webnovel

Chapter 8

Yuri's Point of view*

Nakatingin ako kay Haji na nakayakap kay Az. Aaminin ko nasaktan ako nasaktan ako ng malamang sila na.

'Bakit ganun kabilis?ganun ba kamahal ni Az si Haji? '

"HAHAHAH Sabi sainyo may Forever talaga tong Dalawang to" Humagalpak si Yohan sa kakatawa dahil inaasar nya sila Az at Haji.

Pero ako Tahimik lang habang nakatitig sakanila. Masaya sila nakikita ko sa ngiti nila at sa kanilang tinginan. Nasasaktan ako subra akong nasasaktan Kung alam kong ganito ang mangyayare hindi na sana ako umuwi.

"Yuri are you Okay, Kanina ka pa tahimik"Napatingin ako kay Az na ngayon ay titig na titig sa akin, napatingin ako sa iba Nakatingin din sila sa akin.

" W-Wala, okay lang ako Congrats "

Pag kasabi ko nun tumayo na ako "Magpapa hangin lang ako"

Tiningnan lang nila ako bago tumango, Naglakad ako papunta sa may Dalampasigan at doon naupo.

Maganda ang ihip ng hangin dito tila nakikisabay sa nararamdamang sakit. Maalala ko tuloy ang Nakaraan namin ni Az nasa ganitong Beach din kami noon gabi noon umuulan.

*Flashback*

"Yuri Tingnan mo tong ginawa kong castle ang ganda "

Ngumiti ako sa kanya bago ginulo ang buhok nya.

"Oo nga HAHAHA kasing ganda mo"

"Ikaw talaga puro ka nalang Biro"

"Hindi ako nagbibiro" Nakangiting sabi ko. Kaya nginitian nya ako pabalik .

"Waaaahhh! Umuulan" Masayang sigaw ni Azalia.

"Azalia! " Sigaw ko sa kanya.

"Yes Yuri! " Sigaw nya din habang nakangiti parin.

"I like you! " Sigaw ko dahilan para mapahinto sya sa pagikot.

"Sorry Yuri but bata pa tayo"

"Alam ko handa akong maghintay! "

Nginitian nya lang ako bago sya tumakbo para lumusong sa tubig.

*End of Flashback*

"Yuri"

Napatingin ako sa likuran ko ng makita si Azalia na deretsong nakatingin saakin.

"Azalia"

"Wag mo ng isipin ang Nakaraan natin dahil Hanggang kaibigan lang yon"

Napayuko nalang ako sinabi nya. 'Ang sakit marinig mula sa kanya.

"Azalia Bakit ganito kana"

Iwan ko ba kung bakit yon ang lumabas sa labi ko at isabi sa kanya.

"May Mahal na Kasi ako"

"Azalia nangako ako na hihintayin kita pero bakit ganun"

Nagsimula ng mangilid ang luha ko.

"Yuri, I'm sorry pero kasi iba talaga ang nararamdaman ko sayo"

Napayuko sya bago muling tumingin saakin.

'Bakit ang sakit?'

Azalia's Point of view*

Hindi ko alam kong bakit iba ang naramdaman ko ng umalis si yuri kaya sinundan ko sya.

"Saan ka pupunta? " Tanong saakin ni Haji.

"Susundan ko kakausapin ko lang" Nginitian ko sya bago naglakad.

Nakaupo si Yuri habang nakatingin sa dagat. Alam ko ang iniisip nya ang Nakaraan namin sa lugar na to.

Alam kong nasaktan ko sya pero kaibigan lang talaga ang nararamdaman ko sakanya at Hindi magbabago yon.

"Yuri"

Bigkas ko sa pangalan nya dahilan ng Paglingon nya.

"Azalia"

Bumuntong hininga ako Bago nagsakita.

""Wag mo ng isipin ang Nakaraan natin dahil Hanggang kaibigan lang yon"

Napayuko sya at ramdam ko ang sakit ng nararamdaman nya. 20years na kaming mag kaibigan kaya kilala ko na sya.

"Azalia Bakit ganito kana"

Nagitla ako sa sinabi nya na agad naman bumalik sa realidad.

"May Mahal na Kasi ako"

"Azalia nangako ako na hihintayin kita pero bakit ganun"

Nagsimula ng mangilid ang luha nya habang nakatingin sa akin.

"Yuri, I'm sorry pero kasi iba talaga ang nararamdaman ko sayo"

Napayuko nalang ako bago bumuntong hininga.

"Mahal kita Azalia! Kaya ako umuwi kasi akala ko may babalikan pa akong ikaw"

"May binalikan kang ako! Pero Hindi mo ako nabalikan kasi may mahal na ako"

"Mahal kita! Anong mahirap Intindihin doon"

Tumulo ang luha nya kasabay ng pagtayo nya sa harapan ko.

"Alam ko! Pero Hindi kita Mahal ano rin ba ang mahirap tanggapin doon? "

"I love you! I love you! "

Sinampal ko sya sa kauna-unahang pagkakataon.

Iwan ko kung bakit ko ginawa yoon pero nagkusa ang kamay kong sampalin sya.

Nagulat ako ng siniil nya ako ng halik sa labi matapos ko syang nasampal.

"A-Ano ba! "

Pagpupumiglas ko pero hindi nya nag patinag hanggang sa natumba nalang sya habang  dumudugo ang Labi nya.

Hajiro's Point of view*

Hindi na ako nakatiis sa paghahantay kay Azalia na bumalik sya kaya nagdesesyon akong Puntahan sila ni Yuri dahil kinukutuban ako.

Naglalakad ako papunta kung nasaan sila dinig ko na agad ang sigawan nila.

"Mahal kita Azalia! Kaya ako umuwi kasi akala ko may babalikan pa akong ikaw"

Sigaw ni Yuri kay Azalia. May past ba kayo?

"May binalikan kang ako! Pero Hindi mo ako nabalikan kasi may mahal na ako"Azalia

"Mahal kita! Anong mahirap Intindihin doon"Yuri

Aba gago mahal mo ang girlfriend ko eh kong tadyakan kita dyan!

"Alam ko! Pero Hindi kita Mahal ano rin ba ang mahirap tanggapin doon? "Azalia

"I love you! I love you! "Yuri

Nagulat ako sa sumunod ng nangyari sinampal ni Azalia si Yuri dahilan ng pagkaiwas ng tingin nito sakanya.

Umakyat lahat ng dugo ko  sa ulo.ang sumunod na nangyari Hinalikan ni Yuri Ang Girlfriend ko dahilan para kumaripas ako ng Takbo palapit doon para sapakin sya.

" A-Ano ba! "

Pumipumiglas si Azalia sa kanya pero Hindi ito nagpatinag.

Malakas ko syang sinapak dahilan para matumba sya.

"Hayop ka! "

Itinayo ko sya bago sinapak ulit bumawi sya ng sapak pero nailagan ko kaya nasapak ko ulit sya.

"Haji tama na! "

Pag-awat ni Azalia sa akin. Pero Hindi ko sya Pinakinggan sinapak ko ng sinapak si Yuri hanggang Hindi na sya lumalaban.

"Tamaa na haji"

Awat saakin ni Xenon at Yohan itinayo narin ni Sooyoon si Yuri.

"Anong Nangyari?!! " Galet na sigaw ni Axel.

"A-Axel" Nauutal na Sabi ni Azalia.

"Manahimik ka dyan"

Makikita mo talaga ang Galit sa mukha ni Axel habang nakatingin kay Yuri.

"Baby Okay ka lang? "

Tanong ko kay Az, tumango lang sya bago ako niyakap. Mugto ang mata nya batid kong kanina pa sya umiiyak.

"Nakita ko, Namin ang ginawa mo Yuri akala ko okay na sayo na sila na"

Napayuko si Yuri sa sinabi ni Axel.

"Mahal ko si Azali-----"

"Aba gago ka pal---! "

Sigaw ko pero Pinigilan ako ni Axel gamit ang Paningin nyang nakakatakot.

'I protect my Girl From you Pervert'

To be continued...

Chapitre suivant