webnovel

Chapter 3- Mission

Hera's Pov

Nakalipas ang ilang araw . Wala parin akong matanggap na mensahe kahit sa kung sino . Napag isipan ko nalang na pumunta sa music room ng mommy ko . Isang taon na pero ngayon lang ulit ako pumunta dito . Hindi naman siya madumi kasi palagi kong pinapaayos sa mga katulong namin. Nakita ko ang violin sa isang sulok kinuha ko yun at nagsimulang mag patugtug .

OCEANS (where feet may fail) - Hillsong United (Violin cover by Elijah Gomez) 🎵🎶

Pinikit ko ang mga mata ko at dinamdam ang kantang palagi kinakanta ni mom. Inisip ko ang mga alaala namin ng mommy at daddy ko . Nagsimula sa hapag kainan , Takbuhan sa Ballroom Hall, Tawanan sa harapan ng kanilang trono. Nakakamiss lang na sa isang iglap. Nawala sila agad . Napatulo naman ang luha ko pero pinagpatuloy ko ang tugtug ng aking violin. Ang sakit parin sa puso . Hindi ko pa kaya na wala kayo mom , dad. Naputol yung tugtug ko at nag simulang umiyak .

"Mom and dad mahal na mahal ko kayo. Ni hindi ko manlang kayo nayakap ng mawala kayo" Napahikbi kong sabi.

Ang sakit sakit . Tagos sa puso yung sakit. Sana ako nalang yung nawala. Kung sino man ang gumawa sa mga magulang ko magbabayad sila.

"Kamahalan?"

Tok* Tok* Tok*

Naputol yung iyak ko nang may kumatok sa pintuan .

"P-pasok" pinahid ko ang aking mga luha.

Pumasok ang kanang-kamay ng daddy ko at lumuhod siya sa harapan ko.

"Kamahalan. Kailangan niyo napong magpahinga . Maaga kapa aalis bukas upang hanapin ang Espada ng iyong ama ." Napangiti naman siya. Alam kong may sasabihin pa siya.

"Ipagpatuloy mo."

"Ang espada ay makikita sa pinakamalalim na dagat sa bulkang liwayway kamahalan. At dapat makuha mo na din ang nawawalang Dragon ng iyong ina. Makikita naman mo ito sa Enchanted forest ng Domisticus magiingat nalang po kayo"

"Yun lang ba?"

Napa iling naman ang kanang kamay ni dad at may kinuha sa bulsa . Isang imbitasyon .

"Saan nang galing ito?"

"Sa kaharian ng Circus kamahalan, pinadala ni King Kendrick . Kaarawan ng kanyang anak na si Prince Clover na gaganap na din bilang hari dapat sa ikalawang linggo makakabalik na kayo yun lang po" napayukod na sabi ng kanangkamay.

Pinabuksan niya muna ako ng pintuan at sinamahan pa sa harapan ng pintuan ng aking kwarto . at matiim na tumingin sa kin.

"Kamahalan. Magiingat po kayo."

Napangiti naman ako sakanya. Alam ko namang maaasahan ko siya kahit wala ako dito anong silbi ng pagiging kanang kamay niya kung hindi niya gagawin ang kanyang tungkulin.

"Sa-sandali lang po kamahalan." naramdaman kong hinawakan niya ang siko ko . Tinignan ko naman ito. "S-Sorry po." binitawan niya naman agad.

"Bakit?" tanong ko sa kanya na malamig na boses.

"Kasama niyo po sa misyon ang iyong mga kaibigan . Sila Headmaster Fatima at sorcerer na si Clarissa. yun lang po kamahalan." Sabi niya na nakayuko padin sa kahihiyan.

Isang misyon ang binigay sakin matapos ang isang taon na nawala kayo. Sana gabayan niyo ko sa anumang mangyayari sakin sa hinaharap. Mom, Dad.

Kinabukasan

Pagkagising ko. Naligo ako agad . Nagpasalamat ako kay uretha kasi siya nadin nagligpit ng mga gamit ko na dadalhin ko sa mahabang misyon nato. Madami-madami din yun hindi ko alam kung kaya ko yun kargahin sa likod ko .-.-

*tok *tok *tok

"Pasok" sabi ko habang nagbibihis kasama sin uretha. pinagbuksan naman agad ni uretha ang tao sa labas

Pumasok ang kanang-kamay ni dad . At may dalang papel.

Yumuko naman agad siya. at sinabi ang mga dapat kong gawin.

"Kamahalan ito po yung mapa ." Binigay niya naman sakin ang nakatuping papel at binuksan ko iyon.

"Salamat" sabi ko . "Ikaw na ang bahala muna sa kaharian" tumango naman siya bilang sagot.

Nakita ko kung nasaan ang pwedeng pagtaguan ng dragon pati na din kung saan naka tago ang espada na lalanguyin ko pa sa ilalim ng tubig para makuha to. Natatakot ako sa mangyayari sakin.

Sinamahan ako ng kanangkamay kung nasaan ang mga kaibigan ko . papunta sa dining room . Tinulungan naman ako ni uretha dalhin mga gamit ko.

Chapitre suivant