webnovel

Chapter 10

Chapter 10

I love you so much that I hate you right now,

I wish that I could blame you,

'Cause you're so damn beautiful

Napangiti ako habang tahimik kong pinapakinggan ang kanta ng sikat na banda ngayon.It's seven in the evening at nandito parin ako sa bus.Actually,dumaan pa kasi ako sa cafe na madalas kung puntahan dahil nagbabakasakali ako na makikita ko si daddy kaso ay hindi.

Muli kong dinama ang sumunod na kanta ng sikat na bandang iyon.

Lay me in the palm of your hand

I'll give you my permission

You'll always be forgiven

Such a beautiful lyrics.I never wonder why they reached they peak of fame.

Habang nasa bus ako ay maya't maya ang tunog ng cellphone ko para sa tawag ni Clifford na hindi ko pinansin hanggang sa makababa na ako sa labas ng aming village.

Nang tumuntong ako sa kalsada ay muli na akong dinapuan ng kaba kahit nakita ko naman ang dalawang gwardya na nagbabantay sa tanggapan ng aming village.

Binati ako ng mga ito at tanging tango lang ang naging sagot ko saka ako kabadong nagpatuloy sa paglalakad.

Nang medyo malayo na ako sakanila ay muli akong lumingon sakanila para magpahatid na sana sa amin kaso ay abala na ang mga ito sa pag uusap at pagtitingin sa tambak na papel sakanilang lamesa.

Ito ang hirap sa village na ito,kakaunti ang nakatira dito at kadalasan ay mga wala pang tao ang mga bahay dahil mga abala sa trabaho.Dito nakatira ang ilang kilala na mayayaman na tao sa lugar na ito.

Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang madilim na paligid maging ang mga naglalakihang bahay sa aking paligid na walang tao at mga patay ang ilaw.

Nagpatuloy ako sa paglakad kaso ay nagtindigan ang aking balahibo nang may marinig nanaman akong kaluskos kung saan kaya halos maubos na ang aking hininga dahil sa takot.

Iba ito.Tingin ko ay talagang nasa paligid at malapit lang ang nagmamanman sa akin.

Nang siguro ay tatlong bahay nalang ang layo ko sa aming bahay ay halos mamatay na ako sa takot nang may biglang nagtakip ng aking bibig mula sa aking likuran at binuhat ako papunta kung saan.

Mas kinabahan ako nang dalahin na ako nito sa may parteng mapuno at walang kabahayan ng aming lugar at pansin ko rin na...nalipad ang kumuha sa akin!

Naiiyak na ako habang halos hindi na ako makahinga dahil sa pagtaklob ng kumuha saking bibig.

May pakpak!

Nang ilapag ako nito sa sahig ay agad akong nagpumiglas at nagmadaling tumakbo kaso ay sobrang bilis nito at agad akong nahuli nito.Hinarap ko ito kaso hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sobrang dilim at idagdag pa ang namumuo kong luha kaya lumalabo ang aking paningin.

"Help!"sigaw ko saka muling nagpumiglas.

Muli akong nakawala dito at mas nakatakbo na ako lalo.Ang kaso ay mas napatakbo ako sa kagubatan kaya mas kinabahan ako nang mawala ang kumuha sa akin.

Parang umiikot na ang aking paningin dahil sa sobrang lakas ng tibok ng aking puso at sa pagod mula sa pagtakbo.

Titus,I need you, please!

Muli sana akong maglalakad palayo kaso nang humarap ako sa isang side ay nandoon na ang kumuha sa akin.Tanging malaking anino lang nito ang nakikita ko.May pakpak ito ma katulad ng kila Malachi.Ang kaibahan nito ay...may sungay ito.

Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko habang umaatras ako dahil paunti unti na ang hakbang nito.

Titus,nasaan ka na ba?!Tulungan mo ako!

Isa pang hakbang nito ay mas napalakas na ang iyak ko at doon ito natigil.

"A-ayaw ko pa mamatay."muli akong umatras at napaiyak ako lalo nang may masagi ang paa ko kaya natumba ako."Please, whoever you are,huwag mo akong patayin—"

"I just want you to talk to me again,Nobnob."

Parang sinabugan ng bomba ang aking sarili nang makilala ko ang boses na iyon.Gulat na natulala ako dito habang nakatingala ako sa napakalaking tao na ito na nakatayo sa aking harapan.

Pilit kong tinignan ang mukha nito at mas napaluha ako nang makita ko na si Cliff nga ito.Iba ang kulay ng mata nya.Pulang pula ito at kumikinang ito sa kalagitnaan ng kadiliman.

"Nobnob,kausapin—"

"Subukan mong lumapit, Clifford!"banta ko dito nang palapit na sya pero parang wala itong narinig at mas lumapit ito at mahigpit akong hiwakan sa magkabilang braso.

"I shouldn't be in love to human,pero hindi ko napigilan,Nobnob."malungkot na sabi nito at napadaing na ako dahil sobrang higpit na ng kapit nito."And you can't just left me hanging!"biglang nag iba ang tono ng boses nya at mas namula ang nito na para bang nag aapoy na.

Titus!

Utang na loob!

Nasaan kana ba?!Kailangan kita!

"I will leave you whenever I want to,Cliff!"bulyaw ko kay Clifford at halatang nagulat ito at mas nagalit at halos magliyab na ang aking braso dahil sa higpit ng hawak nito saka ako itinayo at malakas na itinulak kaya tumilapon ako sa napakalaking puno sa aking likuran.

Halos mabali na ang mga buto ko dahil rinig ko ang paglagutok ng mga ito.

Titus,nasaan ka na ba?!Kailangan na talaga kita?!He'll kill me!

Napaiyak ako lalo nang makita ko ang dugo sa akong braso maging sa aking balikat.Nadali pala ito sa sanga.

"If I can't have you,then you're better off dead!"biglang sigaw ni Cliff habang nakatayo ito medyo malayo sa akin."Tapos malalaman ko na sa hayop na Titus ka pala nasama?!Ang balita ay kayo daw!"

Nagulat ako nang tinitigan nya ako at unti unti na akong umangat mula sa lupa at tila sinasakal nya ako katulad nang ginawa sa akin noon ni Titus.

Titus,ano ba?!Wala ka ba talagang pake sa akin pag wala kang kailangan?!

Nang tingin ko ay malalagutan na ako ng hininga ay biglang nawala ang pagkakasakal sa akin at malakas ang pagkakabagsak ko sa sahig.

Nakita ko nalang na biglang tumilapon papunta kung saan si Clifford.Nakita ko rin na biglang nag apoy ang paligid kasabay ng pagtunog ng kulog at kidlat.

"Gago!"

Agad kong nakilala ang sigaw ni Titus kung saan at muling tumilapon si Clifford,ang kaso ay nakontrol na nito ang kanyang pagbagsak at nakangising humarap kay Titus.

"Oh,to the rescue ang kamahalan."sarkastiko na sabi ni Cliff kaya mas nag apoy ang paligid at tingin ko ay masusunog pati ang buong village dahil dito.

Muli kong inaninag nang maayos si Titus at nakita ko na may pakpak din ito katilad ng kay Cliff.Ang kaso ay puti ang kanya at pula ang kay Clifford.

Muli akong napadaing nang maramdaman ko ang hapdi ng aking sugat at napahiga na ako sa lupa habang pilit tinitignan sila Titus at Cliff na ngayon ay naglalaban na.

Sobrang bilis ng kilos nila at tanging mga kislap ng parang puting ilaw lang ang nakikita sa bawat galaw at pagbabanggaan nila.

Ilang sandali pa ay parang hindi ko na matagalan ang sakit ng aking buong katawan at unti unti na akong nawawalan ng malay.

Ang huli kong nakita ay ang pagkatilapon ni Clifford papunta sa malayo habang nagliliyab na ito.

"Oh my,Titus!"

"Tawagan mo, Leticia,si Ezekiel ngayon na!"

"Masusunod,kamahalan!"

Kagaya nang nakaraan,habang buhat ako ni Titus ay parang mas nagliliyab ang aking buong katawan kumpara ng halos sunugin na ako ni Clifford.

Napapakiramdaman ko ang paligid pero hindi ko maigalaw ang aking mata at buong katawan.Parang habang nasa kamay ako ni Titus ay mas nasusunog ako pero hindi ko masabi iyon dahil hindi ako makakilos!

"Titus,ibaba mo na sya!Mapapatay mo na sya!"

Bigla kong narinig ang boses ni Ezekiel at naramdaman kong kinuha ako nito sa kamay ni Titus at doon nabawasan ng kaunta ang pagliliyab ng katawan ko.

Nang makalma ang katawan ko ay doon ako nawalan ng malay sa kamay ni Ezekiel.

"Pero, bakit ganoon ang nangyayare sa anak ko pag si Titus ang may hawak sakanya?!"

Ilang oras na yata akong tulog nang marinig ko ang boses ni mommy pero hindi parin ako makagalaw tulad ng kanina.

"Titus can hold her...but not when he used his power that much."sagot ni Ezekiel.

"Pero...bakit?Eh di kung ganoon ay hindi ko naman hahayaan na mapahamak ang anak ko!"rinig ko ang paghikbi ni mommy saka ako nito hinaplos sa buhok.

Gusto ko sanang bumangon at patigilin ang pag iyak nya,kaso ay wala akong lakas.Tingin ko ay mamamatay na ako sa mga nangyare sa akin ngayong araw na ito.

"Isa lang ibig sabihin nito,Abraham."si Malachi ang umimik saka ito naglakad palapit sa akin at hinipo saglit ang aking noo."Nag co-contradict ang katawan nyo."

"Leticia,sigurado ka bang anak nyo si November?"biglang tanong ni Ezekiel na biglang nagpatigil din sa akin.

"Alipin nyo kami pero huwag nyo naman kami paghinalaan!"tila offended na sabi ni mommy."Sigurado akong tulad namin,purong tao din sya!"

"Pero...bakit ganoon?I don't get it.Nag o-over power si Titus pag nahawak sakanya pagkatapos nya gumamit ng kapangyarihan?"litong sabi ni Ezekiel."Hindi naman sya ganoon sa ibang nasa paligid nya.Kahit sa amin."

"Titus,ano bang nangyayare sayo?You can't be like that!Mapapatay mo sya pag ganyan ang epekto ng kapangyarihan mo sakanya."si Malachi.

"I don't have any idea."tipid na sagot ni Titus at rinig ko ang paglabas nito ng pinto.

Natahimik ang buong kwarto at naramdaman ko ang pag aayos ni mommy ng kumot sakin saka ako hinalikan sa pisnge.

"Malachi at Ezekiel,parang awa nyo na.Paki ingatan naman si November.I can't lose her."naiyak na sabi ni mommy .

"Huwag kang mag alala.Paniguradong may ginagawa na si Titus para hindi sya mapahamak throughout his mission."

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil muli akong nakatulog nang bumulong sa akin si Ezekiel.

"Rest, November."and with that, everything went blank.

Hindi ko alam kung ilang oras ba ang naitulog ko dahil tanghali na nang magising ako kaya agad akong bumangon at naghanda para sa pagpasok ko.Wala nang sugat sa aking buong katawan pero ramdam ko parin ang pananakita nito.

Mabilis akong kumain at nagtungo sa aking banyo para makaligo na.Walang tao ang nadatnan ko sa aming sala dahil malamang ay nag si-siesta ang mga katulong sa maid's quarter habang si mommy ay nasa company na.

Hindi ko na inalintana ang pananakit ng aking likod marahil dahil sa mahabang pagtulog ko mula kagabi.Sinugod ko rin ang kainitan papunta sa bus station at agad din naman akong nakarating sa school.

Pagkapasok ko palang sa gate ay natigil ang mga tao at tinitigan ako saka mga gulat na nagpatuloy sa mga ginagawa.

Nagtataka din naman ako sa pakikitungo nila mula nang pumasok ako pero pilit kong isinawalang bahala ang lahat iyon at nagpatuloy sa pagpasok sa aking klase.Ang kaso...

"Huh?Bakit walang klase?"taka kong tanong sa aking blockmate na nakasalubong ko sa hagdan.

"Hindi ka ba nainform bago ka pinapasok?"kunot noong tanong nito sa akin."Preparation na ngayon para sa school rally eh."kakamot kamot ito ng ulo na iniwan ako doon dahil madami itong dala karton at mga art materials.

Takang taka akong pumunta sa journ room pero wala din tao dahil nasa kanya kanyang mga kaklase daw ang mga ito.

Pupunta sana ako sa gym kaso nang matanaw ko na may nagpapractice sa soccer field kaya lumapit ako doon.Saktong time out.

Nakita ko agad si Titus na parang gulat na nakatingin sa akin habang palapit ako sakanila.Natigil ang mga kasamahan nya nang lumakad din sya palapit sa akin.Gaya ng nangyayare lagi,dumilim ang paligid.

Nang malapit na ako sa pwesto nila ay mabilis nya akong hinigit sa braso palayo sa mga kasama nyang takang taka na nakatingin sa akin.

"B-bakit ba ganon ang tingin sa akin ng mga tao?"kumamot ako sa aking ulo habang sya naman ay humalukipkip sa aking harap at pinapanood ako habang gulong gulo ako."Hindi naman na kita ang sugat ko diba?Naalis na lahat ni Ezekiel!"

Bumuntong hininga si Titus saka namewang.

"Wala si Leticia sa bahay nyo?"kunot noo nyang tanong na tinanguhan ko.

"Ano ba kasing nangyayare?Magaling naman na diba ang sugat ko—"

"Sadyang magaling na yan dahil two weeks na ginamot ni Ezekiel yan."

"Yun naman pala eh!Bakit ganon ang mga tao..."natigilan din ako nang maunawaan ko ang sinabi ni Titus."A-ano?!Anong two weeks ka dyan?! Kagabi lang ako ginamot!"

"Halika nga dito saka kumalma ka."mahinahon na hinigit ako ni Titus sa kamay.

Lahat ng mga nakakasalubong namin ay takang taka na makita kami ni Titus habang nilalakad namin ang buong hallway nang school.

Dinala nya ako sa canteen at maging doon ay pinagtitinginan kami.

"Ano bang nangyayare?!"bulong ko sakanya pero umiling sya saka ako pinaupo bago sya naupo sa tapat ko.

"You've slept for two weeks, November."bumuntong hininga muli sya saka ako tinitigan."Masyado kang naapektuhan ng mga ginawa sayo ni Clifford...at ang paghawak ko sayo noon, kaya masyadong napagod ang katawan mo dahil hindi nito kinaya ang pwersa na dumaloy sayo."

"Ano?!"napasigaw ako kaya mas pinagtinginan kami.

"November,calm down please.Ayaw ko muna gumamit ng kapangyarihan at baka masaktan ka nanaman!"pakiusap nya.

Pinakatitigan ko sya at doon ako muling kumalma at naupo na uli.

He really is my peace,huh.

TO BE CONTINUED.