"Kung bakit ba kasi hindi mo 'ko magawang kalimutan?" tanong niya na agad na ikinahinto ni Phoebe. "Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na sa kahit na anong anggulo mo pa tingnan ay hindi na tayo babalik sa dati. Nakaraan na 'yun at kung maaari lang ay hayaan mo namang maging masaya ang sarili mo. Wag ka nang umasa sa relasyon na kahit kailan ay hinding-hindi na mangyayari," Dagdag pa niya at pagkuwan ay sinalubong ang mga titig ng dalaga.
Napailing si Phoebe. "Kung para sa'yo ay napakadaling kalimutan ang naging relasyon natin, pwes, para sabihin ko sa'yo ay hindi ko kayang gawin 'yun," Mahinahon nitong anas. "Hanggang ngayon ay mahal pa rin kita at kahit ilang beses mo 'kong-"
"Just forget about me," Napapailing niyang putol dito. "Hindi na ako ang Marco na minahal mo noon. He was gone. At kung ipagpipilitan mo pang ibalik ang naging relasyon natin ay wala ka lang mapapala sa 'kin," Kunot-noo niyang sambit. "I already ruined your life. Don't let me do it for the second time,"
Matapos niyang sabihin iyon ay saglit na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Habang panay ang tinging ipinupukol sa kanya ni Phoebe, siya naman ay panay ang iwas ng tingin dito.
Kaya naman sa mga sandaling iyon ay dali-dali niyang binitawan ang kanyang hawak na ballpen at invitation. Dahan-dahan niya iyong inilapag sa coffeetable at hindi nagtagal ay agad siyang napatayo sa kanyang kinauupuan. Ngunit bago pa man siya tuluyang makahakbang paalis doon ay agad niyang naramdaman ang kamay ni Phoebe na mahigpit na napahawak sa kanyang braso.
"Did you even loved me before?" tanong nito na agad niyang ikinahinto. "O nakiayon ka lang sa kalokohan no'ng magaling kong kapatid at no'ng mga kaibigan mo? Pinagtripan niyo lang ba 'ko dahil pinakita ko na sobra akong patay na patay sa'yo? O sinabi mo lang din na mahal mo 'ko dahil ayaw mong magalit sa'yo si Orlando?" Sunod-sunod nitong tanong.
Kunot-noo siyang napabaling sa dalaga. "Anong klaseng tanong 'yan?"
"Just answer my question," Mabilis nitong sagot. "Minahal mo ba talaga 'ko o pinaasa ko lang ang sarili ko?"
Napailing siya kasabay ng pagtanggal niya ng pagkakahawak ni Phoebe sa kanyang braso. "Mas mabuti pa siguro kung tapusin mo na 'yang mga ginagawa mo kaysa asikasuhin ang mga walang kakwenta-kwentang mga bagay," Pag-iiba niya ng usapan. "There are more important things to do. At tulad ng sinabi mo ay importante sa'yo ang trabahong 'yan,"
Matapos niyang sabihin iyon ay pagak na natawa si Phoebe. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang agad nitong pagdampot ng throw pillow at pagkuwan ay dali-dali iyong inihampas sa kanya.
Galit at inis. Iyon ang tanging nakikita ni Marco habang pinaghahampas siya ni Phoebe. Tila ba wala itong balak na tigilan siya sa mga sandaling iyon. Pero habang nasa kalagitnaan sila ng sitwasyong iyon ay kitang-kita niya ang sunod-sunod na pagdaloy ng mga luha sa mata nito.
She's not holding her tears or her pain anymore. Hindi tulad noon na sa tuwing ipinapahiya niya ang dalaga ay pinipilit lang nitong ngumiti at ipakita na ayos lang siya. Sa ngayon ay hindi iyon ang kanyang nakikita at sa puntong ito ay tiyak na hinding-hindi niya na ito matatakasan pa.
"Hayop ka, Marco!" sigaw nito habang panay pa rin ang paghampas sa kanya. "Minahal kita pero 'yun pala ay wala rin akong napala. Sana hindi nalang kita nakilala at sana ay hindi nalang ikaw ang pinili ko," aniya na tila ba hingal-hingal. "Kung bakit ba kasi sa dinami-rami ng lalaking makikilala ko noong araw ay ikaw pa ang nagustuhan ko? I was supposed to be happy but after you entered my life, I have no chance anymore,"
Sumagot siya. "You have all the chance to be happy but you're holding yourself to do that," aniya habang sinasalubong ang kunot-noong tingin sa kanya ni Phoebe. "Hindi ba't sinabi ko na sa'yo? Forget about me. Pero hindi ka nakikinig at pinipilit mo pa rin na maaayos natin ang relasyon natin noon," He exclaimed. "To tell you the truth, it's not happening anymore. It was all in the past so you have to move on,"
Pagak na natawa si Phoebe at maya-maya ay unti-unti itong napaatras palayo sa kanya.
"Why is it so easy for you to tell me that?" Maluha-luha nitong anas.
Ngunit imbes na sagutin iyon ay muli niyang iniwas ang kanyang tingin sa dalaga. Hanggang sa hindi nagtagal ay kamuntikanan na siyang matumba sa kanyang kinatatayuan nang muli siyang hampasin nito. At sa pangalawang pagkakataon ay muli niyang nakita ang kung anong galit sa mukha nito.
Gustuhin man niyang pigilan si Phoebe pero hindi niya magawa. He could feel the pain she's suffering and just like him, it's too much.
"Sabihin mo kung anong ginawa kong mali," anito. "Nagmahal lang naman ako diba? Ano? Mas minahal mo ba 'yung Yella na 'yun kaysa sa'kin? Ano bang meron siya na wala ako-"
"Ikaw..." Tiim-bagang niyang anas kasabay ng mahigpit niyang paghawak sa magkabilang braso nito. "Ikaw lang ang minahal ko sa lahat ng babaeng nakilala ko. At kahit ni minsan ay hindi kita nakalimutan. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin 'yung mga panahong pinagsamahan natin at sobra akong nagsisisi kung bakit pinakawalan ko ang babaeng katulad mo," Mahaba niyang paliwanag.
Humugot siya ng malalim na buntung-hininga at pagkuwan ay mabilis na lumayo sa dalaga na sa mga oras na iyon ay tila ba natulalang napatitig sa kanya.
Sa puntong iyon ay agad siyang napasandal sa pader sa kanyang likuran. Habang si Phoebe naman ay tila ba hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig nito mula sa kanya.
Kung tutuusin ay wala siyang balak na sabihin iyon sa dalaga dahil ayaw niyang umasa ito na may pangalawang pagkakataon pa sila sa kanilang relasyon. He loved her so much to the point that he wanted to punch himself while torturing her in front of their friends. But he have to do that because it's necessary.
"Anong sinabi mo?" Mahinahong anas ni Phoebe habang unti-unting lumalapit sa kanya.
Bago pa man sagutin ang tanong na iyon ay agad siyang umayos ng pagkakatayo. At hindi naglaon ay dali-dali niyang iniwasan ang dalaga na agad na nahinto sa paglapit sa kanya.
"Mahal kita," He sincerely answered. "Kaya kahit sobrang hirap para sa'kin na iwasan ka at ipahiya ka sa harap ng mga kaibigan natin ay ginagawa ko para sa kapakanan mo," aniya na bahagyang ikinailing ni Phoebe. "Ayokong muling masira ang buhay mo nang dahil sa'kin. Sa ngayon palang ay naghihirap ka na, paano pa kaya sa mga susunod na araw kung palagi tayong magkasama? Paano kung mas higit pa pala 'yung mangyari sa'yo kaysa sa nangyari noon? Sa tingin mo, kakayanin ko 'yun?"
Matapos sabihin iyon ay agad siyang napahilamos sa kanyang mukha at pagkuwan ay pinunasan ang kanyang mga luha. At that moment, he was supposed to leave and go to his room but he ended up sitting on the floor.
While Phoebe, on the other hand, stayed and sat beside him.
Napatikhim ito. "Ilang beses ba naming dapat sabihin sa'yo na wag mong iisipin na ikaw ang dahilan kung bakit-"
"At sino? Sino sa tingin mo ang dahilan kung bakit nagkakaganito tayong lahat? Do you think there's someone else behind this?" Sunod-sunod niyang tanong na bahagya nitong ikinatungo. "So, please just stay away from me. Wala akong magandang maidudulot sa buhay mo,"
Napailing ang dalaga. "Hindi, Marco," anito na agad niyang ikinatitig dito. "Kung hindi dahil sa'yo, wala tayong lahat dito ngayon. Tiyak na watak-watak tayo at sa ngayon ay baka napunta na kami sa kung saang landas. Because of what happened in the past, maybe some of us were dead and don't know exactly what life is about,"
Right after Phoebe said that, Marco immediately laughed.
Tawang-tawa siya sa sinabi ng dalaga. Ni hindi nga niya sigurado kung nagbibiro ba ito o sadyang pinapatawa lang siya. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay muli siyang napabaling kay Phoebe na sa mga oras na iyon ay kunot-noo lamang na nakatitig sa kanya.
"Right," aniya kasabay ng pagkalaho ng ngiti sa kanyang mga labi. "Pwede bang wag kang gumawa ng kwento? Iisa lang naman ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nandirito pa rin kayo sa tabi ko," He took a deep breath. "Natatakot kayo. Natatakot kayo na baka-"
"Tama ka," Maya-maya'y putol nito sa kanya. "Natatakot nga kami pero hindi para sa sarili namin kundi para sa'yo," anito na agad niyang ikinailing. "We're afraid that you might lose your self for the second time. And the reason why were here is because we wanted you to feel that we're not going to leave you. We're here as your friend and not an enemy,"
Sa sinabing iyon ng dalaga ay muli siyang napailing.
Para sa kanya ay walang dahilan para paniwalaan niya ang mga sinasabi nito. Alam niya na matapang siya at kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Hindi niya kailangan ng kaibigan o kasama sa buhay para masabi niyang hindi na siya muling babalikan ng kanyang bangungot.
Halos araw-araw ay nangyayari sa kanya iyon. At habang binabalikan siya niyon ay wala siyang magawa kundi papasukin niya nalang ito sa kanyang buong sistema. Wala siyang magawa kundi ang tanggapin nalang ang problemang idinulot niya sa kanyang sarili at sa mga mahal niya sa buhay.
Ano pa ang silbi ng pagtanggap niya ng ibang tao sa kanyang buhay kung siya mismo ang sumira ng kanilang buhay?
Dahil sa ilang mga bagay na siyang pumapasok sa kanyang isip sa puntong iyon ay agad siyang nagpasyang tumayo sa kanyang kinauupuan. Ngunit bago pa man niya gawin iyon ay agad siyang nahinto nang maramdaman niya ang pagpisil ni Phoebe sa kanyang balikat.
Muli ay napabaling siya sa dalaga. Hanggang sa hindi naglaon ay natulala na lamang siya nang agad siya nitong ginawaran ng isang mariing halik sa labi.
It wasn't their first time but it feels like it was.
Ngunit agad din namang naputol ang halikang iyon nang itinulak ni Marco si Phoebe palayo sa kanya. Habang si Phoebe naman ay pilit na napangiti sa mga oras na iyon at minabuting huwag nang sundan ang naganap na halikan sa pagitan nila.
Akmang tatayo na ang dalaga sa kinauupuan nito ay agad itong nahinto nang maramdaman nito ang pagpigil sa kanya ng binata. Napabaling ito kay Marco na sa puntong iyon ay agad na napahawak sa kanyang magkabilang pisngi. At hindi naglaon ay mas mabilis pa sa alas-kuatrong ipinagpatuloy ni Marco ang mainit na eksenang pinagsaluhan nila kanina.