Istorya ng lalaking nag mahal ng sobra hanggang sa umabot sa puntong nawala na niya ang sarili niya. Kasabay ng pag kawala ng sarili niya ay ang pagkawala niya ng paniniwala sa salitang pag-ibig.
"Three times I believe in love and three times it broke my heart. Now I'm done. I don't believe in love anymore."
Kasalanan nga bang mag mahal ng sobra? Paano kung dahil sa pag mamahal mo ng sobra ay unti unti ka nang nawawalan ng pag mamahal sa sarili mo? Kumplikado.
Madalas ay nag mamahal tayo ng sobra dahil ayaw nating maramdaman ng taong mahal natin na hindi natin sila mahal. Sa kamalasmalasang pag kakataon, ang ilan sa pinaranas natin ng ganoon ay hindi deserving. Tinapon basta basta ang oras at pag mamahal natin. Nakakalungkot pero totoo.
"Hindi mo masisisi ang tao kung napagod na siyang maniwala sa salitang pag-mamahal."
Sadyang napapagod rin ang puso. Kusa nalang itong titigil na maniwala sa salitang pag mamahal dahil napagod na.
Pero kailan matatapos ang sakit? Kapag ba ubos ka na? Iyong tipo ba ng hindi mo na kayang lumaban? O baka naman iyong tipo ng halos mawalan ka na ng gana sa buhay mo?
Sa lahat ng nag mamahal dyan, mag tira ka para sa sarili mo. 'Wag bigay ng bigay tapos sa dulo ikaw 'yung kawawa. 'Wag mong paabutin sa puntong hindi mo na binibigyang halaga ang sarili mo.
"Pagod na pagod na akong masaktan. Nauupos na ako at sa tingin ko, hindi ko deserve ito."
When you love, always remember that you will face pain too. Sa sobrang sakit ay magagalit ka bigla sa mundo. You will also question yourself dahil hindi mo naman deserve iyon, bakit mo nararanasan?
Ang sagot? Dahil nag mahal ka ng lubos. Ilan lang naman 'yan sa mga resulta when you love too much.
Do you want to find out more? Sakay na!
Gamit ang bisikleta libutin natin ang buong planeta.
Hanapin ang kasagutan sa mga problema, siguraduhing ito'y tatama.
Anong malay mo? Baka ang sagot ay isa lang palang bato? Nag hahantay na tumama sa gulong mo para sumemplang ka at matauhan?