webnovel

Chapter 79: Be happy

"Anong ginagawa mo dito??." may gigil at diin itong sinambit ni Aron. Hinablot nya ako sa gilid. Part ng hall na di nadadaanan ng mga nagdadatingang mga bisita. He's wearing tuxedo. In short. For the wedding. Nanginig ako sapagkat hindi ko rin alam bat ako nandito. Basta nalang akong dinala ng mga paa ko rito. Impossible mang isipin ang ganun. Possible nga dahil nga, andito na ako, na dapat ay Hinde. "Kaka naman eh.." nahihirapan nyang sabi. Nangilid ang mababa kong luha nang mahina itong pumadyak. It's a sign na he's so damn disappointed at me. Don't ask me too couz because ako din naman sa sarili ko mismo, dismayado. Ilang ulit kong sinabi kagabi na hinding hindi ako makikinig o manonood ng tv at radyo at malala ang umatend. But. Damn! My heart knows what she wants. Nagpapakamartir ito. Hindi ko gusto ang desisyon nya. Hindi ko kailanman natanto na aabot ako sa sitwasyong magtatalo mismo ang puso't isip ko sa anong gagawin. I feel like. My soul and my mind is two different people. Ang hirap nilang kontrolin. Lalo na ang utusan sila.

Imbes umiyak ako ng tuluyan sa harapan nya. Lalo ko lamang syang nginitian. "Di naman ako manggugulo Aron. Manonood lang ako. Promise." itinaas ko pa ng bahagya ang kanang kamay para mangako sa kanya. Hindi sya makapaniwalang tumingin sakin. "Stop looking at me like that.." pigil ko sa nakakaawa nyang titig. Bumuntong hininga ako. Pinapakawalan ang bumibigat na hangin sa dibdib ko. "You know couz. Sometimes you have to forget how you feel, and remember what you deserve." sambit ko. Nangunot ang kanyang noo. "And that's peace." binigyan ko sya ng naninigurong ngiti. "Gusto kong magpatuloy sa buhay without any regrets Aron. Kung sumuko man ang tanging paraan para makamtam ko ang kalayaan. Susuko ako kahit alam kong, ako ay may laban."

His mouth half open. Then he closed it immediately before giving me a warm hug. "Di ko alam kung ano nang sasabihn sa'yo." tinapik ko ang likod nya para paalalahanan na ayos lang ako. "Lagi mo lang tatandaan. Andito lang ako sa likod mo ha?."

"Haha.. Of course.. Salamat.."

"Nagawa mo pang tumawa. Tsk.." umalis sya sa pagkakayakap sakin at tinaasan ako ng kaliwang kilay.

"Aba dapat lang. Sayang ang gamit kong make-up kapag humagulgol ako dito.." nagpeace sign pa ako dito. Namaywang sya't hinawakan nalang ang batok dahil sa frustration. "Teka. Ikaw lang ba andito?. Nasaan ang iba?." hanap ko kila Jaden. Impossible naman na sya lang ang andito.

"Nasa loob na sila with Lance." paliwanag nya.

"Si Lance?." hindi ako makapaniwala. Kung andito sya. Ibig sabihin, nandito rin bunso nila.

"Hmm.. with Little Bamby and his cousins.."

Anong cousins?. Tanong ko na di naisatinig. Bigla nalang syang nagpaliwanag na para bang alam na ang kanyang trabaho.

"Yes. Tignan mo nga naman ang tadhana Kaka. Related pala sila Lance dun sa Andrea."

How?. I wanted to ask this but I chose to keep silence. "I know you're asking how. Dinig ko lang din. Both their great grandfather's are siblings. Grabe diba?"

Grabe nga!

Ganun ba kaliit ang mundo para sa amin?.

Maya maya ay tumunog ang cellphone nya. Sinagot nya din ito agad. "Yes. I'm coming but you know bro." huminto sya kalaunan. Lumingon din sya sakin. Mukhang nagsalita ang nasa kabilang linya. I wonder who. "She's with me." iyon lang ang sinabi nya't inilihis na ang paningin sa akin. "What!?." kitang kita ko kung paano nya ilayo ang cellphone sa tainga nya. Sumigaw yata yung kausap nya. At ilang segundo lang. Nasa tapat ko na sila. Bryle, Ryan, Winly, Poro, Dennis, Paul, Bryan, Jaden, Lance at si Bamby nga. Ang Tropa. Mga laglag ang panga habang sa akin nakatingin.

Kinawayan ko sila. Maging si Aron ay sakin na rin nakatingin. "What?. May dumi ba ako sa mukha?."

"Girl, hindi ka nagsabi na paparito ka?." Winly walks towards me. Ilang hakbang lang din ang ginawa ni Bamby para makalapit sakin. Silang tatlo na ng pinsan ko ang nasa harapan ko mismo.

"Di rin kayo nagsabi na pupunta." I don't mind kung anong iisipin nila sakin. Basta ang gusto ko lang ngayon. I wanna make sure that Kian is happy, and that made me happy too. That's all. Baka sabihin na mag-eeskandalo ako dito?. No way! Di ako katulad ng kung sino. What's not mine, was never be mine. Di ko ugaling umangkin lalo na kapag hindi para sakin.

"The wedding is going to start. Pumasok na kayo." May babaeng lumapit kay Lance at sinabi ito. Napatingin ito sa aming lahat. Nagtataka. Sino din kaya sya?. Naunang umalis ito at naiwan kami. Kinausap ni Lance ang iba at nauna na ring pumasok. Naiwan kaming lima. Ang magkapatid. Kaming magpinsan. At si Winly.

"Hindi mo kailangang gawin ito girl. Ano ka ba?." hinawakan nito ang braso ko. Wanting me to go home now. Pero hinde. Paninindigan ko ang pagpunta ko rito.

"Tara na sa loob.." iyon lamang ang sinabi ko. Naging tahimik silang apat. Inaaral yata bawat anggulo ko. Naglakad ako para gumalaw sila. "Karen, uwi nalang tayo." Bamby finally spoke. Nginitian ko lang sya bago inilingan.

"Paano ka uuwi e diba pinsan mo yata rin ang ikakasal?." Hindi ko gustong maging tunog sarkastiko kaso kusa atang lumabas iyon sa labi ko. Nakakahiya! Di naman nila kasalanan. Di rin nila alam ang tungkol dito. Bat ka nagagalit sa kanila Karen?. Mag-isip ka nga!

At sa bungad palang ng hall. Hinarangan na kami. Hinahanapan ng imbitasyon. Lance walked beside me. Nang makita palang sya. Binuksan na ang malaki at magarang pintuan. Sa gitna mismo ay may pulang carpet patungo sa harapan kung saan may dalawang upuan na nakaharap sa mesa. Duon ko din natagpuan ang mga taong hinahanap ko. They are both busy listening to what the speaker is saying. Natulala ako sa gara ng paligid. Lahat kumikinang. Nakakababa ng moral. Mukhang ako pa ata ang pupundi ng nakakasilaw nilang kinang. Tsk!. Wag naman sana. Hindi naman iyon ang ipinunta ko dito. Gusto ko lang makasiguro na magiging maayos nga ang lahat sa kanila. Martir! Oo na!. Di ko na ipagkakaila!. Martir na kung ganun. Bakit ba?.

Sa kaliwang bahagi kami dumaan. At sa dulong mesa na rin kami umupo. Kung saan nandito ang Mama ni Bamby. She greeted me with a wide smile pero kalaunan din ay naglaho iyon ng may matanto. "Hija." iyon lang din ang lumabas sa labi nya subalit para iyong gatilyo ng baril dahilan para bigla akong makaramdam ng awa para sa sarili ko. Ngayon ko lang natanto. This is a mistake. Tama nga sila. Di na sana ako nagpunta pa rito.

"You may kiss the bride." anunsyo ng nasa gitna nila. Pareho silang nakatayo at nakaharap din sa isa't isa. And when I saw how his jaw clenched. Duon na pumatak ang mga luha ko. Bat ang sabi ko. Gusto ko silang maging masaya at ako ay maging payapa?. Pero bakit?. Bakit ngayong nakikita ko sya, nadudurog ang puso ko ng pinu-pino? Ano bang nangyayari sa akin?. Yumuko ako para sana itago ang totoong nararamdaman ko subalit huli na ng may humawak sa likod ko. Si Winly. "Let's go." mahina nyang bulong. Nanghihina akong tumayo. Kailangan pa nya akong alalayan para maglakad. But then. Bago pa kami makalabas. Muli akong lumingon sa gawi nila. Duon ko din natagpuan, ang malungkot nyang mga mata. Hula ko. Ilang segundo lang ay, babagsak na ang luha duon. I bit my lower lip nang bigyan ko sya ng ngiti na may kasamang luha.

"Be happy, Kian." bulong ko nalang sa hangin dahil alam ko sa sarili ko na kapag nagsalita pa ako. Baka biglang bumagyo at magkagulo ang lahat.

"Tara na." si Winly pa rin ito. Na kung wala sya siguro sa tabi ko. Baka nahimatay na ako.

Chapitre suivant