webnovel

Kabanata 16

NANATILI lamang siyang nakapikit sa kamang kaniyang kinahihigahan, ilang buwan na rin na ganito ang takbo ng buhay niya.

Magmula ng pinutol nito ang ugnayan  nila ni Carrieline, parang patay na buhay ito sa lumipas na araw. Napakahirap man at napakasakit na hinayaan  niyang umalis ito ay iyon naman ang nararapat.

Kailanman hindi niya pinangarap na madamay ito sa kinasasangkutang sumpa sa kanilang angkan. Noong araw na mapatay niya si Jeydi ay malaki na ang ipinagbago ni Dexter. Tila laging may mga matang nakamasid sa bawat kilos nito, pakiramdam na tila may mabigat na bagay na nakalingkis sa kaniyang katawan. Na maski ang pag-iisip nito ay hindi na niya kontrolado, kapag bigla itong nakakaramdam ng galit ay tila hinihigop siya sa isang malalim na hukay. 

Nakaramdam siya nang kalituhan at pagsisisi ng sa isang iglap ay nakabulagta na nga at wala nang buhay si Jeydi. Habang hawak-hawak niya ang pagkalaki-laking bato sa magkabilang kamay, napuno ito ng dugo na galing kay Jeydi. Nanginginig niya iyong binitiwan, ang Mama naman niya ay tulala lamang habang nakatingin sa kay Dexter. May lakip na takot at pag-aalala ang kaniyang maamong mukha.

Muling ibinalik nito ang aking pansin kay Jeydi, halo-halong emosiyon ang pumuno sa kaniya ng mga oras na iyon. Galit; panibugho; takot at kalungkutan, tila ba nawalan ito ng malapit na minamahal. 

Hanggang sa nagsadatingan na ang mga magulang ni Jeydi, nakita niya kung gaano nangipuspos at nag-iiyak ang mga magulang nito.  Napadako ang sulyap nito kay Carrieline na kababakasan ng pagkabigla at pangamba ang mukha. Tuluyan itong bumagsak sa lupa makaran ang ilang sandali, agad itong dinaluhan ng mga magulang. 

Maski siya ng mga sandaling iyon ay nakaramdam ng panghihina at panlalamig. Hanggang sa bigla nalang din nagdilim ang lahat sa kaniya.

Doon nag-umpisang makontrol ng paunti-unti ng itim na anino ang kaniyang katauhan. Pero hindi pa rin nito masakop ang kaniyang kamalayan, sapagkat buhay pa ang ama nito.

Unti-unti niyang idinilat ang mga mata, nasa harapan na niya ngayon ang itim na anino. 

"Wala ka bang gagawin Dexter, ganiyan ka nalang ba hanggang sa dumating ang sandaling kukunin ko na ang kaluluwa mo?"Bahaw nitong sabi sa binata. 

Nanatili itong tahimik, habang nakatingin ito. "Kung patayin mo nalang sana ako, para madala mo na ako sa kung saang lupalop man ng mundo iyang sinasabi mo. Para matapos na ang lahat!"Gigil niyang sabi rito.

Ngunit narinig lamang nito ang malakas at dumadagundong nitong tawa na pumuno sa silid na kaniyang kinaroroonan. Madilim na sa labas, dahil alas-sais emediya na, hindi niya namalayan ang oras kaninang natulog siya. Kahit paano natatakasan niya ang bigat na kinasasangkutan na realidad sa pamamagitan ng panaginip.

Oo may kakayahan itong maglakbay sa panaginip, hindi niya pa mabatid kung ang itim na anino ay may nalalaman sa nagagawa ni Dexter. Sa ngayon importate sa binata na nakatutok ang atensyon nito rito. 

Sa pamamagitan ng pananaginip ay nasusubaybayan pa rin niya si Carrieline at nakakausap ng hindi mag-aalala sa kaligtasan nito. Katulad nalang noong nanaginip ito, ipinakita ng binata kung anong klaseng tao ito. Na isa siyang mamatay tao at walang awa. Para hindi na siya nito hanapin para hindi na malagay sa alanganin ang buhay ni Carrieline.

Ngunit lalo lamang sumidhi sa dalaga ang pagnanais itong makita at makilala. Hanggang sa magtagpo na nga sila ng gabing umuulan. 

Ninais man niyang pigilin ang nakatakda, ngunit tila doon yata sila papunta. Sana nga pagkatapos ng lahat ay tuluyan ng matapos ang lahat at makalimot si Carrieline.

Hiniling niyj nalang na sana, matapos na ang sumpang bumalot sa kanilang angkan na halos tumagal na rin ng ilang dekada. Ang Mawala na nang tulayan ang angkan ng mga Lacus. Angkan na siyang kinabibilangan ng binata.

Napabalik ang isip niya sa kasalukuyan, nang muling magsalita sa kaniyang harapan ang itim na anino. 

"Alam mo ba, dahil sa ginagawa mo. Nilalagay mo ang buhay ni Carrieline sa peligro. Ngayon ay papunta na nga siya rito!"Marahas nitong sabi.

Magsasalita pa sana ito ng biglang magbukas ang kaniyang silid at iniluwa niyon si Carrieline. Nakita pa niyang may mga kasama itong Pari at ilang mga tao. Bigla itong naguluhan sa nangyayari, paanong nalaman nito ang  kinaroroonan niya? 

Tanging ang ama lamang niya at siya ang nakakaalam sa bahay na ito, paanong nalaman nito iyon. 

Baka marahil dahil sa isinulat niyang nobela na katatapos  lamang niya noong nakaraang buwan? Pero sa pagtataka niya paano o sino? Sino ang puweding magpadala niyon?

Dahil ang alam ni Dexter ay matagal ng wala si Toushiro. Bigla ang pag-ahon ng kaba sa kaniyang dibdib. Tila ay nais nitong maglaho na parang bula!

Dahil malamang na nabasa na lahat ni Carrieline ang lahat ng nilalaman niyon at maaring nadiskubre na nito ang lahat. Sana nga'y sinunog na lamang nito iyon,  sa huli'y naisip niya... mas mainam na  iyon. Para tuluyan ng matuldukan ang lahat-lahat.

Hanggang sa natigilan ito nang yumakap nga sa kaniya ng mahigpit si Carrieline, ramdam nito ang pangungulila ng dalaga ng mga sandaling iyon. Habang tuloy-tuloy lamang ito sa pag-iyak. Nakita niyang inumpisahan na ng pari ang pagpra-pray over, sa loob ng silid na kinaroroonan nila. Maski ang mga kasama nito ay sinusundan din nila ng holy prayer. 

Nagpalinga-linga siya kung saan na nagpunta ang itim na anino, bigla na lamang itong nawala.

"Dexter, ligtas kana. Bahala na sina Father Sammuel na pumuksa sa itim na anino."pamumukaw ni Carrieline ng atensiyon ng binata sa mga oras na iyon.

May ibinigay itong isang kuwintas na silver kay Dexter, kung saan may pendant itong krus. Marahan niya itong hinawakan, matagal na ding panahon na hindi siya nakakita o nakahawak ng ganito. Hindi kasi ito naniniwala sa Diyos, kaya siguro nasakop nang mabilis ng itim na anino ang katauhan ng binat at ng ibang mga lalaking miyembro sa kanilang angkan. Dahil  mahina ang pananampalataya nila at dahil hindi rin sila naniniwala sa Diyos.

Marahan hinawakan ni Carrieline ang  mga palad ni Dexter, habang patuloy niyang sinusuyod ang kabuuan ng mukha nito. Tila may iba rito, parang may hindi magandang nangyayari rito.

Nang biglang maramdaman ni Dexter na sakal-sakal na siya ni Carrieline. Nakita niyang unti-unting nagbago ang anyo nito, hanggang sa mag-iba na nga ang itsura nito.

Hindi nga siya nagkakamali, hindi si Carrieline ang kaharap niya. Kung hindi ang itim na anino. Ngunit bakit at paano? Maski ang mga kasama niya'y nag-iba rin ng anyo. Naging mga itim na anino ang mga ito na may mapupulang  pares ng mata.

Natigilan siya ng may maalala. Muli niyang itinutok rito ang mga mata, kahit nahihirapan na siya sa paghinga. 

"Imposible kayang... nasa mundo pa rin ako ng aking panaginip?"Tanging sa isip lamang nasabi ni Dexter iyon.

"Tama ka nang iniisip Dexter, hindi ko hahayahang magtagumpay ka. Mauna ko  munang mapatay si Carrieline bago niya maisakatuparan ang pagkakatanggal ng sumpa sa iyo!"Gigil nitong sabi sa binata.

Pinilit niyang tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak nito sa leeg niya. Nagpambuno sila ng mga oras na iyon, biglang nagdilim ang isipan ni Dexter.

"Hindi maari, hindi ako papayag na masaktan mo siya. Ako nalang ang pahirapn mo! Basta 'wag mong gagalawin si Carrieline!"Sigaw nito, kasabay nang pagkubabaw ni Dexter. Siya na ngayon ang nanakal rito.

Nanatili lamang nakatingin sa binata ang itim na anino, habang may bahid ng mala-demonyong ngiti sa mga labi.

Chapitre suivant