webnovel

Lie, Rylie 21

Ryan's POV.

Hinuhusgahan tayo ng isang tao base sa ating mga nakaraan.

From: Unknown

"Ry may riot ang gang mamaya, sumama ka mamaya kapag di ka sumama ikaw ang ipapain namin."

Nagbago na ako matagal na hindi na ako nagbabasag ulo simula ng makilala ko sina Kio, Dre, Ciro, at Rylie.

To: Unknown

"Ilang beses ko bang sasabihin na ayoko na nagbago na ako mga tanga!"

Hindi ko talaga intensyon na baguhin ang sarili ko at ang mga ginagawa ko noon.

Pero habang kasama ko sila ang mga magagandang alala ang nagtulak sa akin para maging isang mabuting tao.

"Mayor nandito po kami para kausapin kayo para bawiin ng school nyo ang ang pag-expelled kay Ryan Flores, ang nakabangga ng anak nyong si Lucas," diretsang saad Kio kay Mayor Miguel.

"Sorry Mayor Miguel nadala lang ako ng galit kaya ko nagawa yun lahat ng parusa gagawin ko wag nyo lang po akong i-expel sa school na pinapasukan." Pagmamakaawa ko. Ayokong itaas ang pride ko alam ko namang kasalanan ko.

"Ano ako tanga? Akala mo ba maibabalik mo ang kondisyon ng anak kong si Lucas?"

"Pero mayor si Lucas po ang may kasalanan, nahuli siyang nakikipaghalikan sa girlfriend ni Ryan," bwelta ni Ciro.

"Wala akong pake kung sino ang may kasalanan ang anak ko ang nasaktan dito, at sino ba kayo para banggain ako kilala nyo ba kung sino ang kinakalaban nyo? Sa totoo kaya ko kayong ipapatay sa mga tauhan ko," pagbabantay niya sa amin.

Ito na yata ang karma ng lahat ng ginawa ko, sa lahat ng binugbog ko at sa muntik ko ng mapatay. Sa lahat ng gulong dinulot ko sa Iba't-ibang tao.

"Kapag hindi mo binawi ang desisyon mo, mawawala ka sa pwestong kinalalagyan mo mayor." Si Drei.

Inilabas niya ang cellphone niya at may pinalabas na audio record. Maririnig ang paguusap namin at ni Mayor Miguel kanina. Nabanggit din dito ang sinabi niyang ipapapatay niya kami.

Simula nung iniligtas nila ako pinilit kong magbago, pinilit kong magtimpi lahat ng nakaraan ko kinalimutan ko kaya natutuwa na gumagana ang pagbabago. Hindi ako makapaniwala na may magliligtas sa akin, kapag may naaapi sa gang kong dati ako agad ang susugod para bawian kung sino man ang gunggong na yun wala pang nagliligtas sa akin kapag may gulo akong pinapasok sila pa lang. Ang sarap pala mabuhay ng mapayapa yung walang gulo.

Kasalukuyan akong naghihintay ng bus na dadaan, ilang minuto na akong nakatayo dito pero wala pa ring dumadaang sasakyan. Tumingin ako sa suot kong relo para tingnan ang oras, maaga pa naman kaya hindi ako nagaalala kung maghihintay pa ako ng mas matagal.

Sa kalagitnaan ng paghihintay nakita ko si Rylie na tumatakbo sa gawi ko hinarap ko siya at nakita ko ang pagkagulat sa kanya mukha. Pabilis siya nang pabilis sa pagtakbo balak ata niya akong patumbahin.

"RYAN... TABI!"

Hindi ko namalayan na nasa sahig na kaming dalawa. Nakapatong siya sa akin at mabilis din umalis para habulin ang motor na humarurot sa amin. Tumayo ako ng mabilis para sundan siyang hingal na hingal.

"Ayos ka lang?" May pagaalala sa mga boses niya.

"Okay lang, ikaw?" Balik ko sa kanya.

"Oo ayos lang ako, may atraso ka ba na ginawa sa iba? Balak kang bungguin nung motor na nasa likod mo."

"Wala naman," Biglang nag vibrate ang cellphone at binasa ko agad ang nag-text dito.

From: Unknown

"Patikim pa lang yan, sa dating warehouse hihintayin ka namin Ry."

Napuno ng galit ang loob ko hindi ako makapaniwala sa ginawa nila sa akin. Ayoko ng magtago haharapin ko na sila.

"May problema ka ba?" Tanong niya.

"Mauna ka na sa school may pupuntahan lang ako."

"Mag-ingat ka!" Pahabol niya.

Agad ko siyang nilisan para pumunta sa dating warehouse kung saan nagpupunta ang gang na grupo ko dati para pagplanuhan ang mga gagawin bago magsimula ng gulo.

"HELLCOME HOME RY!" Bungad sa akin ng aming leader. Nakaupo siya sa pulang sofa at may dalawang alagad sa bawat pagitan. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Di'ba sinabi ko ng ayoko na ganun ba kayo kabobo HA!" Sinigawan ko sira at dumura sa sahig.

"Sino bang pinagmamalake mo? Katulad ka din namin mabuti nga, tinatawag ka pa namin gusto mo bang saktan ko ang mga tropa mo ngayon?" Pananakot niya.

"Si Kio, Ciro, Dre at Rylie... Sino kaya uunahin ko?" Pinaglalaruan niya ang kutsilyo niyang hawak habang nagsasalita.

"Wag mo silang sasaktan kung hindi papatayin kita gago ka!"

Natigilan ako dahil may Motor ba pumasok sa loob. Nag-init na ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinugod ang taong bumalak patayin ang buhay ko.

Sinugod ko siya at hinampas sa mukha gamit ang kawayang hawak-hawak ko. Tumalsik siya sa motor na sinasakyan niya at napadaing dahil sa lakas ng pagkakapalo ko.

Ambang susugudin ako ng isa pang alagad at saktong hinampas ang pagmumukha niya. Habang busy ako sa pag-atake kung sino ang susugod hindi ko namalayan na may tumakbo sa likod ko para hawakan ang magkabilang kamay ko. Napaluhod ako ng may isang lalakeng sumuntok ng sikmura ko. Napadaing ako sa sakit.

"Hayop ka! Akala mo ba maiisahan mo kami?" Sinuntok ako sa mukha ng aming leader. Hindi ako nagpatinag sa kanya dinuraan ko ang mukha niya.

Nang ibibigay na niya ang pangalawang suntok niya napapikit na lamang ako. Ito na ang katapusan ko ito na ang karma ko.

"ARAY, SHIT!" Napaupo siya dahil sa sakit habang hinahimas ang duguan niyang ulo. May bumato sa kanya patalikod.

Tiningnan ko kung sino ang tumulong sa akin.

Takte!

Anong ginagawa mo dito Rylie.

Binato niya ang dalawang lalakeng may hawak ng magkabilang braso ko kaya ako ay nakalaya. Sinuntok ko ang isa at napatumba ko agad siya. Nakita ko pa ang pagtadyak ni Rylie sa isang lalake bago ito tumumba sa sahig.

Hindi siya pang karaniwang babae mas lalake pa siya sa akin kung ibabase sa pakikipaglaban.

Hinila niya ang kamay ko at tumakbo palabas ng warehouse.

"Sino ang mga yun? Okay ka lang ba? Dire-diretso niyang tanong. Napatigil kami sa pagtakbo dahil sa kapaguran.

"Dati kong Gang, pero umalis ba ako." Hingal na hingal kong paliwanag. "Salamat rylie kung wala ka tiyak patay na ako."

"Okay lang, gamutin muna natin yang mga sugat mo sa mukha."

"Tumakas ka ng school para sundan ako?"

"Hindi kita sinundan nagbigay ka ng motibo kaya sundan kita kaya sinundan kita, tara na baka mahuli pa tayo ng mga tarantadong yun."

"Rylie, wag mong sasabihin sa tropa ang nangyare ngayon pakiusap." Ayokong magalala sila dahil sa akin. Ayoko ng maulit yung ginawa ko kay Lucas.

"Wag kang magalala, hindi ko sasabihin."

"Salamat Rylie... Salamat talaga sa pagligtas sa akin."

Sa pinakamadilim na pagkakataon ng aking buhay sinong magaakalang may anghel na baba para iligtas ang isang tulad kong demonyo.

#

Chapitre suivant