webnovel

Tracked

Sa paghihintay ni nico sa kanyang professor ay inabutan na ito ng pag agaw ng dilim sa liwanag..

Pinaghanda ng yaya ni stacy si nico ng maiinom..

Sir heto na po ang tsaa!! abot ng katulong ..

Ah maraming salamat po tita..

Tinanong si nico nito ng mga tanong na di niya inaasahan..

Sir pwede magtanung? ayos lang po ba?

Ah okay tita..ano po ba yun?

Sir may ugnayan ba kayo ni madam stacy ?

Napainom ng maraming tsaa si nico sa tanung ng katulong..

Ah wala po tita haha kaibigan ko lang siya..meron lang kasi kaming sasabihin sa ama niya na sobrang importante..

Bakit po tita?

Napansin ko kasi si madam ang saya nya ngayon.

Pag uwi kasi niyan lagi ay diretso sya sa kwarto niya..lagi... ngayon ko lang siya nakitang masaya!!

Ah ganun ba tita di aaraw arawin ko ang pagbisita dito sa kanya..dadalasan ko lagi. haha..para lagi siyang masaya. haha sabay tawa ng dalawa..

Nung oras na yun ay nasa taas ng bahay si stacy para mag palit ng damit..narinig niya amg tawanan ng dalawa..Pagkatapos makapagpalit ng damit ay dali dali itong bumaba para alamin kong bakit tumatawa si nico..

Oh anong nakakatawa nico !!!

Nabigla si nico sa kanyang nakita ..

Napabulong sa sarili nya Ang ganda nya talaga.

Nakasuot ito ng short at naka tshirt lang..

Kring kring kring!!!!!!

Yaya may tumatawag pakisagot nga ang telepono po..

ah okay po madam....

Stacy bagay sayo ang tshirt lalo ka pang gumanda..sabi ni nico..

Namula mula ang mukha ni stacy sa sinabi ni nico..

ChangeTopic hindi oras ito ng biro nico..kailangan natin pag aralan mabuti ang medallion mo at papano mo ito gagamitin...pasungit na sagot ni stacy..

"Sungit naman haha.

************

Naga alala na si stacy sa kanyang mga magulang.

Ah bakit wala pa kaya sina mama at papa ang alam ko wala naman yung pupuntahan ngayong araw...

Mam may tawag galing sa paaralan na pinapasokan ni Sir isaac..

Ah okay po yaya?!!tumawag kasi ako kanina dyan pinacheck ko kong naka out na si papa..

Ano daw sabi ni Yaya..

"Kanina pa raw naka out around 4:00 pm po madam"

ah okay yaya!thank you..

Asan na kaya sina mama at papa..

Nang biglang tawagin siya ni nico....

Punta ka dito stacy dali..

Nabigla si stacy sa kanyang nakita!!

"Nico may malapit na black hollows sa bahay"

Tinaasan ni stacy ang level ng magic shield sa bahay nila ngunit ito ay tatagal sa kunting oras lamang..

Hindi pa gaanong kalakas si stacy para kalabanin ang isang levelized na Black hollows..Patuloy parin ang pag ilaw ng medallion ni nico ...

"Masama ito Nico"Hindi na kayang tagalan ng aking kapangyarihan ang black hollows..humanda ka lang diyan..

Nang biglang kumatok at narinig ito ng kanilang katulong..

Nakita si stacy at nico ng katulong na parang takot na takot ..

Oh mga bata bakit ganyan ang itsura nyo..May tao sa labas baka sina mama papa muna yan madam stacy!!

Huwag yaya wag mong buksan"

ngunit napihit na ng katulong ang doorknob at binuksan ang pinto...

Nagtaka ang katulong kung bakit walang tao.

Wala naman tao eh" ngunit bigla itong pinaslang ng black hollows sa harapan ng dalawa..

Hindi kayang makita ng ordinaryong tao ang isang black hollows..

Ang sarap talaga pumatay ng tao katulad ng mga tao sa fos ang saya ko kapag nakikita kong ang bumubulwak na dugo nito...isusunod namin itong sasakupin.. hahaha..

Hinablot niya si stacy at silay nagtago ngunit wala parin takas ito sa black hollows... dahil tinataglay nito ang isang tracker unit ng mga hollows..

Lumabas na kayo.!!FOSIAN!!!

Hindi akalain ni nico na ganun ang mangyayari .dahil sa kanyang nakita ay bigla siyang natakot..

"stacy natatakot ako."

Wag ka maingay nico kilala na tayo ng black hollows na ito..na copy nya narin ang identity natin..

Kaya mo na bang lumaban nico?

Sa tingin ko stacy hindi.. nakakatakot ang itsura ng hollows..

Dito lang yan sa mundo ng mga tao pero sa halfworld ay anyong tao sila..

Dahil isang tracker hollows ang isang nyan ay alam niya kung asan tayo..walang saysay ang pagtatago natin..

Lumabas si Stacy at hinarap ang black hollows..

Lumabas karin binibini...alam ko na kung sino ka at ano ang tinataglay mong kapangyarihan at nasa saiyo rin ang ornament of death..

Bakit nya nalaman?naisahan kami..alam ng hollows ang tungkol sa akin ama ang di niya alam ay kung san kami nakatira..Lagot na..

Divine circle activate!!!tinawag ni stacy ang isang divine shield para ma repel ang anumang atake ng kalaban..

Huwag munang tawagin yan walang say say ang kapangyarihan mo kaysa saakin.. wahahahaha ..

Ngayon lang talaga namin ikaw sinorpresa at kasama mo pa ang wawasak samin kaharian..

Ang saya nito!!! ako ang makaka patay sa bagong hari ng Fos..

Talagang sinadya ko na wala sainyong magbabantay.. umalis ang iyong magulang diba?

Sila ay pumunta sa halfwolrld ganun din ang asawa ni diana na si NYX na gusto kong burahin !!!

Nilakasan ko ang kapangyarihan na inilagay ko sa ornament of death para matuntun ko kayo...

Nung una ay hindi ko sinunod ang utos ng hari namin kasi wala namang say say ito..Inubos ng legendary nyx at diana ang lima kong malalakas na kasama...

ngunit sakim ang aming hari..sa diko pag sunod..

Kinokontrol nito ang puso ng aking anak..!!

Pag hindi ako sumunod ay mamatay ito ng walang kalaban laban.Gusto ko ng tapusin ang paghihirap ng aking anak!!

Nagsalita si stacy

alam ko na ang anak mo ay isa sa mga estudyante sa paaralan nila nico tama ba mr hollow?

Pwedeng hindi pwedeng oo haha pero!!!!

Tumpak binibini hahahaha!!

(papa mama kailan kayo darating)

Aaminin ko hindi ko kayang durugin ang barrier sa bahay ng legendary nyx..dahil sobrang lakas nito..

matagal ko na rin sinusubaybayan ang binatang nasa tabi mo.pero hindi ko makita sa kanya ang kapangyarihan meron ang fos kahit katiting kaya hindi ko pinakialaman ang buhay niya..

Ang alam ko pa noon ay ito ay tinatago ng mag asawang nyx at diana..

Pero ngayon ay alam ko na at nasa harapan ko nalang...

"Humanda na kayong dalawa"!!!!!

Walang kwenta ang barrier mo!!binibini..

Hahahahahaha!!!!!!

Chapitre suivant