webnovel

Valentine's Day

Title of the Story: Valentine's Day

Published Date: Feb 14 2021

Author: @AsteriaLuns

Nakarinig ako ng isang malakas na ingay galing dito sa loob ng kwarto at yun pala ang alarm ko. Oras na pala! Oras na para umamin ako sakaniya.

Dumeretso ko sa C.R naligo. Agad ako tumakbo papunta sa mga damitan ko. Taena naman! Di ko pala alam sosootin kong damit para sa date na niplano ko para samin ni Reya!

Bumaba ako ng hagdan nakita sila mommy naghahain na.

"oh anak bat bihis na bihis ka? Maikipag date ka? At kanino naman? Diba sinabi ko sayo na--" -Mommy

Lumapit ako rito then i kiss her right cheek then i smiles at her.

"mom, yayayain ko makipag date si Reya" sabi kong nakangiti.

"totoo ba anak? Diba bestfriend mo yun. May gusto ka sakaniya??"

"opo, aamin ako sakaniya mamaya mom. So cheer me HAHAHA" sabi ko

"aba oo naman, alam mong botong boto ko jan sa bestfriend mo na yan eh. Napakabait na bata. Ang swerte ng magulang niya sakaniya"

"oo naman po mom"

"oh kain muna bago mamanhikan. Robert!! Halina't kumain na tayo bka lumamig ang inihain ko" sigaw ni mom kay dad.

I'm Felix Mercardo, 17 y/o. Same age with my bestfriend Reya Anne. 7 years ko nsiyang bestfriend. 3 years ko na siyang nagugustuhan at siguro eto na ang perfect time para umamin rito na gusto ko siya.

Naalala ko noon i asked her.

"Reya, what if i want to court you, what would you do?"

"it's fine for me. But isipin mo muna consequence bago mo ko ligawan, Felix."

"oo naman"

-------------------------------------------------

"tao po! Tita Nelly? Reya??" katok at tawag ko sa harap ng bahay nila Reya.

"oh iho andito ka pala. Naliligo pa si Reya tawagin ko ba?" sabi ni Tita.

"ayy huwag na po tita. Pakisabi na lag po na punta na lang siya sa paborito naming lugar ililibre ko po pakisabi salamat po"

"oh siya sege iho mag iingat kayo huh"

"opo naman Tita" sabay ngiti at umalis na din ako.

Kinuha ko muna ang inorder kong bulaklak at chocolates na paborito ni Reya alam kong magugustuhan niya to.

Naghintay ako ng isang oras dito sa tagpuan namin at hanggang ngayon wala pa din siya.

Napagpasyahan kong tawagan si Reya.

"nasan ka na Reya?" sabi ko sa tawag.

"papunta na wait lang bes" sabi nito

Agad ko ng ibinaba. At naghintay ng ilang minuto rito. Nakita ko siya, ang lawak ng ngiti ko. Lumapit ito sakin at nagyakapan kaming dalawa.

"hi bes, anong meron?" agad nitong sinabi

"Reya, gusto kong sabihin yung totoo" sabi ko kaya napakunot noo siya.

"ano? Anong totoo bes?"

"Reya, naalala mo pa ba noong nagtanong ako sayo kung liligawan kita anong gagawin mo. That they natatakot akong umamin sayo. And that day, gusto na kita non noon pa. 3 years, 3 years akong naghintay para lumakas loob kong umamin sayo na gusto kita Reya. Mahal kita Reya. Not as your bestfriend. Reya, i love you i want youto be my girlfriend. So please hayaan mo kong ligawan kita" lumuhod ako rito habang hawak ang pasalubong ko sakaniya na nakalahad ito.

"bes, este Felix sorry" sabi nito kya nagtataka ako.

"bakit?"

"Karl and I back together. Nagkabalikan kami ni Karl, Bes! Ayun sana sasabihin ko sayo pero hindi ko inasahan sasabihin mo sakin yan sorry bes"

"pero diba niloko ka niyang hayup na lalaking yan! Tapos babalikan mo pa? Akala ko ba titigil ka na sa lalaking yun?! Papano na ko Reya? Hindi mo ba ko minahal? Akala ko ba mahal mo ko diba sinasabi mo yun?"

"Felix, i love you as my bestfrend and brother only. Sorry bes. Hindi ko sinasadya. Mahal ko pa din si Karl." agad tong umalis sa harapan ko. Tumakbo papunta sa isang lalaking kanina pa nakatayo at nakatingin saamin. Si Karl yun.

Nagkamali pala ko, totoo nga sinabi niya nung nagtanong ako sakaniya. Dapat kong harapin at iaksep yung totoo. Para kanino ba ko? Siya lang minahal ko ng ganito.

Pagkuwi ko sa bahay ay balisang balisa ako. Mom ask me pero tameme lang ako.

"Felix? Aong nangyare? Sumipot ba si Reya?" mom ask me. Excited si mom pero nanigo ko din siya pati puso ko. Akala ko siya na babaeng para saakin pero hindi pala.

"mom, i'm sorry. Reya and Karl is now on relationship again." nakita ko lumungkot mga mata ni mommy.

"ganon ba anak, ayos lang yun. Hindi mo naman kasalanan na balikan ni Reya yung lalaking ng gag* sakaniya. Intindihin mo nalangat makakahanap ka din ng iba"

"mom salamat pero papahinga muna ko" agad itong tumayo sa higaan ko at umalis sinarado ang pintuan.

Umupo ako sa higaan at pinaghahagis ang mga gamit na nasa table ko. Kinuha ko ang cellphone ko. At tinext si Reya.

'bes, sorry kanina napaamin ako sa maling panahon at oras. Sana maging maayos ka lang hawak ka na naman ng lalaking yan. Mag iingat ka. Sana ako na lang bes pero ayos lang wag kang mag alala sakin. Makakamove on din ako. Mahal na mahal kita as my bestfriend as always bes. Kapag pinaiyak ka niyan uli pwedeng ako naman pagbigyan mo ng chance HAHAHA dejuk lang bes. Segna HAPPY VALENTINE'S DAY bes💕'

END OF STORY

Chapitre suivant