"I Lied, I'm Dying Inside"
Genre: Sad Story
Date Published: July 05 2020
"Mary Rose? come in" sabi ng isang nurse, kinakabahan ako.
"hello po doc"
"oh hello, musta na pakiramdam mo Mary Rose?" tanong ni doc sakin..
"maayos naman po per may halong kaba sa resulta" sabi ko, tumango naman ito. Nilabas niya ang isang brown envelope kinuha ang isang lamang papel sa loob nito.
"basahin ko na ba o ikaw ang magbabasa?" tanong nito sakin.
"ikaw na po doc" sabi ko.
Nasa Jose Hospital ako, kakatapos ko lang magpa-check up nung last week, at ngayon na malalaman ang resulta ng aking pag check up. Wala akong sinabihan na iba tungkol sa pagpunta ko rito sa hospital. Wala kong kasama.
Nakita kong napasinghap si Doc, mas lalo ata akong kinabahan ah.
"mayroon kang sakit sa puso, meroon ding UTI, ay may hika ka. Mary Rose, kinakailangan mong bumili ng gamot para medyo maagapan ang iyong mga sakit. lumulubha ang sakit mo sa puso dahil mabagal ang pagtibok ng puso mo at sa ini-scan natin duon sa X-ray mo ay may butas ang iyong puso." sabi nito. Napaluha ako sa sakit, sabi na nga ba at may sakit ako eh. hindi lang basta pagi inarte ang pinagsasabi ko, at sinasarili ko.
--------------------------------------------------------
"good morning" bati ko sakanila.
"oh ang aga mo ata, san ka naman nanggaling?" tanong ng step father ko.
"may pinuntahan lang, kaibigan ko" sabi ko.
Umakyat ako sa taas at pumasok sa kwarto ko para makapag pahinga ngunit kabalaiktaran dahil umiiyak ako ngayon imbes na makapag pahinga. Iniisip ko kung san ako kukuha ng pera pambili ng medicines ko.
Wala naman akong iba pang matatakbuhan dahil alam kong sasbihin lang nila ang sakit ko sa pamilya ko. Ayokong dumagdag pa sa gastusin nila sa bahay at pampa gamot ni mama. Oo, may sakit ang aming ina. Wala ding trabaho ang step father ko. Napaka wala din naman siyang kwentang tao. Umaasa lang din naman yun kay mama. Si mama lang ang nagta trabaho para sa pamilyang ito.
Hindi ko alam kung anong dapat gawin, ayaw din naman akong pag trabahuin ni mama.
-------------------------------------------------------
"Mary!! bumaba ka nga dito, andito ang bisita mo" einig kong sabi ni mama.
agad akong bumaba para malaman kung sino ang bisita ko, nang mapagtanto na ang dalawa kong kaibigan at kasama ang isa kong ex na si Tristan. Anong ginagawa niya rito.
"bakit kayo nandito?" tanong ko, pinaakyat ko naman sila kaagad at pinaupo sa may kama ko.
"wala lang, nagpasama lang ako sa mga kaibigan mo" sabi ni Tristan.
"musta ka na?" tanong ni Tristan, tahimik ang dalawa kong kaibigan.
"Well, im just doing fine." sabi ko (I'm dying inside).
"good to know, para sayo nga pala ito. alis na ko, bye sainyo Tana and Sam" pagpapaalam nito. Magsasalita na ko ng makaalis na siya dito sa kwarto ko
"alis na din kami, kinakamusta ka lang namin and halata namang okay ka naman." sabi ni Tana
"siya nga pala, alis tayo sa linggo. Simba tas puntang mall" sabi naman ni Sam.
"sure, sege na bye baka maabutan pa kayo ng ulan" sabi ko. at umalis na nga ang dalawa.
Hindi ko masabi ang totoo sakanila dahil ayokong maga alala sila sakin. Natatakot akong umamin, kinakabahan ako sa anu man mangyare. I keep on silent, pero kapag nasa school ay tahimik lang ako.
--------------------------------------------------------
"umuwi ka muna sa bahay at magdala ka ng damit ng mama mo" utos sakin ng step father ko.
agad ko namang sinunod iyon, nasa hospital sila dahil inaataki na naman daw ng sakit si mama. Baka daw ay lumala ang sakit nito. Pero hanggang ngayon hindi pa din nila sinasabi sakin kung ano yung sakit ni mama. Ginagawa nila akong tanga, pero napag isip isip ko na ganon din pala ang ginagawa ko ngayon na itinatago ang sakit ko sakanila.
Nandito na ako sa bahay, at buti na lang ang mga tito at tita ay nanditoara bantayan ang mga kapatid ko. Habang naga ayos ng gamit, inilalagay ko ang mga damit na kinakailangan dalhin sa hospital para kay mama.
Naramdaman kong hinihingal ako kahit mabagal akong kumikilos, nanlalambot ang katawan ko, ang mga kamayat tuhod at paa ko. Nang maramdaman kong nandidilim ang aking mga mata...
-------------------------------------------------------
Tristan POV
Tumawag saakin ang pinsan ni Mary Rose, sinabi sakin na nag collapse daw si Rose. Kaya agad akong pumunta sa hospital nagtanong tanong ako sa mga nurse at doctors. Pero iisa lang ang kanilang sagot na nandun daw si Rose ss- sa morge!
"hindi niyo alam ang kalagayan ng inyong anak?" tanong ng isang doctor na nakatayo sa harapan ng morge duon sa harapan din ng magulang ni Rose. Agad akong lumapit sakanila at naparingin sila saakin.
"ano po bang nangyare kay Rose?! bakit namatay siya!" naluluhang sabi ko. Tang*na ko talaga! dapat hindi ako nakipag break sakaniya 1 year and 6 months ago! shit!
"malubha ang sakit ni Mary Rose, pumunta siya saakin ng walang kasama." sabi ng doctor. bakit? bakit hindi mo man lang sinasabi sakin o sa mga kaibigan mo! bakit kailangan mong mang iwan ng hindi namin alam!!
Nalaman kong may sakit si Rose sa puso at may butas ito, may hika at uti! Kaya ako bakipag break sakaniya noon dahil akala ko mamamatay ako sa pagpapaopera, buti na lang ay nakaligtas ako sa surgery. Pero siya naman ngayon! Kinuha sakin ang taong mahal ko!
Mahal kita! noong mga oras na nakipag break ako sayo ay sobrang nasaktan ako dahil mahal kita! minamahal pa din kita hanggang ngayon! sorry, babe! im really sorry! for gurting you a lot! i love you and i will miss you. At sa ngayon ay pwede ka ng magpahinga, Babe! hanggang sa muli magkikita tayo sa aking panaginip araw araw! at ikaw pa din ang mamahalin ko hanggang magpakailan man!
---------------------------------
-Acc's-
Wattpad/Fb Page/ Discord: AsteriaLuns