"Putanginang 'to! Pagkatapos mapagod ng bunganga ko kakakwento di naman pala nakikinig!". Ang sabi ko sa sarili.
Bubulyawan ko pa sana sya paglapit ko, pero natawa nalang ako sa posisyon nya. Nakabaluktot kasi sya, akala mo batang nilamig na inagawan ng kumot.
Umupo ako sa kanyang tabi, tatapikin ko sana sya pero nang nahipo ko ang kanyang braso ay napaka init nito. Hinipo ko rin sya sa bandang leeg at doon ko napagtanto na nilalagnat sya. Nataranta akong bigla.
" Tol! Tol!". Tapik ko sa kanya para gumising.
" Uhhmmm..". Umiling lang sya.
" Tara na! Umuwi na tayo! Bawal dyan matulog!".
Bumangon din sya sa pagkakahiga sabay umupo. " Ano nangyari?". Painosenteng tanong nya.
" Umuwi na tayo tanga! Baka lumala yan may lagnat ka!..". Sagot ko.
Nilisan na namin ang lugar na iyon.
-----
" Inumin mo nalang ito..". Pag abot ko sa kanya ng isang gamot at baso ng tubig.
" Ano iyan?". Pakunwari nyang di pa alam.
" Lason yan tol! Papatayin kita kapag nagtanga tangahan ka pa! Hays!". Mahina kong bulyaw sa kanya.
Napangiti sya, kinuha sa kamay ko ang gamot at tubig. Inaninag pa talaga ang gamot at binasa ang label na nakasulat dito.
" Aspillet? Gagaling ba talaga ako dito?".
" Pag hindi ka gumaling.. kumpirmadong sinto sinto ka nga!". Biro ko.
" Pambata ito eh! Sigurado ka ba dito?". Giit nya.
" A-ano? Akin na nga!!". Bulyaw ko sabay bawi ng inabot ko sa kanyang gamot. " E-eh? Tangina oo nga?". Tumayo ako agad saka lumabas, bumalik ako sa hallway kung saan naka stall ang 1st aid kit upang palitan ng pang adult na gamot ngunit wala. Vitamin C, fever plaster, loperamide, bandage at kung ano anong paraphernhalia lang ang nandoon. " Pang senior high yung boarding house pero pambata yung first aid kit puta!". Sambit ko sa sarili.
Naisipan kong lumabas nalang at tumungo sa tindahan para bumili. Bumili na rin ako ng lugaw para kahit paano ay malamnan ang tiyan ni baliw. Baka matuluyan eh! Haha joke lang! Nagtungo pa ako sa lugawan nyemas! Pagbalik ko ng boarding house, inihanda ko na rin agad ito.
" Ang sweet mo naman babe? Nakakatouch..". Biro nya.
Medyo nainis ako sa kanyang sinabi.
" Kakain ka ba o ipapaligo ko 'to sa iyo?". Inis kong sagot habang iniaabot sa kanya ang lugaw na nakalagay sa mangkok.
Ngumiti sya sa akin. " Di mo manlang ba ako susubuan?". Sambit nya.
" Ah?". Umupo ako sa kanyang tabi sa kanyang kama at inilapit ang bibig sa kanyang tenga sabay bumulong. " Tol? Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa kumain, malilintikan sa akin.. isa.. dalawa..". Pabigkas na sana ang pangatlong bilang ay sya naman subo ni Steve sa lugaw. Takot din pala ang gago. Ang totoo it's a prank!.
" Awwooooo ang iniiit!". Hapo nya sa kanyang bibig.
" Oshit? Oh heto tol!". Inabot ko agad ang tubig sa kanya.
Tuwang tuwa sya sa iniabot kong tubig. Abot tengang ngiti ang nakita ko sa kanyang mga labi. Napatitig ako sa kanya. Bigla na naman akong nakaramdam ng guilt. Sa kabila ng pinapakitang ugali ko ay parang wala lang ito sa kanya, bagkus nginingitian at tinatawanan lang nya ito. Narealize ko tuloy ang mga sinabi nya kanina tungkol sa problema. Nararamdam kong mabigat ang mga problema nya pero idinadaan nya lang ito sa pagngiti at pagtawa. Parehas lang kami dahil ganoon din ako.
Nanatili ako sa pagtitig sa kanya sa ganoong posisyon. Aaminin kong humanga ako ng kaunti kay Steve. Ang cute nya sa ganoong style, tapos titingin sa akin at ngingiti. Ang sarap lang sa feeling, naantig tuloy ako bigla.
" Tapos na..". Nakangiting sabi nya.
" Akin na ang plato mo!". Utos ko.
Mabilis nyang iniabot sa akin ang kanyang pinagkainan. Pinainom ko na rin sa kanya ang gamot. Sa pagkakataon iyon ay ako na ang nagkusang humawak ng tubig. Kinilig naman si bugok.
" S-salamat..". Ang narinig ko sa kanya.
" Wait lang tol! Isasauli ko lang ito sa baba..". Dali dali akong bumaba dala ang kobyertos na aking hiniram.
Pagbalik ko:
" Wag ka na muna pumasok bukas tol! Mahirap na.. ayaw ko rin mag alaga ng baliw baka mahawa ako! Mas mabuting magpahinga ka nalang muna..". Sarkastikong biro ko.
" E-eh? Hindi naman siguro malalang sakit ang pagkakaroon ng lagnat diba? Papasok ako, ayokong maghanap ka ng iba mahirap na..". Biro nya rin sabay tawa.
" Wag na tol! Wag ka rin mag alala sa mga iniisip mo! Since nalaman ko naman sayo na sobrang matindi pala ang pangungulila mo sa kasintahan mo noon kuno? Pwede mo akong maging kaibigan.. pero hanggang doon nalang!". Saad ko.
Isang matipid na ngiti ang sinukli nya sa akin, pagkatapos ay bumuntong hininga.
" Magkwento ka naman nang buhay mo?". Pakausap nya.
" Magkwento? Ano ka? Kanina lang nagkwento ako, anong ginawa mo? Tinulugan mo ako diba?". Medyo malakas kong sagot.
Natawa lang sya. " Sige payakap nalang ulit?".
" Ah? S-so gusto mo ba akong mahawa sayo? Pag nahawa ako? Hindi ako makakapasok, hindi ko malalaman ang lessons bukas o sabay tayong aabsent mamili ka?". Sagot ko.
" Iisa lang iyon!.. hindi ako papasok, hindi ka papasok, aabsent tayong dalawa.. hahaha!!". Si Steve sabay tawa ng malakas.
Napaisip pa ako sa sinabi ko. Minsan talaga di ko na pinag iisipan ang mga sasabihin basta kung ano lang ang itype ng author ay iyon na din ang aking sasabihin. Ako din kasi ito haha!.
Tawanan.
Sa buong maghapon at gabi, kwentuhan lang ginawa namin ni Steve. Iyon na rin ang simula na pagiging malapit ko sa kanya. Di Naman talaga ako ganoon ka harsh sa tao. Sa part ni Steve? Masyado syang wild sa una, makapal mukha, walang hiya, hindi nahihiya kahit saan. May part din sa buhay na may matututunan ka sa kanya, matured sya mag isip kumbaga. Pero hindi pa rin mawawala talaga na bulyawan, sigawan, at asarin ko sya. Sanay naman daw sya sa akin noon pa. Ang weird?.
-----
Kinabukasan, nawala na rin ang lagnat ni Steve dahil sa pag aalaga ko sa kanya. Sabay kaming pumasok sa eskwelahan. Habang binabagtas namin ang daan patungong school, kwentuhan at alaskahan lang kami. Syempre mas malakas akong mang alaska kesa sa kanya, may time syang seryoso kung magsalita. Nariyan din yung mabibitaw na naman sya ng isang palaisipan na hindi ko naiintindihan, mga pananaw na sya lang nakakaalam. Hinahayaan ko lang ito, oo na lang din ang sagot ko. Tapos tawanan sa bandang huli.
Sa room:
" Hey! Hey!?". Ani ni Renz nang makita kami ni Steve na magkasabay pumasok. Nakaakbay pa sa akin si Steve non.
" Hey! Hey ka din!". Sagot ko sabay tawa.
" Gago! Anong nakain mo ngayon Chander? Mukhang may kakaiba ha?!". Sarkastikong tanong nya habang tinititigan kaming dalawa ni Steve.
" Nakain? Ah! Yung libre sa boarding house tol! Kanin at saka gulay na walang lasa. In short pagkaing preso!". Pagpipilosopo kong sagot.
" Loko loko! Ayan oh? Anong ibig sabihin nyan?". Turo nya kay Steve na nakaakbay pa rin sa akin. Madami rin nakiososyong kaklase namin kasama na si Kyla na himalang pumasok ng maaga.
" Sya ba?". Turo ko kay Steve. Agad kong kinalas ang kamay ni Steve sa pagkakaakbay, pagkatapos ay itinulak ko naman sya papunta kay Renz. " Oh edi ikaw naman, tanginang to inggitero!!". Dugtong ko.
Tawanan lahat.
" Babe? Bakit mo ako itinulak?". Sabat ni Steve.
" Eh gusto ka daw nya, a-ayaw mo ba?". Giit ko.
Agad na bumalik sa tabi ko si Steve. Inilapit ang kanyang mukha sa aking tenga, halos madikit na ang kanyang labi at muntikan na akong makiliti. " Ayoko eh! May mahal na ako..". Bulong nya.
" Di bale nalang!!". Ang sabi ni Renz.
Itutuloy...