webnovel

Chapter LX

Please Vote!

-- BACK TOGETHER.

Nagising siya ng mabigat ang talukap ng mga mata.

Nahirapan siyang bumangon dahil masakit pa din ang kanang braso at kamay niya. Pag baling niya sa relo ay napansin niya na pasado alas siete na ng umaga.

Ngunit npg mapa dako sa couch ay nakita niya ang naka baluktot na si Heather na natutulog.

Kung ganoon ay hindi pala ito umuwi at dito ito nag palipas ng gabi. Matigas talaga ang ulo nito. But, he can't help to feel warmth in his heart ng mabungaran niya ito.

She really seems worried about him kaya kahit anong gawin o sabihin niya dito ay hindi pa din ito umaalis kahit na harap harapan niya itong pinagtu tulakan.

Hindi niya nga akam kung hanggang kailan niya kayang mag matigas sa harap nito dahil nahihirapan na din siya sa tuwing pinapa alis niya ito.

Marahil ay malapit ng bumigay muli ang puso niya para dito kapag nag patuloy ito sa pangungulit.

He really doesn't know that she had a sweet and good side of her. Ganito pala ito kapag nanunuyo. And he find it cute dahil para itong isang teenager na may crush sa kanya.

Nilapitan naman niya ito upang kumutan dahil mukhang giniginaw ito. Nang bigla na lamang tumunog ang cellphone nito.

Hindi niya naman maintindihan ang kanta dahil tila Japanese ito ngunit pamilyar ang tunog sa kanya. Saan nga ba niya narinig ang kantang iyon?

(Machi no hitogomi kata ga butsukatte hitoribocchi

hatenai sougen kaze ga BYUNBYUN to hitoribocchi

docchi darou? nakitakunaru basho wa

futatsu MARU wo tsukete choppiri OTONA sa

MECHAMECHA kurushii kabe datte fui ni naze ka

buchikowasu yuuki to power waite kuru no wa

MECHAMECHA kibishii hito-tachi ga fui ni miseta

yasashisa no sei dattari suru n darou ne

A ? RI ? GA ?TO ? U ? GO ? ZA ? I ? masu!)

Nang maalala niya na theme song pala iyon ng anime na "Ghost Fighter" napa iling naman siya. She's really unique.

Hindi naman niya ma isip na sa tanda nito ay mahilig pa ito sa anime. Para itong bata.

Hindi naman niya napigilan na tignan kung sino ang tumatawag dito sa ganitong kaaga na oras ngunit wala iyong pangalan.

Huminto na ang tumatawag sa pag dial kaya nagulat naman siya ng tumambad sa kanya ang wallpaper nito sa cellphone.

Iyon ay litrato niya two years ago sa New York na kinuhanan nito habang nagluluto siya at siya ay naka apron.

How does she still have it? Hawak pa niya ang cellphone nito ng tumunog muli iyon at nagising naman na ito.

Tinignan naman siya nito na tila half sleep pa at nananaginip pa yata. Nang bigla na lamang itong mabilis na bumangon ng tila matauhan na ito. Kinuha naman nito ang cellphone nito sa kamay niya.

"This is a private property." Saway pa nito sa kanya.

"Pinaki alaman mo ba ito?" Tila naman paninigurado nito sa kanya at tinitigan pa siya ng masama. Napa iling naman siya unconsciously dito.

"Why didn't you wake me? Bakit hinayaan mo ako dito matulog?" Reklamo naman nito sa kanya.

"Ano bang malay ko na dito ka natulog? I just woke up because of the pain killers." Depensa naman niya dito. At nag ring muli ang cellphone nito.

"Naku! Tinamaan na ng magaling!" Naka sibangot na sabi nito bago tuluyan na sinagot ang cellphone nito. Ibig naman niya matawa sa istura nito.

"Yes, Pa?" Sagot naman nito sa kabilang linya. So, Papa pala niya ang tumatawag.

"Ha? Na..nasaan ako? Ahmm... Bakit?" Halos nagkakanda baluktot na sagot nito sa Ama.

"Ha?! Ano?! Nasa tapat ka ng condo ko?" Napa lakas na tanong nito.

"Ahmm... Kasi...ahm.. Nandito ako sa labas ngayon, bumibili ng pandesal." Pagsisinungaling naman nito at hindi na niya napigilan na matawa ng malakas dito.

"Shhhhh!" Saway naman nito sa kanya at pinandilatan pa siya.

"Hindi, Pa! Ano ka ba? Siyempre sa bahay ako natulog.."

"Ano ka ba naman.. Customer lang ang ma ingay na'yon... Oo nga, totoo. Bumili lang ako ng pandesal... Sandali lang at pabalik na ako.." Pagpapalusot pa nito.

"Sige, Pa. Sandali lang at pabalik na ako." Sabi nito at binaba na ang cellphone. Pagkatapos ay nag buga ito ng hangin.

"Hay naku! Patay ako kay Papa nito. Aalis na ako, babalik na lang ako mamaya. Wala kabang ibibilin?" Tanong naman sa kanya nito at umiling siya.

"Okay, gotta go. Bago pa ako maparusahan ni Papa." Pamamaalam nito sa kanya.

At sa gulat niya ay lumapit ito sa kanya saka tumingkad upang bigyan siya ng halik sa labi.

Hindi naman na siya nakapag react pa sa gulat. When did she become so bold? Nagtataka na tanong niya sa sarili. At kinindatan pa siya nito bago ito tuluyang umalis.

Napa iling naman siya and he can't help but, smile. He can't really get tired of her. Dahil puno ng unexpected ang gagawin nito.

Mukha yatang hindi na niya makakaya pa na mag sungit dito at ipag tabuyan pang muli ito kapag pinag patuloy nito ang ginagawa nito.

Ilang oras ang lumipas ngunit hindi pa din dumadating si Heather na kanina pa niya hinihintay.

Ano naman kaya ang pagsu sungit na gagawin niya dito ngayon? Can he still keep this up?

Ang totoo naman kasi ay gusto niya na lamang yakapin ito at hindi na ito umalis sa tabi niya.

Kaya lang ay baka hindi na ito matuto ng leksyon kapag ginawa niya iyon. At bigla na lamang bumukas ang pinto.

"What took you so-- Hindi niya natapos ang sasabihin dahil hindi naman pala ito ang bisita na kanina pa niya hinihintay.

"You look disappointed. May iba ka bang hinihintay?" Natatawa namang biro sa kanya ni Vash. Kasama din nito ang iba pa niyang mga kaibigan.

"Ano'ng ginagawa niyo dito?" Tanong naman niya sa mga ito.

"Eh di' dinadalaw ka. Ano pa? Kamusta ang kamay mo?" Sabi naman ni Lee at tinapik pa ang may cast niyang kamay.

Papaluin niya sana ito ngunit hindi niay ito naabutan dahil naka takas agad ito.

"It's just a minor accident kaya makakalabas na din ako bukas." Paliwanag naman niya sa mga ito.

"Mukha yatang itinataboy niya tayo. Bakit kaya?" Naka ngiti na din na tukso ni Cameron sa kanya at naka ngisi naman ang iba sa mga ito.

Marahil ay kinuwento na ng tsismosong si Nichollo na dinalaw siya ni Heather kahapon. Wala talaga siyang malilihim sa mga ito.

"Kasi baka maka istorbo tayo sa kanila." Naka ngisi naman na sagot ni Xerces.

"Don't start." Saway naman niya sa mga ito.

"Why are you still acting so stubborn? Sinusuyo ka na nga ng tao at humihingi na sa'yo ng tawad. Pinagtatabuyan mo pa din." Si Ryuuki naman ang sumingit.

"Oo nga naman. Siguro naman tama na 'yung parusa na ibinigay mo sa tao. Kaya bakit hindi mo pa patawarin mukha naman nagsisisi na." Pagtatanggol naman ni Xerces sa side ni Heather.

"Hindi pa ba sapat na nag retiro 'yung tao? She looks really serious in settling down with you. Kaya bakit hindi ka pa makipag ayos." Singit naman ni Reidd sa usapan nila.

"Huwag mo na kasing pahirapan ang mga sarili niyo. Mahal ka niya at mahal mo siya. So, ano pang problema?" Pa suplado naman na sabi ni George.

"At isa pa, why don't you just both settled down para hindi naman na kami nadadamay pa sa gulo niyong dalawa." Dagdag pa ni George sa kanya.

"Yeah, he have a point." Segunda naman ni Alexander dito.

"May I ask kung sino ba ang kaibigan niyo?" Na iirita naman niyang tanong sa mga ito dahil sa mga sermon nito.

"Ikaw din, she's pretty kaya baka mapunta siya sa iba." Pang aasar naman ni Lee sa kanya at binato niya ito ng unan sa inis. Natawa naman ang ilan sa mga ito.

"Ooops.. Mukhang nagkaka siyahan kayo." Tila nagulat na bungad ni Heather sa kanila.

Pero, siya ang mas nagulat sa ayos nito. Kailan pa ito natuto mag bestida? Why does she dressed so girlish today? Samantalang kahapon ay balot na balot ito.

She's wearing a knee length dress in royal blue na hapit na hapit sa bawat kurba ng katawan nito.

At naka high heels din ito ngayon na sinamahan pa ng light make up parang hindi ito pupunta lang sa ospital sa ayos nito.

"Hi!" Masiglang bati naman ng mga kumag niyang kaibigan dito at tinulungan ito sa dala nitong bulaklak at tsokolate.

"Nasabi ko na ba sa'yo na lalo ka yatang gumanda mula ng hindi tayo nagkita?"

Pambobola naman ni Lee dito saka ito inakbayan na gusto niya ng pilipitin sa leeg dahil sa inis dito.

"I think, pangatlong beses na." Pakikisakay naman ni Heather dito.

"Bihis na bihis ka at sa dala mo para kang aakyat ng ligaw." Biro naman ni Vash dito.

"Actually, katatakas ko nga lang sa blind date na inayos ni Papa." Pag aamin naman nito na ikina kunot ng noo niya.

"Hey, you don't need to go on blind dates. Because, I would love to have a date with you." Seryoso naman na prisinta ni Lee dito at hindi alintana na nandoon siya. He also looks sincere.

"I kinda like you kaya sa susunod kapag wala kang date, ako na lang. Tutal naman hiwalay na kayo ni Ten. So, just give me a chance. Hindi ka naman magsisisi." Deklarasyon pa ni Lee dito.

"I'll keep that in mind." Naka ngiti naman na sabi ni Heather dito. Tiningnan naman siya ni Lee na tila nang aasar ito. Napa iling naman ang iba sa mga kasama niya.

"Shawn Stephen Lee, you're not allowed here kaya makakalabas ka na." Pagtatabuyan niya kay Lee.

"Kararating ko lang." Depensa naman nito at pinukol naman niya ito ng masamang tingin.

"Araw araw mas nagiging sensitive ka. Are you sure hindi tumama 'yang ulo mo ng mabangga ka?" Baling naman sa kanya ni Heather matapos niyo ma ilipat sa vase ang bulaklak na dala nito.

"It's my choice kung sino ang maaaring bumisita sa akin. At si Lee, ay nasa black list ko." Seryoso niyang sagit dito dahil na iinis na din siya dito.

Talaga bang gusto din nito si Lee?

"Whose that chocolate for?" Curious naman na tanong ni Cameron dito.

Narinig naman niya ang pag buntong hininga nito bago ito sumagot.

"This are the eight's set of flowers and chocolates that I've prepared for him. Ngunit ito lang ang nakarating lagi niya kasing pinapatapon."

Malungkot naman na paliwanag nito at tinignan pa siya upang ma guilty siya.

Ang mga kasama naman niya ay tila naman galit ng tumingin sa kanya ang mga ito.

Siya naman ay nag bigay ng face na "what?" wala naman siyang ginawang mali.

"As I've said hindi mo naman kailangan mag tiis sa kanya. I'm here so, just date me." Pangungulit naman ni Lee dito.

"Should I?" Tila biro naman na tanong niyo dito at saka tumawa.

"Ahm.. May be we should now go. May meeting pa kasi kami. Paano ma una na kami?" Bigla naman ay pamamaalam sa kanya ni Vash na tila nakakaramdam na sa malapit niyang gawin kay Lee.

"Ah..eh..oo nga, may kailangan pa din ako puntahan."

Segunda naman ni Reidd dito at hinila na si Lee papunta sa pinto.

"Teka, nag uusap pa kami." Pagtutol naman ni Lee sa mga ito.

"Mas mabuting umalis na tayo bago ka pa gilitan ni Ten." Sabi naman ni Shin dito.

"Paano, see you around?" Sabi ni Cameron. At nagsi alis na ang mga ito.

"How are you? Kumain ka na ba?" Baling naman sa kanya ni Heather ng maka albas ang mga ito.

"Why don't you just ask your Lee?" Naasar na sabi niya dito. And he heard her chuckled.

"Ha- ha. Are you jealous?" Natatawang tanong nito at hindi naman siya sumagot. Bakit ba nakaka inis ang lahat ng tao na makita niya ngayon?

"What's wrong if I ever date him?" Tanong naman nito na ikina gulat niya. Is she planning on dating him?

"Wala na tayo, dahil nakipag hiwalay ka na sakin. Ayaw mo na din ako makita. Kaya hindi naman masama ang proposal ni Lee." Dagdag pa nito na tila siya nag sinisisi sa pakikipag date nito kung sakali kay Lee.

Pakiramdam niya ay nag labasan lahat ng ugat niya sa leeg at sa noo kahit na iniisip pa lamang niya na makikipag date talaga ito kay Lee.

And knowing that bastard, siguradong sasaktan kang nito si Heather. Kung bakit ba kasi dumalaw pa ito kanina.

"You look so cute in that face." Natatawa pang dagdag nito. Ibig naman na niya maasar dito. Why does she sound like he was a puppy?

"I'm just joking! Ano ka ba? Ang pikon mo naman." Pagpapaliwanag nito sa kanya.

Ngunit hindi pa din niya ito pinansin dahil hindi nakakatawa ang biro nito.

"Hay.. hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa'yo. Tennessee Johnson. Come here." Helpless na sabi nito na naka ngiti pa naman at inilapit ang mukha nito sa kanya.

"I'm just joking. That really never cross my mind kahit ka unti. So, huwag ka ng magalit. Huh?" Pagkukumbinsi naman nito sa kanya.

And after she said those words she gave him a peck on his lips.

After they broke up, why does he feels that she changed so much? Is she really this nice and sweet dahil maayos na ang lahat?

"Ahm.. I buy some apples. Gusto mo ba?" Alok nito sa kanya matapos tumikhim.

Mukhang nahiya yata ito sa ginawa nitong pag halik sa kanya. Tumango naman siya.

Sa gulat niya ay kinuha nito sa magandang maliit na purse nito ang isang maliit na convertible na kutsilyo. Napansin naman nito na hindi niya iyon inaasahan.

"It's for self defense." Paglilinaw naman nito sa kanya. Hinugasan nito ang mga mansanas.

Pagkatapos ay hinati iyon sa walong parte gamit ang kutsilyo. At saka ito kumuha ng plato sa kabinet at doon iyon sinalin.

"Here." Sabi nito sabay abot sa mansanas.

"I don't eat apples like that. Hindi ko kinakain ang balat." Reklamo niya dito. Nakita naman niya ang pag apoy ng mga mata nito sa inis sa kanya.

"Well, I don't eat apples without the skin. Bakit ba? Edible naman ang balat nito." Pakikipagtalo naman nito sa kanya.

Hindi naman siya sumagot at nakipag tantiyahan pa ito sa kanya. Nang hindi ito naka tiis at ito na din ang sumuko.

"Fine, you win. Heto babalatan na nga." Sarcastic naman na sabi nito sa kanya.

"Muntik ng may matira ah?" Reklamo niya ulit dito matapos nitong balatan ang mansanas.

Paano ba naman ay nangalahati ang original size niyon ng tanggalan nito ng balat.

Ibig naman niya matawa. Wala talagang kaalam alam ito sa kusina.

Sinimangutan lang naman siya nito. Habang kumakain ay hindi sila nag uusap o nagkikibuan nito.

Tila may iniisip ito na malalim na hindi nito masabi sa kanya.

"Ma...makakalabas ka na daw bukas sabi ni Nichollo." Basag naman nito sa katahimikan.

Iyon pala ang kanina pa iniisip nito at tila hindi masabi sa kanya.

"Oo, bukas ng umaga. Maayos naman na daw ang lagay ko kaya makakalabas na ako bukas." Paliwanag naman niya dito. Napansin naman niya na lumungkot ang mukha nito.

"Mabuti naman." Hindi naman bukal sa loob na sabi nito.

"So, that's it.. We really are over." Pagak na sabi nito sa kanya.

"Kahit na ayoko.. pero wala naman ako magagawa dahil iyon ang gusto mo."

"Yes, I caught the biggest drug Lord in Asia. That supposed to be good.."

"But, instead I lost you. How great is that?" Sarcastic pa na sabi nito sa kanya. Napansin niya ang panggigilid ng luha nito.

"After all that we've been through. Talaga bang... hindi mo na ako mapapatawad?" Malungkot pa na tanong nito sa kanya.

"I already quit my job para sa'yo at nagsisisi naman na ako. Won't you forgive me?" Tanong pa muli nito sa kanya. Sasagot na sana siya ngunit pinigil siya nito.

"Yes, I get it. I get it. Lalabas muna ako at I'll just buy us some dinner." Pag iiwas naman nito marinig ang isasagot niya kaya tinalikuran siya nito. Hinabol naman niya ito.

"Look at me." Sabi niya dito pagkatapos ay hinarap ito sa kanya.

Para namang madudurog ang puso niya ng makita niya ang mukha nito dahil umiiyak na pala ito.

"You don't need to pity me. Naiintindihan ko naman huwag kang mag alala tutupad ako sa pangako ko, by tomorrow hindi na ako magpapakita sa'yo kahit kailan." Pangangako naman nito.

Tinalikuran siya muli nito at nag lakad patungo sa pinto ngunit hinabol niya ito.

"Let me g-- Hindi na niya ito pinatapos pa at siniil niya ito ng halik. God he missed her dapat matagal na niya itong ginawa.

How can he become so coward? Wala naman na silang problema. Nakakulong na si Laud at nag resign na ito kaya ano pa ba ang inaarte niya?

How can he stand seeing her like this? He should not let her cry.

He should make her happy than pitying her in misery. Paano ba niya ito nagawang tiisin?

"I'm sorry for being a coward. At kung tiniis kita. I just want you to learn your lesson."

Pagpapaliwanag niya dito pagkatapos ng halik na namagitan sa kanila. Sa gulat naman niya ay lalong lumakas ang iyak nito at naging hagulgol pa.

"H..hey..stop crying." Sabi niya dito dahil hindi niya alam ang gagawin. Bakit ba lalo itong umiyak? Nagka ayos naman na sila?

"Nakaka inis ka! You don't know what... what I've been through nang makipag hiwalay ka sakin!"

"Tapos sasabihin mo na tinuturuan mo lang ako ng leksyon! Nakaka inis ka!" Nagagalit na reklamo nito sa pagitan ng pag iyak at pinalo palo siya sa dibdib. Niyakap naman niya ito.

"I hate you! Nakaka inis ka talaga! Akala ko talaga iiwan mo na ako! Nakaka inis ka!" Nagagalit pa na sabi nito.

"I'm sorry, hindi ko na uulitin. Tahan na.." Hingi naman niya ng paumanhin dito.

Kumalas naman ito sa pagkakayakap sa kanya at kinuha nito ang purse nito sa gulid ng side table. Nagtataka naman siyang sinusundan lang ito ng tingin.

"Now, I'm the one breaking up with. Let's broke up forever!" Matalim na sabi nito at saka siya tinalikuran.

"Hey! James, I am really sorry. Huwag ka naman mag biro." Saway naman niya dito.

"Bahala ka na sa buhay mo!" Pasuplada na sabi nito sa kanya at tinalikuran siya saka lumbas at sinaldak ang pinto sa inis sa kanya.

Napa hilamos naman siya sa mukha ng kanyang palad.

Now, he's doomed. Kung bakit ba kasi pa niya ginawa iyon? Paano kung hindi na talaga siya balikan nito?

*****

Wew! Nagkabalikan nga nag break din naman. Haha!

Huwag muna kayong magalit dahil sa nangyari sa kanila dahil may exciting part na mangyayari next week.

Na hindi pa nangyayari sa tv kahit kailan.

Abangan!

They really are meant by heaven!

Mwaaa!

Salamat sa pagmamahal!

We're now on last 3 Chapters!

Salamat sa pagsubaybay inyong lahat.

Salamat sa love! Mwaa!

Chapitre suivant