webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 37 )

Nilapitan ni Zachary si mommy at mahigpit nya itong niyakap. Ganoon din si mommy.

" Omyghaaad!! Ang gwapo gwapo mo na Zachie boy!!". Sigaw ni mommy sa kilig ng magkalasan silang dalawa.

Napahawak naman si Zachary sa kanyang ulo sabay kamot, biglang nahiya. Sandali din syang napatitig din kay mommy.

" A-ah.. hehe.. s-salamat po tita..". Pahumble nyang sagot. " A-ah.. mauuna na po pala ako tita. K-kinamusta ko lang naman si Chander..". Dugtong pa nya, sabay baling sa akin at ngumiti.

" Ha?". Sagot ni mommy na nagtataka. Bumaling rin sya sa akin at tiningnan ako ng seryoso.

Ngumiti lang sya kay mommy at saka tuluyan nang lumabas ng kwarto. Nakatingin pa rin sa akin si mommy ng seryoso.

-----

Ilan oras din ang inilagi namin sa ospital, nasa room na ako ni Steve at tahimik na pinagmamasdan sya habang nakaupo sa tabi ng kanyang kama sa bandang inuunan nya. Gising din sya at patuloy nya rin akong tinititigan.

Tahimik.

" M-mamaya uuwi na tayo..". Paunang sabi ko.

" B-babe?". Si Steve.

" Oh?". Maikli kong tugon.

" N-nanumbalik n-na ang mga a-alaala mo?". Utal nyang tanong.

Tumango lang ako.

" So.. s-si kuya? Ba-babalik ka na ba sa kanya?". Malungot nyang tanong.

Hindi ako sumagot, pinakawalan ko ang isang malalim na buntong hininga. Matipid din akong ngumiti.

" Ta-tanggap ko na.. a-alam kong mahal na mahal mo si kuya. Kahit saang anggulo wala akong laban sa kanya. K-kaya ko lang nagawang magsinungaling sayo dahil sobrang mahal din kita. K-kahit sa ayaw kong paraan ng pagkukunwari, g-ginawa ko pa rin para lang makasama kita ng matagal.. kahit sa maikling panahon lang din. Nabigo man akong hindi mo ako nagustuhan, atleast naging masaya akong nakasama kita. A-ayos lang Chander.. ayos lang.. hindi ako magtatamin ng galit sayo kung kamumuhian mo man ako, hindi rin ako lalayo.. masaya ako at bumalik ka na sa dati. Makakasama mo na rin si kuya..". Sambit ni Steve.

Tinitigan ko sya, bakas sa kanyang mata ang pagkabigo at pagkadismaya. Naawa ako sa kalagayan nya, nagsakripisyo rin sya para sa akin.

Nagsalita rin ako agad.

" Natatandaan mo pa ba kung saan tayo lagi tumatambay noon? G-gusto ko sanang pumunta tayo doon nang tayong dalawa lang, namiss kong humiga sa damuhan kasama ka..". Ngumiti ako. " H-hindi porket nanumbalik na ang alaala ko? Ganoon nalang kadali sa 'kin ang talikuran ka? W-walang nagbago sa akin Steve! A-ako pa rin ito si Chander.. nagsinungaling ka man sa 'kin noon.. pero hindi ko iyon gagawing dahilan para talikuran ka, natutuwa pa nga ako eh! Saka masaya akong kasama kita bakit ba?". Dugtong ko pa.

Sandali kaming natahimik na dalawa. Tinitigan namin ang isat isa. Hinaplos ko ang kanyang buhok at hinawi hawi ito. Doon ko na rin nakita ang pagpatak ng kanyang mga luha. Sa tanang buhay ko na magkasama kami, doon ko lang sya nakitang umiyak nang ganoon. Napahagulgol na rin sya dala nang subconcious nya. Ineexpect nya sigurong kamumuhian ko sya pagkatapos nang pagsisinungaling nya sa akin. Habang umiiyak sya, hindi ako nagdalawang isip na yakapin sya nang mahigpit. Yumakap na rin sya sa akin.

" Ch-chander..". Sambit nya habang humahagulgol pa rin sa iyak.

" W-wag ka nang umiyak tol.. lahat naman may dahilan diba? Ito? Itong pagkakabalik ng alaala ko? Hindi ko rin naman ito ginusto.. masyado nga lang napaaga haha! P-pero, syempre hindi naman natin iyon maiiwasan eh! S-sadyang napakamisteryoso lang talaga ng buhay! H-hindi mo alam ang mga mangyayari sa kinabukasan, ang mga muling manununbalik? Aaminin ko tol, dahil sa pagsisinungaling mo? Nagkaroon din ako ng kaunting galit para sayo. Pero hindi ko iyon gagawing dahilan para kamuhian ka, sino ba ako? Tao lang tayo at nagkakamali.. n-nagmamahal?". Napaisip ako sa sinabi noong nag usap kami sa gubat. " A-ang sabi mo noon diba, walang pinipiling kasarian ang pag-ibig? Iba ang hiwaga ng pag-ibig, walang pinipili. Hindi mo pwedeng pigilan. Hindi ka pwedeng tumakas sa isang desisyon na puso mo mismo ang nagdikta..". Sandali din akong natahimik at nayuko, nangingilid narin ang aking mata. " Narealize ko lang na mahirap pala? Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon.. sa sitwasyon, bakit ito pa? B-bakit ngayon pa? N-ngayon pa kung kelan..". Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin. Natahimik ulit ako.

Agad naman kumalas sa pagkakayakap si Steve.

" A-anong ibig mong sa-sabihin? A-anong kung kelan pa?". Mahina pero mabilis ang pagtatanong nya sakin.

Hindi ako sumagot, nakatitig lang ako sa kanya. Sa sitwasyong iyon ay mas lalo pang tumaas ang aking tensyon, hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi.

" A-anong ibig mong sabihin Chander?". Muli nyang pagtatanong.

Hindi pa rin ako sumagot. Tuluyan na rin tumulo ang aking luha na kanina pa nangingilid sa aking mata.

" Da-dahil ba? D-dahil mahal mo na rin ba ako?". Mariing tanong nya.

Hindi parin ako makapagsalita sa sitwasyon. Napanganga na nalang ako, pailing iling. Lalo rin lumakas ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata habang nakatitig parin sa kanya. Tahimik lang. Hindi ko maisagot ang oo sa kanya dahil sa bumabagabag sa akin. Napahagulgol ulit si Steve sa akin habang nagtatanong.

" Cha-chander please?". Pakiusap nya.

Muli ko syang niyakap ng mahigpit.

Ilan segundo rin bago ako nagsalita. " P-patawarin mo 'ko S-steve.. m-mahal k-kita.. mahal kita.. P-pero sa kabilang b-banda, h-hindi ko kayang p-panindigan ang nararamdaman ko para s-sayo d-dahil natatakot ako.. at si Z-zachary..". Tugon ko habang humahagulgol.

Itutuloy...

Chapitre suivant