Chapter 16: Booth Making (2)
June 8, 2019
JEA's POV
Nandito pa ako sa bahay habang isinasalansan ang mga canvas sa malaking tote bag. 'Yung standard na 50 x 50 ang nabili ko. Kinuha ko rin ang paint na kahapon ko pa inorganisa. Pati 'yung ibat-ibang sizes ng paint brushes ay kinuha ko na.
Sa isang maliit na back pack naman ay ni lagay ko doon ang mga kay langan ko. Extra shirt, apron, glasses, umbrella, water, food, iPad, etc..
Marami talaga ako rating dala. Girls scout ba.
Hindi pa ako nakagayak. As usual, oversized shirt and pants ang suot ko. Mahalaga kasi sa akin 'to.
Agad na ako papunta sa kuwarto para makapag bihis.
I think black pants, white shirt together with white hoodie will do.
Siguro nalilito na kayo kung bakit ko kay langan laging naka-hoodie? Sige lang. Mabaliw kayo kaka isip kung bakit.
Habang tinatali ko ang aking buhok ay nagring 'yung cellphone ko.
Sinagot ko ito at hinintay na may magsalita. 'Bakit ba? Trip ko eh. '
"[Hello? May tao ba diyan? ]" tsk! Si Rydien.
"Hmm. "
"[Bakit hindi ka nagsasalita? ]" hayst! Ang daming tanong.
"Ayaw ko lang. "
"[Ahh. Sige. Sasabihin ko nalang sayo yung gagawin namin ha. Parang wala ka kasing balak na sumagot. Hindi na ko hihingi ng permiso mo pero pupunta kami sa labas ng bahay niyo para sunduin ka. Okay? ]"
"Nagpaalam ka pa alam ko namang gagawin mo parin kahit ayaw ko. Sino ba kasama mo? "
"[Dylan, CJ and Guian. Natatakot kami pumunta agad sa school. Baka may ghost. ]" hindi ko nga na-imagine na takot ka sa multo eh.
"Natatakot ka sa ghost eh ikaw nga eh ghoster hindi naman kinakatakutan. "
"[Common sense, JEA! Paano sila matatakot kung ganito ako gwapo? Basta ayaw pa naming pumunta. ]"
"Malay mo may tao na. At saka, dapat i-assisst mo 'yung iba. Especially 'yung mga transferees. " sagot ko.
"[Hindi. Susunduin ka muna namin. Takot ako sa multo ano ba?! ]" pangangatwiran pa niya. Daming sinasabi.
"Sige. Ibababa ko na. " paalam ko at ibinaba ang tawag.
Inayos ko pa nang mabuti ang gamit para hindi sila magkandatapontapon. Mahirap na. Baka abstract ang ka labasan nito.
As expected, ako pa 'yung naghihintay sa kanila. Loko eh 'no.
Dahil wala na sila ng two minutes, lumabas na ako.
Inayos ko ang hood ng damit ko dahil maaraw pa ngayon. Tumawid ako at dumaan sa kabilang way. Bitbit ang mga gamit ko, marami akong nakikitang tao. Alanganin namang wala hindi ba?
Dumaan ako sa isang gate ng school. May dalawa kasi. 'Yung isa ay iyong main gate at 'yung isa ay ginagamit ng mga nasa science building at iba pa.
Bago pa ako makapasok sa room ay nakita ko sina Jiann at Ashi.
Papasok na sana ako nang may sumigaw ng pangalan ko. "JILLIAN! "
"H-hi. " okay, utal-utal ka.
"May susi ka ba ng room? " tumango ako.
"Hayst! Buti naman. Si Mr. Sungit kasi tinangay 'yung susi! Aish! " she sounds pissed.
"Ano ba nangyari? " kinuha ko na ang susi sa loob ng bulsa ko at sinimulan na ipasok ang key sa doorknob.
"Ganito kasi 'yan. Maaga kaming tatlo. Diba nasabi ko na sayo na magka-service kami nung lalaking 'yon? Sinabay ko si Mami para sabay na rin kami. Ayoko kasi na kasama siya. So ito na nga, nandito kanina si Sir. Siya ang pinaka una. Ibinilin ni Sir kay Mr. Sungit 'yung key. Eh kaya hindi kami nakapasok kasi umalis siya. May bibilhin daw siya. " grabe siya mag-explain.
"O-okay. " hindi pa talaga ako comfortable makipag-usap sa kan'ya.
/(x.x)\
Pumasok na kami sa room. Inilagay ko sa table ang gamit ko at nagpahinga muna.
"Ah, JEA. " may tumawag sa akin.
Humarap ako dito at si Ashi parin.
"Ipapakilala ko sana si Mami sayo. " paalam niya.
"Siya si Jiann Tolentino. Mahinhin ang mukha pero maingay rin 'yan! Hindi kasi siya sanay sa bagong environment eh! Jiann siya si Jillian. " pinaglapit niya pa ang kamay namin para makipag-shake hands.
"Hello. " bati ko. Pinagdikit niya naman ang mga labi niya. 'Mahiyain nga. '
"H-hi rin. " mahinhin ang boses nito at nababakas ko ang pagkatakot niya.
'Ganun na ba talaga ako kasungit para matakot sila sa akin? '
[Author: Oo. Mana ka sakin eh. ]
"Maghihintay na lang siguro tayo. Baka mamaya nandito na sila. " suhestyon ko.
"Sige. " umupo sila ang nag-cellphone. Kinuha ko muna ang cellphone ko at nagbasa.
Nag-ring ulit ito at sa pangalawang pagkakataon ay si Rydien ulit ang tumawag.
"Oh? " pag sagot ko ay inilayo ko na agad ang phone ko dahil alam kong bubulyawan ako nito.
"[HOY! JILLIAN! DIBA SABI KO SAYO PUMIRME KA MUNA SA BAHAY MO HABANG WALA PA AKO?! NASAAN KA NA BA HA?! ]" oh. Tamo! Rinig parin kahit hindi nakaloud speaker eh.
"Nasa school na ako. " I said in a bland tone.
"[HA?! NASA SCHOOL KANA– ]" naputol ang pagsigaw niya ng sumingit sa usapan si Ashi.
"Jillian sino ba 'yan?! Ang lakas ng boses ah! Nakalunok ba 'yan ng megaphone?! "
"[Si-Sino 'yung ha?! Hoy! Sino ka?! Anong karapatan mong sigawan ako?! ]" si Ry naman ang sumagot.
"Alam mo kasi, magkalayo kami ni JEA ng upuan pero rinig na rinig parin namin 'yung boses mo! Hindi naman nakaloud speaker pero para kang nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses mo! " balik na sigaw ni Ashi.
"[Lagot ka saking babae ka! Kapag nakapunta–]" pinatay ko na ang tawag! Ang sakit sa ears eh.
"Pagpasensyahan niyo na siya. Sadyang maingay lang. "
Mayamaya ay dumating na sina Aubrey, Rydien, Dylan at Mr. de Leon.
"Hoy! Mr. Masungit! Bakit mo tinakas 'yung susi ha?! " pangwe-welcome ni Ashi sa room. I think normal na 'yun.
'Bagay sila ni Rydien. '
"Nakapasok naman na kayo kaya wag mo na akong sigawan. Nabingi na nga ako kanina eh. "
"Bakit? " tanong ni Jiann.
"Si Rydien. " paninimula nito. "Tumawag kala mo nakasakay sa eroplano 'yung kausap. Napakalakas ng boses. "
"Ba't ka tinawagan? " curios lang ako eh.
"Hinahanap ka sakin. "
"Bakit mo ako hi– " hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sumigaw si Rydien.
"Bakit mo binaba 'yung tawag ha?! At saka! Hindi ba sinabi ko sayo na huwag kang aalis muna. HUWAG! Alam mo ba iyon?! " hayst!
"Oo. " simpleng sagot ko na nagpausok sa ilong niya. Namumula na rin ito sa galit.
"EH BAKIT HIN– " hindi niya napagpatuloy ang sasabihin niya ng dumating si Kuya Ronnie, 'yung guard ng school.
"Hoy Rydien! Ang lakas lakas ng boses mo! " suway ni Kuya na siyang kinatahimik niya. Naming lahat pala.
Mayamaya pa ay malapit na kaming makumpleto. Nandito na rin si Sir.
Inatasan na kami ng mag-umpisa para maaga akong matapos sa pagpa-paint at makapag ready pang booth.
Dalawang oras na ang nakalipas ng matapos ako sa una kong painting. Umulan na sa labas. 'Buti lang may payong ako. '
"Students, aalis muna ako dahil may emergency meeting ang mga coach ha. I have to go now. Kapag nakatapos na kayo ng isang painting maari niyong ipagpatuloy sa bahay. " paalam niya at sumakay ng motor para umalis na siya.
Nilinis ko muna ang place ko at inayos ang mga gamit na ginamit ko.
"Aalis na ako. Sa bahay ko nalang ipapagpatuloy. " paalam ko. May iba ring umalis na at kaunti na lang ang natira.
Kinuha ko ang payong at nagsimula ng maglakad.
Rydien's POV
"Ano ba?! Basang basa na ako oh! Bilisan mo kasi! " sabi ni Ashi.
"Anong bilisan eh ang hirap ng posisyon ko! Tapos minamadali mo pa ako! "
"Eh basang basa na nga kasi ako eh! Bilisan mo pa kasi diyan para matapos na 'to at pagod na ako! " sigaw niya ulit! Natataranta ako!
"Hindi ko alam sinong uunahin sa inyo eh! Tignan mo kasi oh basa narin ako! "
"Bilisan mo na kasi ng matapos na ito! "
"Oo na! Tatawagan ko na siya! " nagsisi gawan kami dahil hindi narin namin marinig ang isat-isa dahil sa malakas na ulan. Pito pa kami na natira dito sa school at saka naman umulan ng napakalakas. Isa lang ang may dalang payong at 'yon ay si Jiann. Sa tingin niyo kasya kami?
Sobrang baha na rin ang unahang bahagi ng school kaya mahihirapan kami.
"Ry ano na?! " iritable na sabi ni Dylan.
"Kay Tita Joana na lang kaya? "
"Wala si Mama sa bahay eh! Umalis siya! "
"Si JEA kaya 'no? " 'bakit hindi ko naisip 'yun? '
Agad kong in-dial ang number niya. Ilang bese na ako nagtry pero wala.
Bigla namang may nag-text sa akin.
"Ubos na load ko! " sigaw ko.
"Yung iPad ko sa WiFi lang naman siya eh. Walang sim card. " sabi ni Ashi.
"Oh! " abot ni Rhys sa phone niya.
"Jillian sagutin mo. " hiling ko habang dinadial ang phone number niya.
"Cannot be reached parin eh! "
"Akin na. " I handed him the phone. Umupo na ako. Nakakapagod tumayo eh.
"Okay na. " 'paano? '
"Pa'no? "
"Secret walang clue. " ngumisi ito.
To be continued...