Chapter 10
Ilang buwan na ang set up namin ni Von na ganito. Aalis sya para mag-aral sa Pangasinan, tapos babalik rin naman sya pagkatapos ng buwan. Medyo mahirap para sa akin ang set up namin ni Von ngunit hindi ako susuko dahil pagkatapos naman mag-aral ni Von sa Pangasinan para sa isang taon nyang pag-aaral doon ay sa China naman sya kasama si Uno.
Mas mahihirapan kaming dalawa sigurado ako dahil pag sa China sya ay malayo talaga kami sa isa't isa hindi katulad kung nasa Pangasinan lamang sya ay maaari akong pumunta doon dahil pwedeng pwedeng naman akong sumakay gamit ang pampublikong transportasyon.
Mahirap para sa iba ang ganitong sitwasyon naming dalawa ni Von. Magtataka ang mga taong hindi alam kung ano ang tunay na pagmamahal kapag nalaman nila na ganito ang aming sitwasyon. Aalis, babalik, at aalis ulit.
Pero para sa mga taong alam kung ano ang tunay na pagmamahal, maiintindihan nila ang sitwasyon naming dalawa dahil kahit na ilang kilometro pa ang layo namin sa isa't isa, hindi kami bumibitaw sa pagkaka-kapit ng bawat isa dahil alam namin sa sarili namin na mahal namin ang isa't isa.
Lumipas ang ilang buwan at ito na, Birthday ko na. It's my eighteenth Birthday to be exact and I'm excited. Lalo pa't ito ang pinaka-iintay ni Von na mangyari sa tanang buhay ko dahil nasa legal age na daw ako. Alam na ni Von iyon kaya naman uuwi sya ngayong araw at tatlong araw na mag-s-stay sya dito sa Apartment ko.
Kaya naman todo ang ginawa kong paglilinis sa Apartment ko dahil dito mag-s-stay si Von ng ilang araw din. At malapit na rin ang pagtatapos ng school year kaya naman aalis na si Von patungo sa China upang doon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral kasama si Uno, pero nangako parin si Von na babalik sya dito sa Pilipinas tuwing katapusan ng buwan.
Hindi sinabi sa akin ni Von kung anong oras sya dadating at sinabi rin nya sa akin na huwag ko na syang hintayin sa kanto at tatawag na lamang daw sya kapag nasa labas na sya ng Apartment ko.
Hindi ko nga alam kung bakit bigla syang naging ganoon. Ayaw nyang inaantay ko sya hindi tulad ng dati na kapag sinabi na nya na pauwi na sya ay nasa kanto na ito, kaya naman naisip ko na baka hindi pa sya sigurado kung anong oras sya aalis ngayon sa Pangasinan upang bumyahe patungo dito.
Kinuha ko ang cellphone ko noong tumunog iyon hudyat na may tumatawag. Sinagot ko ang cellphone ko at inantay ang nasa kabilang linya na magsalita bago ako sumagot.
"Irene, nasa Apartment ka ba?" Bungad ni Shion sa kabilang linya kaya naman nagsalubong ang kilay ko bago sumagot.
"Oo. Bakit Shion, may nangyari ba?" Hindi ko maiwasang hindi mag-alala dahil sa ginawang pagbungad sa akin ni Shion sa kabilang linya.
Hindi naman kasi sya dating ganito tuwing tumatawag sya sa akin. Palaging may pambungad na 'Hello,' o di naman kaya ay isisigaw nya ang pangalan ko kaya naman laking pagtataka ko ngayon kung bakit biglang direct to the point agad ang pambungad nya sa akin.
"Wala naman, Irene. I just want to tell you something," sabi nito kaya naman medyo nakahinga ako ng maluwag sa kalaamang wala namang masamang nangyari.
"It's important and I want to tell it to you personally." Dagdag pa nito kaya naman natigilan ako.
Ganoon ba iyon ka-importante at hindi nya pwedeng sabihin sa akin sa telepeno at kailangan pa sa personal talaga?
"Sige. Puntahan mo nalang ako sa Apartment ko," sagot ko sa kanya bago tumayo upang magtungo sa kusina ng Apartment ko para tignan ang stock na mga pagkain kung anong pwedeng iluto para kay Shion.
"Iintayin kita. Mag-ingat ka, ah." Nagpaalam na si Shion sa kabilang linya bago pinatay ang tawag kaya naman napabuntong hininga ako.
Ano naman kayang importante ang sasabihin sa akin ni Shion at parang seryoso sya? May kinalaman ba iyon sa nawawala kong kapatid?
-
"Makikita mo na rin sa wakas ulit ang kapatid mo, Irene." Nakangiti akong tumango kay Shion habang naglalakad ito patungo sa lamesa at humila ng kanyang mauupuan at agad na na-upo na doon.
"Oo nga Shion. Malaking tulong talaga ang nagawa nyo nila Tita't Tito para makita ko ulit ang kapatid." Nakangiti kong sagot kay Shion.
Laking pasasalamat ko talaga kay Tita at Tito na mg magulang ni Shion dahil sa ginawa nilang mga tulong sa akin noon at kahit na hanggang ngayon ay patuloy parin nila akong tinutulungan.
Ngumuso naman si Shion bago muling ngumiti. Hinila ni Shion ang kanyang upuan palapit sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Ikaw na 'ata ang pinakamasayang babae sa mundo, Irene. Biruin mo, magkikita na ulit kayo ng kapatid mo, then you also have a friend like me, at boyfriend na si Von na sobrang bait at understanding. And also, 3rd Anniversary nyo na bukas!" Nakatanggap ako ng isang hampas mula kay Shion ngunit hindi naman iyon masakit.
Oo nga pala, 3rd anniversary na pala namin ni Von bukas. Napangiti ako sa reyalisasyong iyon. Birthday ko ngayon then bukas ay anniversary namin. Ang daming ise-celebrate.
"Sya nga pala, my parents will throw a birthday party for you. Simpleng salo salo lang naman 'yon at syempre dahil ikaw ang birthday celebrant ay dapat hindi ka mawawala sa birthday party na 'yon." Tinapik tapik ni Shion ang balikat ko at saka tumayo na hudyat na aalis na sya.
Napatingin na lamang ako sa kanya at hindi agad ako nakabawi dahil sa sinabi ni Shion tungkol sa birthday party na inihanda mismo ng mga magulang nya. Ilang taon na nilang ginagawa iyon para sa akin pero hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay na laging nasa likod ko ang pamilya ni Shion.
Kumbaga noong namatay si Mama at wala na akong maaasahan sa buhay ay ang mga magulang ni Shion ang naging pangalawang mga magulang ko ngunit kahit na sabihin pa nila at ipaliwanag nila sa akin na parang anak na ang turing nila sa akin ay hindi parin ako masasanay.
-
Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis para mamayang alas-sais ay susunduin na lamang ako ng driver ni Shion patungo aa kanilang bahay. Alas kuwatro na ng hapon ngunit hindi parin tumatawag sa akin si Von kung nasaan na ba sya.
Kapag pumatak ang alas-sais at wala parin sya ay hindi ko na alam. Baka naman hindi nya naalala na ngayon ang birthday ko? O baka busy sya at hindi sya makakaluwas patungo dito?
Sa kaisipan na iyon ay hindi ko maiwasang hindi masaktan. Mahalagang araw ito para sa akin--sa amin tapos kakalimutan lamang nya?
Umupo ako sa kama ko at pinagmasdan ang sarili kong naka-upo sa malaking salamin. Off shoulder red dress ang suot ko na pinaresan ko lamang ng itim na heels para magmukha naman akong pormal kapag nagtungo ako sa bahay nila Tito't Tita.
Tumayo ako at kinuha ko na ang sling bag ko na nakasabit sa gilid ng pintuan bago ko binalingan ang cellphone ko. Sakto namang pagtingin ko sa cellphone ko ay sya ring pag-ilaw at pagtunog nito hudyat na may tumatawag cellphone ko.
Dinampot ko iyon at napanguso noong makita ko ang pangalan ni Shion sa screen. Bahagya akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib noong makita ko na hindi si Von ang tumatawag sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago ko iyon sinagot.
"Shion?" Bungad ko at muli kong siniyasat ang itsura ko sa malaking salamit sa gilid ng kabinet at noong makita na ayos na ang itsra ko ay naglakad na ako palabas ng apartment ko.
"Nasa Apartment ka pa?" Tanong nito kaya naman bahagya akong natigil sa ginagawa kong pag-lock ng pintuan ng Apartment ko.
"Paalis na, bakit?" Nilipat ko a kabilang tainga ko ang cellphone ko noong ma-lock ko na ang pintuan ng Apartment ko.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng building kung nasaan ang Apartment na inuupahan ko noong napahinto ako dahil sa sinabi ni Shion sa kabilang linya.
"Wala pa si Manong d'yan, Irene. Pasensya na pero naurong 'yung dinner natin kasi naman may emergency sa Hospital kaya umalis agad sila Mommy." Mahinang pagpapaliwanag ni Shion sa kabilang linya na halata rin sa kanyang boses ang bahagyang pagkapahiya.
"Pero don't worry! May isang black car ang naghihintay sayo d'yan, dadalhin ka ng itim na kotse na 'yon sa inaantay mo." Napakurap kurap ako dahil sa idinugtong ni Shion sa sinabi nya.
Wait, what? Dadalhin ako ng itim na kotse sa inaantay ko? Nagbibiro ba si Shion? Eh ng inaantay ko nga, hindi man lang nagawang tumawag sa akin at sabihin kung makakaluwas ba sya o hindi dahil hanggang ngayon, wala parin sya.
Tapos iyon ang sasabihin ni Shion sa akin?
Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at noong makabawi ako ay sumagot na ako sa sinabi ni Shion.
"Nagbibiro ka lang, Shion. Sige na, tawag ka nalang kapag papunta na si Manong sa Apartment ko. Mag-m-mall nalang ako habang naghihintay ng oras." Sagot ko kay Shion at pinagmasdan ko ang paligid noong makalabas na ako ng building kung nasaan ang Apartment ko.
Pinakatitigan ko ang Park na malapit sa kinatatayuan ko ngayon. Narinig ko na ang pagpapaalam ni Shion mula sa kabilang linya kaya naman pinatay ko na ang tawag at naglakad patungo sa Park.
Wala namang masama kung maggagala muna ako habang naghihintay ako ng oras.
Dahil maliwanag pa naman at may araw pa ng kaunti ay maraming tao ngayon sa loob ng Parke. Mapabata man o matanda ay masayang nasa Parke. Napangiti ako noong makita ko ang lugar mismo kung saan sinabi sa akin ni Von na nahanap nya ang nawawala kong kapatid.
Habang abala ako sa pagtingin tingin sa paligid ay may dalawang lalaki na lumapit sa akin. Tatakbo na sana ako dahil ang mukha nila ay para silang mangi-ngidnap ng isang tao at ako ang target nila ngunit hindi ko na ginawa dahil mukha naman silang mababait at approachable rin ang kanilang itsura.
"Kayo ba si Miss Irene Sanchez Dela Vega?" Kumalabog ang dibdib ko noong alam ng lalaki ang buong pangalan ko.
Hindi agad ako nakasagot at noong naglabas ng isang litrato ang isa nyang kasamang lalaki ay napaatras ako.
"Huwag kayong matakot, hindi naman kami masamang tao." Pagpapakalma sa akin ng lalaking may hawak ng litrato.
"Paanong hindi ako matatakot kung alam nyo ang buo kong pangalan at hindi ko kayo kilala?" Inis na tanong ko at akma na silang tatalikuran noong muntikan na akong mabunggo sa dibdib ng kung sinong tao na nasa harapan ko.
"Tauhan ko sila, Irene. You can trust them like you trust me," saad ng pamilyar na lalaki na nasa harapan ko. Hinarap ko naman ito saka kinunutan ng noo.
"Well, unless you don't trust me." Dugtong nito kaya naman umikot ang mga mata ko upang irapan sya.
Kambal sya ni Von, kaya naman pinagkakatiwalaan ko sya. At isa pa, hindi lang dahil kambal sya ng lalaking mahal ko, dahil pinakita rin nya sa akin na mapagkakatiwalaan ko sya.
Tumango na ako para matapos na ang lahat. Baka kasi kung hindi pa ako sasama sa mga tauhan ni Uno ay matatagalan pa kami dito at abutin pa kami ng siyam-siyam e may kailangan pa akong puntahan mamaya-maya lamang.
Nasa Driver's seat at Passenger seat ang dalawang tauhan 'daw' kuno ni Uno, habang kaming dalawa ay nasa Backseat.
Gusto ko sanang magtanong kay Uno kung saan kami papunta pero minabuti ko na lamang na hindi na magsalita pa dahil mukhang seryoso si Uno at walang balak na makipag-usap, kaya wala akong nagawa kundi manahimik na lamang.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may text ba sa akin si Shion at tama nga ako, mayroon syang dalawang text na kararating lamang kaya naman minabuti ko ng basahin iyon dahil baka mamaya ay nasa labas na ng Apartment ko ang Driver ni Shion at wala ako doon.
From: Shion
Asan ka?
Nadoble lang pala ang text ni Shion. Akma ko na sanang re-replyan si Shion noong magsalita naman ang nasa tabi kong kambal ni Von kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Hindi pa tumatawag si Von." Hindi iyon tanong o ano, para bang alam nya na hindi pa tumatawag sa akin ang kambal nya.
Ngumiti ako ng maliit at saka bahagyang umiling. Nagbuga naman ito ng buntong hininga at muling ibinaling ang mga mata sa labas ng kotse at noong mapansin ko na hindi na ito muling magsasalita ay binalingan ko naman ang cellphone ko para replayan si Shion.
I don't know either. Kasama ko si Uno, hindi naman nya sinasabi kung saan kami pupunta.
Saad ko sa reply. Hindi ko na inantay pa ang sagot ni Shion dahil ibinaling ko na lamang ang mga mata ko sa labas ng kotse a mula dito sa loob ng kotse ay makikita ang mga sunod sunod na puno na nadadaanan ng kotse na sinasakyan namin.
Nagsalubong ang kilay ko noong makita ko na hindi na pamilyar sa akin ang mga dinadaanan namin kaya naman minabuti kong kalabitin na lamang si Uno dahil hindi ko na maiwasang hindi kabahan.
"Uno, sasapakin kita kapag hindi mo sinabi sa akin kung nasaan tayo. Natatakot na ako sa'yo." Pag-amin kong natatakot na ako sa kanya.
Umikot ang mga mata nito at hinarap ako gamit ang mga malalamig nitong mga mata.
"Sa tingin mo may gagawin akong masama sa'yo?" Parang hindi makapaniwalang tanong nito sa akin kaya naman agad akong pinamulahan ng mukha.
"Nasaan na kasi tayo? Hindi mo naman sinasabi sa akin eh!" Inis na saad ko at sinamaan sya ng tingin.
Bumuntong hininga naman ito at sumandal sa bintana, hinawakan ang sentido na tila namo-moroblema na ito sa kung ano bago nagsalita.
"Bakit ko nga ba ulit tinanggap 'to?" Bulong nito na narinig ko naman dahil magkatabi lamang kami at tahimik ang loob ng kotse kaya naman lalo lamang nagsalubong ang kilay ko sa narinig.
"Magsabi ka nga sa akin, Uno. Ibenenta mo ba ako sa masamang tao?" Tanong ko habang nakatingin ako sa kanya ng matiim, napapailing naman ito at nakapikit na dinukot ang cellphone sa bulsa nitong pants at may denial doon na kung sino.
Kumalabog ang dibdib ko noong makilala ko kung kaninong number ang denial ni Uno ngayon. Tahimik lamang akong pinagmamasdan si Uno sa kung anong susunod nyang gagawin at halos maputol ang paghinga ko noong sulyapan ako ni Uno at senyasan na huwag akong mag-iingay.
Umawang ang labi ko noong pindutin nya ang loudspeaker noong sagutin na ng denial nya ang tawag nya. Pigil ang paghinga ko dahil sa ginawa nito.
"Uno, is there any problem?" Bungad agad ni Von sa kabilang linya kaya naman napatingin ako kay Uno na ngayon ay nakatuon na pala ang mga mata sa akin.
Yumuko ako. Tinatatawagan ko si Von simula kanina pang umaga, pero hindi nya iyom sinasagot kaya naman naisip ko na baka busy sya. Pero ito sya ngayon at natawagan ng kambal nya, samantalang ako na girlfriend nya ay hindi nya magawang sagutin ang mga gingawa kong pagtawag sa kanya.
"Nothing, Man. Kasama ko na si Irene ngayon," nanlaki ang mga mata ko noong sabihin ni Uno na kasama nya ako.
Nanahimik ang nasa kabilang linya kaya naman medyo na-disappoint ako.
"Fvck you, Ukishaun Onesei Williams. Dalhin mo na sya dito, nag-iinit ulo ko sa'yo." Napamaang ang labi ko sa narinig kong sagot ni Von kay Uno at noong inangat ko ang mga mata ko kay Uno ay bahagya na itong nakangisi.
"Well, welcome man. Ibababa ko na," pagpapaalam ni Uno at bago pa nito patayin ay may sinabi pa si Uno na talaga namang napamura si Von sa kabilang linya.
"Anyway Von, she can hear you." Isang mahinang pagtawa ang isinagot ni Uno sa mga naging pagmumura ni Von sa kanya bago nya patayin ang tawag at noong bumaling sa akin si Uno ay marami na akong gustong itanong sa kanya.
Ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko dahil hindi parin mai-proseso ng isipan ko ang mga nangyayari ngayon.
Si Von ang nag-utos kay Uno na dalhin ako sa kung saan, at hindi ako tanga para hindi malaman kung saan ako dadalhin ni Uno. Kay Von, sigurado ako doon.
"Sabihin mo nga sa'kin, tama ba ang nasa isip ko?" Mahina kong tanong kay Uno na humarap naman sa akin habang ang mga kamay ay nakahalukipkip at ang mga paa ay nakadekwatro.
"Uh-hmm. It's supposed to be a surprise, pero masyado kang matanong at malikot din ang isip mo kaya naman no choice ako kung hindi sabihin sa'yo." Nag-shrug pa ito kaya naman napalunok ako.
Kasalanan ko pa? Nasira ko ba ang dapat na surpresa sa'kin ni Von?
Hindi na ako nakasagot pa at hindi ko na rin nagawa pang tingnan si Uno dahil hindi parin ako makapaniwala na nandito na pala si Von at hindi ko man lang alam.
Sa kakaisip ko ng kung ano ano ay hindi ko na namalayan pa na huminto na pala ang sasakyan, naunang lumabas ang dalawang tauhan ni Uno at sumunod ito. Ako naman ay lumabas na rin at pinagmasdan ang kapaligiran.
Mapuno parin ang paligid at karamihan sa mga puno na naririto ay matataas na puno ng buko at mga bamboo tree. May mga ilaw ang bawat puno kaya naman ito ang naging dahilan kung bakit maliwanag parin ang paligid kahit papalubog na ang araw at dumidilim na ang kalangitan.
"I know na galit ka kay Von dahil hindi ka nya tinawagan o maski tinext man lang na nandito at nakaluwas na sya. But I'm telling you, don't be too mad at him." Nilingon ko si Uno na nakasandal sa harapan ng kotse, hindi ito nakatingin sa akin kundi sa isang direksyon nakatuon ang mga mata nito.
"I'm not mad, Uno. Medyo nainis lang ako sa kambal mo dahil pinagmukha nya akong tanga." Mahina kong sagot kay Uno at binalingan ang direksyon kung saan sya nakatingin.
Napakurap kurap ako noong makita ko ang isang bahay at iyon pala ang kanina pa tinitignan ni Uno simula kanina. Hindi ko napansin ang bahay dahil nasa likod ko iyon at wala iyong ilaw hindi tulad ng mga puno na may nakasabit na ilaw.
"Naniniwala ako sayo na hindi ka galit kay Von, but I'm sure you'll hate him forever." Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi na iyon ni Uno at akmang magtatanong pa sana ako upang itanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin nya noong umayos na ito ng tayo at naglakad patungo sa direksyon ng bahay.
"Come on, Irene. Follow me," sinunod ko ang sinabi ni Uno at naglakad ako kasunod nya.
Pinagmamasdan koang paligid at lalo lamang dumami ang mga bamboo tree noong makapasok na kaming dalawa sabakuna ng babay. Mas nakita ko na ang kabuuan ng babay dahil nasa loob na kami ng bakuna nito.
Vintage ang kulay nito at kung titignan ay mukhang luma na ang bahay ngunit alam kong may nag-aalaga dito dahil kahit na luma na ang bahay ay malinis ang kapaligiran nito.
"I'm going now, Irene. Just follow the bamboo tree with fairy lights, then you'll see him." Saad ni Uno bago ako tuluyang iniwan sa harapan ng bahay.
Nakatingin lamang ako sa bamboo na may mga ilaw bago ko napagdesisyunan na sundan ang mga iyon.
Tuwing nakakalampas ako ng isang bamboo tree ay nadadagdagan ang kalabog at kaba na nararamdaman ko. May sapat na hangin naman pero pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hininga tuwing papalapit ako ng papalapit sa bahay.
Hindi sa loob ng bahay ako dinala ng mga bamboo tree na sinundan ko, kundi sa likod bahay kung saan nakikita ko ang kilalang kilala kong lalaki na nakatayo sa gilid ng fountain. Huminto ako para tignang maigi si Von.
Nakasuot ito ng isang dark blue na tux, at alam kong kinakabahan sya dahil mabilis na umaangat at bumababa ang kanyang balikat. Bumaba ang paningin ko sa hawak ng kanyang kamay na isang bouquet ng bulaklak, at nag-angat akong muli ng mga mata noong maramdaman ko na naglalakad na sya at inilang hakbang na lamang ang pagitan naming dalawa.
Napalunok ako noong maamoy ko ang pabango nya na humalo sa kanyang natural na amoy. Inilahad nya sa akin ang kanyang hawak na bouquet na agad ko namang tinanggap ng hindi inaalis ang mga mata sa kanyang mukha.
"Hey," paninimula nito at hinapit ako papalapit sa kanya.
Pinigilan kong mapatili at mapanatili ang aking blangkong reaksyon kahit ang totoo ay gusto ng sumabog ng dibdib ko sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko.
"Happy eighteenth birthday to my beautiful baby." Mahina nitong sabi sa akin noong maglapit ang aming mga mukha at agad kong naramdaman ang malambot nyang labi na dumampi sa aking labi.
Napapikit na lamang ako at hinayaan si Von na halikan ako.
Tumagal ng ilang segundo ang halik na iyon bago napagpasyahan ni Von na ilayo na ang mukha nya sa mukha ko.
"I know you're mad at me, I'm sorry. Kailangan kong gawin 'yon because it's part of my plan." Pagpapaliwanag nito noong sandaling maglayo ang mga labi namin at magkaroon ng saktong espasyo ang mukha naming dalawa sa isa't isa.
Namumula ang mukha kong nag-angat ng tingin sa kanya dahil parin sa nangyaring halik kanina na tumagal ng ilang segundo. Nakayakap parin si Von sa bewang mo at noong sandaling tumama ang mga mata ko sa kanya ay hinapit pa nya lalo ang katawan ko palapit sa kanya.
"Hindi ako galit," mahina kong sagot kay Von na agad namang nagnakaw ng isang halik mula sa labi ko kaya naman nakatanggap sya ng isang mahinang hampas mula sa akin.
Natatawa nya akong iginaya patungo sa isang dinner table na nakahanda na pala sa gilid ng mga bamboo tree na napapaligiran ng mga fairy light. Hindi ko iyon napansin kanina dahil nakatuon ang mga mata ko kay Von.
"Tumigil ka nga, Von. Nag-eighteen lang ako, kung makanakaw ka ng halik d'yan para tayong newly weds." Usal ko kay Von na tinawanan lamang ang sinabi ko sa kanya noong magtangka nanaman itong magnakaw ng halik mula sa akin.
"I missed you that's why I always wanna kiss you, masama ba 'yon?" Natatawa nitong saad sa akin at pinaghila ako ng upuan at pina-upo ako doon bago sya umikot upang umupo sa kaharap kong upuan.
"Ewan ko sa'yo. Isang buwan lang tayong hindi nagkita, naging ganyan ka na." Puna ko sa pagiging clingy nya pero hindi naman sa ayaw ko ang pagiging clingy nya na iyon, sa tingin ko lamang ay malaking pagbabago iyon para sa isang tulad nya.
Tinawanan lamang nya ang sinabi ko na iyon at may tinawag, maya-maya lamang ay may dumating na isang naka-bihis chef at kasunod ng chef ay ang mga nakabihis ng pang-waiter kasama ng kanilang bitbit na mga pagkain.
-
Noong matapos kaming kumain ay madilim na, sa palagay ko ay nasa alas-sais na at dapat ngayon at nasa bahay na ako nila Tita pero mabuti na rin siguro na na-adjust ang oras dahil kung hindi inurong nila Tita iyon, baka hindi ako kasama ni Von ngayon.
Napaangat ako ng tingin noong makita ko na tumayo si Von at naglahad ng kamay sa akin, kinunutan ko sya ng noo samantalang sya ay nakangiti na ngayon sa akin at sya na mismo ang humawak sa kamag ko at iginaya ako sa pagtayo.
"Baby, Let's dance." Bulong nya sa tainga ko noong mahila na nya ako palapit sa kanya.
Napangiti na lamang ako at inayos na ang kamay ko na humahawak sa balikat nya, habang ang kamay naman nya ay naglandas na sa aking beywang na mas lalo lamang akong hinahapit palapit sa kanya.
"This is our second dance," mahinang bulong ni Von at nagsimula na nya akong igaya sa pagsasayaw kahit walang musika na tumutugtog.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang nagsasayaw kaming dalawa ni Von kahit na walang musikang tumutugtog.
"Kaninong bahay 'to?" Pagtatanong ko sa kanina pa bumabagabag sa isipan ko.
Pina-ikot ako ni Von at nakatalikod na ako sa kaya ngayon habang nagsasayang kaming dalawa, naramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Von sa tuktok ng ulo ko.
"This is my father's rest house. Since Dad is nowhere to be found right now, ako muna ang nangangalaga sa rest house nya." Pagsisimula nitong mag-kwento at muli akong iniharap sa kanya at nakatanggap ako mula aa kanya ng isang halik sa noo.
"Mahalaga kay Dad 'tong rest house, kaya kahit nasa ibang lugar ako ay sinisigurado kong maayos ang rest house na 'to. I can clearly remember when I am used to go here before with my Dad," nakikinig lamang ako sa mga sinasabi ni Von at alam ko na sa boses pa lamang nya ay nami-miss na nya ang Dad nya, katulad ng pagka-miss ko sa nawawala kong kapatid at sa Mama ko.
"Kaya kita dinala dito kasi gusto ko na makita mo ang mga bagay na mahahalaga sa akin." Napangiti ako at yumakap sa kanya.
Nag-angat ako ng tingin at tinignan ang kanyang mukha, at bahagya ko pang tinusok tusok ang kanyang tagiliran dahilan ng paggalaw nya ng bahagya.
"Ako lang ba 'yung babae na dinala mo dito?" Pagtatanong ko. Isang ngisi naman ang isinagot nya at muling nagnakaw ng halik mula sa aking labi.
"What do you think?" Pang-aasar nito kaya naman nakatanggap sya ng isang kurot mula sa akin.
Natatawa lamang sya sa ginawa ko at muli akong hinalikan sa mga labi, pero sa pagkakataon na ito ay tumgal ng ilang segundo ang halik bago sya nagbawi.
"Yeah, ikaw lang ang nag-iisang babae na dinala ko dito." Napangiti ako dahil sa sinabi nyang iyon.
-
Naka-upo kaming dalawa ni Von sa damuhan na nilatagan namin kanina ng isang itim na blanket. Nakahiga ako at ang mga hita ni Von ang ginawa kong unan habang si Von naman ay naka-upo lamang at pinaglalaruan ang nakalugay kong buhok.
Pasado alas-onse na ng gabi, pero nandito parin kaming dalawa dahil sabi ni Von ay hindi pa daw tapos ang surprise nya sa akin kaya naman kahit na galing kaming dalawa ni Von sa bahay nila Tita at Tito kung saan ginisa kaming dalawa ni Shion ay bumalik kaming dalawa dito matapos ang munting salo salo na naganap.
"Irene, Baby. Do you trust me?" Nag-angat ako ng tingin sa mukha ni Von at nagtama ang mga mata naming dalawa.
Ngumiti ako sa kanya bago tumango.
"Of course, Von. Bakit mo naman natanong 'yan?" Tanong ko habang hindi inaalis ang mga mata ko sa kanyang mga mata.
Umiling naman agad ito at sumilay ang ngiti sa kanyang natural na mapupulang labi, bumangon naman na agad ako at niyakap sya ng mahigpit. Hindi ko na sya binitawan pa at halos mapatalon ako sa sobrang gulat noong may pumutok sa kalangitan kasabay ng pag-ilaw.
Napaawang ang mga labi ko at pinanood ang sunod sunod na fireworks ang nasa kalangitan. Hinawakan ni Von ang kamay ko kaya naman napabaling ako sa kanya ng may ngiti sa labi.
"Happy third anniversary, baby." Pagsabi nya non ay sinulyapan ko ang cellphone ni Von na nasa gilid nya at nak-ilaw pa.
Saktong alas-dose na pala.
Ibinalik ko ang mga mata ko kay Von na alam kong kahit na anong oras ay maiiyak na ako sa sobrang saya dahil sa mga pinagagagawa ni Von na surpresa sa akin. Nakangiti nyang inilabas mula sa bulsa ng kanyang suot na tux ang isang box at binuksan iyon sa harapan ko.
"This is my gift for your eighteenth birthday," kinuha ni Von ang kuwintas na nasa box at gumapas ito patungo sa likod ko at naramdaman ko na lamang ang malamig na parte ng kuwintas na dumapo sa balat ko.
Hinawakan ko ang kuwintas na silver, simple lamang iyon at may pendant na maliit na diamond. Nag-angat ako ng tingin kay Von at pinunasan nya agad ang luha na tumulo sa aking mga mata bago sya muling naglabas ng isa pang box.
"And this is for our anniversary." Binuksan nito ang box at isa iyong singsing na katulad ng kywintas ay silver rin at simple lamang ngunit alam mong mahal dahil sa diamond na disenyo nito.
Kinuha nya ang daliri ko at isinuot ang singsing sa gitnang bahagi ng daliri ko at hinalikan iyon. Lalo lamang akong naiyak ng mapagtanto ang isang bagay.
"Von," tawag ko sa pangalan nya kaya naman tumingin sya sa akin. Pinunasan nya ang mukha ko na basang basa parin ng luha ko hanggang ngayon.
"Hindi pa ako nakabili ng regalo sa'yo." Nakangiwi kong saad sa kanya kaya naman natawa ito at hinalikan ako sa aking noo.
"Huwag mo ng isipin 'yon," hinapit nya ako palapit sa kanya bago ako ikinulong sa kanyang bisig at muling nagsalita.
"It's enough that you're here, beside me. Thank you, baby. Thank you for staying with me." Isinuksok ko ang mukha ko sa dibdib ni Von.
-
Nagtungo naman kaming dalawa ni Von sa isang open park na nasa tapat lamang ng inuupahan kong apartment matapos ang fireworks na kagagawan mismo ni Von.
Naka-upo kaming dalawa sa bench, nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Von habang pinaglalaruan ko ang singsing na bigay nya sa akin.
"Totoo ba ang diamond na nasa singsing na 'to, Von? Tsaka, saan naman galing ang diamond na 'to?" Pagtatanong ko dahil kanina ko pa tinitignan ang diamond na nasa singsing.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Von kaya hinarap ko sya. Hinawakan nya ang kamay ko at tinignan ang singsing na nakakabit sa daliri ko.
"Yeah, It's from my Dad. Sinabi nya sa akin na ibigay ko ang diamond na 'yan sa babaeng gusto kong makasama habang buhay. And it's you, Irene. You're the only girl i want to spend my life with." Napangiti ako at agad na hinalikan sya sa kanyang labi.
"Ikaw lang din ang lalaking gusto kong makasama, Von." Sagot ko noong yakapin nya ako.
"I love you, always. Please remember that, Baby." Bulong nito bago ako iginaya sa pagtayo at naglakad kami papalabas ng Park.
Tumigil kaming dalawa noong sandaling makalabas kaming dalawa sa Park, tinignan ko si Von na nakangiti at ginulo ang buhok ko.
"I love you. Sige na, pumasok ka na sa Apartment mo." Sabi nya kaya naman tumango ako at akma na sana akong papasok sa Apartment ko noong mapahinto ako at lumingon muli kay Von noong tawagin nya ang pangalan ko.
Sa sandaling magtama ang mga mata namin ay parang nakaramdam ako ng kaba noong makita na wala ng emosyon ang mga mata ni Von na nakatingin sa akin ng diretso. Naglakad ako palapit sa kanya kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko sa sobrang lamig ng mga titig nya.
"May problema ba, Von?" Hinawakan ko ang kamay nya pero hindi parin sya nag-alis ng tingin sa akin.
Diretso lamang ang mga mata nyang nakatingin sa akin kaya naman napalunok ako.
"Nothing, just go." Mahina nitong sabi kaya naman napatango ako at tinalikuran na si Von kahit na labag sa kalooban ko na gawin iyon.
Nakakailang hakbang pa lamang ako noong mapatigil ako sa sinabi ni Von na pakiramdam ko, ikinahinto ng mundo ko. Apat na salita lamang 'yon pero sobrang sakit ang ibinigay sa akin.
"Irene, Let's break up." Hinarap ko si Von na ngayon ay nakatingin parin sa akin.
Kumunot ang noo ko at napaawang ang labi ko at inilang hakbang ko ang pagitan naming dalawa.
"Nagbibiro ka ba, Von? It's our anniversary, hindi nakakatuwa." Inis kong usal sa kanya dahil sa sakit na binigay nya sa akin.
Hindi nagsalita si Von at nag-iwas lamang ng tingin, bumuntong hininga at muling nagbalik sa akin ng tingin.
"Let's break up." Malamig na utas nito kaya naman naging sunod sunod ang pagdaloy ng luha ko na tila nasirang gripo.
Hahawakan ko na sana ang mga kamay ni Von para makakuha ako ng lakas dahil nanlalambot ang tuhod ko noong tinalikuran nya ako at nagsimulang maglakad papalayo sa akin.
Napapahikbi na lamang ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit ganoon? Kanina lang masaya kaming dalawa ni Von, bakit ngayon...nakipaghiwalay sya sa akin.
I thought he love me? Akala ko ba gusto nya akong makasama habang buhay? Then why he'll leave me just like that?
-
Napahaba 'ata ang last chapter. 5430 words mga dong. Anyways! See you sa Epilogue!
Written by Chewzychick