webnovel

Chapter 4: Pool Party

MIXXIA

10 PM na at lahat kami ay andito sa may swimming pool. Hinihintay namin ang announcement ni Miss Anonymous.

I'm wearing a blue biniki, tapos si Venice naman ay naka-red.

Nilalandi niya ngayon si Kent. Nakayakap siya rito na para bang mag-asawa sila. Pasimple akong lumapit at pinakinggan ang uspan nila.

"Kent babe, gusto kong tumabi sa higaan mo mamaya." Sabi ni Venice gamit ang kaniyang flirty voice.

Gross...

"Stop it Venice... Walang tayo." Pinilit ni Kent na umalis sa pagkakayakap ni Venice at nakawala siya. Ngunit agad siyang sinundan ni Venice kaya tinulak nalang niya ito sa swimming pool.

Nagpipigil ako ng tawa habang si Venice ay nakatingin sa akin ng masama.

Automatic na nag-stop ang music na galing sa speakers malapit sa pool. Hudyat siguro iyon na maga-announce na si Miss A.

"Nage-enjoy ba kayo? My dear students? Sulit-sulitin niyo na dahil bukas, magsisimula na ng mission niyo." Sabi ng boses na lumalabas sa speakers habang humahalakhak na tila wala nang bukas.

Nakakarindi ang mga tawa na iyon na para bang mapapanaginipan ko ito mamaya, isang bangungot.

"Ano bang kailangan mo? Ang dami kong satsat!" Naaaburidong mungkahi ni Kent.

"Bibigyan ko kayo ng dalamwampu't limang araw upang gawin ang mission nyo. Kung hindi niyo ito nagagawa ay hindi na kayo makakabalik sa bahay nyo."

"Papatayin mo ba kami?" Naglakas-loob akong tanungin sya at napansin kong nakaabang ang lahat sa mga sususunod na sasabihin ni Miss A.

"Depende, siguro?, oo? Kaya nga makinig nalang kayo sa akin at gawin nang maayos ang mission." Tumatawang sabi ni Miss A.

"Anyway, enjoy the party tonight! Baka ito na ang huling araw nyo! BWAHAHAHAHAHA" Kasabay ng halakhak na iyon ay ang pagpatay ng lahat ng ilaw sa Mansion.

Naramdaman kong may kumapit sa akin, at nanginginig siya. Biglang bumukas ang lahat ng ilaw at nakita ko si KENT!

"Hoy ano ba?" Naiiritang sigaw ko.

Bigla siyang bumitaw at nailang kaya naman ay pumunta siya sa may barbecue grill para simulan magluto.

May DJ area rin at automatic na nagbukas ang iba't-ibang ilaw na nagre-reflect sa pool.

Nakita ko si Von sa may DJ area at siya ang namimili ng music na pinapatugtog.

Si Ace, Josh at Vince naman ay nagpapaunahan lumangoy. Nakasuot lang sila ng swimming Trunks at topless kaya makikita ang mga abs nila.

Ang mga mata ni Venice ay nakarinig sa kanila. Tila isa-isang sinusuri nito ang katawan.

Ang ibang boys naman ay nandoon sa cottage at nagsimula nang mag-inuman.

Kasalukuyan akong nakaupo sa bench nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

Si Kent at Von.

"Venice halika dito, pumili ka ng kanta na gusto mo." Nakangiting pagyaya ni Von sa akin.

"Hindi! Tutulungan nya ako mag-ihaw." Galit na sabi ni Kent.

Hindi pa man ako nakakapag-decide ay hinila na ako ni Kent.

'Napaka-agressive naman nito, hindi ko naman siya Jowa'

Tumingin si Von sa akin na may pagkadismaya. Napakamot nalang ako ng ulo dahil wala naman akong magawa.

"Ako na sasama sayo Kent my love!" Tumatakbong sabi ni Venice. Papunta siya sa direksyon namin ngayon.

"Hindi ikaw si Mixxia." Seryosong sabi ni Kent.

Hinila na niya ako at ipinahawak sa akin ang mga iihawin.

Wow ha! May lamesa naman. Hindi ko alam kung bakit ganito ang trato Niya sa akin.

Matapos mag-ihaw ay niyaya na namin ang lahat para kumain. Kinantahan muna namin si Kent ng "Happy Birthday Song" bago namin nilantakan ang mga nakahanda sa mesa.

Umupo uli ako sa may bench. At ilang minuto ang nakalipas, umilaw ang spotlight.

Ay wow! Bongga.

Hindi pala.

Si Venice ay nakatayo roon habang nagpapapansin sa mga boys ngunit busy sila sa pagkain ng barbecue.

Hindi na ako nakapigil ng tawa kaya tumawa na ako nang malakas.

Nagmamadaling lumapit si Venice sa akin havang nanggigigil kaya naman ay nadulas siya. Nagtinginan ang boys sa kaniya at tumawa rin sila ng malakas.

Umiyak si Venice na parang nasasaktan kaya tumigil ang lahat sa pagtawa. Agad na lumapit si Kent at binuhat si Venice sa upuan para hilutin ang paa niya.

Lumingon si Venice sa akin at ngumiti na nakakapang-insulto.

Lumingon sa kaniya si Kent kaya naman ay umiyak siya ulit.

Aba! Best actress ang bruha.

Naiirita ako. Hindi ko alam kung bakit.

Tumayo ako upang pumunta sa pool para magbabad doon. Sinamahan ako ni Von at naglaro kami ng 'water volleyball'

Sumama rin ang ibang boys.

Teammates ko si Von, Vince, at Ace. Si Josh, Daniel, at Mark naman ang magkakagrupo.

Masaya kaming naglalaro habang sila Migs at Arthur naman ay nasa cottage at naglalaro ng Chess.

Si Sam naman, as usual, walang pakialam sa paligid. Nakaupo lang siya roon sa may hagdan sa pool. Tahimik Niya kaming pinapanood.

He's smiling and this is my first time to see him smile. Kasalanan kasi, busy siya sa pagbabasa ng libro.

Hindi ko siya crush ha? I'm an observant person kasi.

Mukhang effective naman ang paghilot ni Kent dahil hindi na umiiyak si Venice. Pumunta siya sa may Karaoke at pumili ng kanta.

'Someone like you by Adele'

Nang makita nila Migs at Arthur na nandoon si Venice sa may Karaoke area ay agad silang tumakbo papunta sa loob ng bahay.

Lumingon ako at ang ibang boys ay wala na rin.

Saan sila nagpunta?

"I heard.. that you're settled down that you, found a girl and you're married na-ha-haw."

Wala sa tono kumanta si Venice kaya naiintindihan ko kung bakit nagsi-alisan sila.

"Nevermind I'll find someone like you-hu"

Tila ba mabibingi ako nang wala sa oras kaya naman ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay.

Malapit nang mag-a-alas dose ng gabi ay hindi pa rin tumitigil sa pagkanta si Venice.

Nakakainis talaga!

Sinalpak ko ang earphones ko sa tenga ko upang malabanan ang nakakarinding boses ni Venice.

Hindi effective!

Mas malakas ang boses niya.

Through the Rain by Mariah Carey naman ang kinakanta niya ngayon.

Mag-a-alas dos na nang umaga at saka lang siya tumahimik. Napagod siguro.

Nauuhaw ako kaya bumaba muna ako upang kumuha ng tubig sa kusina.

Muntikan kong maihulog ang basong iniinuman ko dahil may biglang yumakap sa aking likuran.

Ramdam na ramdam ko ang kaniyang hininga sa aking leeg.

Kinakabahan ako.

Nakapatay ang ilaw at tinamad akong magbukas non. Tanging ang ilaw na nanggagaling sa labas na nagre-reflect sa glass window ang ginamit ko upang makita kung sino ang lalaking nakayakap sa akin ngayon.

Nakapikit siya at humihilik.

Tulog?

Hinarap ko ang lalaki. Ngunit hindi ko siya binibitawan dahil baka mahulog kung sakali mang tulog siya.

Sam???

Chapitre suivant