webnovel

Chapter 11:Ambush

NAGISING si Kwame sa isang malaking kwarto na napapalibutan ng maraming puting kurtina.Kanyang inilingon ang ulo sa kanang gawi at nakita si Chester na nakabenda ang dibdib at mahimbing na natutulog.

Kanyang kinapa ang sariling dibdib at nakabalot 'din ito ng benda at makirot-kirot pa ito nang kanyang mahawaka ang napuruhang parte ng kanyang dibdib.

"Gising kana pala"

Kanyang nilingon ang paanan nito at nakita niya ang napaka gandang babae at itim na itim ang bilugang mata nito.Nakapusod ito ng perlas.Mapula ang labi nito at nakasuot din ito ng demon slayer uniform.

"Sino ka?"tanong ni Kwame na naka kunot noo pa.

"Ako si Vin Lopez.Isa akong demon slayer at Wind Breathing.Isa rin akong Pillar"nakangiting sagot ng dalaga sa kanya.

Napaangat ng kilay si Kwame at hindi siya makapaniwala na isang Pillar ang kaharap niya ngayon dahil mukha itong anghel at hindi makapatay ng demon.

"Kung Pillar ka ibig sabihin ba nun ay isa ka sa tagapagligtas ko"tanong nito.

"Hindi"

Napalingon si Kwame sa likuran pintuan ng kanilang kinalalagyan ngayon at naglakad papasok ang maputing dalaga ngunit antingkad ng kagandahan nito.Halos kamukha lang nito ang babaeng may ngalan na Vin at mukhang magkasing-edad lang sila.Ang pinagkaiba lang ng dalawa ay itim ang mata ni Vin at kulay obsidian ang mata ng dalagang kakarating lang.

"Kaming dalawa ay mga Pillar na inutusan ng kasalukuyang master na maging medic sa lahat ng mga demon hunters.Pumayag din naman kami sa ganoong utos ng master dahil ayaw namin mapahamak ang isa't-isa.Kambal kami at kami nalang sa pamilya namin ang nabuhay"Kakaiba naman ang boses ng babaeng ito.Kung si Vin ay mahinhin,s'ya naman ay napaka tapang na para bang boses amazona.

"Ako naman si Canus Lopez,isang sound breathing user at Pillar.Magandang umaga master"At sabay sila ni Vin na yumuko sa harapan ni Kwame.

Napalingon si Kwame kay Chester na mahimbing pa rin sa pagtulog.Malungkot s'yang lumingon sa dalawang Pillar at pinilit na umupo.

"'Wag kang mag-alala.Ligtas na ang kaibigan mo kahit na mas malalim ang sugat niya.Dahil sa pasasagupa n'yo sa demon ay siguro nawalan kayo ng malay dahil nang datnan namin kayo sa gubat ay parehas kayong nakahilata sa lupa"paliwanag ni Vin.

"Mga isa o dalawang linggo ang kailangan n'yong pagpapahinga sa clinic.Ang clinic na ito ay tago lamang na ginawa namin ni Vin para sa mga demon hunters.Actually apat kayong narito ngayon—"

Hindi natapos ang pagsasalita ni Canus nang may malamyang boses silang narinig.

"Huhuhu...Ang sakit pa rin ng sugat ko sa braso"

Nang tignan ni Kwame kung sino ang nasa likuran ng dalawang Pillar sa kabilang kama ay tumaas ang kanyang kilay nang makita si Todd na may benda sa kanang braso.

"Todd?!"Bumakas ang ngiti sa mukha nj Kwame.

Lumingon si Todd sa kanya at nabuhayan ang mukha nito. "Andyan ka pala Kwame—" Natigilan si Todd nang mapalingon s'ya kay Chester. "CHESTER!Bakit malubha ang kalagayan n'ya?!"

Napakamot na lamang sa ulo ang dalawang babaeng Pillar at hindi naman alam ni Kwame ang gagawin dahil sa kinikilos ng binabaeng kaibigan n'ya.

"Mabuti na ang kalagayan ni Chester,Todd.Sinabi sa akin ni Miss Canus at Vin na wala na tayong dapat ipag-alala"A smile with a dimple comes out to Kwame's face.

"Mabuti naman kung gano'n.Si Kirsten nga na nakasama ko sa pakikipaglaban sa isang demon ay nawalan ito ng malay nang mapatay namin ang kalaban"Tinuro ni Todd ang kanang direksyon nito na nilingon naman ni Kwame.

Sumeryoso ang mukha ni Kwame nang makita si Kirsten na may benda ang kanang binti nito at kanang kamay.Sa ganitong pagkakataon ay muli silang nagkita-kita.

*After Two Weeks*

Sumapit na ang gabi sa oras ng apat na mandirigma.Naghahanda na ang apat sa kanilang paglalakbay muli para gawin ang kanilang misyon.Pinagdesisyonan ng mga uwak na pagsamahin silang apat sa iisang misyon ngunit ilalagay sila sa lahat ng demon na lahat ay may blood demon art na kailangan nilang paslangin.

Ang dalawang Pillar ay hindi na nila naabutan nang sila ay magising.Ngunit nag-iwan si Miss Vin na pupunta sila sa head quarters ng demon slayers dahil sa pagtitipon ng mga Pillars.

Lahat ng sugat nila ay magaling na at naigagalaw na nila ng mabuti ang kanilang katawan.Nakahanda na si Kwame sa kanilang paglalakbay.

"Anong klaseng demon kaya ang makakalaban natin sa susunod?"tanong ni Chester.

"Morphed demon,paniguradong malakas nanaman 'yan.Sana hindi muli tayo masugatan ng malubha—"

"Masyado ka namang nag-aalala Kirsten.You need always smiling.Look at your face,mukha ka nang pinagsakluban ng langit at lupa"may tonong pangangasar ni Todd.

"Dahil apat na tayong magkakasama.Paniguradong makakaya natin silang lahat.Kailangan nating umangat ng ranggo para maging Mizunoe"may bahid na ngiting sabi ni Kwame sa kanilang tatlo.

"At palagi kaming magkasama ni Chester!"Tumili sk Todd at niyakap si Chester ng mahigpit mula sa likuran.

"Bitawan mo nga ako!"pag-angal ni Chester.

Nagkatinginan ang apat nang maayos na nila ang sarili.Napangiti silang lahat at nagtawanan sa hindi alam na kadahilanan.

Ngunit habang nagkatawanan ay nagulat si Kwame sa kanyang narinig.Isang papalakas na papalakas na tunog na parang may nasisirang bagay.Nang lumakas lalo ang tunog ay doon n'ya nalaman na galing iyon sa kanang gawi.At ang atakeng iyon ay amoy ng isang...

"Demon"

Agad na hinawakan ni Kwame ang sariling espada na nakasuot sa kanyang kaluban at sumigaw ng malakas. "Dapa!"

Ngunit hindj pa sila nakakadapa ay dalawang palakol ang nagwasak sa pintuan ng clinic at nagbasag sa mga salamin ng bintana.Nagulat ang apat sa malakas na atakeng iyon dahil may kasama itong malakas na tunog ng pagkasira ng mga bagay na natamaan nito.

Nang makita ni Kirsten na papunta kay Kwame ang dalawang palakol ay agad n'yang hinugot ang sariling espada ngunit kakaiba ito.Mala latigo ang espada ni Kirsten dahil sa lambot nito.

"Breath Of The Love,Second Form:Love Pangs!"An extended whipping slash created by Kirsten to defend Kwame on the flying axe.

"Umalis na tayo dito!"

Agad silang lumabas sa clinic at nagsitalunan sa bintana.Nadapa silang apat at napalingon sa bubong ng clinic

Dalawang demon ang nakatayo sa itaas ng bubong at parehas itong nakangiti.Ang isa ay babae na napaka haba ng kuko at buhok at panay kalmot ito sa mukha.Ang isa naman ay lalaki at may hawak na dalawang palakol at hanggang balikat ang buhok.Parehas silang kulay pula ang dalawa.

Malansa ang amoy ni Todd sa dalawa na simbulo na malakas ito.Kita naman ni Kirsten ang itim na aura ng dalawa.Ramdam naman ni Chester kung gaano kalakas ang pangangatawan ng dalawang demon.Ang dinig ni Kwame kung paano kabilis ang pagtibok ng kanilang kaharap ngayon.

"Hindi n'yo na kailangang maglakbay dahil kami na ang pumunta dito para patayin kayo"Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng babaeng demon.

"Maglaro tayo ng hagisan ng palakol.Kung kaya n'yo"mayabang na sabi ng demon na lalaki.

The minions of Wukas was arrived now.

_____________________________________

SA isang kakaibang lugar ay nakatayo ang lalaking kanang kamay ni Muzan.Ang lugar na kanyang kinalalagyan ngayon ay nababalutan ng hiwaga.Ang lahat ng bagay ay nakatabingi at walang ayos na nakasalanlan sa lugar na ito.Mga hagdan na magkabaliktaran.Mga pintuan na magkakaibang direksyon.Mga pader at kisame na nakatayo sa itaas,kanang,kaliwa at ibabang gawi ng demon na ito.Ang lahat ng bagay ay gawa sa kahoy at napapaligiran ng ilaw.Kung ang normal na tao man ang makapunta dito ay paniguradong mahihilo sa oras na makita ang lugar na ito.

"The show begins"mahinang sabi nito at itinapat sa bibig ang butas ng plawta.

Kurap matang lumitaw ang isang entablado mula sa kanyang harapan at umangat naman ang kanyang kinatatayuang kahoy.Ngayon ay nakatingin s'ya sa entablado.

Lumikha muli ang binata ng isang matinjs na tunog sa kanyang plawta at lumitaw ang anim na makakapangyarihang demon.Tatlong babae at tatlong lalaki.

Bumukas ang malalaking ilaw sa anim at halos masilaw sila dito.Nang iangat nila ang kanilang ulo ay nakita nila ang lalaking may dahilan kung bakit sila nandito.

"Magandang umaga para sa inyong palabas mga Lower Moons"A monster presence came to this demon. "I'm Lucious Salvador, the deputy of our lord Wukas"

Napaawang ang bibig ng anim na lower moon at nakaramdam sila ng pagkatakot.Masaya ang titig sa kanila ni Lucious ngunit ramdam nila ang masamang prisensya nito.

"Ito ang unang pagkikita ng lahat ng lower moons at huling pagkikita ng ilan sa inyo.Dahil may ilan sa inyo na lumabag sa pinag-uutos ng ating panginoon" Kinuha ni Lucious ang kanyang gitara na may nakapintang rosas malapit sa dulo ng strings nito. "At ang nalabag ninyo ay ang salitang 'Huwag matakot sa lahat ng demon slayers na inyong makakaingkwentro"

Pinatunog ni Lucious ang pinaka matinis na string ng gitara at napaluhod ang anim na Lower Moons.Napuno ng takot ang lahat ng lower moons at namuo ang pawis sa kanilang mukha.

"Siguro nagtataka kayo kung paano ko kayo nakontrol at pinaluhod ng ganyan.Binigyan ako ni Panginoong Wukas ng kanyang dugo na kayang kumontrol sa dugong nananalaytay sa inyong mga lower moons"nakangiting pagpapaliwanag nj Lucious.

Huminga ng malalim si Lucious at ngumisi ng mahin. "Maaari mo bang sabihin sa akin Lower Moon Five kung bakit mo inatrasan ang pakikipaglaban sa isang Kinoe rank demon slayer.Mas natatakot ka ba sa isang mahinang nilalang na iyon kaysa sa aring Panginoong Wukas?"

Mabilis na napabuka ng bibig ang Lower Moon Five at nagpaliwanag. "H-Hindi ko ginusto iyon.Naramdaman ko ang prisensya ng Pillar na paparating sa aming direksyon—"

"Ngunit ginawa ang Twelve Moons para paslangin ang lahat ng demon slayers,lalo na ang mga Pillars.Kaya wala kang maidadahilan sa amin.Napangunahan ka lang ng takot,isa kang duwag"At pinatunog ni Lucious ang pinaka mababang string ng gitara n'ya.

Napalingon ang lalaking Lower Moon Five sa kanyang itaas at isang malaking pader ang dumurog sa kanyang katawan at para s'yang nayuping lata.Ang lahat ng dugo ay nagsitalsikan sa buong paligid ng entablado at sa kasuotan ng natitirang lower moons.

"Kung sa tingin n'yo ay makakapaghilom pa kayo sa oras na balakin kong patayin kayo ay nagkakamali kayo.I'm like Lord Wukas.I can destroy the cells of a demon that he given by his own blood"nakangiting sabi ni Lucious.

Sumabog naman ang ulog ng Lower Moon Six at bumagsak sa sahig ang natirang katawan nito.Tumagas ang maraming dugo sa pugot na katawan nito at nakatulala lang sa pagkatakot ang apat na lower moons.

"Para naman iyan sa pagkabigo mong paslangin ang Insect Pillar na nakasagupa mo noong nakaraang taon,Lower Moon Six"At naglaho si Lucious sa kanilang paningin.

Sa isang kisap mata ay lumitaw si Lucious sa likod ng Lower Moon Four at sinabunutan ang buhok nito at tinadyakan ang likuran nito at naputol ang ulo nito.Sumirit ang dugo sa mukha ng tatlong lower moons ngunit hindj nila alintana iyon.

Iniharap ni Lucious ang pugot na ulo ng Lower Moon Four na gulat na gulat pa rin sa nangyari.Nginitian niya ito dahil sa itsura nito na gulat na gulat.

"Dahil naman ito sa hindi pagkain ng katawan ng isang pamilyang inatake mo noong nakaraang buwan"Binato ni Lucious ang ulo ng Lower Moon Four sa pabagsak na bahagi ng lugar na kinatatayuan nila ngayon.

Naglakad si Lucious sa likod ng Lower Moon Three na lalaki at hinawakan ang magkabilang braso nito at dahan-dahang hinila ito.Sumirit ang dugo sa braso ng Lower Moon Three nang unti-unti na itong humihiwalay sa kanilang katawan.Gusto man nyang makalaban ay hindi nito magawa dahil kontrolado s'ya ni Lucious.

Nang tuluyang matanggal ni Lucious ang magkabilang braso ng Lower Moon Three ay kinapa nito ang likuran nito at bigla na lamang itong sumabog at tumalsik papalayo.

Tinapik-tapik ni Lucious ang ulo ng dalawang nating lower moons at napangiti ito. "Hindi kayo mamamatay kung gagawin n'yo ang utos ng ating Panginoon.Ngayon na kayo lang ang hindi lumabag sa kanyang pinag-uutos ay ibibigay ko sa inyo ito.

Dalawang maliit na babasaging lagayan ng dugo ang binugay ni Lucious sa dalawang Lower Moons.Agad inabot ito ng dalawa at agad na ininom.

"Gamit ang dugo ng ating Panginoon ay lalo kayong lalakas.Huwag n'yong sayangin ang lahat"nakangiting sabi ni Lucious.

Napadapa sa sakit ang dalawang Lower Moons at nagpagulong sa sahig ng entablado.Nakaramdam ng matinding kirot sa pangangatawan ang dalawang demons at ramdam nila ang pagdaloy ng dugong kanilang ininom sa kanilang katawan.

"Makakaramdam kayo ng sakit ng ilang minuto ngunit mawawala rin iyan"Lucious eyes widen and stair at the two demons. "Separate now and find the demon hunter named Kwame Salazar.Give his head to our lord and he will give you more blood"

Lucious blow his flute and the two lower moons are vanished on his front.

"Alam ni Panginoon Wukas na hindi makakaya ng dalawang minions niya na patayin si Kwame.Kaya ito lang ang paraan para matapos ang gusot sa buhay namin"

Chapitre suivant