webnovel

Lie, Rylie 16

Akio's POV.

"Picture tayo guys ang ang ganda ng costume naming," masayang utos ni Ciro. Sobrang saya niya ngayon dahil may bago na namang siyang kliyente. Masaya ako para sa kanya.

Tumayo kaming lahat sa table para pumunta sa photo booth area. Hindi ako makangiti ng ayos dahil sa sinabi ni Rylie.

Hindi niya ako gusto paulit-ulit.

Pumuwesto ako sa tabi ni Ryan pero nakipagpalit din siya kaagad para asarin pa lalo ako.

"Dapat si Tinkerbell may Peter Pan, magbesfriend kayo di'ba?" Sinamaan ko siya ng tingin bago pa pa niya malingon si Rylie.

"Hmm." Tumayo lang si Rylie sa kanya.

Inutusan ni Ciro na kuhanan kami ng litrato dun sa babaeng naka wonderwoman at pumayag namin ito kay Ciro.

"1... 2... 3... Smile!" Nakangiti niyang banggit.

"You guys are cute are you in a relationship?" Nabigla ako ng ituro niya kaming dalawa.

"No," I said. Binigay na niya ang cellphone kay Ciro at umalis din kaagad.

"Patingin!" Singit ni Ryan habang nakikipagagawan para makita ang litrato.

"Picture tayo? Drei kunan mo kami ng picture pwede?" Utos ni rylie kay Drei.

"Okay." Walang gana niyang sagot.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o kung ano hindi ko kayang maging masaya ngayon.

"Ngumiti ka naman," she gave me a big smile. I tried to fake my smile in just three seconds.

"1...2...3..." Drei commanded.

Kinuha ni Rylie ang cp kay Drei at tuwang-tuwa tiningnan ang litrato namin. Hindi ko na tiningnan panigurado ang lungkot ko doon.

"Your comprehension test is on October 28, be ready."

Anunsyo ng prof namin pagkatapos niyang magklase. Masyadong mabilis lumipas ang panahon. Dalawang buwan na din at hindi pa nawawala ang nararamdaman ko kay rylie. Siya pa din naman ang katabi ko kaya mas lalong lumalala.

"Group study tayo mga tol, parang babagsak ako sa comprehension test natin," aniya ni Ryan habang naglalakad kami palabas ng university.

"Ikaw lang ang babagsak tol ibahin mo kami," pangaasar ni Ciro kay Ryan. Hinabol ni Ryan si Ciro at tangkang sasaktan ito. Agad namang nakatakbo si Ciro at nagha

"Tulungan mo ako mag-aral?" Pakiusap ni Rylie sa akin. Pag tumanggi ako sasaktan niya pag pumayag ako sasaktan niya puso ko. Aasa ako.

"May tutulungan naman sayo-" Hindi na niya pinatapos.

"Sino?" Takang-taka niyang tanong.

"Parang wala naman, sa condo ko maghahanda ako mamaya dapat kompleto tayo!" Ngumiti siya sa akin at nagpatuloy sa paglalakad. Tumango lang ako sa kanya.

Alas sais na ng gabi nang makapunta kami sa condo ni rylie. Kompleto kami sa loob, dinala ko ang nga librong pwede naming pag-aralan at mga notes na pwedeng makatulong.

Maya-maya may sarili na kaming mga mundo si Ryan ay nasa sahig hawak ang Physics book kumakamot pa sa ulo niya habang nagbabasa. Si Ciro naman ay nakaupo sa may coach habang nagbabasa ng Chemistry. Tahimik lang na nagbabasa si Drei habang nakahiga.

"Paano ba kase naging negative 12 yun!?" Hindi maipintang mukha ni Rylie. Hindi niya pa din ma-gets kung paano ko nakuha yung negative 12 bilang final answer sa mga sample problem na halos isang oras na naming pinatatalunan.

"Kayong mag-asawa pumasok na lang kayo sa kwarto, ang ingay nyo!" Inis na inis na sigaw ni Ryan sa amin. Hindi ko na siya pinansin dahil may kumatok sa labas.

Wala akong alam na may inaasahan kaming bisita. Baka si Rylie mayroong bisita ipapakilala na ba niya sa amin ang boyfriend niya? Fuck, nasasaktan ako.

Agad na pumunta si Rylie at mukhang kinikilig pa.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakaharap si Rylie sa lalake kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Nagdala ng pagkain baby."

Tama ang hinala ko siya nga ang boyfriend ni Rylie. Siya ang dahilan kung bakit nakangiti sa rylie ngayon. Siya ang dahilan kung bakit hindi siya magiging akin. Kahit kailan.

"L-lucas! Bro!" Gulat na gulat na bati ni Ciro.

Si Lucas... Si Lucas ang boyfriend ni Rylie. Anak ng isang Mayor sa Pasig. Bakit siya pa? Madami akong nababalitaan sa kanya. Manloloko yan tinalo niyan ang gf ni Ryan. Nakita ko na agad ang galit sa mukha ni Ryan habang tinitingnan ang mukha ni Ryan. Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya. Ayokong maulit ang nagyare noon ayokong mapahamak siya dahil sa galit.

"Wow! Group study may I join?" Nangaasar niyang tanong. Kaklase namin siya pero hindi ko namalayan na pinopormahan niya si Rylie.

"Sure! Dyan muna kayo ihahanda ko lang yung pagkain." Paalam ni Rylie at pumunta na ng kusina para maghanda. Sinamahan siya ni Lucas at pumayag naman siya kaagad. Mas sinasaktan niya ako sa ginagawa niya.

"Mga tol, ambangan ko na ba?" Banta ni Ryan sa amin. Gustuhin ko man siyang bugbugin ngayon pero ano idadahilan ko? Dahil selos ako, malabong dahilan yun.

"Chill, I know Rylie." Tumingin sa akin si Drei bago nagsalita. Kilala ko si Rylie hindi siya ganong babae. Hindi siya papatol sa alam niyang manloloko. Pero iba yung tumatakbo sa isip ko.

"Kung girlfriend ni Lucas si Rylie dapat alam ko wala siyang nabanggit sa akin." Depensa ni Ciro sa mga tanong na gumugulo sa isip ko.

Tinawag na kami ni Rylie para kumain. Tahimik lang akong pumunta sa table. Katabi ni Rylie si Lucas at ako ang nasa tapat ni Rylie. Ang sakit ng nakikita ko mas gusto ko na lang mabulag.

Tahimik lang kami sa pagkain, walang imiimik sa amin. Ayokong magtanong baka masaktan ako. Tanging kutsara at tinidor lang ang gumagawa ng ingay habang kumakain kami. Pagkatapos naming kumain hindi na kami nagpatuloy sa pag-aaral. Napagdesisyonan ko nang umuwi dahil hindi ko na nakakayanan ang mga nakikita ko.

"Beach na lang kaya?" Suhestiyon ni Ryan

"Baguio?" Sambit ni Ciro at siguradong-siguradong siya ang papanigan ng tropa. "Ikaw ba Drei, Rylie, Kio saan nyo gusto?"

"Kahit saan basta hindi nakakapagod." Kalmado kong sagot.

Katatapos ng ng exam namin at kinabukasan may isang linggo kaming pahinga mula sa school dahil undas. Ang limang araw namin at ilalaan namin sa aming magulang at ang dalawa ay para sa bonding ng tropa.

"Hiking?" Singit ni Drei.

"I'm in hiking too!" Sabay apir niya kay Drei.

"Astig nga yun tol," Pag sangayon ni Ryan sa sinabi ni Drei.

Kakasabi ko lang na walang extreme at hindi nakakapagod tapos aakyat naman sila ng bundok.

"Mukhang masaya nga umakyat ng bubdok, di'ba?" Ciro looked at me.

"Masyadong mapahamak Beach na lang!" Pagmamaktol ko.

"Ang KJ mo talaga," pinisil ni Rylie ang magkabilang pisngi ko.

"Okay, hiking na."

Wala na akong nagawa, hindi ko pa din masusubukang umakyat ng bundok. Interesado din ako kung ano pakiramdam sa taas.

Ciro: How are you guys?

Ryan: Tol, boring sarap makipagsuntukan sa multo.

Drei: Playing...

Rylie: Happy Holloween see you soon.

Hindi ko na nireplayan ang GC, binasa ko lang para makabalita maya-maya may nagtext sa akin.

From: Rylie

Kamusta undas?

Patay pa din sayo.

Fuck.

To: Rylie

Ayos lang ikaw?

From: Rylie

Okay lang take care see you!

Hindi na ako nag-reply dahil tinawag na ako ni mom para kumain. Kakadalaw lang namin sa puntod ng mga kamag-anak namin.

"Anak niluto ko ang lahat ng paborito mo," masayang banggit ni mom sa akin. Si Dad naman ay tinitingnan sa cellphone mga papeles siguro yun.

Tuwing hollyday lang kaming nagkakasama ni Dad madalas siyang nasa office dahil sa mga papeles na kailangan ayusin. Hindi naman ako nagtatampo nasanay na din. Tinatanong lang niya ako about sa grades at school pag magkikita kami.

"Akio, kamusta grades?" Tanong ni Dad sa akin. Alam kong tatanungin niya sa akin yun.

"1.25, is the lowest dad," kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Good Job," akala ko hindi siya matutuwa nagkamali pala ako.

Namana ko kay Dad ang pagiging mahiyain. We both not expressive person. Hindi nila ako pine-pressure sa studies ko. Ako ang nagpapahirap sa sarili ko. Ayokong madisappoint sila sa akin.

Gusto kong tuparin ang pangarap nilang dalawa, ang maging doktor.

#

Chapitre suivant