webnovel

Kabanata 25: Magdalya

-----

Sa loob ng amphitheater.

Makikita ang mga nakakalat na bangkay sa sahig, nakahilera ang mga ito sa dalawa. Ibat-iba ang anyo ng mga sugat na makikita sa mga katawan nila pero kung may iisa silang pagkakapare-pareho, wala lahat ang mga ulo nila.

"Makaryo, hindi magtatagal ay mauubos tayo rito, kailangan nating humingi ng tulong." Ani Biloy. Nakaupo siya sa lapag at tinititigan ang isang bangkay. Bakas ang kawalan ng pag-asa sa mga mata nito at tuyo na ang mga luha niya sa mukha. Putol na ang isa niyang kamay at sunog ang dulong parte noon. Hubad ang kanyang katawan at maiksi na ang pantalong suot-suot niya.

"Kung mas malakas lamang sana ako, hindi sana mangyayari.. hindi sana, buhay pa sana si Alun!" Nakaluhod si Makaryo sa tabi ni Biloy. Hindi gaya sa kaibigan niya ay buo pa ang katawan ni Makaryo.

"Biloy, Makaryo, wala na tayong panahon para ipagluksa ang mga yumao na. Sumama kayo sa akin dahil tayo ang nakatokang maghanap ng pagkain ngayong araw."

Napatingin ang dalawa sa nagsalita. Nakita nila ang isang babae, may katamtaman itong tangkad, maputi ang balat, kayumanggi ang buhok at ang pinaka kapansin-pansin sakanya ay ang kanyang mahabang peklat sa mukha. Abot iyon sa magkabilaan niyang tainga.

"Huwag na kayong tumanga dyan dahil wala na tayong oras. Kapag inabutan tayo ng dilim sa labas ay hindi ko sigurado kung kayo ang susunod na hihiga sa tabi ng mga yan." Sabi ng babae at tumalikod na ito.

Napasuntok si Makaryo sa lapag, "Hindi ba namin pwedeng ipagluksa ang kamatayan ng kaibigan namin, ha? Wala ba kaming karapatang malungkot at masaktan?" Galit na singhal ni Makaryo, napakuyom ng kamay si Biloy dahil gaya ng kanyang kaibigan ay iyon din ang nasa isip at puso niya.

"Pwe! Tumingin ka sa paligid mo." Inapakan ng babae ang idinura niya sa lapag.

"Sino sa kanila ang sa tingin mo ay hindi nagluluksa." Napatingin ang karamihan sa direksyon nina Makaryo at ng babae.

"Lahat tayo rito ay malungkot. Takot. Hindi sigurado sa hinaharap." Kalmadong salaysay ng babae, humihinto ito para alamin ang mga itsura ng nasa silid bago muling magsalita.

"Pero gaya ng sinabi ko, kung gusto mong sumunod sa mga iyan at humiga kasama nila.. walang pipigil sayo. Hoy ikaw, grade 7, oo ikaw! Sumama ka sakin at maghahanap tayo ng pagkain. Ikaw din babae, sumama ka. Bakit, ayaw mong kumain? Naman pala, tara."

Napatingin si Makaryo sa likod ng babae. Tinanong niya ang sarili, ito ba talaga ang oras para magluksa? Ito na ba talaga ang kasalukuyang kinakaharap nila? Napatingin siya sa mga bangkay na nakahilera at sa bangkay ni Alun. Naalala niya ang mga masasayang araw nilang magkasama, naalala niya ang tawanan at asaran nilang magkakaibigan. Lima sila pero ngayon ay dadalawa nalang ang natitira.

Namatay ang isa dahil kinain ng isang halimaw, namatay ang isa pa dahil pinilit na makipaglaban kahit na alam nitong hindi niya kaya at ang isa, si Alun, namatay siya habang sinusubukang iligtas ang isang kaibigan.

Hanggang dito lang ba ako? Ito lang ba ang kaya ko? Ito na ba talaga ang dulo ng landas na tinatahak ko? Ako ang lider naming magkakaibigan pero bakit ako ang pinakaduwag? Bakit hindi ko nagawang isakripisyo ang sarili ko para sakanila? Bakit...

"Hinto! Huminto ka sa kinatatayuan mo Magdalya!" Sigaw ni Makaryo, napatayo si Biloy at tumingin sa kanyang lider. Nakita niya sa mga mata nito ang determinasyon. Isang determinasyong matagal na niyang hindi nakita.

"Hmm? Huwag mong sabihin gusto mo ng isang labanan? Huwag kang mangarap bata, marami kapang kakaining bigas." Dumura si Magdalya sa lapag at inapakan iyon.

"Hindi, hindi ako makikipaglaban. Gusto kong sumama. Gusto kong tumulong. Tutulong ako para sa iba, para sakanila at para sa mga namatay kong kaibigan. Handa na akong itaya ang sarili kong buhay. Hindi na ako magdadalawang isip pa. Hindi na, hindi na muli."

Tila may nagising sa isipan ng mga natitirang studyante sa loob ng amphitheater.

Para bang nakakita sila ng isang ilaw sa madilim na mundo nila. Nagningning ang liwanag na iyon hanggang sa nabalot na nito ang buong isipan nila.

"Ako rin, gusto kong tumulong!"

"Pati ako. Ayoko na, hindi na ako uupo dito at maghihintay ng katapusan ko."

"Gusto kong mabuhay, gusto kong makalabas, gusto kong muling makita ang pamilya ko!"

--

(Magdalya)

Napatingin ako sa mga taong sumusumpa gamit ang mga salita. Napadura akong muli sa lapag at inapakan iyon. Tumalikod nalang akong muli at naglakad palabas ng pintuan. Dahan-dahan kong tinignan ang bawat direksyon at pumili ng isa doon.

'Mga hipokrito. Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang mga hipokrito! Nagagawa ninyo yang sabihin dahil marami kayo at pakiramdam niyo ay sabay-sabay ninyong malalagpasan ang sakuna. Pwe! Mga inutil, mangmang...'

May napansin ako bigla sa di kalayuan. May tatlong studyante akong nakita papunta sa direksyon namin pero nakapagtataka dahil sa harapan nila ay may apat na berdeng nilalang at sa likod naman nila ay mayroong matangkad na kabayo. Ano ang mga yan?

"Humanda kayo! Ipaalam niyo sa iba na may mga kalaban tayo, bilis!" Kalmadong sabi ko sa dalawang kasama ko sa likuran ko at agad na silang tumakbo pabalik sa amphitheater.

Inihanda ko ang sarili at hinigpitan ang pagkakahawak ko sa aking palakol. Naramdaman ko na tumaas ang ilan sa mga stats ko at tinitigan ang mga paparating.

Tumigil ang grupo, isang silid ang pagitan namin. Napatingin ako sa likod at wala pang lumalabas, asan na sila? Tumingin ako ulit sa mga paparating at inobserbahan sila.

"Tangna, mukhang malalakas ang mga to..." Naputol ang pagbulong ko dahil narinig kong sumigaw ang nag-iisang lalaking studyante.

"Tangna karin gago!"

Nalaglag ang panga ko. Nakita kong binatukan ng isang babaeng studyante ang lalaki at nagulat ako nang biglang ngumiti sakin ang lalaking binatukan.

'Tangna, nakakatakot ang ngiti ng lalaking yun a' Napaatras ako at pinagpawisan bigla ang katawan ko. Yari, narinig ng lalaki ang pagbulong ko sa ganito kalayong distansya? Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa aking palakol.

Sinipa ng lalaki ang isang berdeng nilalang at tumalsik ito papunta sa direksyon ko, napadapa ito sa sahig isang metro ang layo sa akin. Tumayo ang berdeng nilalang at galit na galit ako nitong nginitian.

Bakit parang nakita ko na ang ngiting yan?

"Garagul graru!"

Narinig kong nagsalita ang berdeng nilalang. Biglang nagtawanan ang iba pang mga halimaw pati na rin ang lalaki, bumulong ito sa dalawang babae at pati sila ay nagtawanan. Napansin kong pilit ang pagtawa ng maliit na babae. Pinagtatawanan nila ako? PINAGTATAWANAN!??

Inangat ko ang aking palakol, ginamit ko ang kapangyarihan ko at inasinta ang berdeng nilalang. "Air Cutter!" Buong pwersa akong humiwa pababa, ha? Asaan na ang berdeng nilalang? Nakaramdam ako ng malamig na bagay sa ibaba ng leeg ko.

Yari, gusto ko sanang umatras pero naramdaman kong humawak ang maliit na kamay ng berdeng nilalang sa leeg ko. Yari! Isang maling galaw ay ulo ko naman ang mapupugot! Mauuna pa akong hihiga sa tabi ng mga bangkay nayon. Yari!

"Okay that is enough, hey chikiting stop now. Bumalik ka na dito, dali bigyan kita candy!"

Napa-upo ako sa lapag. Nakita kong nagmamadaling tumakbo ang berdeng nilalang papalapit sa babaeng nagsalita. Inabutan nito ang halimaw sa bibig at dinilaan ito ng halimaw.

Anong nangyayari? Akala ko ba kailangang patayin namin ang mga halimaw sa loob ng skwelahang to? Bakit... asan napunta ang law of the jungle? Ang survival of the fittest?

Bakit sila nagtatawanan kasama ang mga halimaw?

Ano raw? Candy? Bakit nila pinapakain ng candy ang halimaw?

Ako lang ba?

Ako lang ba ang nawiwirduhan sa mga taong to?

"Magdalya anong nangyari, may mga sugat kaba?" Nakarinig ako ng tinig sa tabi ko. Nakita kong nagliwanag ang kamay niya at inilapit niya sa katawan ko ang liwanag.

"Oh my! Hey you, yes you! What.. may itatanong lang ako, come on. Shiz fine, you do the talking." Narinig kong nagsalita ang lalaki, ang wirdo din ng paraan niya ng pagsasalita. Nakita ko ulit ang nakakatakot niyang ngiti pero hindi sa akin nakadirekta iyon, napatingin ako kay Paloma, butil-butil ang pawis niya at nanginginig ang mga labi niya.

Sa tingin ko ay siya ang pinakanakakatakot na nilalang sa loob ng impyernong ito. Mas nakakatakot pa sa mga aswang, manananggal at mas matalim siyang tumingin kaysa sa mga bampira. Anong klaseng nilalang siya? Isa ba talaga siyang tao?

Lumapit sa direksyon namin ang babae kasama ng isang berdeng nilalang. Hinahagod nito ang ulo niyon at nakangiti naman ang halimaw. Narinig kong ate Ma-ay ang itinawag ng maliit na babae sakanya. Paanong, ano ang..

Tumigil ang babae dalawang metro mula sa amin, "Ahm, magandang tanghali? Ang pangalan ko nga pala ay Ma-ay."

"Anong nangyayari dito, Magdalya asan ang mga kalaban?" Narinig ko ang boses ni Makaryo. Sumigaw siya bigla at umatake.

Yari! "Tigil Makaryo!" Sumigaw ako pero huli na ang lahat, nakita kong lumitaw sa hangin ang lalaki kanina, papalapit ang hawak nitong tinidor sa ulo ni Makaryo. Hindi ko napigilang mapapikit.

"Susej, babyboy. Wag ka ngang bully!"

Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakita kong bitbit ng babae sa magkabilang kamay nito si Makaryo at ang lalaking may tinidor. Itinapon niya si Makaryo sa direksyon namin at binitawan ang lalaki.

Mas malakas siya kaysa sa lalaking iyon? Paanong..

"Hindi kami mga kaaway okay? Huwag kayong mag-alala dahil mga alaga ng babyboy ko ang mga yan." Pinulot ng babae ang kasama nitong halimaw at inilagay sa harapan niya na parang ibinibida niya ang isang stuff toy na hayop. Ngumiti ang halimaw at nakita ko ang matatalas nitong ngipin.

"Alaga? Pwedeng gawing alagad ang mga halimaw?"

"Ano raw, nananaginip ba ako?"

"Nakikita niyo ba ang kabayo doon, ang halimaw nayon ay level 20!"

Deputa ano daw? "Barolyo, totoo ba ang sinasabi mo? Level 20!" Tumayo na ako sa lapag at pinagpag ang sarili ko.

"Ah, oo Magdalya pati na ang isang iyon." Itinuro naman ni Barolyo ang halimaw na may kapa. Tangna, anong klaseng grupo ng mga halimaw ang mga to?

"Ang tatlong iba pa ay pare-parehas na level 15." Bakas ang takot sa mukha ni Barolyo kasama na ang pagkamangha. Muli akong tumingin sa bawat isa sakanila.

Apat na araw na kaming nagpapakahirap para sa mga buhay namin, ang pinakamataas na level sa aming grupo ay ang sa akin, level 7. Ang mga alaga nilang halimaw ay halos dalawa at tatlong beses ang taas sa level ko!

Ang buong akala ko ay ako ang pinakamalakas sa bagong mundong ito. Ang akala ko ay sa akin nakasalalay ang kapalaran ng mga tao rito - ako ang magtatapos sa dungeon na ito. Ngunit, mali pa ako. Maling-mali ako!

Mahina ba ako? Pero kayang kaya kong talunin ang mga halimaw. Bakit? Paano sila lumakas? Anong ginawa nila para maging alaga nila ang mga halimaw?

Kailangan kong malaman. Kailangan kong lumakas, maski na ano ang kapalit!

Lumapit ako at lumuhod sa harapan ng babae.

"Master! Tanggapin mo ako bilang isang alagad mo! Master, gusto kong maging alagad mo master!"

"Magdalya anong sinasabi mo?"

"Magdalya tumayo ka, bakit mo ginagawa yan?"

"Hmm? Master you say? Ey Ma-ay, kailangan natin ng tutor para sa mga duwende right? Why not hire this creep?" Narinig ko ang tinig ng lalaki, tila naaaliw siya sa nasasaksihan niya, at anong sabi niya? Tutor? Ng ano? Duwende? Creep? Ako isang creep? Napatingin ako sakanya at hindi ko napigilang manginig ang katawan ko.

"Babyboy, sabi ko sayo wag kang bully diba? Hindi madaling pumasok sa grupo namin. Kayo, oo kayo! Pumila kayo ng tuwid at isa-isa kong tatanungin ang pangalan niyo. Now go!" Tumayo ako agad sa pinakaharap nang marinig ang sinabi ng babae, may ilang sumama sa pila pero may ilang nanatili sa kinatatayuan nila.

"Bakit namin kayo susundin? Anong karapatan mong papilahin kami, ano bang akala mo? Mga alagad mo kami? Hindi porket may mga halimaw kayong alaga ay sa tingin niyo kayo na ang may-ari sa mga buhay namin."

"Ah! Tama si Biloy, may punto ang sinasabi niya."

"Kaya nga, bakit namin kayo susundin?"

"Oo, ano bang karapatan niyo?"

Napatingin ako sa babae at inaantay ang sasabihin niya, napalingon ako dahil nagsalita ang lalaki, "Hey should I start killing now?" Sabi ng lalaki dahilan para manlaki ang mga mata ko. Yari, napatingin ako sa iba at malungkot na ipinagdasal ang mga kapalaran nila.

"Hmm, bakit hindi muna natin pakinggan ang sasabihin nila?" Sabi ni Ma-ay. Ah! Mabait ang master ko!

"No go, natatandaan mo yung pusa ng kapit bahay natin? Oo yung maingay at matigas ang ulo. Narinig ko naging palaman sa siopao yun eh. I haven't tried eating human flesh you know."

Nakita kong nagsi-atrasan ang mga kasamahan ko at takot nilang tinitigan ang lalaki.

"Hmm, mamili nalang tayo mamaya kung sino ang may pinakamatigas na ulo..." Hindi ko na narinig ang bulungan nila pero nakita kong nagniningning ang mga mata ng lalaki.

"Ah pwede bang sa loob nalang tayo ng amphitheater mag-usap-usap?" Suhestyon ko. Napatingin sa akin ang master ko at ang lalaki.

"Yeah why not."

"Oo nga tara doon nalang tayo magkwentuhan."

"Ey bitches we got toys to play, come on."

Nag-atrasan kaming lahat nang makita naming lumapit ang mga halimaw. Puta, napakaswagger maglakad ng mga to ah.

Ito na ata ang pinakawirdong naranasan ko sa buong buhay ko.

Chapitre suivant