webnovel

Chapter 10- Zegundo

Hema's Pov

Madaling araw nang magising kaming lahat para ihatid si Hera sa dalampasigan. Hindi maiwasan ng kanyang dalawang kaibigan na maging emosyunal .

"pasyensya na hera kung hindi ka namin masasamahan huhuhu" umiiyak na sabi ni Fatima sa kay hera.

"Magiingat ka hera, bumalik ka ha? Kaya mo yan. Hihintayin ka namin dito." Mahinang sabi ni clarissa at palihim na pinunasan ang mga tumutulong luha.

Napangiti naman ako sa mga pinapakita ng mga kaibigan niya. Masaya ako na nakakita ka ng mga kaibigan na totoo. Masaya ako para sayo hera.

"Ano ba kayo.. kung hindi kayo titigil hindi nalang ako aalis." Sabi ni hera sa kanila at yinakap sila. nagsimula silang magiyakang tatlo. Natatawa pa ako kay fatima kasi humihikbi talaga siya eh.

"Wag na kayong mag-iyakan, wala ba kayong tiwala kay hera na magiging tagumpay siya sa kanyang misyon?" Sabi ko na ikinasimangot nila.

"Wag ka ngang epal! eh... amin tong misyong tatlo tapos hindi kami makakasama." Ngusong sabi ni fatima sakin. natawa naman ako.

Oo. hindi sila pwedeng makasama sa kay hera, kasi delikado para kay hera, umaapaw ang emosyun na pwede ikapahamak nilang tatlo. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni fatima at hinarap si hera.

"Hera, kailangan mo nang umalis. Wag mong sayangin ang oras para makabalik ka agad. Alam mo naman ang lokasyon kung saan makikita ang espada diba?" Tumango naman siya at ngumiti. Hinawakan ko ang kanyang kamay at binigay ang kwentas. Nagtataka naman siyang tumingin sakin. "ang kwentas na yan ay galing sa kaibigan kong serena, humiling kalang ng buong puso na gusto mong maging serena. Para maging madali ang pagkuha mo sa espada at makahinga ka din sa ilalim ng tubig." Paliwanag ko na ikinamangha nilang tatlo. "Mag iingat ka hera." Sabi ko. Tumango naman siya at yinakap din ako. Dali-dali ko din pinunasan ang aking mga luha.

Hera's Pov

Kahit kinakabahan man ako sa ano man mangyayari sakin sa misyong ito. Dapat akong maging matatag para sa kinabukasan ng Kaharian at para sa mga taong naghihintay sa akin.

Pumunta ako sa tubig at lumangoy papunta sa malaking bato . Hinawakan ko ang kwentas na bigay ni hema at pumikit. Ang sabi niya gamitin ko ang buong puso ko para maging serena ako.

"I wish to become a mermaid" sabi ko at minulat ang aking mga mata. Napapikit ako sa nakakasilaw na ilaw galing sa mga paa ko. naramdaman ko nalang na parang may kumikiliti sa aking mga paa at hita. Ilang segundo nawala din naman agad ang ilaw . minulat ko ang aking mga mata at napanganga sa nakita .

Isang buntot ng serena. wala na akong mga paa. At ang aking damit na suot kanina ay naging bra nalang at gawa sa kabibi.

Kulay ginto ang aking buntot. At ang bra ko na gawa sa kabibi ay kulay ginto din . nakita man ang kurba ng aking katawan hindi ko nalang inantala. Ang kulay itim ko na buhok ay naging abo. May korona pang gawa din sa kabibi kulay ginto. Napangiti ako sa bagong anyo ko. Sinisimbolo padin ang kaharian ng Aleha.

Napatigil ako sa pagkamangha ng aking kasuotan ng may dadating na bagyo dali-dali akong sumisid sa tubig at lumangoy ng mabilis para maiwasan ang malalaking alon.

Nang nasiguro ko na malalim na ang nalangoy ko huminto muna ako. At minasdan ang paligid. Hindi naman masyado madilim dahil sa ilaw na nanggaling sa buwan . Napasapo ako sa aking noo nang makalimutan kong dalhin ang compass na binigay ni clarissa.

Pero ayun kay clarissa timog-silangan ang aking lokasyon na pupuntahan. Malalaman ko lang na nakarating na ako sa destinasyon ko may makikita akong kweba. kaya hindi na ako nagakasya ng oras. Lumangoy na ako ng mabilis. marami pang iba't ibang isda na nakasalubong ko.

Pagkatapos ng ilang minuto na paglalangoy narating ko na ang tinatawag nilang Kweba ng Aquarius . dahan-dahan akong lumangoy sa kweba ng may lumabas na dalawang kawal pero isa silang mga Shokoy. Halata sa kanila na kaaway kaya nagtago muna ako. Pero narinig ko ang pinagusapan nila.

"Nasisiguro mo bang hindi na siya makakalabas sa bilangguan?" Tanong ng isang kawal sa kasama niya. Siya siguro ang namumuno .

"Opo kamahalan. hindi na makakalabas ang kanilang hari" sabi niya na ikinangiti ng namumuno. Sino kaya kanilang binihag. Kahit kailan talaga ang mga shokoy kuntrabida. Sa libro ko lang sila nababasa ngayon nakikita ko na sila .

Tumagal ng ilang minuto ang kanilang pag-uusap ng umalis na silang dalawa. Nang nakasiguro na akong malayo na sila. palihim padin akong pumasok sa kweba. Baka may mga kaaway pa akong makasalubong.

Nagpasalamat akong walang mga shokoy ang nag babantay. napangiti naman ako madali lang pala to. :)

Trenta minuto na akong lumalangoy pero hindi ko pa din makita ang daan patungo sa nakatagong espada ni dad. kanina pa ako paikot-ikot dito. pero napatigil ako nang makakita ako ng dalawang daan ang isa ay kulay ginto at ang isa naman ay kulay itim.

Pinili ko ang kulay ginto nang makarinig ako na nagsasalita kung saan ang kulay itim na daan. hindi ko nalang pinansin at pumasok sa kulay gintong daan .

Pagpasok ko parang may enerhiyang bumalot sa katawan ko at kinakapos ako ng hininga. Hinawakan ko ang aking dibdib at pumikit ng mariin. Ang sakit ng puso ko na para bang may tumutusok na karayom.

Humawak ako sa mga batong nakadikit sa dingding at nawalan ako ng malay.

Nagising ako nang may tumapik na kamay sa aking mukha. inimulat ko ang aking mukha at bumungad sakin ang maputlang babae. Napabalikwas ako ng higa at tumingin sa kabuuan niya. Nakasuot ng bistidang puti at mahaba ang kulot niyang buhok. May buntot din siya na kulay puti kaya nalaman ko agad na serena siya. Pero para siyang patay sa pagiging putla ng kanyang katawan.

"S-sino ka?!" Tanong ko. Nauutal naman ako. ngumisi naman siya . Kinabahan naman ako sa ngisi niya.

"Ako dapat ang magtatanong sayo yan. Sino ka? At parang may ipinunta ka dito na mahalaga?" Tanong niya sakin . nanindig naman ang balahibo ko nang magsalita siya. Matiim ko siyang tinignan. Tinaasan niya naman ako ng kilay. suplada naman to. :/

"Hindi na yun mahalaga kung may ipinunta ako dito . Teka.. nasaan ako? Kailangan ko ng umalis may kailangan pa akong kunin. " sabi ko at tumayo sa hinigaan kong sahig. Napabuntong hininga siya at tumalikod sakin. minasdan ko ang paligid pero puro itim lang ito na parang sinunog na kweba. siya lang talaga yung naka puti.

"Naramdaman ko kanina na may pumasok sa gintong kweba. Kaya ginamit ko ang aking isipan para masundan kung sino ang may kakayahan na pumasok sa gintong kweba. ni minsan wala pang nagtangkang pumasok sa gintong kweba dahil sa mga kwentong hindi naman totoo pero matapang ka babae ikaw ang kauna-unahang pumasok sa gintong kweba . Gusto mo din siguro makuha ang espada ni Fernando." Si daddy ang tinutukoy niya. " Huwag ka nang magtangka na kunin yon. hindi iyon para sayo. Nakalaan na iyon para sa anak ni Fernando at Victoria." Paliwanag niya. Ngumisi naman ako.

"Teka lang muna, pano ako napunta sa yo kung ganun na ginamit mo lang ang isip mo para makita ako? At anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. Humarap naman siya agad sa akin. Ngumisi naman siya

"Nandito ka parin sa isipan ko, kaluluwa mo lang ang naririto. ang katawan mo ay nandun padin sa gintong kweba. At ang pangalan ko ay Vina." Sabi niya sakin. napatango naman ako.

"Kung ganon kaluluwa ka din?" Tanong ko na ikinatigil niya.

"Ilang araw nalang ang natitirang buhay ko, hinihintay nalang namin ang anak ni Fernando. Siya lang ang makakatulong sa amin para makalabas dito sa itim na kweba." Tinignan ko siya at nginitian.

"Then let me introduce my self, i'm hera the Queen of aleha kingdom. The only daughter of Former King Fernando and Queen Victoria." Pagkasabi ko sa kanya ang mga salitang yun. Nanlalaki pa ang kanyang mga mata na nakatingin sakin at may tumulo pang luha sa mga mata niya . Hindi din nawala ang salitang 'salamat' sa kanyang bibig. ngumiti lang ako. nag simulang maglaho ang paligid at bumalik ako sa reyalidad .

***

Hindi na ako nag akasya ng oras at lumangoy papunta sa gitna kung nasaan nakatusok ang espada ng aking ama. Minasdan ko muna ang paligid at ganun nalang ang pagkamangha ko nang puro gintong alahas ang naririto. Napailing ako nang nag aakasya ako ng oras. Mapapagalitan ako ni hema nito.

Pumikit ako at dahan-dahan na kinuha ang espada ni dad at wala namang may nangyari. minulat ko ang aking mata.

Minasdan ko muna ang espada. kulay ginto ang hawakan at matulis ang sable na gawa sa dyamante. Medyo mabigat din kahit manipis. May nakaukit pa na mga salita sa hawakan. Binasa ko naman agad ito.

"Let your power bring justice and make them shine with this sword" pagkabigkas ko ng mga salitang yun. Umilaw ang aking espada pati na ang aking katawan. pumikit naman ako sa nakakasilaw na ilaw .

Hera Queen of Aleha.

Daughter of Fernando and Victoria,

The Rightful owner of Aboganda.

I, The Guardian of the sea.

Giving the sword to you.

Please keep it with Full of love and trust.

Minulat ko ang aking mga mata nang hindi ko na narinig ang nagsalita. Bumungad sakin ang napakalaking espada pero nakakapagtaka lang na sa maliit kong katawan pero nakakayanan kong hawakan ang isang napakalaking espada. (Parang kay inuyasha na espada po para ma imagine niyo)

"Ang ganda!" Sabi ko at lumabas na. Ngiting-ngiti pa ako na lumabas sa gintong kweba dahil matutulungan ko na ang babae kanina na kausap ko. Pagkalabas ko nanlalaki pa ang aking mga mata nang may mga shokoy sa aking harapan na nakatutok pa sa akin ang kanilang sandata.

"Isang magandang serena na may kakayahang pumasok sa gintong kweba." Ang pinuno ng mga shokoy. Napatingin naman siya sa kamay ko kung nasaan hawak ko ang espada. Tinago ko ito sa aking likuran.

"Kamahalan, siya siguro ang sumpa kaya nakuha niya ang espada" bulong ng isang shokoy sa kanilang pinuno. Hah! Anong sumpa pinagsasabi nito?!

"Hoy! Hindi ako sumpa shokoy!" Sigaw ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. hindi naman ako nagpatalo.

"Kung ganun na hindi ka sumpa ano ang maitatawag namin sayo?" Tanong ng kanilang pinuno. Napangisi naman ako sa naisip.

"Tawagin niyo akong...

.

.

.

.

Darna!!" Sigaw ko at tinutukan sila ng espada. Napaatras naman sila. Nagpipigil naman ako ng tawa dahil sa kaabnuyan ko. pfffttt... mga uto-uto.

3rd person's Pov

Pinaligiran ng mga shokoy ang reyna ng aleha kaya sumugod ang mga shokoy gamit ang kanilang sandata na gawa sa bato lamang.

Kinumpas ni hera ang malaking espada niya sa mga sumugod na shokoy, mabilis ang pagiwas ni hera kahit medyo sagabal sa kanya ang buntot ng serena hindi niya ito inantala.

Ilang minuto na ang nakalipas pero parang hindi mawala ang dami ng shokoy. Patuloy lang siya sa pagiwas at pagkumpas ng kanyang espada. Sa isip niya hindi naman mahirap kalabanin ang shokoy mukha lang ang nakakatakot pero mahina sa depensa.

Hinanap niya ang pinuno ng mga shokoy. Nakita niya naman agad ito sa dulo na naglalabas ng enerhiya para kontrolin ang kanyang mga kasamahan. Siguro iyon ang rason kung bakit hindi agad mawala ang mga shokoy dahil kinokontrol niya ito. Kaya napangisi nanaman siya sa naisip niya.

Gumawa siya muna siya ng barrier para hindi siya masugod ng kanyang kalaban at pumikit.

"Herrera sikusa!" Sigaw ko at tinutok sa kanilang pinuno. Nanlalaki pa ang kanyang mga mata na nakatingin sakin.

"Katapusan mo na!" Sigaw ko ulit kasabay nun ang paglaho nilang lahat. kaya napaluhod ako sa panghihina.

Tumayo ako at tumakbo papasok sa itim na kweba. Napatigil naman ako sa nakita kong mga selda na maraming mga serena na nandon.

"Mahal na reyna!" Napatingin ako sa ikalawang bahagi kung nasaan sumigaw na nakilala kong serena na maputla kanina lang. si Vina. "mahal na reyna salamat at tinulungan mo kami" sabi niya at umiiyak pa. binuksan ko muna ang selda at pinalabas siya. Yinakap ko naman siya na ikinatigil niya. Napangiti naman ako

"It's my duty as the Queen of aleha." Bulong ko sa kanya at hinawakan ang kaliwang balikat niya. Ngumiti naman siya agad sakin. Nagsimula siyang buksan ang ibang selda at tumulong naman ako.

"Salamat sa pagtulong mo sa amin. Masaya akong makita ka muli.... Hera." napatigil ako sa pagbukas ng huling selda ng may nagsalita sa likuran ko. Isang malamig na boses . Humarap ako sa nagsalita at ganun nalang ang paglaki ng mata ko nang makita ko ang kanyang kabuuan.

Isang makisig na sereno. Maputi at Maganda ang katawan. Kulay asul ang buhok pati na ang mga mata kulay asul din na parang nahihipnotismo ka sa kanyang mga malamig na titig.

"Masaya akong natulungan ko kayo" ngiting sabi ko. Napaiwas naman siya nang tingin sakin "matanong ko muna bakit ang sabi mo masaya kang makita ako muli nagkita naba tayo noon? At kilala mo pa ako" Tanong ko na nagpatigil sa kanya. Sinasabi ko na nga ba may gusto sakin to eh. Hahahaha okay joke lang naman.

"Matagal na panahon na iyon kaya ganun nalang siguro ang pagkawala ng memorya mo at hindi mo ako nakilala" paliwanag niya.

"Pasensya na kung nakalimutan ko, naaksidente kasi ako noong Kinse anyos ako." paliwanag ko at napa-tango naman siya."Pwede ko bang malaman ang iyong pangalan ginoo?" Tanong ko. Hindi naman nawala sa paningin ko ang ngisi sa mga labi niya.

"Nakalimutan mo ang pangalan ko pero ang tinatawag mo sa akin ay ganun pa din." Sabi niya. Nagtataka naman akong tumingin sakanya kaya nagpatuloy siya. "Ako ang Hari ng Karagatan. Ang aking pangalan ay si Zegundo." Sabi niya at ikinasakit ng aking ulo.

Napahawak naman ako sa ulo ko, nagsimulang umikot ang aking paningin. At bago pa ako mahulog sa sahig may sumalo na sa aking katawan at nawalan na ako ng malay.

Saan ko nga ba narinig ang pangalang Zegundo?

Chapitre suivant