webnovel

LOST: CHAPTER 2

Nagising si Cyan sa init nang araw na tinutusok ang kaniyang balat. Agad pumukaw sa kaniyang atensyon ang pulang telang pinatong sa katawan niya. Napangiti siya. Ito ang sando ni Red; marahil ay ikinumot ito sa kaniya habang natutulog siya.

Agad iginala ni Cyan ang mga mata sa paligid. Wala si Red. Naasan 'yun?

Tumayo siya at pinagpag ang mga buhanging dumikit sa kaniyang balat. Naalala niyang ito ang ikalawang araw nila sa isla. At dalawang araw na rin siyang walang paligo at sipilyo. Bahala na, kami din namang dalawa. So quits lang! Sabi niya sa isip niya. Napabuntong-hininga siya sa isiping panibagong araw, panibagong hamon ng survival.

"Gising ka na pala," napalingon si Cyan sa gawing kagubatan. Nakita niya si Red na walang suot na pantaas, tanging maong na pantalon, may dala siyang dalawang buko sa kanang kamay habang bitbit naman nang kabilang balikat niya ang mga panggatong na sinusuportahan ng kaliwang kamay.

Napalunok siya nakitang perpektong hulma nang katawan ni Red. Chiselled chest, toned abs at ang pag-flex ng mga biceps niya. Hindi niya namalayang nilampasan na pala siya nito. Nagising ang diwa niya nang ibinagsak nito ang mga bitbit nitong kahoy.

"Nakakapagod!" Reklamo nito. Umupo ito sa isang bato ang dalawang kamay niya ay ipinantukod niya sa likuran. Nakapikit ang mga mata niyang nakaangat sa langit. Halos mahulog ang panga ni Cyan sa nakabalandrang katawan ni Red sa ilalim ng araw. Ang posisyon ni Red sa pagkakaupo ay nagbigay nang access kay Cyan na mas ma-appreciate pa ang perpektong pagkakaukit nang kaniyang mala-Adonis na katawan at ng mga kakatwang imahinasyon sa kaniyang isipan.

Sinampal ni Red ang sarili. Anong nangyayari sa'kin?

"Napano ka?" Nandilat ang mga mata ni Cyan sa tanong ni Red.

"A-ano?" nauutal niyang sagot dito. Agad niyang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Naguguluhan siya kung ano ang nagyayari sa kaniya at kung bakit ganoon ang reaksiyon niya nang makita ito sa ganoong ayos.

"Bakit mo sinampal ang mukha mo?" Makahulugan ang tinging ipinukol nito sa kaniya.

"Ah!" Nag-isip siya ng pwedeng isagot dito. Gustong sabihin ng isang parte isip niyang nagiinit siya sa tanawin pero hindi niya naisatinig iyun. "Ah, ano. M-may lamok! Tama, may lamok!" Pagsisinungaling niya. Natawa naman si Red sa tinuran niya.

"Oh, may dala akong buko." Turo nito sa dalawang bukong bitbit kanina.

"Paano natin iyan bubuksan?" Tanong niya dito. Gumaan ang pakiramdam ni Cyan nang hindi na nagtanong pa si Red sa inakto niya.

"Oo nga no, paano nga ba?" Natawa silang dalawa sa isiping nagsisimula na ang kalbaryo nila sa isla.

"Perks of a Survivor." ani ni Cyan.

Nakakita ng tuod si Red. Matulis ito kaya ang ginawa niya, hinampas niya ang buko dito hanggang sa unti-unti ay matanggal ang mga bunot nito. Natuwa si Cyan nang iabot ni Red ang buko na wala nang bunot. Tinusok ni Red gamit ang kaniyang daliri ang puting laman ng buko para may butas at mainom ang buko juice sa loob.

Nilagok ni Cyan ang juice sa loob ng buko. Gumuhit sa lalamunan niya ang matamis na lasa nito. Si Red naman ay patuloy sa pagbunot ng natitirang buko para sa kaniya mismo.

"Ubos na ang juice?" Biglang tanong sa kaniya ni Red.

Hinihingal si Cyan na tumango. Dala nang sobrang pagkauhaw ay nilagok niya ang juice noon nang walang tigil. Natawa si Red sa mukha niyang naghahabol ng hangin.

"Kung ubos na, ihampas mo sa bato ang buko para makain mo ang laman." Sabi pa ni Red.

Agad ginawa iyun ni Cyan. Nilakasan niya ang paghampas dito at agad naman itong nabiyak kasabay noon ang paginom naman ni Red sa kaniyang buko. Napatingin naman si Cyan sa paraan ng paginom nito ng buko.

Nasamid ito ay may mga juice na gumuhit pababa sa kaniyang katawan. Sinundan ni Cyan ng tingin ang pagbaba ng juice mula sa labi nito pababa sa baba, tumulo sa dibdib niya hanggang sa baybayin nito ang mamasel na kabuuan ni Red. Napalagok so Cyan ng laway nang wala sa oras.

Hiningal din si Red matapos inumin ang juice. Nakangiti ito na parang batang nabigyan ng kendi. Ngumiti rin siya at nahawa sa matamis na ngiti nito.

Sabay nilang kinain ang laman ng buko habang kwento nang kwento so Cyan tungkol sa mga librong nabasa niya.

"Maiba tayo, Cyan... Paano kung uulan? Saan tayo magtatago?" Biglang singit nito sa pagkwekwento niya. Napaisip naman siya. Napatingin siya sa kalangitan, kanina'y bughaw ito at walang bakas ng paparating na ulan, ngayon ay puno na ito ng ulap at nagbabadyang uulan mamayang hapon o gabi. Swerte nalang sila kung hindi.

Tumayo siya at inanyayahan si Red na baybayin ang kagubatan para makahanap sila nang matutuluyan pag umuulan.

"Magpahinga muna tayo, Cyan." Suhestiyon ni Red. Kanina pa sila palakadlakad sa gubat. Mabuti nalang at wala silang nadaanang mga buhay-ilang.

Umupo sila sa ugat ng isang puno. Tahimik lang si Red habang si Cyan naman nakatanaw sa malayo. Napatingin si Red kay Cyan. "May problema ba, Cyan?"

Napalingon si Cyan kay Red. Ngumiti siya pero batid ni Red ay peke iyun.

"Alam mo bang natutuwa ako ngayong nandito ako sa isang islang wala sa mapa?" Natatawang wika ni Cyan, pero malungkot ang mga mata niya.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Ewan. Siguro ito ang magiging daan na mapansin ako ng mga magulang ko. Siyempre kung nawawala ako galing sa isang lumubog na barko, at walang katawang nahanap, maaring ipahanap nila ako. Magsisimula silang mag-alala sa nawawala nilang anak na hindi nila nagawa simula nung nagkamuwang ako." Tumulo ang luha sa mga niya. "Siguro... Pero 'pano kung hindi?" Napatingin siya kay Red.

"Hindi ko alam kung ano ang maaring sabihin, kasi bukod sa wala akong naaalala, eh hindi ko din naman alam kung may pamilya bang naghahanap sa akin. Malay mo, parehas lang pala tayo ng problema." Wika ni Red sabay punas ng luha sa mga mata niya.

"Matutuwa siguro ako pag ganun!" Biro pa ni Cyan.

"Ah, ganun!" Biglang tumakbo si Cyan at hinabol siya ni Red. Mahaba ang mga biyas ni Red halos maabutan na niya si Cyan. Pero sadyang maliksi si Cyan at magaling siyang magpapalit-palit ng direksyon. Tawa naman siya nang tawa sa ginagawa nilang habulan ni Red.

Napatigil si Cyan sa pagtakbo. Hindi ito batid ni Red kaya nagka-bangga sila at sabay na bumagsak sa lupa. Napahiga silang dalawa pagbagsak. Magkalebel lang mga mukha nila. Nagkatinginan sila at biglang nagtawanan.

Kapwa sila naghabol ng hininga sa paghahabulang ginawa nila. Unang tumayo si Red. "Oh, bakit ba kasi tumigil ka?" Sabi nito habang nagpapagpag. Hindi niya parin suot ang sando at naiwan lang sa may dalampasigan. Inabot niya ang kamay kay Cyan na nakahiga parin sa lupa, naghahabol ng hininga.

Nang makatayo na siya, tinuro niya ang isang malaking puno. "I guess, I found our castle."

Natawa naman si Red. "Castle talaga?" Napalingon siya sa tinuro ni Cyan, at mukhang sasang-ayun siyang isa nga itong kastilyo.

Chapitre suivant