webnovel

Kabanata 33: Anong Nangyari?

(Hiraya)

Umatake ang natitirang vampire underling, slow.. hinawakan ko ang kamay nitong papunta sa mukha ko at hinatak ito pababa sa lapag, ginilitan ko ang leeg ng vampire underling at tumalsik ang dugo nito sa pisnge ko, these bitch's blood is not warm at all, I lost the interest to the cold feeling kaya agad kong initsa ang vampire underling sa loob ng silid, sinalo iyon ni Makaryo gamit ang kamao niya.

Maybe I should let this guy learn some blade skills from that bitchking, or not.. Ma-ay has refined punching skills kaya mas mabuti siguro kung siya nalang ang maging instructor ni Makaryo. Well, either way... papiliin ko nalang siya kung ano ang gusto niyang tahaking daan.

Done.

Pumasok ako ulit sa loob ng silid at dinaysek ang dalawang katawan. Tuwang-tuwa ang dalawa sa mga exp-ing nareceive nila. We can use this place as a hunting grounds, mababa pa ang mga level nila kaya mataas ang ibibigay na exp kada isang vampire underling, I just have to think of a way. Paraan para mas maging effective ang hunting pace nila.

Naisipan kong tawagan si Ma-ay. In-activate ko ang skill na telepathy.

Ding!

[Skill level too low.]

Say what now?

Hindi ko sila makontak, si Ganit, ang duwende king pati na rin ang tikbalang princess. What is happening? Oh, territory? Mayroon atang pumipigil sa skill ko na makalabas sa territory ng vampires. Well then, tapusin ko nalang muna ang clear conditions then I'll gather everyone here and play.

Kshhh!

Oh my! Nakarinig ako ng ilang paggalaw sa kabilang silid, three, four... seven different footsteps. Shit! Nagising kaya ang Vampire Queen? Sinenyasan ko si Magdalya at Makaryo na huwag masyadong maingay at itinuro ko ang kabilang silid.

Ilang segundo lang ay narinig kong nagbukas ang pintuan at tumigil sila sa harapan nito. Sumilip ako ng bahagya at nakita ang pitong vampire underlings, shiz... should I attack now? No... inusisa ko ang silid at napansin ang mga kurtina sa bintana sa kabilang pader mula sa kinalalagyan namin. Oh that's why. Natatakpan ng makapal na kurtina ang araw mula sa direksyon nayon. Woa, talk about convinience para sa mga monsters.

Pinili kaya nila ang lugar nato? I mean, the room setting is favorable for their kind. Ang tanong lang ay kung alam ba nila na dito papunta ang lagusan palabas ng portal. Either way, wala pa akong masyadong alam tungkol sa portal.

Nagmadali akong kunin ang isang kurtina, isa siguro to sa mga pinaproject ng teacher, may pangalan ng pangkat akong nakita sa dulong laylayan ng kurtina. Thank you nalang sa tulong nila.

Nang mapalingon ako sa direksyon ng mga kasama ko ay nagtataka ang mga mukha nila, "When I say go, aatakihin niyo ang mga nasa pinakaharap na vampire underlings, naiintindihan niyo ba?"

"Maliwanag tagapagligtas."

"Sige!"

Tumango ang dalawa at nagbigay ng kanilang sagot. Tinanguan ko rin sila at inayos ko ang kurtina, muli akong sumilip sa labas at nakita kong tinititigan nila ang mga dugo sa lapag. Isinaulo ko ang mga posisyon nila, sinenyasan ko ang dalawa na maghanda. Binuksan ko ang Inventory, kumuha nang labing apat na ball point pen at lumitaw ang mga iyon sa kaliwang kamay ko, "Let's go!"

In-activate ko muli ang skill na Haste at mabilis akong lumabas ng pinto. Kinontrol ko ang strength input sa kamay ko at itinapon ang kuntina pataas, bumuklat ang kurtina papunta sa direksyon ng mga vampire underling at natakpan ang kanilang mga katawan, bago pa man lumapag ang kurtina ay pinag-tatapunan ko sila ng ball point pens.

I heard the penetrating sound of the pens going inside their eyeballs, some to their necks and two to their hearts. Agad kong inatake ang nasa pinakadulong mga vampire underling at iniwan ang apat sa pinakaharap.

Buong pwersa kong sinipa ang una sa ulo at narinig ang pagsabog nito, nakarinig ako ng notification pero hindi ko na muna iyon inintindi. My strength attribute is not yet on the hundred mark pero sapat iyon para madurog ang ulo ng vampire underling mula sa pagsipa ko.

I followed up my kick by spinning with its force, muli kong sinipa ang isa pang ulo ng vampire underling at gaya ng nauna ay sumabog din iyon sa loob ng kurtina. Lumapag ako sa sahig at pinaulanan ng suntok ang katawan ng huling vampire underling, narinig ko muli ang notification, liningon ko ang nangyayari sa likod ko at natuklasan na kasalukuyang pinapalakol ni Magdalya ang isang vampire underling.

She swung the weapon left and right at pinuntirya ang mga ulo ng mga vampire underlings, napunit din niya ang kurtina na bumabalot sa kalaban at nakita kong bumaon ang palakol abot sa kalahati ng ulo nito. Good.

Nang tingnan ko naman si Makaryo ay bahagyang nagliliwanag ang katawan niya, it's that skill Go Beyond. Ang sabi niya sa akin ay naglevel 4 na ang skill niya, way to go for the early phase of this dungeon.

Sinuntok ni Makaryo ang nasa harapan niyang vampire underling sa katawan dahilan para mapayuko ito, hinawakan ni Makaryo ang ulo nito at hinatak iyon papunta sa kanyang paangat na tuhod, pinanood ko siya habang nakangiting binubulong ang 'bitches are my exps'. Napansin kong hindi niya mapapatay agad ang dalawa. I should make a move.

Sumugod ako papunta sa natitirang vampire underling, I've been thinking, bakit kaya hindi sumisigaw o gumagawa ng tunog sa lalamunan ang mga monsters nato? Don't they feel pain? Mga pipi kaya sila? Baka hindi sila marunong magsalita kaya hindi nila iyon ginagawa, I've decided.

Inabot ko ang leeg ng vampire underling, I controlled my strength at hinatak iyon pababa sa sahig, nauntog ang ulo nito sa lapag, sapat para mawalan ito ng malay. Napatay na ni Magdalya ang isa pa at pati si Makaryo ay nilalapa na ang vampire undeling sa ilalim ng kanyang katawan. Shiz, this guy... atleast hindi ko kinakain ang mga lamang loob, mga muscles lang sa braso, hita, leeg or dibdib ang kinakain ko but this guy... he's a total beast. Kaninong anak kaya ito?

Ding!

[Congratulations]

-You have successfully completed the clearing condition.

-10 Vampire Underlings killed.

-S Rating

computing rewards...

Oh my, what are these? Rewards? May rewards na binibigay ang pag-complete ng condition? Damn, the rewards should be good. Sa mga RPG na nalaro ko ay mataas na ang S na rating, though hindi ko pa alam kung ano ang range ng rating, I know that E, D, C, B, and A should be the normal rating and having an S... ang ibig sabihin ay na-clear namin ang condition with either the fastest or maybe I could say, we've dominated this bitchasses.

Pero hindi na muna importante ang rewards, agad kong pinulot ang vampire underling na walang malay at sumenyas sa dalawa kong kasama na kailangan na naming umalis sa lugar nato. I don't know, baka biglang trespassing nanaman kami at may panibago nanamang clear conditions na ibigay kapag hindi pa kami umalis ngayon na mismo.

Kumikinang ang mata nilang dalawa habang hayok na hayok na tinititigan ang hawak kong vampire underling. Nice, ganyan nga. Maadik kayo sa exps, hehehe hehe he.

Bumaba kami sa ikatlong palapag papunta sa pinakauna at nakasalubong namin sa hagdan ang iba pang players. What the fuck are they doing here? Kumaway ako sakanila at nagulat ako nang bigla silang magtakbuhan. Another what the fuck?

Tumingin ako kay Ma-ay at nagtanong, "What's wrong with those poeple? Kumaway lang naman ako, nagsitakbuhan na sila."

Ngumiti si Ma-ay sa akin at tumawa, itinuro niya ang direksyon sa likod ko kaya tumingin ako doon. Bumalik ang tingin ko sakanya at tumagilid ang ulo ko, "Tignan mo silang mabuti babyboy." Narinig kong sabi niya kaya inusisa ko ang itsura ni Magdalya at Makaryo.

Kumikinang pa rin ang mga mata nila, greed showing all over their faces, mabilis ang paghinga nila habang nakatingin sa hawak kong vampire underling, kunwari kong itatapon ang hawak ko at agad silang nagready para sunggaban iyon although hindi iyon bumagsak sa harapan nila ay hindi nawala ang kakaibang ekspresyon sa mukha nila. I did it trice and the result was the same.

Muling bumalik ang tingin ko kay Ma-ay at tumagilid ulit ang ulo ko, nagtataka parin ako kung ano ang dahilan bakit sila nagtakbuhan, hindi ko naman sila sinabihang maging test subject or sumailalim sa experiments, what's their problem?

Humagikgik si Ma-ay at sinabi, "Tignan mo ang mga mata nila babyboy, parang gusto nilang kainin yang hawak mo, para silang mga gutom na gutom na pulubi habang nakatingin sa isang chicken joy ng jollibee. Kita mo yung mga dugo sa bibig nila? Ah babyboy, nareceive na nila ang skill?" Tumango ako sakanya.

Muli niyang itinuloy ang pag-describe sa dalawa habang tinitingnan ko naman kung ano ang mali sakanila. May sira ata utak ng mga survivors ng amphitheater?

"Let's go inside, may bago akong natuklasan hehe." Umiling-iling si Ma-ay at ngumiti sa akin. Tumango siya at inakbayan ako habang naglalakad kami. Isinadsad ni Ma-ay ang dibdib niya sa braso ko dahilan para makaramdam ako ng init sa mukha ko.

Habang sinasabi ko sakanya ang mga natuklasan ko ay patuloy naman niyang ginawa ang pag-dribble ng dibdib niya sa braso ko. Ngumiti ako sakanya at pinindot ang mabukol na utong na bumabakat sa blusa niya. Napa-mmm siya at tumawa ako. Narating namin ang loob ng amphitheater habang nag-aasaran at nakita ko sa loob ang mga players. Gumawa sila ng pormasyon at nakahanda na silang lumaban ano mang segundo mula ngayon.

"What's wrong?" Tanong ko, sira ata talaga ang ulo ng mga to. Hindi pa oras ng pagsasanay ay gusto na nilang makipaglaban. Binitawan ko ang bitbit kong vampire underling at pumorma para umatake. Nakita kong sumeryoso ang mga mukha nila kaya binalak kong magsimula nang umatake pero may kamay na pumigil sa akin. Napatingin ako kay Ma-ay, tumawa siya kaya naguluhan ako.

"Babyboy..." Umiling-iling si Ma-ay.

Napatingin kami sa pintuan dahil dumating na yung dalawa kong kasama kanina sa taas.

"Makaryo anong ginawa sayo ni Manoy? Sabihin mo sa akin, ipaghihiganti kita kahit na ano pa ang mangyari, kahit na buhay ko pa ang kapalit!" Sigaw ni Biloy.

Huh? Did I hear that correctly? Kinalikot ko ang butas ng tainga ko at wala naman akong nakuhang tutuli. Wala naman akong ginawa sakanila ah, oh my. Hahahaha..

Napaporma silang muli nang marinig ang pagtawa ko. Something came inside my head. Let's prank this noobs.

"Kinagat si Magdalya at Makaryo ng mga bampira, kaya kinagat din nila ang mga bampira. You should've seen the dog fight. Para silang mga asong ulol na nagkakagatan sa sahig. Tumatahol pa nga sila habang naglalaban." Pinulot ko ulit ang vampire underling at kunwaring itatapon sa direksyon nila Makaryo at Magdalya, "Tahol..."

"Woof!"

"Arf arf!"

"See? Naging mga aso na sila hahahaha." Napangnga silang lahat kaya lalo akong napatawa.

"Makaryo... Magdalya... anong ginawa sainyo ni Manoy?" Lumapit si Awrelya at Paloma sa dalawa, tiningnan nila ang bawat parte ng katawan ng dalawa at ginamitan ng mga healing spell.

"Oh my. Tingnan niyo to. Alam niyo kung ilan ang makukuha niyong exp sa isang ito? Isang libo... sinong gusto nitong vampire underling?" Nakangiti akong nagtanong sakanila at inantay ang kanilang sagot. Pinakaunang nagtaas ng kamay si Dilan, good! I kinda like this guy, perceptive siya at madaling makasunod sa mga nangyayari.

"Then go get your own. Sa akin ang isang ito.. or maybe gusto mo ng trade? Ibibigay ko sayo ang isang libong exp kapalit ng pagiging test subject mo." Napatigil si Dilan sa paglakad papunta sa akin. Umiling-iling siya kaya nawala ang ngiti ko, shiz, what a kill joy. Bumalik siya sa pormasyon at muling humandang lumaban.

"Level 10 na vampire underling ang hawak ni Manoy." Sabi ni Barolyo, may skill si Barolyo na Monster Book, ina-identify ng skill niya ang pangalan, level at ilang info about sa mga monsters pero hindi kasama doon ang mga stats. Tumingin siya kila Magdalya at Makaryo, nanlaki ang mga mata niya at itinuro ang dalawa.

"Level 10 na si Magdalya at Level 8 naman si Makaryo. Anong nangyari sainyo? Pumatay kayo ng mga halimaw? Huwag niyo sabihin iyang hawak ni Manoy ang uri ng halimaw na napatay niyo? Pero..."

Napangiti ako sakanila. Kinalabit ako ni Ma-ay at tumango ako sakanya, nagsalita ako, "Magdalya at Makaryo, kayo na ang magsabi sakanila, pero bago yon ay mas mabuti atang maligo muna kayo. There's blood all over your faces and bodies, go take a bath at pagkatapos non ay kayo na ang bahalang magkwento sakanila. Now, dahil ready naman na kayo para magsanay, let's do it then." Agad akong umatake matapos magsalita.

Naghanda sila para sa akin at sinumulan namin ang bakbakan.

Chapitre suivant