae, napa-isip ng malalim si Bubot; ang lider ng silid, walang masama sa mga kagustuhan ng lalaki at pabor pa sakanila ang mga kapalit. Napagtanto rin ni Bubot na ginamitan siya ng skill ng lalaki at nalaman nito ang pangalan niya pero hindi na importante iyon, ang mas importante ngayon ay may tutulong na sa kanila.

"Payag na akong sumali kami sa grupo niyo." Napabuntong hininga ang lima pang kasamahan ni Bubot at napalitan ang mga pag-aalala nila ng tuwa. Sakawas ay makaka-alis na sila sa gusaling ito. Mataas na ang mga levels nila at kaya na nila ang mga halimaw, pero wala silang mga plano pagkatapos nilang makaalis sa gusaling ito. Iniisip din nila na baka mas malakas pa ang mga halimaw sa labas ng gusali kaya dumadagdag pa ang rasong iyon kung bakit ayaw nilang umalis.

Pero ngayon, may tutulong na sakanila at marami na rin ang kasamahan ng lalaki. Mataas ang tsansang mag-susurvive sila hanggang makalabas sila sa dungeon na ito.

"Alright then, let's go!"

'Hehehe hehe he'

Chapitre suivant