webnovel

Hindi Tayo Pwede (Chapt 1)

ZEINYX CULLEN POV

"Gusto ko ng ice cream, Babi!" sabi ko sakaniya. "Ako din gusto kita" pabulong na pagkakasabi niya nagkunwari na lang akong walang narinig kaya nagpaka busy na lang ako sa kakatingin sa harapan ko ng punong puno ng mga ice cream.

"san tayo pupunta ngayon? uuwi na ba tayo?" habang kumakain ng ice cream, at nakatingin lamang sa daan hindi ako mapakali sa sinabi niya kanina. Totoo kayang may gusto siya sakin? Hayst sana nga meron, aish! naman, sira ka ba Zein? pinagsasabi mong 'sana nga meron' ka jan huh?! Mag best friend kayo ni Light.

"uuwi na tayo tas magpahinga ka na, alam kong pagod ka pareho tayong galing sa trabaho" sabi nito saakin kaya tumango lang ako ng di tumitingin sakaniya. Ang totoo gusto ko si Light i have a feelings for him pero 'Hindi kami pwede' nasasayangan kasi ako sa friendship na mayroon kami, matagal ko ng gustong aminin sakaniya pero natatskluban ng kaba at takot at hiyang. Natatakot ako na baka wala talaga siyang feelings sakin. Kinakabahan ako sa sasabihin niya kapag umamin ako. Nanghihinayang talaga ako sa friendship na mayroon kami kapag umamin ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya mas maganda na lamang tumikom ang bibig ko kesa sabihin ko sakaniya ang totoong nararamdaman ko para kay Babi. Babi ang tawagan naming dalawa, Sweet siya sakin. Para kaming couple kung tignan kasi lahat ng bagay ay suportado ng isa't isa. Lahat ng bagay gusto namin pareho. Pero lagi namang may pagkaka iba kami eh lalo na yung feelings namin sa isa't isa. Ayokong umasa na may nararamdaman siya sakin at tanungin niya ko. Ayoko umabot sa puntong ganon nanghihinayang ako sa lahat.

May condo unit kami ni Babi, dalawa ang kwarto kaya tag-isa kami. Ang kwartong pinili ko ay may C.R sa loob. Sakaniya kasi wala eh sa may kusina ang C.R pang isa. Kaming dalawa lang ang nakarito rito sa unit na toh. pareho naming binabayaran ang bill ng condo. Binili ni Light to para samin. 6 year's na kaming mag best friend. Since High School days pa, lagi niya kong pinagtatanggol sa lahat ng umaapi sakin noon.

*MAKALIPAS NG ILANG ARAW*

"Babi, tara sa mall" aya ko sakaniya. "tsaka na, Babi may gagawin pa ko" sabay tayo niya at kinuha ang cp at umalis ng condo. Anong problema nun? Lagi na lang siyang ganyan, hindi na niya ko pinapansin. Para bang iniiwasan niya ko sinubukan ko siyang kausapin pero lagi na lang siyang tumatanggi. nagulat ako biglang may tumawag sa cellphone ko agad kong tinignan.

answer the call*

"hello zeinyx! game ka ba sa club? libre ko na sis bukas ng 8 pm, send ko na lang sayo yung loc sis" sabi nito, bumuntong hininga ako bago magsalita. "sege, libre mo huh hahaha G ako jan!" hindi ako napipilitan sa sinabi ko gusto kong uminom kasama sila. Agad kong ibinaba ang call. Matutulog na lang ako ng maaga dahil may pasok pa ko bukas.

Napamulat ako ng marinig ko ang alarm clock ko. Agad akong lumingon rito at oras na para mag asikaso ng sarili, agad akong dumeretso sa banyo para maligo. Pagkalabas ko ay agad akong naghanap ng masosoot sa walk-in closeth ko.

"Good morning Ms. Cullen, Your mother is waiting for you at the office" bungad sakin ng secretary ko.

"okay, by the way. Prepare my breakfast" tumango ito, agad akong naglakad papunta sa office ko. Isa akong CEO ng isang malaking company ng fashion designer. Sakin ipinagkatiwala ng magulang ko ang position na ito. May dalawa akong kapatid, pangalawa ako sa tatlong magkakapatid. I have older brother and younger sister. Ang older brother kong si Crixus ay PILOT, ayaw niya sa mga ganitong trabaho kaya nagpurgisi siya bilang piloto. ang younger sister namin ay susunod na mamahala na dapat ay para kayo kuya. Pero tulad ko ay dapat tumongtong muna sa pinakamababa bago sa pinakamataas. Siya ang mag mamay-ari ng Dalawang pinakamalaking mall sa America and Spain. Traveler ang gusto ng batang yon pero ngayon ay dapat magtapos muna siya sa paga aral.

"Hello iha" yakap niya sakin at halik saaking pisnge. Medyo kulubot na ang kaniyang balat pero maganda pa din ang kutis at ang mukha niya. Blonde ang buhok at matangkad din sakaniya kami nagmana ng katangkaran kaya lahat kami ay matatangkad. Wala na din kaming tatay. Si mommy lang ang nagtaguyod samin. Namatay si daddy noong baby pa ang younger sister namin. "Hi mommy, what's bring you here?" tanong ko sakaniya.

"gusto kong bantayan mo ang galawan ng kalaban ng kompanya anak sinasabi ko sayo ang dami mong makakalaban sa fashion designer na yan" ayan na naman siya, lagi na lang niya sinasabi sakin yan kahit lagi naman kaming nanalo kapag minomodel na ang mga damit na dinisign ko. Nag usap lang kami about sa fashion na yun at agad namang may kumatok ang secretary ko. inilapag niya sa desk ko ang food ko for today. Agad namang nag paalam si mommy na uuwi na siya. agad kong pinatawag ang secretary ko.

"Yes po Ms. Cullen?" -secretary

"i-cancel mo ang meeting ko mga 7 pm may pupuntahan ako at baka hindi ako makapasok bukas kaya i-cancel mo din ang meetings ko bukas okay?" bilin ko sakaniya. sabay tingin nito sa orasan. "yes po Ms. Cullen, ang last meeting niyo po ay kasama si Mr. Light" sabi nito. It's already 5 pm alam kong 6 pm pa matatapos ang meeting kaya sinabihan ko na siyang umpisahan na ang meeting.

pumasok ako sa meeting room nanduon na ang iba. nilibot ko ang tingin siya na lang ang kulang. Bumuntong hininga ako dahil sa sobrang bagal mag umpisa ng meeting pero kaagad kong pinatuloy ang meeting habang wala siya.

May pumasok na matipunong lalaki kaya napatigil sa pagdi discuss si Mrs. Reyes. Agad akong napataas ng tingin rito at ng kilay.

"Im sorry, Ms. Cullen im late" sabi nito. "you may seat down" sabi ko.

Pinag usapan lang namin ang partnership ng bawat companya tungkol sa design na mayroong papalitan sa iilang plan. Agad akong napatingin sa orasan. It's already 7 pm. Gosh 8 ng gabi ang sabi ni Carah. "Okay let's finish this meeting, next time na lang natin ituloy ang pagdi discuss sa iilang need ng changes for our plans" sabi ko kaya agad akong tumayo palabas. sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho na papuntang condo unit. Pagkababa ko ay agad akong nagmadaling umakyat papuntang room. Agad akong naghanap ng masosoot ko. Nagsuot ako ng 'maong na short na highwaist (sky blue) at crop top sleeveless (peach) and sandals (black)'. Pagpasok ko sa loob ng club ay ang daming tao.

"hey Zeinyx here!!" rinig kong tawag sakin. kaya napalingon ako at pumunta kung saan sila naka pwesto.

"so wazzap girls?" hiyaw kong bati sakanila, i miss them sobra dahil busy kaming lahat sa work. "were fine yah know" sabi ni Lisa. Nagkwentuhan lang kami at nag inuman. may mga boys na nagsisilapitan sa pwesto namin at laging umuupo sa tabi ko pero di ko na lang pinapansin. Sinasabi ko na lang na may boyfriend ako. Nahihilo na ko ilang oras na ba kong nakikipag inuman?

"kailangan mo ng umuwi Zein, huyy" yugyog sakin ng kaibigan ko. "tatawagan mo na lang kasi si Light para ihatid to" sabi ni Lisa. magsasalita ako dapat pero di ko magawa sa sobrang sakit ng ulo ko dahil hilo na ko. Naka idlip ako ng hnd ko namamalayan, maya maya ay may naramdaman akong may humawak sa balikat ko at napadilat na lang ako bigla ng maramdaman kong gumagalaw ako. Nakita kong nasa familiar na kotse ako. Tumingin ako sa taong katabi ko na nagko control ng kotse. Si Light yun hindi ko man makita ng malinaw pero alam kong siya talaga yun. Buti na lang at diya kaya napagdesisyonan kong matulog na lang sa biyahe.

nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Magu umaga na ng magising ako. Nakita kong naka upo si Light sa may sofa ng kwarto ko. Na nakatingin saakin. "Anong ginagawa mo jan?" tanong ko sakaniya. "wala lang bakit? masama bang umupo dito habang nakatingin sa natutulog?" tumawa toh ng mahina. "Babi? pwede mo ba kong samahan at tabihan dito?" tanong ko sakaniya, halatang naga alinglangan siya sa sinabi ko pero tumayo ito at lumapit saakin at humiga. Humiga ako sa may dibdib niya habang ang kamay niya ay nasa buhok ko. "may gusto kong sabihin sayo, seryosohin mo ang sasabihin ko hindi porket im drank lasing na kaagad ako, i mean totoo ang sasabihin ko sayo kaya makinig ka Babi" sabi ko sakaniya kaya tumango siya sakin.

"alam mo last last month ko lang napansin sa sarili kong gusto kita pero alam kong hindi pwede maging tayo kasi sayang yung friendship natin Babi, inaamin ko sayo to ngayon dahil sa moment na to alam kong kailangan kong sabihin sayo ang totoo" sabi ko sakaniya. "alam mo bang gusto din kita Zein pero hindi ko masabi sayo, pareho tayong dalawa na ayun din ang iniisip ko, pwede pa din naman tayong mag best friend kahit na maging tayo Babi" sabi niya sakin. Umiling ako at napaupo na nakatingin sa pintuan.

"ayoko Babi, alam mong hindi ko magagawa yun, sayang kasi nanghihinayang ako sa kung anong merong friendship tayo. At alam mong 'hindi tayo pwede' alam mo yan Babi." sabi ko sakaniya gusto kong umiyak pero wag na lang. "alam kong hindi pwede. Pero isipin mong mabuti kung anong pwedeng mangyare kapag naging tayo Zein" sabi nito kaya napatingin ako sakaniya.

"hindi ko alam Light, mukhang hindi ko makakaya, alam mong maraming tutol satin Babi" sabi ko.

"alam ko yun pero dun mo ba babasihan yung pagmamahalan nating dalawa huh?!" medyo tumaas ang tono ng kaniyang boses kaya napaiwas ako ng tingin sa mga mata niya. "hayaan na lang natin tong nararamdaman natin Babi. Alam mo mas magandang ipagpatuloy na lang natin ang friendship na mayroon tayo kesa sa humantong tayo sa in a relationship" pagkakasabi ko nun ay agad siyang umupo at niyakap ako ng mahigpit. Napaiyak ako ng maramdaman kong tumutulo ang luha niya sa may balikat ko. ramdam ko ang pag agos ng kaniyang mga luha sa mga mata niya. Niyakap ko din siya ng mahigpit.

"kung ayan ang gusto mo susundin ko Babi, sorry hindi ko din ginusto ang nararamdaman ko para sayo alam ko din naman noon pa na hanggang bestfriend lang ako sayo eh sorry dahil bumaliktad ang sitwasyon, i love you babi sorry uli patawarin mo ko dahil minahal kita hindi bilang best friend kundi mahal talaga kita" sabi niya kaya napaiyak ako. Simula nung gabing yun ay nakatulog na kami dahil sa pagod ng pag iyak kaninang madaling araw.

Pagkagising ko ay wala na si Light sa tabi ko tinignan ko ang kwarto niya wala siya duon. nasan na kaya siya. Iniwan niya kaya ako? sana na lang hindi. sana nga babi. wag mo kong iiwan babi ikaw na lang ang mayroon ako.

*MAKALIPAS NG ISANG BUWAN*

Pagkauwi ko sa condo unit ko ay naligo kaagad ako medyo nagbabad sa bathub. hindi umuwi si Babi ng isang buwan nasan na kaya siya wala na kong balita sakaniya simula nung gabing yun ah. Pagkatapos kong maligo ay dumeretso ako sa kusina magluluto sana ako ng may maamoy akong pagkain galing kusina. Nakita ko si Light at may kasama itong babae. Sino yung babae? bat may kasama siyang iba dito sa unit? akala ko ba bawal visitor dito? bawal magpapasok. Agad napalingon saakin ang babae. Naka smile siya sakin at nag wave ng kamay.

"hello ikaw ba si Zeinyx?" tanong ng babae. napalingon si Light saakin.

"Oo sino ka?" tanong ko sakaniya.

"ah Babi, si Daicy girlfriend ko" sabi ni Babi sakin. ang bilis niyang maka move on. Hanep talaga ang mga lalake ang bilis makahanap ng bago. nakipag kamay ako sa gf ni Light. pareho kami ng ugali kaya siguro nagustuhan siya ni Light. pero hayaan mo na magiging masaya na lang ako sakaniya.

A/N: Abangan ang next chapts

-Acc's-

Wattpad/Fb Page: AsteriaLuns

Discord: AsteriaLuns

Chapitre suivant