webnovel

Kabanata 27: Inventory

(Hiraya)

Oh great!

Inilibot ko ang paningin ko sa magulong silid. Himalang walang mga bangkay dito sa loob ng faculty room. Kita ko ang mga nakatumbang mga bagay-bagay sa paligid; papel, upuan, mga libro, water dispenser.. etc.

Binuksan ko ang ilaw at himalang gumagana pa ito. Hmm, electricity is still running here huh.

But how though?

Generator?

Nasa likod ng Grade 7 building ang emergency generator ng school. May mga players pa kaya sa lugar nayon? Should I check? Ahm.. no I guess. Hindi iyon ang pinunta ko sa lugar nato.

Pumasok ako sa loob at inusisa ang mga bagay-bagay. Hindi ko pinalagpas na gamitan ng Identify ang lahat ng makita ko.

Desk ni Ms. Kordoba.. inisa-isa ko ang lahat ng nakita ko sa mesa at pinulot ang ilang bagay na pupwede kong magamit. Single siguro ang gurong ito, puno ng mga make-up stuffs ang mesa. Maliban sa ilang mga gamit ng isang guro ay pampaganda na ang iba. Shiz.

Lumipat ako sa kabilang desk at binuksan ang mga drawer. Oh my, biscuits. Good teacher, pinulot ko ang isang malaking bag na nakalapag sa ilalim ng desk. Binuksan ko iyon at inilabas lahat ng laman. Nice, may bottled water, ibinalik ko iyon sa loob.

Ding!

[Congratulations]

-You have acquired active skill: Inventory (Max Level).

-Equip the item and you can have a 8x8 item inventory.

-Inventory size may vary depending on the item used.

Oh my!

Kung alam ko lang na ganito ang paraan para matrigger ang inventory, hindi sana ako nagtsatsagang bitbitin lahat ng mga pagkain at armas namin. So, how did it work? Natural na kailangan ng Equip na skill and Identify maybe, but what else? The item? Pero sinubukan ko nang mag-equip ng bag at ang ibinigay lang sa akin ay defence.. Hmm! Whatever, for now.. oh my! Thats it!

I didn't put things inside back then, dahil na-disappoint ako na defence lang ang binigay kaya hindi ko na sinubukang lagyan ng gamit sa loob! I see.

So now that I have it. Experiment time na!

After ng ilang minutong trial and error ay apat na usage ang natuklasan ko.

First, like a normal bag in RPG, may capacity limit ang inventory at nadiskubre kong 50 items na parepareho ang kakasiya sa isang item box. I tried that using paper sheets. Even the short swords stacked! Hindi ko mailagay sa loob ang mesa, and that's the second discovery.

Sa mga RPG ay kahit maglagay sa loob ng inventory ng 5 meter long sword ay pwede but this type of inventory ay limited sa size ng bag. I can't put something inside na lalagpas sa laki ng bag. Makes sense pero sayang. Napakarami sanang bagay na puwedeng ilagay sa loob.

Pangatlo ay bumibigat ang bag according sa weight ng ilalagay ko sa loob, makes sense too pero another sayang dahil binabalak ko sanang punuin ng tubig ang bag! A ton of water could save us from so much dirt, tsaka kung pwedeng mainom ang tubig ay mas masaya sana. Could I put fire in this thing? Well, I'll find a smaller bag and test that later.

Fourth ay... I'm not sure yet. Sinubukan kong ilagay ang binubot kong kuko sa hintuturo ko at sabi sa inventory ay human nail, nang isipin kong kukuhain ko ang kuko ay napunta ito sa kamay ko, but only after I opened the bag. Hindi lalabas ang item kung hindi ko iyon bubuksan. Why my nail? Ginagawa ko to dahil, after 3 minutes ay bumabalik na sa dati ang kuko ko, I gain exp for pain tolerance and resilience too, so win-win.

Simula nang maglevel 7 ang skill na Pain Tolerance ay hindi ko na ramdam ang sakit pero habang gumagana ang skill ay umaakyat ang exp nito, so why not? I do it all the time, though hindi ko ginagawa pag kasama ko sila Ma-ay.

Now, now, now... back to my first priority. Nagpunta ako sa direksyon ng CR at tumambad sa akin ang mga laman nito. Binuksan ko ang gripo at lumabas doon ang tubig. Yes! Finally.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad kong isinahod ang katawan ko. Pinulot ko ang tabo sa lapag at ginamit iyon. Itinapon ko ang maruming laman ng balde, ginamit ang sabon na nasa tray at hinugasan iyon. Hinubad ko lahat ng damit ko at ibinabad sa tubig, actually hindi na ito ang uniform ko, kinuha ko to dun sa isang bangkay na kasing katawan ko.

Binuksan ko ang telepathy at kinausap si Ma-ay, 'Ma-ay, success! Gumagana pa ang water system ng school. Sunduin kita pagkatapos ko rito.'. Pinatay ko ang linya at ipinagpatuloy ang pagligo.

After 20 minutes ay natanggal ko na ang mantsa ng dugo at mga dumi sa katawan ko. Binanlawan ko ang uniform at muli iyong sinuot. Now, gusto kong pag-eksperimentohan ang natanggap kong information kanina. Mayroong isa sa mga player ang natrigger ang skill na flame element. Nakuha niya ang skill matapos niyang mapatay ang isang monster gamit ang well... apoy malamang. So, if what I am thinking is right, kapag nilunod ko ang isa sa mga alagad ko gamit ang tubig, I should probably get the water element.

Oh my! I can get the fire element too. Lumabas ako sa loob ng CR at muling kinalkal ang mga gamit sa mga desk ng mga teacher. Come on now, isa sainyo for sure ay naninigarilyo!

Nice, nakakuha ako ng lighter matapos kong kalkalin ang pang-anim na desk. Pinulot ko rin ang pakete ng yosi at sinindihan ang isa doon. I never tried what this feels like, killing your lungs. Ginaya ko ang ginagawa ng mga nakikita kong nagyoyosi, hinithit ko ang sigarilyo at ibinuga ang nahigop ko.

What the heck? No, wait may mali. Inulit ko ang paghithit tapos ipinasok ko ang usok sa baga ko, oooh susej that's the feeling. Yeah, ano yung sinasabi nila? Good shit? Hehehe.

Muli akong nagkalkal ng mga bagay-bagay sa mga natitirang desk habang nagyoyosi, hehe. Inilagay ko lahat ng pagkain at tubig sa loob ng bag or inventory, may balisong akong nakita at sinubukan ko sa balat ko, dumiin ng kaunti pero hindi nito kayang tagusin ang balat ko. Ginamitan ko iyon ng identify at nakita na 6-11 damage ang kaya nito. I didn't use too much force kaya diniinan kopa and after 3 sec ay nagawa na nitong butasin ang palad ko. Yeah, 60 Str should do the damage.

Kinokompute ko pa kung gaano kabigat ang 1 Str at nahihirapan ako dahil nag-umpisa akong mag-eksperimento na walang maayos na tools, I really can't measure the exact gain. My 60 Str can dent a cold hard steel with just my fingers, a two finger thick steel. At ang todong suntok ko ay kayang pumulbos ng semento.

Napatigil ang tinatakbo ng isip ko nang makarinig akong yapak sa labas. Nagtago ako sa isang desk at sumilip sa pintuan. Mabigat ang yapak at panigurado akong hindi sa isang tao galing ang yapak nayon.

Shit, what's that monster?

'Identify'

[Maligno ng Lupa Lvl.5 (Exp: 315/500)]

Health points: 50/50

Mana: 00

Stamina: --

Strength: 10

Agility: 5

Vitality: 7

Intelligence: 3

-An evil spirit created from a being who died from a fall. It is believed that the land embraced its death by cradling the despaired soul.

Oh my? This is the first time na may ibang impormasyon maliban sa pangalan, level at attributes ng monster. Died from falling? Cradling the despaired? Wow, the system kinda pities the despaired I guess. Level 9 na ang Identify na skill ko, kaya siguro may additional info na. And one thing, kapag -- ang nakalagay ay it is either hindi sapat ang level ng identify para malaman ang info, zero or unlimited. In this case, unlimited ang stamina nitong monster.

Now what? Kapag pinatay ko ang monster nato... whatever, maybe I should try to put it inside the inventory. Test subject, I' am coming!

Tumayo ako at nilapitan ang monster. Tumingin ito sa akin, what can I say? Lupang hugis tao, may mata at bunganga, kamay at paa and the most part is... lupa. Despaired soul, maybe I should let him or her rest.

Hindi ko na sinara ang bag/inventory, nakabukas ng kaunti ang zipper nito, inisip kong bunutin ang short sword at lumitaw iyon sa kamay ko. Nice, napakarami ko nang naisip na gamit ng skill nato, karamihan doon ay jump scare.

"Hey you! Kung sino ka man, magpahinga ka na at sakin na ang exp mo okay?" Ibinato ko ang short sword sa mukha nito, pumutok iyon na parang lobo at bumagsak sa lapag ang monster. A fatal blow landed, natunaw ang pigura ng monster at nagkalat na lupa nalang ang natira sa lapag, hey what is that?

Ding!

[Congratulations]

-Acquired Earth Element Skill Book.

MOTHER FUCKER!

Ding!

[Congratulations]

-You are the eight aboriginal to kill an earth elemental monster.

-Gained the basic passive skill: Earth element resistance

-Gained the basic active skill: Earth Spike

[Basic Active Skill: Earth Spike]

-20 Mp consumption per use

-180 seconds cooldown

[Effect]

-Releases 4 earth spikes in a straight line

[Misc]

-Gather earth cores and upgrade the skill

-Can't use earth spike without earth element

Sesuj tsirhc! An elemental book plus a passive and active skill for a level 5 monster? Ano tong kagaguhan nato? But hey, hindi ko tatanggihan ang ibinigay mo.

Tumingin ako sa labas, nag-iisa lang ang monster and I wonder why? Oh my, maybe nagsuicide ang isang ito at tumalon siya sa mataas na building. The grade 7 building? Ah shiz, poor kid. Kaya siguro mahinang monster ang kinalabasan dahil mahina din ang pinanggalingan.

I wonder.

Hinihintay pa rin kaya ako ni Totoy? Should I go right now?

Tinitigan ko ang building ng Grade 7 sa kalayuan. Are you still there? No, not right now. Kailangan kong bumalik sa amphitheater dahil importante ang magiging role ko sa labanan mamaya. I'll just go there kapag may time na ako, but for now, I need to go back.

Binuksan ko ang telepathy, "Ma-ay, pabalik na ako. May 30 minutes ka pa para maligo, just do the basics wag ka na muna magbabad, okay? Yeah mas mabuti pa, antayin nalang kita rito. Okay, sige. Later nalang, we need the stamina for the upcoming fight. Yeah, yeah, okay I promise, 5 rounds. Okay bye."

Matapos ang ilang minuto ay nakita ko na sa di-kalayuan si Ma-ay, bitbit nito si Ganit habang tumatakbo. Nang makalapit sila ay sabay-sabay kaming naglakad papasok ng faculty. Medyo mahaba ang faculty building, actually dalawa't kalahating silid-aralan siguro ang sukat nito, isang floor lang pero malawak. This is a joint faculty room for the Grade 7 and Grade 11 teachers, kasama na ng ilang school staffs.

Nakangiti akong tinitigan ni Ma-ay matapos niya akong kalabitin, nagsalita siya, "Babyboy, you look dashing. Bagay pala sayo ang wet look. May nakita ka bang pamada sa mga gamit ng mga teachers? Style-an natin mamaya ang buhok mo or gusto mo gupitan natin?"

"No, it's fine really. May nakita akong mga make-up, kumuha ka nalang at isipin mong shopping spree. Hey, Ganit, ah shiz, hindi na ako nangangagat okay? Mahilig kang magdrawing diba? May nakita akong mga pwede mong gamitin doon, from now on ikaw na ang magiging tagadrawing natin ng maps and other stuffs. And one more thing, hindi ko pa sure pero mag-eeksperiment tayo mamaya." Tinangoan ni Ganit ang mga sinabi ko, si Ma-ay naman ay masayang tinitingnan ang interaksyon namin ni Ganit. Well, it really is simple. Kung ano ang hilig ng mga babae ay iyon ang ibigay mo sakanila.

Bumuntong hininga ako dahil nag-loosen-up na ang katawan ni Ganit, nagsimula na rin kaming mag-usap, sumisingit si Ma-ay paminsan-minsan hanggang sa marating namin ang banyo.

"Ah, susej, Hi.. babyboy anong ginawa mo sa banyo? Sige na, bulilit halika na, ilang taon na ba nang huli tayong sabay na maligo? Hihi, halika na hihilurin kita."

Pumasok na sa loob ang magkapatid at narinig ko agad ang pagbuhos ng tubig.

"Hey, I'll do more experiments. 30 minutes okay?"

"Yeah okay babyboy. Ooof, paano mo aakitin si Bor.. ang mga lalaki kung hindi lalaki ang mga assets mo?"

Lumabas ako sa faculty at muling tumitig sa building sa kalayuan.

I'll go soon. Okay, wait for me.

Chapitre suivant