webnovel

Chapter 60: A dream?

Lumipas ang Huwebes at Biyernes. Pumasok ako. Wala ni kahit ang anino nya. Hindi sa umaasa ako. Di ko lang mapigilan ang hanapin ang kanyang awra. Iba kasi kapag andyan sya.

Ops Kaka!. Ayan ka na naman. Umayos ka nga!. Nasaktan ka na nga. Manghahabol ka pa ba?. Di ka pa ba natuto?. O sadyang matigas lang yang ulo mo?.

Let me clear things. Oo, nasaktan ako. Sinaktan nya ako at nasasaktan pa hanggang sa matutunan ko sigurong tanggapin ang katotohanan sa harapan ko. Mahirap kasing sabihin na di ako nasasaktan sapagkat nasanay na ako sa presensya. Dagdag pa noong nasa Bataan kami.

Biyernes din ng gabi. Bumyahe kami patungong Norte. Ang sabi ni Papa, sa Vigan daw ang tungo namin. Diretso kaming hotel pagkarating at natulog agad.

Sinanglao, empanada at Balikutsa ang isa sa mga natatandaan kong pangalan sa kinain namin kinaumagahan. Namasyal kami after we ate. We roam around Vigan. Inikot na namin ang buong syudad. Una duon ang Calle Crisologo. Naglakad kami duon at kumuha ng maraming litrato lalo na ako. Abot hanggang tainga ang ngiti ko sapagkat hindi ko inasahan na makakarating ako ngayon sa Vigan. Parang panaginip na totoo. "Pa, nasa Vigan ba talaga tayo?." Papa just laughed at me. Akay nito ako ngayon sa braso habang buhat nya naman si Kim sa kanan. Nasa tabi lang din si Mama.

"Nagustuhan mo ba dito?."

"Ay!. Oo naman po.. Bucket list number 4 check." minuwestra ko pa ang guhit tsek sa hangin para ipakita sa kanya kung gaano ako kasaya ngayon.

"It's all for you anak." Lalo tuloy akong napangiti sa sinabi nya. "I love you Pa. Thank you po." hinalikan ko sya sa pisngi at niyakap. Natatawa lang din si Mama sa tabi habang kinukuhanan kami.

Pagkatapos duon ay sa may Baluarte Zoo at Mini Resort din kami napadpad. Tuwang tuwa itong si Kim sa mga hayop na iba't iba. Dalawang oras lang din kaming naglagi duon bago pumanhik sa Cafe Leona. Nag-order si Mama ng pagkain. Nagpaalam ako para mag-cr.

"Damn it!. Wala ka bang tiwala sa akin ha?." sa dulo kung saan ang entrance ng comfort room ay may dalawang bulto na nagtatalo. Di ko masyadong makita ang mukha nila sapagkat bahagyang madilim ang ilaw na nailagay dito parte.

"Wala. Hanggat hindi tayo kinakasal."

"Psh!. Hindi pa ba sapat sa'yo na umoo ako sa gusto mo?."

"Hinde. Hindi sapat ang lahat simula nang..." napakurap ako. Pawang pamilyar ang kinatatayuan ng lalaki. Humakbang ako papalapit. "simula nang umoo ka sa gusto ko."

Nilampasan ko sila. Dumaan pa nga ako sa gitna nila habang nakayuko. Ayoko sanang tumuloy pa pero malapit nang pumutok tong pantog ko. Diretso akong cubicle. Nagpawakala. Duon lamang gumaan ang pakiramdam ko. "Whoa!. That was so close. Mabuti nalang nakontrol ko pa." kausap ko ang sarili ko ng biglang may tumabi sakin habang naghuhugas ako ng kamay. Kinilabutan agad ako ng makilala ang amoy na iyon. Kung hindi ako nagkakamali, kay Kian ito.

Don't tell me, he's here too?!..

"Hi."

Nawindang ako. Natulala sa kaharap na salamin. He's really here. Standing beside me. Giving me some gaze.

"I miss you."

Para akong tinamaan ng ilang libong boltahe ng kuryente sa narinig. Namanhid ang katawan ko't walang maramdaman kahit ang swelas ng sapatos ko.

Anong ibig nyang sabihin?. Nagbibiro ba sya?. Umoo sya sa gusto ng mga magulang nya?. Bakit nya pa sinasabi ang mga bagay na pareho lang makakasakit sa aming dalawa?.

Are you even sane Kian?. O kagaya lang rin kitang lutang?.

"Ay!." tumili ang mga babaeng nakakita sa kanya sa loob. Sa gandang lalaki ba naman nya?. Susnako!.

Hindi man lang sya natinag. Imbes, mas lalo syang lumapit sakin at hinawakan pa ang magkabila kong balikat upang magkaharap kami. "I didn't mean to hurt you. I'm sorry." anya saka ako niyapos at niyakap ng dahan-dahan.

I'm like statue. Hindi makagalaw o gumalaw. Tulala pa rin ako at hindi makapaniwala sa nakikita ng mata ko. "I miss you so much." huling bulong nya bago pa pumasok ang ibang mga tao. Duon na sya biglang naglaho na parang bula.

Kumurap ako. Panaginip ba iyon o totoo?.

Kailangan ko pang maghilamos para lang matauhan. "Pakisampal nga po ako." biro ko pa sa isang babae na naghuhugas ng kamay. Nagulat ito at tinignan ako ng matagal. "Para kasi akong nakakita ng multo kanina. Gusto ko lang magising." paliwanag ko pa sa babae. Tinignan nya lang ako't inilingan.

"Gutom lang yan Miss." sabi nya pa. Natatawa.

Para akong napahiya roon. Kaya naman nakayuko akong lumabas ng comfort room. Nang nasa mesa na ako. Nakahanda na ang mga pagkain. Ako nalang ang hinihintay nila.

"Okay ka lang anak?." si Mama ito. Sa di ako makapagsalita. Tinanguan ko lamang sya.

Habang kumakain kami'y lihim kong sinipat lahat ng parte ng Cafe. Gusto kong maniguro na di ako namalikmata lamang. Gusto kong kumpirmahin sa sarili ko na, totoo ang nakita ko't hindi lang dala ng gutom.

Hanggat dumating bigla ang waiter at may dala pang pagkain.

"Wala na kaming inorder." giit ni Mama dito.

"Nakalagay po kasi table number nyo ma'am." ani ng lalaki.

"Pero wala akong inorder na ganyan." ani Mama. Medyo tumataas na ang boses. Ipinaliwanag ng waiter na bayad na raw yung pagkain. Umawang ang aming labi sa narinig. We asked kung sinong nagbayad. At ang sabi lang nung lalaki. Bawal raw banggitin.

Si Kian ba?. My inner self keep asking this. Sino naman kasi ang magbibigay ng pagkain namin ng libre?. Kung hinde yung mga taong kilala lang kami.

"Sino kayang nanglibre satin Pa?." si Mama kay Papa.

"Iyon nga ang hinde ko rin alam. Wala naman akong nakita na kakilala natin sa Cafe kanina."

"Kiki." biglang hiyaw ni Kim at may tinuro sa di kalayuan.

Natahimik kami't sinundan nalang ang kamay nya. Iisa lang ang pangalang kayang banggitin ni Kim. Iyong Kiki. At kilala nya rin kung sino sya. Yes. Si Kian po.

"Kiki!. Kiki!." halos tumalon pa iton paalis kay Papa. Tameme kaming lahat ng lumingon ang nakatalikod na lalaki sa isang harap ng nagtitinda ng uumuusok na mais. "Mam-ma. Kiki." tuwang tuwa pa ito habang sinasabi ang pangalan nya.

Ako?. Napapalunok nalang.

Paanong nangyari na nakilala nya ito kahit nakatalikod na?. Ang talas naman ng mata nya.

"Si Kian nga." mahinang bulong nina Mama at Papa. Duon na ako tuluyang nanigas ng kumaway pa ito samin.

It's not just a dream. It's true.

Chapitre suivant