Alexa Rainne's POV
Hinihingal at pagod na pagod ako habang naglalakad sa side walk. Halos sampung kumpanya na ang aking napuntahan, Ngunit niisa'y walang tumanggap saakin.
'Ang malas naman ng araw na 'to'
*SIGHS*
Hindi ko maiwasang hindi mapabuga ng malalim na buntong hininga dahil sa pagod na nararamdaman. Maga-alasais na ng gabi ngunit heto parin ako, Still searching for a new job.
'Makakahanap pa kaya ko???'
Hayys. Parang gusto ko nalang sumuko eh.
Nakayuko ako habang naglalakad dito. Nanlulumo na talaga ko, Magkahalong pagod, prustrasyon, stress, at depresyon ang aking nararamdaman. Nihindi ko man lang magawang magpadala ng pera saaking mga magulang doon sa cavite dahil wala akong trabaho't perang maipapadala, Palalayasin na din ako sa apartment na tinitirhan ko dahil magdadalawang buwan na kong hindi nakakabayad.
Hayys. Ano ng gagawin ko??
Dahil sa pagod na nararamdaman ay naupo nalang ako sa gilid ng side walk at marahang niyakap ang aking sarili. Magpapahinga lang ako ngunit hindi susuko. Kailangan kong makahanap ng trabaho dahil kung hindi, Kawawa ang mga magulang ko sa probinsiya.
Bumilang ako ng ilang segundo at nagdisisyon ng tumayo, Pagkatayong pagkatayo ko naman ay saktong...
*PLUK PLUK*
Nauntog ako sa kung sino.. Hayys, Ansakit.
"A-Aray!" Magkapanabay na ani namin
Napapahawak saaking noong nagtaas ako ng tingin upang malaman ko ang kung sinong aking nakauntugan at halos lumuwa ang mga mata ko ng makita saaking harapan si Radge na nakasapo din ang isang palad sa noo. Nang makita niyang nakatingin ako sakanya ay napangiti siya't nawala ang pagiinda sa sakit ng noo.
"Alexa" Aniya at umayos ng tindig
"Oh, Radge? Anong ginagawa mo dito?" Takang sabi ko
"I thought you're a crying kid so I walked towards you, Nakakagulat at ikaw pala yan" Nakangiting aniya, Napakurap-kurap naman ako
'Mukha ba kong bata??' Takang sabi ko saaking sarili
"Ahh ganun ba. Hehe, Mauna na pala ko, Radge. May pupuntahan pa kasi ako eh" Pagdadahilan ko't astang maglalakad papalayo ng magsalita siya
"San ka pupunta ng ganitong oras? Hindi ba dapat nagpapahinga ka na sa bahay" Aniya kaya naman nilingon ko siya
"Ahh hehe, Naghahanap kasi ako ng trabaho" Pagkasabi ko nun ay kaagad na umawang ang kanyang labi, Saglit pa siyang napakurap-kurap sa kawalan
"Eh?" Gulat na aniya, Napatango naman ako "Anong trabaho ba ang hinahanap mo?"
"Sekritarya sana kaso mukhang malabo ko yung makuha kaya magaapply nalang ako bilang janitress" Sabi ko, Nangunot naman ang noo niya
"Secretary?" Aniya "Okay. Be my secretary then- No, I mean. Be my boss secretary then"
*BLINK BLINK*
I blinked my eyes in disbelief, What?
"S-Seryoso ka ba jan, Radge??" Takang sabi ko, He nodded while smiling. Kaagad na rumihistro ang malawak na ngiti saaking labi at napasunggab ako sakanya ng yakap "Waaah!!! Thankyou, Thankyou talaga!!!!"
Hindi siya nakasagot at pakiramdam ko'y natigilan siya kung kaya't bumitaw na ko mula sa pagkakayakap sakanya.
"Sorry, Radge. Nabigla ka yata, Pero thankyou thankyou talaga ng marami. Sobra sobra!!" Halos mangiyak-ngiyak na sabi ko, Napatango naman siya
"Don't mention it, Alexa" Aniya "Can I get your number, By the way?? I'll contact you tommorow.. Diba? Para alam mo kung anong oras, Tatanungin ko muna ang boss mo tapos tatawagan na kita, Okay ba yun?" Aniya, Napatango-tango ako't kinuha ang keypad kong cellphone saaking bulsa
Ramdam kong nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita pero wala akong pakialam. This keypad has a sentimental value to me.
"Eto ang number ko, Radge" Sabi ko at ipinakita sakanya ang aking number, Kaagad naman siyang napatango-tango at kinuha ang cellphone niya't nagsimulang magtipa ng kung ano
Lumipas ang ilang sigundo at natapos na rin siya sa pagtipa't nakangiting bumaling sakin. He patted my head and then he smiled genuinely.
"See you tommorow" Aniya "Ahm, Uuwi ka na ba? Kasi kung oo, Ihahatid na kita"
"A-Ahh, Wag na, Radge" Sabi ko
"No, It's not a big deal, Alexa" Pagpupumilit niya
"Magtataxi nalang ako" Sabi ko, Umiling siya't mabilis na kinuha ang kamay ko't ipinagsiklop sakanya
"I'll bring you home, Let's go" Aniya at marahan akong hinila patungo sa kung saan, Hindi naman na ko nakapalag dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya saaking kamay
Sean Kirby's POV
Tiim ang aking bagang habang nakamasid sa dalawang 'tong magkasiklop ang mga kamay habang naglalakad patungo sa kung saan.
Tss. Maaawa na sana ako kaso umepal ang lalaking ito, Hayys.
I dialed someone's number.
~RING RING~
"Yes, Hello? This is the CEO of-"
"Block Alexa Rainne Bondoquillo's name everywhere and anywhere, No one's allowed to accept her on anyone's company. Don't hire her if she come up in your company, Understood?" I said and then I ended up the call
Halos sampung kumpanya na ang nakumbinsi kong wag ihire ang babaeng yun, And thank god. Nakumbinsi ko naman silang lahat ng ganun kabilis at walang kahassle hassle.
Like what I've said, She will pay for what she did. So, She will never ever get that secretary job anymore. Even a kitchen staff, Never. I'll make her life miserable.
Alexa Rainne's POV
Nang makarating ang sasakyan ni Radge sa tapat ng apartment na inuukupa ko'y bumaba na ako, Hindi na siya lumabas ng kanyang sasakyan dahil nagmamadali raw siya. Nagpasalamat nalang ako.
Saglit ko pang tinanaw ang kotse niyang umaandar papalayo at nang makalayo ito'y lumakad na ko papaakyat sa apartment na tinitirhan ko. Nang makaakyat ako'y mabilis kong tinungo ang kwartong inuukupa ko't pagkapasok na pagkapasok ko dun ay pabagsak akong nahiga saaking kama't nangingiting napatitig sa puting kisame.
"Hayy, Salamat. May trabaho na rin" Masayang saad ko't saglit pang napatitig sa kawalan bago napagdisisyunang tumayo't magtungo sa c.r.
Nang makapasok ako sa c.r. ay naligo na ko, Grabe, Nakakapagod at the same time nakakatuwa ang araw na 'to. Hindi ko inakalang makakapasok ako sa trabaho, Halos sampung kumpanya na ang umayaw saakin. Si Radge lang pala ang maghahire saakin sa isang kumpanya- Ngunit, Teka? Trabahante rin kaya siya doon??
Siguro nga ay ganon, Hayys, Salamat talaga ng maraming marami sakanya.
Maya maya lang...
Maya maya lang ay natapos na ko sa pagligo kung kaya't nagtapis na ko't lumabas sa c.r., Pagkalabas na pagkalabas ko'y tinungo ko ang maliit na kabinet na nakalagay sa gilid upang kumuha ng pantulog. Nang makakuha ako ng pantulog ay isinuot ko na yun at ipinulupot ang tuwalya sa aking basang-basang buhok.
Matapos nun ay marahan akong lumakad sa kitchen upang magluto. Nagugutom na ko, Nihindi ako nagbreakfast o naglunch kanina. Nang marating ko ang kitchen ay naghanap ako ng maiuulam ko sa cupboards, Sardinas nalang kaya?
Oo, Tama. Sardinas nalang, Igigisa ko nalang ito para mas lalong sumarap. Napatango-tango ako saaking naisip at matapos nun ay sinimulan ko na iyong lutuin sa maliit na kalan na mayroon ako dito, Nang matapos kong igisa yun ay nagsaing naman na ko.
Grabe, Gutom na gutom na talaga ko.
Ilang minuto pa kong nag-antay na maluto ang bigas na isinalang ko at maya maya lang ay naluto na ito kung kaya't pinatay ko na ang kalan. Kumuha ako ng plato't nagsimulang magsandok ng makakain. Hayys, Gutom na talaga ko.
Nang makapagsandok ay inilagay ko sa maliit na mesang nandirito sa kitchen ang platong iyon maging ang mangkok na pinaglagyan ko ng sardinas na aking iginisa.
"Thank you, Lord!" Pagpapasalamat ko sa may taas bago naupo roon, Pagkaupo ko doon ay akmang kakain na ako ng biglang..
~KNOCK KNOCK~
Biglang may kumatok saaking pintuan kung kaya't naibaba ko ang kubyertos na hawak hawak ko. Hayys, Sino naman kaya ang kumakatok na ito??
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at marahang lumakad papalapit roon.
*SIGHS*
Bumuntong hininga muna ako bago buksan ang pintuan at ng buksan ko yun ay wala namang tao. Napakurap-kurap ako.
Hala. Hindi kaya may nagmumulto sa apartment na 'to, Jusme! Wag naman sana ako ang multuhin!!!
*LUNOK*
Napapalunok akong pinasadahan ng tingin ang hallway ng apartment na ito, Wala namang tao't sigurado ako doon.
'Eh kung walang tao? Sino ang kumatok na iyon??' Sabi ko saaking isipan
Humakbang ako ng isang beses at sa paghakbang ko'y may natabig akong kung ano. Muli akong napakurap-kurap, Teka, Isa ba yung lata???
Dahan-dahan akong nagbaba ng tingin at halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ang samu't saring grocery shopping bag na punong puno ng mga pagkaing mabibili sa grocery.
Kaagad akong napaupo sa sahig at sinipat iyon. Hala, Hindi naman ito saakin ha pero bakit nandito sa harap ng pintuan ko??
Baka naman nagkamali ang naglagay nito dito, Hala, Baka pagkamalan pa kong magnanakaw mahirap na. Napabitaw tuloy ako sa grocery shopping bag at naiiling na tumayo, Muli kong pinasadahan ng tingin ang hallway bago isinara ang aking pintuan.
Tama ang ginawa ko. Dahil hindi naman sakin yun ay hindi ko pakikialaman, Yan ang turo sakin ng mga magulang ko. Kapag hindi iyo, Wag na wag mong pakikialaman. Inshort, Mind your own business- Yes, Business as in sari-sari store. Hehe.
Nang maisara ko ang pintuan ay muli akong nagtungo sa kusina, Kumakalam na talaga ang sikmura ko. Grabe, Gutom na talaga ko.
Pagkarating na pagkarating ko doon ay kaagad akong naupo sa upuan at nagsimula ng kumain. Hayys, Napasinghap ako, Simpleng ulam lang ngunit ang sarap sarap. Hayys, I love sardinas talaga!!!
Sean Kirby's POV
After following that CEO's car going to nowhere, I found my own car parked in front of her apartment. My forehead creased while looking around on this unknown place, Is this an apartment? Well if it is, The apartment was really really cheap.. And lastly, It's so small to be called an apartment.
So, Dito siya nangungupahan??
Napaawang ang aking labi ng makitang pumasok ang babaeng yun sa isa sa mga kwartong natatanaw ko sa second floor.
"Yes, Dito nga" Bulong ko sa kawalan
After awhile, I drove my car going on nowhere. Minutes later I found myself buying something in this fucking supermarket.
"Shit, Why am I here??" I asked myself while putting something on the cart I took
I shook my head in disbelief, Ano bang ginagawa ko???
Nang mapuno ko ang cart na kinuha ko sa kung saan ay mabilis kong tinungo ang cashier upang bayaran ang mga ito. Hayys, I don't even need this stuff.. But that girl will surely and badly needed this. Damn.
"Ten thousand po lahat" Ani ng kahera, I took my wallet to get my credit card and when I have it I gave it to her, She swiped my card and after that she gave it back to me
She putted all of those stuff I bought into a shopping bag, Well, I have 5 shopping bag for pete's sake and it's so bigat. Paano ko naman bubuhatin ang isang 'to???
Hayys. Idiot!!!
"Done, Sir" Ani ng kahera ng matapos siya sa paglalagay ng mga iyon sa shopping bag, Iwinagayway niya ang kanyang kamay sa kawalan at may lumapit naman saaming security guard. The security guard putted those shopping bag into a big cart "He will help you on your baggage, Sir"
"Thanks" I said, The cashier nodded and after that I walked away
Nagriprisenta naman ang security guard na siya na raw nag magtutulak ng cart na iyon so I nodded in response.
*PARKING LOT
Nang marating namin ang parking lot ay kaagad kong itinuro sakanya ang kotse ko, Marahan niya namang itinulak doon ang cart at nang makalapit ay nilingon ako. Nagtungo ako sa likod ng aking kotse upang buksan ang compartment, Nang mabuksan ko yun ay binuhat niya isa isa ang mga shopping bag upang ilagay sa loob at nang mailagay niya na ay.. nagpasalamat ako't binigyan siya ng limang libo.
"Thanks for helping me, Take this five thousand as a thank you" I said and gently grinned, His eyes widen before he shook his head
"A-Ayy, Nako, Sir. Walang anuman po pero hindi ko po matatanggap yan" Aniya habang naiiling-iling
"Take this" I said with my voice full of authority
"Sir, Thank you is enough-" Hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin ng kunin ko ang kamay niya't ilagay ko yun sakanyang palad
Matapos nun ay tinalikuran ko na siya't diretso akong sumakay saaking sasakyan at ipinaharurot ito patungo sa kung saan.
~To be continued~